BEC Maintenance Dec 11 2021 For Upload

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

Opening Prayer

Gospel, Lk
3:10-18
Noong panahong iyon: Tinanong si Juan Bautista
ng mga tao, “Kung gayon, ano po ang dapat
naming gawin?” “Kung mayroon kang dalawang baro, bigyan
mo ng isa ang wala. Ganyan din ang gawin ng mga may
pagkain,” tugon niya. Dumating din ang mga publikano upang
pabinyag at itinanong nila sa kanya, “Guro, ano po ang dapat
naming gawin?” Sumagot siya, “Huwag kayong sumingil nang
higit sa dapat singilin.” Tinanong din siya ng mga kawal, “At
kami, ano naman ang dapat naming gawin?” “Huwag kayong
manghihingi kaninuman sa pamamagitan ng pamimilit o ng
pagpaparatang ng di totoo; masiyahan kayo sa inyong sahod,”
sagot niya.
3:10-18
Naghahari sa mga tao ang pananabik sa pagdating
ng Mesiyas at ang akala ng marami’y si Juan ang
kanilang hinihintay. Kaya’t sinabi ni Juan sa kanila, “Binibinyagan ko
kayo sa tubig, ngunit ang darating na kasunod ko ang magbibinyag sa
inyo sa Espiritu Santo at sa apoy. Siya’y makapangyarihan kaysa akin, at
ni hindi ako karapat-dapat magkalag ng tali ng kanyang panyapak.
Hawak niya ang kanyang kalaykay upang alisin ang dayami. Titipunin
niya ang trigo sa kanyang kamalig, ngunit ang ipa’y susunugin sa apoy
na di mamamatay kailanman.” Marami pang bagay ang ipinangaral ni
Juan sa mga tao sa kanyang paghahayag ng Mabuting Balita.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon!


Lahat: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo!
Ilang mga saloobin sa banal na kasulatan sa
araw na eto

ADBIYENTO:
PANAHON PARA MAGALAK SA PANGINOON
Ilang mga saloobin sa banal na kasulatan sa
araw na eto

• Ang sitwasyon ngayon ay di malayo sa panahon ni Juan


Bautista. Nabubuhay tayo sa isang lipunang tinatampukan
din ng katulad na kasiraang moral at mga bisyo. Mga tao’y
patuloy pa ring sakim, makasarili, mapusok, . . . At nariyan
ang tuksong makita ang ganitong kasiraa’t pagkukulang sa
iba.
• Kailangan ang pagbabago sa ating mga saloobin at mga
pagpapahalaga na siyang nasa ugat ng ating mga pag-uugali.
Tiyak at walang dudang ang lipunan ay magsisimulang
bumuti sa sandaling magsimula tayong magpakabuti.
Ilang mga saloobin sa banal na kasulatan sa araw na
eto

• Inaanyayahan tayo ng liturhiyang magalak. Bagamat marami


tayong dahilan para malungkot dahil sa napakaraming pagdurusa
dulot ng COVID-19, karahasan, at pagkamuhi sa buong mundo,
ayon kina Propeta Sofonias at Apostol Pablo, nakararami pa rin
ang dapat nating ikagalak. Sa lahat ng ganitong pagsubok, di tayo
nag-iisa: MALAPIT ANG PANGINOON! KASAMA NATIN ANG
PANGINOON! Malapit siya bilang isang makapangyarihang
tagapagligtas at isang masuyong kaibigan na handang makihati sa
mga pasanin nating kalungkutan upang gawin tayong kabahagi sa
kanyang manang kaligayahang walang hanggan.
Ilang mga saloobin sa banal na kasulatan sa
araw na eto

•Ang Adbiyento din ay isang


napakahalagang pagkakataon para
magsimula tayong bumaling sa tamang
direksiyon. Maitatanong din natin,
gaya ng mga nagsilapit kay Juan – “Ano
ang dapat nating gawin?”
Ilang mga saloobin sa banal na kasulatan sa
araw na eto

• Bilang tugon sa ganitong nakalulugod na mensahe,


inaasahan tayong tumupad sa ating dapat gampanan. Sa
ating pagtalima sa paanyaya ni Juan Bautista, tayo’y dapat
na maging bukas-palad sa mga kapatid nating
nangangailangan, tapat sa pakikitungo sa ating kapwa, at
maging kasangkapan ng masuyong kalinga ng Diyos para
sa lahat. Ito ang mga pangunahing kundisyong
kinakailangan nating gawin kung talagang nais nating
lumigaya sa Panginoon.
Day by day with Delia…

"Walang
kasinghalaga ang
kapayapaan at
kagalakan ng
kaluluwa."
•Paano ako makikipagtulungan sa misyon
ni Hesus sa panahon ngayon?

•Ano ang dapat kong gawin bilang alagad


ni Kristo para maisabuhay ko ang
kanyang mga Salita?
Panalangin ng Bayan
Leader:
Sa gabay ng mga pangaral ni Juan
Bautista, napagtanto natin nang
malinaw ang pangangailangan sa
pagbabalik-loob at sa ating
kahinaang magkaroon nito. Hilingin
natin ang tulong ng Panginoon sa
taimtim nating panalanging:

Sagot: Panginoon, bigyan Mo kami ng bagong


kalooban!
Response: Panginoon, bigyan Mo kami ng
bagong kalooban!

 Para sa Simbahang Panlahat, sa Santo Papa at iba pang


mga pinuno nito: Nawa matagumpay nilang maitaguyod sa
ating panahon ang misyon ni Juan na akayin ang mga tao
para magbalik-loob. Manalangin tayo!
 Para sa mga natutuksong maghanap ng kaligayahan nang
malayo sa Panginoon: Nawa alalahanin nilang nasa
pagtupad lamang ng kalooban ng Diyos ang kagalaka’t
kalayaang walang hanggan. Manalangin tayo!
Response: Panginoon, bigyan Mo kami ng
bagong kalooban!
 Para sa mga Kristiyanong inuusig dahil sa kanilang
pananampalataya: Nawa ay tumindig sila ng matatag at
hindi panghinaan ng loob, pinatatatag ng pagpapala ng
Diyos at mga panalangin at suporta ng lahat ng bansa.
Manalangin tayo!
 Para sa mga malapit ng mamatay: Nawa ay maging handa
silang harapin ang Banal na Hukom na may tapat na
pagsisisi sa kanilang mga kasalanan at pakumbabang
pagtitiwala sa kanyang awa. Manalangin tayo!
Response: Panginoon, bigyan Mo kami ng
bagong kalooban!
 Tahimik nating ipanalangin ang ating mga pansariling
kahilingan.

(Tumigil saglit.)

Manalangin tayo!
Leader:

Diyos ng liwanag, itulot Mong


ang aming asal ay maging
laging alinsunod sa
Ebanghelyo ng buhay naming
ipinahahayag at
pagpapatotoo kay Hesus, na
siyang bukal ng aming
kagalakan, at siyang
nabubuhay at naghahari
magpakailanman
All – Amen!
Panalangin Para sa May Kaarawan
Panginoong Diyos, pagpalain Mo po si Arniel,
sa kanyang kaarawan at sa mga susunod pang
araw ng kanyang buhay. Ilayo Mo po siya sa
kapahamakan habang nilalakbay niya ng
kalsadang kanyang napiling daanan. Bigyan
Mo po siya ng lakas ng katawan at kalooban
upang makasunod sa liwanag ng iyong
kapangyarihan at upang madama niyang lagi
ang dakila mong pag-ibig.
Panalangin Para sa May Kaarawan
Palakasin mo po ang kanyang pag-iisip upang
makagawa ng mga magaganda at tamang
pagpapasya sa anumang krus na daang
kanyang makikita. Ilayo mo po siya sa
anumang sakuna, karamdaman at kalungkutan
sapagkat siya ay isang mabuting anak na
nagpipilit sumunod sa iyong kalooban.
Nararapat lamang na siya ay maging maligaya
at magtagumpay sa kanyang mga gawain at
balakin.
Panalangin Para sa May Kaarawan

Alam po naming ang buhay ay parang aklat.


Sa karagdagang pahina ng kanyang buhay ay
karagdagan din naman ng kanyang kaalaman
at pananampalataya. Pagpalain ninyo si Arniel
at ang kanyang pamilya ngayon at sa
hinaharap na panahon.

Amen.
Closing Prayer

You might also like