Filipino Quotes

Quotes tagged as "filipino" Showing 1-30 of 143
Bob Ong
“Nakalimutan na ng tao ang kabanalan n'ya, na mas marami pa s'yang alam kesa sa nakasulat sa Transcript of Records n'ya, mas marami pa s'yang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume n'ya, at mas mataas ang halaga n'ya kesa sa presyong nakasulat sa payslip n'ya tuwing sweldo. ”
Bob Ong, ABNKKBSNPLAKo?!

Ricky Lee
“Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. Iibig nang di natututo. O iibig sa wala. O di iibig kailanman.”
Ricky Lee, Para Kay B

Bob Ong
“Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko. ”
Bob Ong, ABNKKBSNPLAKo?!

Bob Ong
“Pilipino ako, sapat nang dahilan `yon para mahalin ko ang Pilipinas.”
Bob Ong, Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino?

Bob Ong
“Kung ibibigay mo sa akin ang puso mo, paano ka?"

"Hahatiin ko ito para sa ating dalawa. Ang kalahati ay para magmahal ka. Ang matitira ay para mahalin kita.”
Bob Ong, Si

Nick Joaquín
“The identity of the Filipino today is of a person asking what is his identity.”
Nick Joaquín, Culture and History

Bob Ong
“Nasasaktan ako dahil sa kabila ng lahat, mahal ko ang Pilipinas.”
Bob Ong, Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino?

Lualhati Bautista
“Sabi ng nanay ko, 'yan daw totoo... di raw dapat ikahiya!"

"E kung magnanakaw ka, di mo ikakahiya?"

"Sabi ng nanay ko, kung ikakahiya mo... h'wag mong gagawin!”
Lualhati Bautista, Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?

Lualhati Bautista
“Hindi achievement ang tawag ko sa gano'n. Suwertihan lang 'yong ipinanganak ka nang maganda. Ang achievement e something you work hard to attain.
Lualhati Bautista, Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?

Bob Ong
“Kung hindi malaya ang bagay na may buhay, dapat man lang sana ay malawak ang kinalalagyan nito," sabi ko.

"Pero kulungan parin ang kulungan, gaano man ito kalaki," sagot n'ya.”
Bob Ong, Si

Bob Ong
“Nakayanan n'yang bumangon, hindi ko pagdududahan ang kakayahan n'yang lumipad.”
Bob Ong, Si

Lualhati Bautista
“Totoong mahal pa rin ang galunggong at wala pa ring makain ang mga nagtatanim ng bigas. At iyon mismo ang dahilan kaya patuloy ang pagtatanim ng mga pangarap... patuloy ang pagsulong ng mga adhikain. Pero hindi isang lipunan ng mga desaparesido ang nalikha ng lahat ng pakikipaglaban... kundi isang buong magiting na kasaysayan.”
Lualhati Bautista

Genoveva Edroza Matute
“Sa winikang nanulay na
Sa panulat o hininga
Ay wala nang hahapis pa
Sa salitang “sana”… sana”
Genoveva Edroza-Matute

Luisa A. Igloria
“Inevitably, though, there will always be a significant part of the past which can neither be burnt nor banished to the soothing limbo of forgetfulness— myself. I was and still am that same ship which carried me to the new shore, the same vessel containing all the memories and dreams of the child in the brick house with the toy tea set. I am the shore I left behind as well as the home I return to every evening. The voyage cannot proceed without me.”
Luisa A. Igloria

Nick Joaquín
“Before 1521 we could have been anything and everything not Filipino; after 1565 we can be nothing but Filipino.”
Nick Joaquín, Culture and History

Lualhati Bautista
“Para kay Lea, maruming tingnan ang isang batang naka-make up at lipstick. Imbis na makaganda'y sinisira nito ang kalinisan ng isang batang mukha. Nilalagyan ng anyo ng kamunduhan at karanasan.”
Lualhati Bautista, Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?

Lualhati Bautista
Look what's happening around us: war, hunger, poverty, epidemics... tapos, ang iniisip natin, pagandahan? My God, Pilar; ang importante sa tao'y ang kabuuan niya bilang tao... hindi kung maganda ba ang mukha niya o makinis ba ang kanyang binti!”
Lualhati Bautista, Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?

Yanan Melo
“Our forefathers were heroes. But why were they heroes? Because they fought for democracy. They fought for the life and liberty of the Filipino people. They fought for our independence, our freedom. They fought against tyranny, totalitarianism, and dictatorship. They fought for us and that is something we must be grateful for.”
Yanan Melo, Naaalala Niyo Ba Ang Noli Me Tangere?

Khayri R.R. Woulfe
“English is a language, not a measure of intelligence. (Howard Gardner would argue the otherwise.) Filipino/Tagalog is a language, not a measure of patriotism.”
Khayri R.R. Woulfe

Lualhati Bautista
“Iyan ang hirap sa usapang ito. Ano ba naman ang kamuwangan ng mga pipituhing taon sa mga beauty contests? Laro lang ang tingin nila sa lahat ng bagay at komo laro, gagawin lang nila pag gusto nila. Pag nasa mood sila.

Karaniwan na ina lan ang may gustong mapalaban ang anak nila, masabing kabilang ito sa magaganda maging ang pinakamaganda kung maaari. Baya'n mo Baya'n mong mabilad siya sa init, mapagod siya, lagnatin siya, sipunin siya. Gusto ng nanay ang tropeo, gusto ng nanay ang karangalan.”
Lualhati Bautista, Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?

Bebang Siy
“Ang magagandang panaginip, walang karugtong, walang katapusan. Kaya dapat, hindi dinudugtungan, para habambuhay na lang na maging isang napakagandang panaginip.”
Bebang Siy, It's Raining Mens

Rodrigo Duterte
“We cannot move forward if we allow the past to pull us back.”
Rodrigo Duterte

Lualhati Bautista
Klik! Anak ko 'yon! Hahahaha! Mga kaibigan, si Maya ko 'yon! Klik! Narinig n'yo ba? Anak ko 'yon!

Klik! Klik!

Anak ko sa labas. 'Yong batang konti ko nang tinunaw no'ng araw. Kundi ko lang naisip na lahat ng bata'y kailangang bigyan ng pagkakataong maging tao.”
Lualhati Bautista, Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?

“It is wrong to declare that we do not have a culture of our own. Natabunan lang o submerged ng napakaraming impluwensiyang banyaga ang ating magagandang pagpapahalaga. Ang epekto: hirap na hirap tayong unawain kung sino ba talga ang tunay na tayo. Para malaman ang ating tunay na pagka-Pilipino, ang daming kailangang hukayin at tanggalin sa ating isipan at gawi. Para kang nagbabalat ng sibuyas. AT habang nagbabalat, hindi mo maiwasang maiyak dahil maraming masasakit na pagbabago ang kailangang gawin.”
Rei Lemuel Crizaldo Ronald Molmisa

Rei Lemuel Crizaldo
“History does not repeat itself. It is men who never learned from the past who repeat history.”
Rei Lemuel Crizaldo, Pinoy Big Values

Bebang Siy
“Pero ipinapangako ko, alam mo, pag naabutan kita, hindi na kita pakakawalan. Yayakapin kita, hahalikan sa buong katawan, pagsasawain ko talaga ang mga labi ko. Tapos ikukulong kita sa aking matagal ding naghihintay na mga palad. Nanamnamin ng bawat daliri ko ang bawat balahibo mo. Hahaplusin kita nang hahaplusin. Pagkatapos, dahan-dahan kong pipilipitin ang leeg mo. Pipilipitin ko ito nang pipilipitin hanggang sa mapugtuan ka ng hininga. Buong poot kong isisiwalat sa mundo: hayop kang kuneho ka.

Hayop.”
Bebang Siy, It's Raining Mens

Lualhati Bautista
“Anu't anuman, dito naganap ang mga unang pangamba ko, na ang anak ko'y hindi na isang estudyante sa loob ng kampus...unti-unti'y nagiging bahagi na rin siya ng mas malawak at balisang lipunan, ng mga bagong tao ng ngayon na siyang magpapasiya ng bukas: isang malinaw na mata at tainga at tinig ng kanyang panahon.”
Lualhati Bautista, Dekada '70

“Ang relationship, parang flappy bird...
Hindi mo ito pwedeng basta-basta nalang bitawan.”
Prince Henry Chiong

Danabelle Gutierrez
“My tongue was handed down to me
by datus and katipuneros. The truth is
my mouth is a battlefield that
you wouldn’t know how to fight in.”
Danabelle Gutierrez, & Until The Dreams Come

F. Sionil José
“Shit!" I shouted at him. "Now listen, my friend. The youth have no role. They have no jobs. They have no money. They are not in power and they do not make decisions. If there is going to be a war, they will be dumped into the army. And they will be killed like young men everywhere have been killed - whether or not they believe in the war. Having no role is their role.”
F. Sionil José

« previous 1 3 4 5