IBA'T IBANG PARAAN SA PAGPAPAHAYAG NG EMOSYON o

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

KASANAYANG

PANGGRAMATIKA
AT
PANGRETORIKA
M G A PA R A A N N G PA G PA PA H AYA G N G
EMOSYON O DAMDAMIN
Basahin at suriin:

Marahil nakakita na kayo ng kahindik-hindik na


pagmamalupit sa walang kalaban-labang mga
hayop. Katulad ng mga asong pinapalo ng tubo,
asong kinakaladkad ng motor at marami pang
paraan ng pagmamalupit. Ay naku, talaga
namang nakadidismaya.
IBA’T IBANG
PARAAN SA
PAGPAPAHAYAG
NG EMOSYON O
DAMDAMIN
1. Mga Pangungusap na Padamdam – Ito ay
mga pangungusap na nagpapahayag ng
matinding damdamin o emosyon.
Ginagamitan ito ng bantas na tandang
padamdam (!).
Hal.
Yehey, maganda ang tingin sa akin ng mga
tao!
Ay, nandyan na ang mabangis na tigre!
2. Maiikling Sambitla. Ito ay mga sambitlang
iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag
ng matinding damdamin. Ginagamitan ito ng
bantas na tandang padamdam (!).
Hal.
Galing! Aray! Ay! Yehey!
Sakit! Sarap! Grabe! Wow!
Naku! Huwag! Lagot!
3. Mga pangungusap na nagsasaad ng tiyak na
damdamin o emosyon ng isang tao. Padamdam
ang tawag sa ganitong uri ng pangungusap.
Nagpapahayag ito ng damdamin gaya ng galit,
tuwa, lungkot, inis o gigil. Nagtatapos ito sa
tandang padamdam.
Bagaman may mga pagkakataong ang damdamin
ng nagpapahayag ay hindi gaanong matindi ngunit
mahihinuha pa rin ang damdamin. Ang ganitong
pahayag ay nasa anyong pasalaysay o paturol na
pangungusap.
Hal.
 Kasiyahan: Natutuwa ako at isa akong
babaeng Pilipina.
 Pag-ayaw: Pasensiya na, pero hindi ko gusto
ang pagtrato ninyo sa inyong kababaihan.
 Pagkainis: Nakakainis talaga ang mga
lalaking walang respeto sa mga babae.
 Pagtataka: Bakit ganoon kababa ang inyong
tingin sa akin?
 Pagmamalaki: Ako’y isang babaeng malaya!
Hal.
 Pagsang-ayon:Tunay ngang nakabubuti ang
pagsasama-sama.
 Pagpapasalamat: Salamat sa iyong
pagdating.
 Pagkalungkot:Ikinalulungkot ko ang ginawa
ng mabangis na tigre.
 Pagkagalit: Galit ako sa pagmamalupit ng
tao sa mahihina.
4. Mga pangungusap na nagpapahiwatig ng
damdamin sa hindi diretsahang paraan.
Hal.
 Mas maganda sigurong hindi ka magsalita.
(kahulugan: manahimik na lamang)
 Sana kunin ka na ni Lord! (kahulugan:
mamatay ka na sana)
 Isa kang anghel sa langit. (kahulugan:
mabait at mabuti ang tao)
MAIKLING DAMDAMIN
SAMBITLA
Aray Kasiyahan
Ngek Pagkagalit
Wow Pagkabigla
Hay Pagkainis
Ayy pagkadismaya
Punan ng maikling sambitla ang mga pangungusap
upang makompleto ito. Isulat ang damdaming
nangingibabaw sa linya bago ang pangungusap.
______1. ______, sadyang nakatutuwa ang batang ito,
bilog na bilog!
______2. ______, hindi nararapat saktan ang mga sanggol,
Masama iyan.
______3. ______, bakit mo ginawa iyon? Hindi ko
inaasahang gagawin mo iyon.
______4. ______, natapakan mo na ang paa ko ah.
______5. ______, malapit nang maubos ang pasensiya ko!

You might also like