Pumunta sa nilalaman

Dibuho

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang dibuho ay isang larawang iginuhit nang mabilis sa kamay lamang at kadalasang hindi madalas na sinasadya bilang isang tapos na gawa.[1] Ang dibuho ay maaaring gamitin sa iba’t ibang paraan: ito ay maaaring itala ang isang bagay na nakikita ng isang artista, ito ay maaaring ipangtala o para payabungin ang isang ideya para magamit sa hinaharap, o di kaya'y ito ay ginagamit bilang isang mabilis na paraan upang maisalarawan ng biswal ang isang imahen, ideya o prinsipyo.

Ang mga dibuho ay maaring gawin sa kahit anong materyal sa pang-guhit. Ang salitang "dibuho" ay pangkaraniwang tumutukoy sa mga biswal na gawain kung saan ginamit ang tuyong medyum tulad ng silverpoint, grapayt, lapis, uling, o pastel. Subalit ito'y maaaring tumukoy sa mga larawang kung saan ginamit ang panulat at tinta, bolpen, watercolor, at oil paint (pinturang langis). Ang dalawang huli ay karaniwang tinatawag na watercolor sketch at oil sketch. Maaaring imodelo ng isang iskultor ang mga tatlong-dimensyon na dibuho sa luad, plasticine, o waks.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Diana Davies (patnugot), Harrap's Illustrated Dictionary of Art and Artists, Harrap Books Limited, (1990) ISBN 0-245-54692-8 (Sa Ingles)