Pumunta sa nilalaman

Ruy López de Segura

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ruy López de Segura
Pangalan Rodrigo López de Segura
Bansang pinanggalingan Espanya Espanya
Kapanganakan c. 1540
Kamatayan c. 1580 (edad c. 40)

Si Rodrigo (Ruy) López de Segura (c. 1540 – 1580) ay isang paring Espanyol (kinalauna'y naging obispo) na sumulat ng Libro de la invención liberal y arte del juego del Axedrez ang isa sa mga kaunaunahang aklat ng ahedres sa Europa, pagkatapos ng aklat ni Pedro Damiano.

Ipinanganak siya sa Zafra malapit sa Badajoz, maaring may lahing Hudyo, at nag-aral at nanirahan sa Salamanca. Siya ang sinasabing kauna-unahang impormal na kampeon ng ahedres, dahil sa tagumpay niya sa unang makabagong torneo sa Madrid. Naipasa niya ang titulo kay Leonardo di Bona, isang Romanong mambabatas.

Ang pagbubukas ni Ruy Lopez ay ipinangalan sa kanya, kagaya ng isang linya sa Depensa ni Petroff: 1. e4 e5 2. Nf3 Nf6 3. Nxe5 Qe7.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.