Kabanata 34

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Kabanata 34

Ang Kasal ni Paulita


Naglalakad si Basilio ganap na ikapiti ng gabi . Pinag-iisipan niyang mabuti ang
mga kailangang gawin . Nanggaling siya sa bahay na tinuluyan ng kaibigang si Isagani at
nalaman niyang hindi pa ito umuuwi . Doon sana niya nais makituloy kahit pansamantala
sapagkat wala siyang salapi. Ang tanging mayroon siya ay ang ibinigay na rebolber ni
Simoun. Hindi mawala sa kanyang isip ay ang tungkol sa lampara at kinikilabutan siya tuwing
maiisip ang kasawiang idudulot niyon sa mga tao . Naalala niya ang bilin ni Simoun na
lumayo siya sa Kalye Anloague kung saan naroon ang dating tahanan ni Kapitan Tiago . May
magaganap na kasayahan sapagkat doon idaraos ang piging ng kasal nina Paulita at
Juanito . Nakita ni Basilio nang dumating ang karwahe ng bagong kasal kung saan Iulan sina
Paulita at Juanito. Si Paulita ay nakabelo at nakadamit pangkasal . Napabulalas si Basilio ng
Kaawa-awing Isagani ! Ano kaya ang nangyari sa kanya . Nagunitang muli ni Basilio ang
pagkabilanggo , ang kabiguan sa pag-aaral at ang mga nangyari kay Juli . Nakita ni Basilio na
dumating na si Simoun dala ang isang regaling nakabalot. Naglalakad ito at kasunod ng tila
prusisyon ng mga tao . Naroon din ang kutsero ni Simoun na si Sinong .Naglakad si Basilio
patungong Kalye Anloague sapagkat doon ang tungo halos ng lahat ng bisita . Ang KapitanHenaral na siayng ninong ay hindi nagpunta ng simbahan subalit dadalo naman sa hapunan ,
dala ang isang tanging ilawang handog naman ni Simoun . Masayang-masaya si Don Timoteo
Pelaez na ama ni Juanito . Higit pa sa pinapangarap niya ang pangyayaring iyon na bumagsak
mula sa langit ang isang napakaliking suwerte sa buhay nilang mag-ama . Sa mga oras na
iyon ay bisita niya ang lahat ng importanteng tao sa Maynila at si Simoun ay may handog na
pambihirang regalo para sa bagong kasal . Nagkaroon ng malaking pagbabago sa dating
bahay ni Kapitan Tiyago . Inilabas ang pinakamagandang plato , kubyertos at mga
kasangkapang babasagin para sa handaan . Ang mga dakilang panauhin at mga diyusdiyusan ay nasa malaking mesa na nakalagay sa asitea . Sadyang hinanap ni Don Timoteo
ang pinakamasasarap at pinakamamahalin upang ihain sa mesang iyon . At kung sasabihin
lamang ng Kapitan Heneral na ibig nitong kumain ng tao ay tiyak na gagawa ng isang
malaking krimen si Don Timoteo.

You might also like