5 Linggo Pagkaraan NG Epipanya

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Panahon B | VOL.

VIII | Luntian | Ika-4 ng Pebrero 2018

IKALIMANG LINGGO
PAGKARAAN NG EPIPANYA

PANIMULA
Namumuno Nagsimula na ang pakikibaka ni Hesus,
pakikibaka upang maligtas ang lahat sa anumang
uri ng kasalanan, mapagaling sa ating mga
karamdaman at matuto sa Kanyang aral. Tayong
lahat ang laman ng Kanyang isipan, at kabahagi
Niya tayo sa pagsulong ng Kanyang kampanya na
makapagpagaling din sa iba sa anumang paraan.
At dahil dito, naisasakatuparan natin
magpahanggang-ngayon ang Kanyang nasimulan.
Naipapatupad natin ang Kanyang mga mithiin
noong Siya’y naririto pa sa lupa. Ito ang tatak ng
pagiging tunay na Kristiyano.
Tatayo ang lahat sa pagsisimula ng Banal na Misa.
PAMBUNGAD NA PANALANGIN

1
Pari/Diyakono Magpalang Diyos ng kalayaan: palayain
Mo po kami mula sa pagkaalipin sa aming
mga kasalanan at ipagkaloob Mo po sa
amin ang kalakasan ng pananampalataya
sa pagsunod sa Iyong kagustuhan upang
aming mapaglaban ang sarili naming mga
kahinaan; sa pamamagitan ng Iyong Anak
at aming Tagapagligtas na si Hesukristo;
na nabubuhay at naghaharing kasama Mo
at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon
at magpakailanman. Amen.
Uupo ang lahat upang pakinggan ang mga pagbasa.
UNANG PAGBASA |Isaias 40:21-31|
Namumuno Sa unang pagbasa, binabanggit ni propeta Isaias
sa bayan ng Israel na ang mundo’y pag-aari ng
Diyos. Walang sinumang namumuno o hari na
makapagsasabing na sa kanya ang lahat ng
bagay dito sa lupa. Ipinararating niya na tayo’y
parang mga langgam lamang sa paningin ng
Panginoon; marupok, mahina at walang
kakayahang akuin na siya ang lumikha sa
anumang naririto sa lupa.
Tagabasa Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias.

Di ba ninyo batid, sa mula’t mula ba’y walang nagbalita sa


inyong sinuman kung paano nilalang itong daigdigan? Ang
lumikha nito ay ang Diyos na nakaluklok sa kanyang trono
doon sa kalangitan, mula roon ang tingin sa tao’y tulad lang ng
langgam. Ang langit ay iniladlad niyang tulad ng kurtina, tulad
ng tolda, na inilaladlad upang matirahan. Ang mga pinuno’y
iniaalis niya sa kapangyarihan at ginagawang walang
kabuluhan. Tulad nila’y mga halamang walang ugat, bagong
tanim agad natutuyo at tila dayaming tinatangay ng hangin.
Saan ninyo ngayon ipaparis ang Diyos? Siya’y kanino itutulad?
Tumingin kayo sa sangkalangitan, Sino ba ang lumikha ng mga
2
bituin, sino ba ang sa kanila’y nagpapakilos at isa-isang
tumatawag sa kanilang pangalan? Dahil sa kanyang
kapangyarihan, isa ma’y wala siyang nakaligtaan. Israel, bakit
ikaw ay nagrereklamo na tila di alintana ni Yahweh ang
kabalisahan mo, at tila di pansin ang iyong kaapihan? Di ba
ninyo alam, di ba ninyo talos, na itong si Yahweh ang walang
hanggang Diyos? Siya ang lumikha ng buong daigdig, Hindi siya
napapagod; sa isipan niya’y walang makatatarok. Ang mga
mahina’t napapagal ay pinalalakas. Kahit kabataan ay
napapagod at nanlulupaypay. Ngunit ang nagtitiwala kay
Yahweh ay magpapanibagong sigla. Ang lakas nila’y matutulad
sa walang pagod na pakpak ng agila. Sila’y tatakbo nang
tatakbo ngunit di manghihina, lalakad nang lalakad ngunit
hindi mapapagod.
Tagabasa Ang salita ng Panginoon.
Bayan Salamat sa Diyos.
SALMONG TUGUNAN |Awit 147|
SI YAHWEH AY PURIHIN; SIYA AY NAGPAPAGALING!
Namumuno Purihin si Yahweh! O kay buti ng umawit at
magpuri sa ating Diyos, ang magpuri sa kanya’y
tunay na nakalulugod. Ang Lunsod ng Jerusalem,
muli niyang ibabalik, sa kanyang mga lingkod, na
natapon at nalupig. TUGON.
Namumuno Yaong mga pusong wasak ay kanya ring
lulunasan, Ang natamo nilang sugat, agad-agad
tatapalan. Alam niya't natitiyak ang bilang ng
mga tala, Isa-isang tinatawag, yaong ngalang
itinakda. TUGON.
Namumuno Si Yaweh na ating Diyos ay dakila at malakas, ang
taglay n’yang karunungan, ay walang
makasusukat. Yaong mapagpakumbaba'y siya
niyang itataas, ngunit yaong mapaghambog sa
lupa ay ibabagsak. HULING TUGON.

3
IKALAWANG PAGBASA |I Corinto 9:16-23|

Namumuno Ang ipinahahayag ni San Pablo ukol sa kanyang


pagsunod sa Diyos ay ang kanyang senseridad na
maipahayag ang Mabuting Balita sa mga tao.
Senseridad na ang paglilingkod na tunay ay hindi
nangangailangan ng anumang kapalit, bagkus ito
ay bukal sa kaloobang ipagkaloob sa Diyos at
gayundin ang samahan ang Panginoon sa
kanyang mga layunin.
Tagabasa Pagbasa mula sa unang sulat ni San Pablo sa
mga Taga – Corinto.
Hindi ngayo't nangangaral ako ng Mabuting Balita ay maaari na
akong magmalaki. Iyan ang tungkuling iniatang sa akin. Sa aba
ko, kung hindi ko ipangaral ang Mabuting Balita! Kung
ginagawa ko ito sa sarili kong kalooban, ako’y may
gantimpalang hihintayin; ngunit ginagawa ko ito bilang
pagtupad sa tungkulin sapagkat ito’y ipinagkatiwala sa akin.
Ano ngayon ang aking gantimpala? Ang maipangaral ko nang
walang bayad ang Mabuting Balita at ang di ko pagkuha ng
nauukol sa akin bilang tagapangaral. Malaya ako at di alipin
ninuman; ngunit napaalipin ako sa lahat upang makahikayat
ako ng lalong marami, sa piling ng mga Judio, ako’y nag-asal-
Judio upang mahikayat ko sila. Bagamat hindi ako saklaw ng
Kautusan, napailalim ako rito samantalang kasama ko ang mga
nasa ilalim ng Kautusan upang mahikayat ko sila. Sa piling
naman ng mga Hentil, na di saklaw ng Kautusan ni Moises,
ako’y naging parang Hentil-di saklaw ng Kautusan- upang sila’y
mahikayat ko rin. Hindi ito nangangahulugang hindi ko
sinusunod ang mga utos ng Diyos, sapagkat ako’y nasa ilalim ng
kautusan ni Kristo. Sa piling ng mahihina, ako’y naging gaya ng
mahihina upang mahikayat ko sila. Ako’y nakibagay sa lahat ng
tao upang ang ilan man lamang ay mailigtas ko, kahit sa anong

4
paraan. Ginagawa ko ang lahat ng ito alang-alang sa Mabuting
Balita, upang makabahagi ako sa mga pagpapala nito.
Tagabasa Ang salita ng Panginoon.
Bayan Salamat sa Diyos.
Tatayo ang lahat sa Banal na Ebanghelyo ng Panginoon.
EBANGHELYO |Marcos 1:29-39|
Namumuno Aleluya! Aleluya! “Ginagawa ko ang lahat
ng ito alang-alang sa Mabuting Balita,
upang makabahagi ako sa mga pagpapala
nito! Aleluya! Aleluya!
I Corinto 9:23

Diyakono/Pari Ang Panginoon ay Sumainyo.


Bayan At sumaiyo rin.
Diyakono/Pari Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon
kay San Marcos.
Bayan Luwalhati sa Iyo, Panginoong
Hesukristo.
Kung may insenso, magsusuob nito.
Mula sa sinagoga, sila’y nagtuloy sa bahay nina Simon at
Andres. Kasama nila sina Santiago at Juan. Nararatay noon ang
biyenan ni Simon Pedro, dahil sa matinding lagnat, at ito’y agad
nilang sinabi kay Hesus. Nilapitan ni Hesus ang babae,
hinawakan sa kamay at ibinangon. Noon di’y inibsan ito ng
lagnat at naglingkod sa kanila, pagkalubog ng araw, dinala kay
Hesus ang lahat ng maysakit at ang mga inaalihan ng demonyo,
at nagkatipon ang buong bayan sa may pintuan ng bahay.
Pinagaling niya ang maraming maysakit, anuman ang kanilang
karamdaman at nagpalayas siya ng mga demonyo. Hindi niya
hinayaang magsalita ang mga ito, sapagkat alam nila kung sino
siya. Madaling araw pa’y bumangon na si Hesus at nagtungo sa
isang ilang na pook at nanalangin. Hinanap siya ni Simon at ng
kanyang mga kasama. Nang siya’y matagpuan, sinabi nila,
"Hinahanap po kayo ng lahat." Ngunit sinabi ni Hesus,
5
“Kailangang pumunta rin naman tayo sa mga kalapit-bayan
upang makapangaral ako roon-ito ang dahilan ng pag-alis ko sa
Capernaum." At nilibot niya, ang buong Galilea, na nangangaral
sa mga sinagoga at nagpapalayas ng mga demonyo.
Diyakono/Pari Ang Mabuting Balita ng Panginoon!
Bayan Papuri sa Iyo, Panginoong Hesukristo.
Isusunod ang Homilya at ipagpapatuloy sa Liturhiya ng Banal na
Eukaristiya.

PANALANGIN NG BAYAN
Pari: Buong pananalig tayong dumulog sa trono ng
Banal na Awa at iharap ang ating mga kahilingan
sa Panginoon sa matibay na pag-asang diringgin
Niya tayo. Sabay-sabay tayong manalangin:
Panginoon, palakasin Mo kami sa aming
pananalig!

Lector: Para sa Simbahang panlahat na nagpapatuloy sa


maraming siglo ng nakapagpapagaling na misyon
ni Kristo: Nawa tupdin niya ito nang buong
katapatan at pagkabukas-palad. Manalangin
tayo! Panginoon, palakasin Mo kami sa
aming pananalig!
Lector: Para sa Obispo Maximo at lahat ng kalahok sa
pangangaral ng Mabuting Balita: Nawa matamo
nila ang bunga ng kanilang paglilingkod sa buhay
ng kanilang mga kawan. Manalangin tayo!
Panginoon, palakasin Mo kami sa aming
pananalig!
Lector: Para sa mga doktor, nars, at lahat ng nasa
paglilingkod sa pagpapagaling: Nawa makita nila
si Hesus sa kanilang mga pasyente at gamutin
nila ang mga ito nang buong ingat. Manalangin

6
tayo! Panginoon, palakasin Mo kami sa aming
pananalig!
Lector: Para sa mga maysakit at matatanda: Nawa
matagpuan nila sa kanilang mga kamag-anak at
mga kasama sa pamayanan ang pagkalinga
upang mapasan nila ang kani-kanilang krus nang
marangal at may pag-asa. Manalangin tayo!
Panginoon, palakasin Mo kami sa aming
pananalig!
Lector: Para sa mga kasama sa ating pamayanan: Nawa
matuto tayo kay Hesus kung paanong maging
mahinahon sa lahat at mapuno ng sigla para sa
pangangaral ng Mabuting Balita. Manalangin
tayo! Panginoon, palakasin Mo kami sa aming
pananalig!
Lector: Para sa ating lahat: Nawa puspusin tayo ng
Espiritu Santo ng paggalang sa kabanalan ng
buhay ng tao buhat sa paglilihi sa kanya
hanggang kamatayan at upang makatulong tayo
sa lahat ng nagsisikap na itampok ang
kahalagahan nito. Manalangin tayo! Panginoon,
palakasin Mo kami sa aming pananalig!
Lector: Tahimik nating ipanalangin ang ating mga
pansariling kahilingan.
Maglaan ng sandaling katahimikan.

Pari: Manalangin tayo.


Panginoong Diyos, tulungan Mo kaming tumulad
kay Hesus, ang “Tao para sa Iba” na buong habag
na nakikitungo sa mga nagtitiis ng anumang
pagdurusa. Matuto nawa kami sa Kanya na
maging malapit sa mga sawimpalad at para sa
7
kanila’y maging mga kasangkapan ng Iyong
mapagpagaling na pagmamahal. Ikaw na
nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen.

You might also like