Filipino 6 Q2 Week 8

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

1

Aralin Filipino 6- Q2-W8


Pagsulat ng Sulating Di Pormal, Pormal,
8 Liham Pangangalakal at Panuto

Mga Inaasahan
Magandang araw sa iyo!
Sa modyul na ito, ay matututuhan mo ang pagsulat ng sulating di- pormal, pormal,
liham pangangalakal at panuto.
Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang mga sumusunod
na kasanayan :
Nakasusulat ng sulating di pormal, pormal, liham pangangalakal at panuto
(F6WC-IIf-2.9, F6WC-IIg-2.10, F6WC-IIh-2.3, F6WC-IIi-2.11)
-Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng sulating pormal at sulating di pormal
-Nakikilala ang mga bahagi ng Liham Pangangalakal

Narito ang mga gawain na susubok sa iyong kaalaman at kakayahan. Tara at


simulan mo na!

Paunang Pagsubok
Pag-aralan ang mga larawan at isagawa ang kasunod na gawain. Gawin sa
sagutang papel.

1 2 3 4 5

Ano ang mga ideyang ipinakikita sa bawat larawan? Isulat ito sa sagutang
papel .
Mula sa mga ideyang isinulat mo sa bawat patlang. Sumulat ka ng isang
maikling sanaysay. Isulat ito sa sagutang papel.
RUBRIK SA PAGSULAT NG SANAYSAY
PAMANTAYAN 5 4 3 2 1

1. Sa introduksyon ba ay malinaw na
nakalahad ang pangunahing paksa?

2. Makabuluhan ba ang bawat pangungusap


sa husay ng pagpapaliwanag ng paksa?

3. Gumamit ba ng mga nararapat na bantas,


kapitalisasyon at wastong pagbabaybay?

4. Magkakaugnay ba ang bawat ideya ng bawat


pangungusap?

5 Maganda ba ang naging wakas ng sanaysay?

Modyul sa Filipino 6
Ikalawang Markahan: Ikawalong Linggo

Linggo
2

5 – Pinakamahusay 2 - Mapaghuhusay pa

4 – Mahusay 1 – Nangangailangan pa ng mga pantulong

3 – Katanggap-tanggap na pagsasanay

Bago tayo magpatuloy, sagutan mo muna ang pagsasanay bilang balik-aral sa


nakaraang aralin.

Balik-tanaw

Basahin ang maikling sanaysay. Piliin ang mahahalagang ideya na nakuha mo sa


sanaysay. Magtala ng limang datos at isulat sa sagutang papel.
Tunay na Kaibigan
Akda ni Rhadson Mendoza galing sa MatabangUtak.net

Ito yung mga taong kahit kailan hindi mawawala sa iyo. Sila yung mga taong
alam ang kahinaan mo pero hindi nila gagawin ito para lang makalamang sa iyo.
Ang tunay na kaibigan ay ang mga taong kahit hindi ka laging kinakausap dahil
sa meron din silang kani-kanilang buhay, mararamdaman mo sila sa mga oras ng
kagipitan at pangangailangan. Nakakatuwa ang mga kaibigan na biglang
nagpaparamdam. Ang saya, kasi hindi mo inaasahan na magiging ganoon sila. Ang
tunay na kaibigan ay ang mga taong masasandalan mo, mga taong mapagsasabihan mo
ng problema kapag may problema ka. Sila ang payong na sasalo sa ulan ng problema.
Ang bangka na masasakyan mo sa agos ng problema. Intindihin mo sila, para intindihin
ka rin nila.

Pagpapakilala ng Aralin

Sa araling ito, ay mapag-aaralan mo ang tungkol sa sulating pormal at sulating di


pormal. Gayundin ang panuto at liham pangangalakal.
Ang Pagsulat-ay isang makrong kasanayang pangwika at isang paraan ng
pakikipagtalastasan ng manunulat sa mambabasa. Gampanin ng pagsusulat na
ipabatid sa target na mambabasa ang mensaheng ipinararating ng teksto.
May Dalawang Uri ang Pagsulat:
1. Sulating pormal – ito ay nangangailangan ng puspusang pananaliksik at pag-aaral.
Maayos ang pagkabuo at binibigyang pokus ang impormasyon o mensaheng nais ihatid
dahil komunikasyon ang pangunahing layunin ng ganitong sulatin.

Halimbawa: Liham Pangangalakal, Panuto, Memorandum, Plano, Proposal,


Patakaran at mga tuntunin, advertisement.

2. Sulating di-pormal - may kalayaan ang manunulat na talakayin ang paksang


kaniyang nanaisin. Walang tiyak na balangkas at pansarili. Ito ang pinakagamiting uri
ng sulatin ng mga bata dahil nagagawa nilang iugnay ang anumang paniniwala, pag-
iisip o di kaya’y tungkuling taglay nila sa kanilang sarili

Halimbawa: sanaysay, dayari o talaarawan, shopping list, pagbati, tala,


talambuhay, mensahe, dyornal, liham, dayalogo

Tatalakayin natin sa bahaging ito ang mga halimbawa ng sulating pormal tulad ng
panuto at liham pangangalakal.

Modyul sa Filipino 6
Ikalawang Markahan: Ikawalong Linggo

Linggo
3

Panuto - Ito ay mga tagubilin, gabay o direksyon sa pagsasagawa ng mga gawain. Ito ay
kailangan sundin upang maging tama, tiyak at maayos ang mga gagawin. Nakatutulong
din ito sa mas mabilis na paggawa.

Halimbawa ng Panuto

“Ilagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib, habang inaawit ang Lupang
Hinirang.”
“Isulat ang inyong pangalan sa unang guhit sa bandang itaas ng inyong papel.
Sa ikalawang guhit naman ay ang inyong baitang at pangkat.”

Liham Pangngalakal – ito ay liham na ginagamit sa mga tanggapan at sa mundo ng


kalakalan. Ito ay mahalagang instrumento ng komunikasyon sa pagitan ng mga
mangangalakal at ng kanilang mga kostumer o iba pang taong nais makipag-ugnayan
sa kanila. Sa ganitog uri ng liham ay kailangan ang mga katangiang malinaw, maikli,
magalang, tapat, mabisa, maayos at malinis.

Mga Bahagi ng Liham Pangangalakal:

1. Pamuhatan - nagsasaad ito ng tirahan ng sumulat at petsa kung kailan sinulat ang
liham.

2. Patunguhan- binubuo ito ng pangalan at katungkulan ng sinusulatan, tanggapan o


opisina ng direksyon ng sulat.

3. Bating panimula - Ito ay ang magalang na pagbati na maaaring pinangungunahan


ng Ginoo, Ginang, Binibini, Mahal na Ginoo, Mahal na Ginang, o Mahal na Binibini.
Mahalagang angkop sa taong padadalhan ng liham ang bating panimula na ginagamit.

4. Katawan ng Liham - ito ay naglalaman ng pinakamahalagang mensahe na nais


ipabatid ng sumulat sa sinulatan. Kung sa pagkain, ito ang sustansya na mahalagang
makuha natin.

5. Bating pangwakas-kung mayroong bating panimula, mayroon din bating pangwakas.


Ito ay ang bahagi ng pamamaalam ng sumulat. Nagtatapos sa kuwit (,).

6. Lagda-Ito ang buong pangalan at lagda ng sumulat

Halimbawa ng Liham Pangangalakal

Maaari mo nang sagutin ang mga gawain sa kasunod na bahagi.

Modyul sa Filipino 6
Ikalawang Markahan: Ikawalong Linggo

Linggo
4

Mga Gawain

Gawain 1 Pagtatala at Pagsusuri

A. Isulat sa kahon ang mga halimbawa ng sulating pormal. Ilagay ito sa sagutang
papel.

B. Isulat sa patlang kung ano-ano ang mga halimbawa ng sulating di-pormal


ang nasa larawan.

1._______________ 2._______________ 3.___________ 4.____________

sanaysay pagbati dayalogo shopping list talaarawan liham

Magaling! Nasagutan mo na ang ilang mga gawain. Ngayon naman ay


subukan mong gawin ang pagsasanay sa pagsulat ng liham pangangalakal.

Gawain 2 Pagsasanay sa Pagsulat ng Liham Pangangalakal at Panuto

A. Isulat sa talaang matatagpuan sa ibaba kung saang hanay nabibilang ang


mga sumusunod na impormasyon. Isulat sa sagutang papel ag sagot.
1. G. Cristobal Perez
Punong Barangay
Barangay 373, Sona 38
2. Mahal na G. Perez:
3. Lubos na gumagalang,
4. Hinihiling ko po, kasama ng mga kaibigan namin dito sa aming pook,
na kung maaari ay magtayo kayo ng isang Center para sa mga kabataang
huminto na sa pag aaral.
Kami po ay umaasang inyong pauunlakan ang aming kahilingan.
5. Salvador Villanueva
6. 2005 Tayuman St.
Sta. Crus, Manila
Oktubre 20, 2020

Modyul sa Filipino 6
Ikalawang Markahan: Ikawalong Linggo

Linggo
5

Pamuhatan Patunguhan Bating Katawan ng Bating Lagda


Panimula Liham Pangwakas

B. Pagsulat ng panuto

Pag-aralan ang nasa larawan. Si nanay ay magluluto ng paboritong ulam ng


kaniyang anak, ang adobong baboy. Isulat sa guhit ang mga hakbang o panuto na
dapat sundin ni nanay upang maging wasto at tama ang kaniyang pagluluto ng adobong
baboy. Isulat ang panuto sa sagutang papel.

1._______________________________

2._______________________________

3._______________________________

4._______________________________

5._______________________________

Tandaan

Matapos mong pag-aralan ang paglikha ng pamagat sa mga binasang talata, narito ang
mga dapat mong tandaan.
• Ang Pagsulat ay isang makrong kasanayang pangwika at isang paraan ng
pakikipagtalastasan ng manunulat sa mambabasa.
May dalawang uri nang Pagsulat Ang mga halimbawa ng sulating
pormal ay liham pangangalakal, panuto, memorandum, plano,
proposal, patakaran at tuntunin Ang mga halimbawa ng sulating di
pormal ay talaarawan, shopping list, pagbati, tala, talambuhay,
mensahe, dyornal
• May dalawang uri ng Pagsulat-
1. sulating pormal 2. sulating di-pormal
Ang mga halimbawa ng sulating pormal ay liham pangangalakal,
panuto, memorandum, plano, proposal, patakaran at tuntunin
Ang mga halimbawa ng sulating di pormal ay talaarawan, shopping
list, pagbati, tala, talambuhay, mensahe, dyornal.
• Ang liham pangangalakal at panuto ay mga halimbawa ng sulating pormal.
• Ang mga bahagi ng liham pangangalakal ay pamuhatan, patunguhan, bating
panimula, katawan ng liham, bating pangwakas at lagda.

May ilang gawain pa ang inilaan ko para sa iyo upang mailapat mo ang iyong mga
natutuhan.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Modyul sa Filipino 6
Ikalawang Markahan: Ikawalong Linggo

Linggo
6

A. Isulat ang mga bahagi ng Liham Pangangalakal sa tamang puwesto. Gawin ito sa
sagutang papel.

1. Nais ko po sanang magkaroon ng lingguhang sipi ng magasin simula sa unang


linggo ng Agosto. Kalakip po ng liham ko ang “money order” sa halagang tatlong libong
piso (P3,000.00) para sa isang taon.
2. Rommel P. Dela Cruz
3. 1571 Inapostol Street
Bantay Pari
Bulacan
Ika -10 ng Oktubre, 2020

4. Ginoo:
5. Ang Patnugot
Global Magasin
P.O. Box 1153
Manila
6. Lubos na gumagalang,
RUBRIK SA PAGSULAT NG LIHAM PANGANGALAKAL

PAMANTAYAN 5 4 3 2 1

1. Naisulat sa dakong itaas ng kanang bahagi ng


liham ang pamuhatan o ang tirahan o tanggapan
ng sumulat at petsa kung kailan isinulat.

2. Ang sunod na bahagi ng liham ay naglalaman ng


tirahan ng susulatan o tinatawag na pamuhatan.

3. Nagsisimula sa malaking titik ang bating


panimula at nagtatapos sa tutuldok.

4. Ang unang pangungusap ng katawan ng liham


ay nakapasok. Ang mga pangungusap ay
nagsisimula sa malaking titik at nagtatapos sa
tuldok.

5. Ang bating pangwakas ay nilagyan ng kuwit sa


hulihan nito.

5 – Pinakamahusay 2 - Mapaghuhusay pa

4 – Mahusay 1 – Nangangailangan pa ng mga pantulong

3 – Katanggap-tanggap na pagsasanay

B. Pakinggan ang awit sa youtube tungkol sa Panuto. Sumulat sa patlang ng


5 Panuto na nabanggit sa awit.

Modyul sa Filipino 6
Ikalawang Markahan: Ikawalong Linggo

Linggo
7

https://www.youtube.com/watch?v=lex_4HuLvjU

Mga Panuto na binanggit sa awit.

1.______________________________________
2.______________________________________
3.______________________________________
4.______________________________________
5.______________________________________

Pangwakas na Pagsusulit
Sitwasyon 1: Bilang pinuno ng samahan ng kabataan sa inyong lugar, nais mo s
na magkaroon ng sentro ng Online Class na kung saan ay may malakas na Wifi. Dito
ay maaring magpunta ang mga mag aaral na walang wifi o internet sa bahay at walang
kakayahang magpaload. Bilang pinuno ng Kabataan sa inyong, lugar ay gagawa ka ng
Liham Pangangalakal patungo sa inyong Punong barangay na nagsasabi ng iyong
kahilingan.

A. Sumulat ng isang Liham Pangangalakal patungo sa iyong punong barangay.


Isulat sa sagutang papel.

RUBRIK SA PAGSULAT NG SARILING LIHAM PANGANGALAKAL

PAMANTAYAN 5 4 3 2 1

1. Malinis ang pagkakasulat.

2. Tama ang nilalaman ng mga bahagi ng


liham pangangalakal.

3. May paggalang at makabuluhan ang laman


ng liham.

4. Nagamit nang wasto ang malaking titik at


paggamit ng wastong bantas sa mga
pangungusap.

Modyul sa Filipino 6
Ikalawang Markahan: Ikawalong Linggo

Linggo
8

Pagninilay
Sa puntong ito, ay bibigyan kita ng pagkakataong gumawa ng sarili mong
Liham Pangangalakal patungo sa ating Kagalang-galang Meyor Oscar “Oca” Malapitan.
Iparating mo sa kaniya ang iyong taos-pusong pasasalamat sa pagbibigay niya ng
tulong na ma i print ang lahat ng modyul na atin nang ginamit sa nakaraang aralin at
gagamitin pa sa mga susunod pang mga aralin. Malaya mong isulat ang iyong
damdamin na nais mong iparating sa ating butihing Meyor sa sagutang papel.

RUBRIK SA PAGSULAT NG SARILING LIHAM PANGANGALAKAL

PAMANTAYAN 5 4 3 2 1

1. Malinis ang pagkakasulat.

2. Tama ang nilalaman ng mga bahagi ng


liham pangangalakal.

3. May paggalang at makabuluhan ang laman


ng liham.

4. Nagamit nang wasto ang malaking titik at


paggamit ng wastong bantas sa mga
pangungusap.

Binabati kita sa iyong kahusayan! Natapos mo ang modyul na ito. Kung ikaw
ay may hindi naunawaan sa ilang bahagi ng modyul, maaari mong itanong ito sa iyong
guro.

Modyul sa Filipino 6
Ikalawang Markahan: Ikawalong Linggo

Linggo
9

FILIPINO 6
SAGUTANG PAPEL
Markahan: IKALAWA LINGGO: IKAWALO
Pangalan:__________________________________________Guro:____________________
Baitang at Seksyon:________________________________Iskor:____________________

Paunang Pagsubok Sanaysay Balik-Tanaw


1.__________ _________________________________________ 1.__________
2.__________ _________________________________________ 2.__________
_________________________________________
3.__________ 3.__________
_________________________________________
4.__________ _________________________________________ 4.__________
5.__________ _________________________________________ 5.__________

Gawain 1 Gawain 2
1.__________ A. 1.__________ 6. _________
2.__________ 2.__________ B. 1. _________
3.__________ 3.__________ 2. _________
4.__________ 4.__________ 3. _________
5.__________ 5.__________ 4. _________
Gawain 3 A.
Pamuhatan Patunguhan Bating Katawan ng Bating Lagda
Panimula Liham Pangwakas

B. 1._______________________________ 4. ____________________________________

2._______________________________ 5. ____________________________________

3._______________________________

PAG-ALAM SA NATUTUHAN

PAG-ALAM SA NATUTUHAN (B)

Modyul sa Filipino 6
Ikalawang Markahan: Ikawalong Linggo

Linggo
10

1. _______________________________

2._______________________________

3._______________________________

4._______________________________

5.______________________________

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
A.

B. Sumulat ng 3 Panuto ng iyong guro na dapat gawin at sundin habang may Online
Class.

1. ______________________________________
2. ______________________________________
3. ______________________________________

PAGNINILAY

Modyul sa Filipino 6
Ikalawang Markahan: Ikawalong Linggo

Linggo

You might also like