Pumunta sa nilalaman

Eksoplaneta

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Time-lapse of exoplanets orbit motion
Apat na eksoplanetang umiinog sa isang bituin na (HR 8799).

Ang eksoplaneta (mula sa Kastila: exoplaneta; Ingles: exoplanet) o planetang ekstrasolar ay isang planetang umiinog sa isang bituin sa labas ng sistemang solar. Kabilang ito sa isang sistemang planetaryong hindi ang sistemang solar. Ang kauna-unahang ebisensiya ng pag-iral ng eksoplaneta ay napansin noong 1917 ngunit nakalilalang gayon. Ang kauna-unahang kompirmasyon ng pagtukoy nito ay nangyari noong 1992. Ang isa pang planeta na nakita noong 1988 ay nakumpirma noong 2003. Noong Hulyo 2022, may mga 5,100 kompirmadong eksoplaneta sa 3,799 sistemang planetaryo na may 826 sistemang may higit sa isang planeta. May iba't ibang paraang upang matukoy ang mga eksoplaneta. Ang potometriyang transit at spektroskopiyang Doppler ang nakahanap ng karamihan ngunit ang mga pamamaraang ito ay dumaranas ng maliwanag na pagkiling sa pagmamasid na pumapabor sa deteksiyon ng mga planetang malapit sa isang bituin kaya ang 85 porsiyento ng mga eksoplaneta ay natuklasan sa loob ng isang nakakandadong sonang tidal. Sa ilang mga kaso, ang maraming mga planeta ay napagmasdan na umiinog sa isang bituin. Ang 1 sa 5 ng mga tulad ng araw (astronomiya) na bituin ay may planetang kasinglaki ng planetang mundo(earth) sa sonang matitirhan ng buhay. Sa pagpapalagay na may 200 bilyong bituin sa Milky way, maaaring ma-hipotesis na may 11 bilyong mga planetang tulad ng mundo na matitirhan ng buhay sa Milky way at tataas pa sa 40 bilyong kung ang mga planetang umiinog sa mga pulang unano ay isasama.