Pagpapalawak NG Bokabularyo Week 3
Pagpapalawak NG Bokabularyo Week 3
Pagpapalawak NG Bokabularyo Week 3
BOKABULARYO
Malaki ang maitutulong ng pagkakaroon ng
malawak na bokabularyo sa pagsulatn ng
anumang uri ng sulatin- literari man o teknikal.
Pangunahing paraan ng pagpapayaman ng
talasalitaan ay ang pagbabasa ng mga aklat,
dyornal, report, diyaryo, magasin. Bukod sa
pagbabasa, kailangan ding maunawaan ang iba
pang paraan ng pagpapaunlad ng leksyon gaya ng
panghihiram, pagbibigay- kahulugan, pagbubuo ng
salita, pagsasalin, at ang mga baryasyon ng wika.
1.Panghihiram
Isinasaad sa konstitusyon ng 1987 na Filipino ang
wikang Pambansa at habang nililinang ay patuloy itong
payayamanin at pauunlarin ng mga umiiral na katutubong
wika sa Pilipinas at ng mga wikang internasyonal.
Kailangang payabungin ang bokabularyo at palawakin
ang gamit ng Filipino para makaagapay sa mabilis na
pagpasok ng kaalamang pangteknikal at pang-agham.
Dahil sa Ingles nakasulat ang mga aklat na
pansiyensya at panteknolohiya kaya natural lamang na
maraming salitang Ingles ang kailangang
hiramin.Praktikal na hiramin na nang buo ang mga
konseptong nasa Ingles na kaugnay ng agham at
teknolohiya. Ibig sabihin, ang bigkas at baybay ay Ingles.
2.Pagbibigay- Kahulugan
Ang wika ay isang sistemang instruktural na
pangunahing gamit sa komunikasyong panlipunan.
Ang mga aytem na karaniwang iniuugnay sa wika
ay ang mga salita.Ang isang salita ay maaaring
tumutukoy sa iba’t ibang bagay o kaya’y maraming
salita ang maaaring kumakatawan sa isang bagay
o ideya.Walang isa sa isang ugnayan ang salita at
ang bagay o ideya.
Ang kahulugan (meaning) ng isang salita ay
ang kahulugan nito sa bagay na kinakatawan nito
na itinatag at pinanatili ayon sa pangangailangan
ng mga taong gumagamit nito, hindi tuwirang
sinasagisag ng aytem o salita ang bagay .
Ang leksiyon ay ang imbentaryo ng salita sa isang
wika. Bawat pahayag sa isang wika ay posibleng
magtaglay ng maraming kahulugan, ngunit isa lamang
ang angkop gamitin sa isang partikular na konteksto.
3. Varyasyon ng Wika
Sina Halliday, Mcintosh, at Strevens (1964) ay nagmungkahi
ng isang batayan para sa deskripsyon ng varyasyon ng wika.
Dalawang dimension ang kinilala. Ang isa ay may kaugnayan sa
gumagamit ng wika sa isang partikular na kaganapang pangwika:
sino ( o ano) ang nagsasalita/sumusulat . Ang mga varayti na
kaugnay ng gumagamit ng wika (Corden 1973) ay tinatawag na
diyalekto , na bagaman nagpapakita ng mga pagkakaiba sa lahat ng
lebel ay nag-iiba –iba sa bawat tao sa paraan ng pagbigkas. Ang
ikalawang dimension ay may kaugnay sa pinaggagamitan sa wika.
Ang mga barayti na kaugnay ng paggamit sa wika ay kilala bilang mga
rehistro at di-tulad ng mga diyalekto, ay nagkakaibaiba, pangunahin sa
anyo ng wika (hal. Sa grammar at leksikon).
Varyasyong kaugnay ng Gumagamit ng Wika
Varyasyon ng Wika
Gumagamit: Gamit
Diyalekto,atbp. Rehistro, atbp.
1.Heographikal
2.Temporal
3.Sosyal
4.standard/ di- istandard\
5. idyolektal
Diyalektong Heograpikal o Paniunan
Ang mga barayti ng wika ay naaayon sa baryasyong
heograpikal, na nagpasibol sa iba’t ibang diyalektong
heograpikal. Ang punto, ay isa ring halimbawa, ng higit na
kilalang katangian ng baryasyong heograoikal at ito ang
madalas na pinagmumulan ng mga suliranin.
Istandard na Diyalekto
Gamit Gumagamit
Rehistro,atbp Diyalekto,atbp.
2.Paraan ng Diskurso
4.Pormulasyon ng salita