Pagtatalik Bago Ang Kasal (Pre-Marital Sex)

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 76

Pagtatalik bago ang kasal (Pre-marital sex)

• Ang isang lalaki o babae ay nagkakaroon ng


kakayahang makibahagi sa pagiging manlilikha
ng Diyos kapag tumuntong na siya sa edad ng
pagdadalaga o pagbibinata (puberty). Subalit
kahit siya ay may kakayahang pisyolohikal na
gamitin ito, hindi nangangahulugang maaari
na siyang makipagtalik at magkaroon ng anak
•Hanggang wala siya sa wastong
gulang at hindi pa tumatanggap ng
sakramento ng kasal, hindi siya
kailanman magkakaroon ng
karapatang makipagtalik.
•Ang pakikipagtalik ay hindi
pangangailangang biyolohikal tulad ng
pagkain at hangin na ating hinihinga.
Hindi kinakailangan ng tao ang
makipagtalik upang mabuhay sa
mundong ito.
• Ang pananaw na kailangan ang pagtatalik
upang mabuhay ay isang mahinang pagkilala
sa pagkatao ng tao dahil ipinagwawalang-
bahala niya ang kakayahan ng taong
ipahayag ang kaniyang tunay na pagkatao.
Mayroon o walang pagtatalik, mananatiling
buhay ang tao.
• Ang pakikipagtalik nang hindi kasal ay
nagpapawalang-galang at nagpapababa sa
dignidad at integridad ng pagkatao ng mga
taong kasangkot sa gawaing ito. Hindi
nagiging kapaki-pakinabang ang pagtatalik
sa pagtungo sa kaganapan ng buhay na isa
sa mga halaga ng seksuwalidad.
•Bilang tao, tayo ay malaya. Ngunit ang ating
kalayaan ay hindi nangangahulugang malaya
tayong piliin kung ano ang gusto nating
gawin. Ang ating kalayaan ay mapanagutan,
malaya tayong pumili ngunit nararapat na
ang pipiliin ay kung ano ang mabuti at tama.
“Kung mahal mo ako, papayag kang
makipagtalik sa akin.”
•“Ang mabuhay sa pag-ibig ay
pagbibigay ng di nagtatantiya
ng halaga at hindi naghihintay
ng kapalit.” Sta. Teresita
•Ang tunay na pagmamahal na
isinasakatawan sa pagtatalik ay bukas sa
katotohanang dapat itong humantong sa
pagbubuo ng pamilya. Kung kaya, bago ito
gawin ng lalaki at babaeng nagmamahalan,
kinakailangang ito’y binasbasan ng kasal.
• Ang pakikipagtalik nang hindi kasal ay
nagpapahayag ng kawalan ng paggalang,
komitment, at dedikasyon sa katapat na
kasarian. Itinuturing ng taong nagsasagawa
nito ang kaniyang kapareha bilang isang
seksuwal na bagay na tutugon sa personal at
sarili niyang kasiyahan
•Dagdag pa rito, ang kabataang nagsasagawa
ng pre-marital sex ay hindi pa handa sa mga
maaaring maging bunga nito sa kanilang
buhay. Hindi pa sila ganoon katatag upang
harapin ang responsibilad na kaakibat ng
pag-aasawa at pagkakaroon ng anak
•Ang kabataan ay nasa panahong
nagbubuo pa lamang ng kanilang sarili
upang maging ganap at responsableng
tao. Kung kaya hindi pa sila
napapanahong magkaroon ng anak, na
mangyayari iyon kapag nakipagtalik sila
nang wala pa sa hustong gulang at hindi
pa kasal.
Pornograpiya
• Ang pornograpiya ay nanggaling sa dalawang
salitang Griyego, “porne,” na may kahulugang
prostitute o taong nagbebenta ng panandaliang
aliw, at “graphos” na nangangahulugang pagsulat o
paglalarawan. Samakatuwid, ang pornograpiya ay
mga mahahalay na paglalarawan (babasahin,
larawan, o palabas) na may layuning pukawin ang
seksuwal na pagnanasa ng nanonood o nagbabasa.
•Ang mga mahahalay na eksenang
ipinakikita ng pornograpiya ay
pumupukaw ng mga damdaming
seksuwal ng kabataang wala pang
kahandaan para rito. Nagdudulot ito
nang labis na pagkalito sa kanilang
murang edad.
Ano ba ang masama sa pornograpiya?
• Dahil sa pornograpiya, ang tao ay maaaring mag-iba ng asal. Ang mga
seksuwal na damdamin na ipinagkaloob ng Diyos sa tao, na maganda
at mabuti, ay nagiging makamundo at mapagnasa. Ayon kay
Immanuel Kant, nauuwi sa kawalangdangal o nagpapababa sa
kalikasan ng tao ang mga makamundong pagnanasa. Kapag ang tao ay
nagiging kasangkapan sa seksuwal na pangangailangan at
pagkahumaling, lahat ng mabuting layunin sa pakikipagkapuwa ay
maaaring hindi na makamit. Ang tao na nagiging kasangkapan ng mga
pagnanasa ay hindi na nagpapakatao; bagkus, tinatrato ang sarili o
ang kapuwa bilang isang bagay o kasangkapan
• Ang sining ay nagpapahayag ng kagandahan at ang
pagkaranas ng kagandahan ay nakapagbibigay ng
kasiyahan, pagkalugod at pagtanggap sa isang
magandang nagawa. Ito rin ay humihikayat na
makalinang ng mga kilos at kalooban patungo sa
kung anong ipinapakahulugan sa ipinakikita. Isang
halimbawa nito ay ang estatwa ng “oblation” na
nasa bungad ng Pamantasan ng Pilipinas sa Diliman
•Ang estatwang hubad ay sumisimbolo
sa ganap na pag-aalay ng sarili sa
Diyos, hindi nagsasaalang-alang sa
anupamang mga bagay at kahubarang
nagnanais na mabihisan ng kaalaman
•Ang pornograpiya ay
nagpapakita ng mga larawang
hubad o mga kilos seksuwal
na kadalasan ay suggestive at
provocative
• Hinihikayat nito ang taong tumitingin na mag-isip
ng masama at magkaroon ng hindi magandang
pagtingin sa katawan ng taong nasa larawan. Ang
anggulo ng isang babae na nasa mga babasahin,
kalendaryo, patalastas, at mga pelikula ay
nagpapakita ng inklinasyon sa seks. Sabi nga, ang
mga larawan ay “hindi na nagtitira sa
imahinasyon.”
” Ang katawang sagrado, gayundin ang mga gawaing angkop lang na makita, madama,
at maipahayag ng mga mag-asawa ay lubusang ipinapakita. Nawawala na ang propriety
at decency na dapat sana ay kaakibat ng makabuluhang pagtingin sa katawan ng tao.
•Ilan sa mga maaari niyang maisip ay ang
pagsasakatuparan ng mga isiping
tumutugon sa seksuwal na maaaring
mauwi sa pang-aabuso, panghahalay, at
sa iba pang epekto na nabanggit na. Ito
ang mga dahilan kung bakit hindi dapat
ituring na sining ang pornograpiya
Mga Pang-aabusong Seksuwal
• Walang pangkalahatang pagpapakahulugan ang
maaaring ibigay sa pangaabusong seksuwal. Sa
gitna ng mga pang-aabusong ito, ang
nangingibabaw na posisyon ay ang pang-aabuso
ay isinasagawa ng isang nakatatanda na siyang
pumupuwersa sa isang nakababata upang gawin
ang isang gawaing seksuwal.
•Ang pang-aabusong seksuwal ay
maaaring paglalaro sa maseselang
bahagi ng sariling katawan o katawan
ng iba, paggamit ng ibang bahagi ng
katawan para sa seksuwal na gawain
at sexual harassment.
Bakit nga ba nangyayari ang mga pang-aabusong seksuwal? Ano
ang karaniwang nagtutulak sa mga kabataan na gawin ito o
pumayag sa ganitong uri ng pagsasamantala?
•Karamihan sa mga nagiging biktima ng
pang-aabusong seksuwal ay ang mga bata o
kabataang may mahihinang kalooban,
madaling madala, may kapusukan at
kadalasan, iyong mga nabibilang sa
mahihirap at pamilyang hiwalay ang mga
magulang.
•Sa gitna ng kanilang pagiging mahina,
pumapasok ang mga taong
nagsasamantala, tulad ng mga pedophile
na tumutulong sa mga batang may
mahinang kalooban subalit ang layunin
pala ay maisakatuparan ang pagnanasa.
Ang gawaing paglalaro ng sariling pag-aari at ng kapuwa, panonood ng mga gawaing
seksuwal, pagpapakita ng ginagawang paglalaro sa sariling ari at paghihikayat sa mga
bata na makipagtalik o mapagsamantalahan ay maituturing na pang-aabusong seksuwal.
Ang paggamit ng kasarian ay para lamang sa pagtatalik ng magasawa na
naglalayong ipadama ang pagmamahal at bukas sa tunguhing magkaroon
ng anak upang bumuo ng pamilya. Ito ang esensiya ng seksuwalidad.
Ang sining ay nagpapahayag ng kagandahan at ang pagkaranas ng
kagandahan ay nakapagbibigay ng kasiyahan, pagkalugod at pagtanggap
sa isang magandang nagawa. Ito rin ay humihikayat na makalinang ng
mga kilos at kalooban patungo sa kung anong ipinapakahulugan sa
ipinakikita. Isang halimbawa nito ay ang estatwa ng “oblation” na nasa
bungad ng Pamantasan ng Pilipinas sa Diliman. Ang estatwang hubad ay
sumisimbolo sa ganap na pag-aalay ng sarili sa Diyos, hindi
nagsasaalang-alang sa anupamang mga bagay at kahubarang nagnanais
na mabihisan ng kaalaman. Ilan pang halimbawa ng sining na
nagpapakita ng kahubaran ay ang estatwa ni Venus de Milo at ni Haring
David na pawang mga nilikha ni Michaelangelo. Maaari kaya natin itong
uriin bilang halimbawa ng pornograpiya? Dapat nating tandaan na hindi
lahat ng hubad na larawan ay halimbawa ng pornograpiya.
Hinihikayat nito ang taong tumitingin na mag-isip ng masama at magkaroon ng hindi
magandang pagtingin sa katawan ng taong nasa larawan. Ang anggulo ng isang babae na
nasa mga babasahin, kalendaryo, patalastas, at mga pelikula ay nagpapakita ng
inklinasyon sa seks. S
Sabi nga, ang mga larawan ay “hindi na nagtitira sa imahinasyon.” Ang
katawang sagrado, gayundin ang mga gawaing angkop lang na makita,
madama, at maipahayag ng mga mag-asawa ay lubusang ipinapakita.
Nawawala na ang propriety at decency na dapat sana ay kaakibat ng makabuluhang
pagtingin sa katawan ng tao. Dahil dito, ang mga larawang hubo’t hubad, gayundin ang
pagpapakita ng aktong seksuwal ay nagiging daan upang ang taong nahuhumaling dito ay
magnasa at pairalin ang kaniyang mga makamundong damdamin.
Mga Pang-aabusong Seksuwal
• Walang pangkalahatang pagpapakahulugan ang maaaring ibigay sa
pangaabusong seksuwal. Sa gitna ng mga pang-aabusong ito, ang
nangingibabaw na posisyon ay ang pang-aabuso ay isinasagawa ng
isang nakatatanda na siyang pumupuwersa sa isang nakababata
upang gawin ang isang gawaing seksuwal.
• Ang pang-aabusong seksuwal ay maaaring paglalaro sa maseselang
bahagi ng sariling katawan o katawan ng iba, paggamit ng ibang
bahagi ng katawan para sa seksuwal na gawain at sexual harassment.
Maaari rin itong hindi pisikal tulad ng paglalantad ng sarili na
gumagawa ng seksuwal na gawain at pagkakaroon ng kaligayahang
seksuwal sa pamamagitan ng pagtingin sa mga hubad na katawan,
seksuwal na pag-aari o kaya’y panonood ng pagtatalik na isinasagawa
ng iba.
• Karamihan sa mga nagiging biktima ng pang-aabusong seksuwal ay
ang mga bata o kabataang may mahihinang kalooban, madaling
madala, may kapusukan at kadalasan, iyong mga nabibilang sa
mahihirap at pamilyang hiwalay ang mga magulang.
• Ang gawaing paglalaro ng sariling pag-aari at ng kapuwa, panonood
ng mga gawaing seksuwal, pagpapakita ng ginagawang paglalaro sa
sariling ari at paghihikayat sa mga bata na makipagtalik o
mapagsamantalahan ay maituturing na pang-aabusong seksuwal.
• Ang paggamit ng kasarian ay para lamang sa pagtatalik ng magasawa
na naglalayong ipadama ang pagmamahal at bukas sa tunguhing
magkaroon ng anak upang bumuo ng pamilya. Ito ang esensiya ng
seksuwalidad.
Prostitusyon
• Ang prostitusyon na sinasabing siyang pinakamatandang propesyon o
gawain ay ang pagbibigay ng panandaliang-aliw kapalit ng pera. Dito,
binabayaran ang pakikipagtalik upang ang taong umupa ay makadama
ng kasiyahang seksuwal.
• Ayon sa mga pag-aaral, karamihan sa mga taong nasasangkot sa
ganitong gawain ay iyong mga nakararanas ng hirap, hindi nakapag-
aral, at walang muwang kung kaya’t madali silang makontrol.
Mayroon din namang may maayos na pamumuhay, nakapag-aral
ngunit marahil ay naabuso noong bata pa. Dahil dito nawala ang
kanilang paggalang sa sarili at tamang pagkilala kung kaya’t minabuti
na lang nilang ipagpatuloy ang kanilang masamang karanasan.
• Masama o mali nga ba ang prostitusyon?
• Ayon sa mga peminista, marapat lamang ang prostitusyon sapagkat
ito ay nakapagbibigay ng gawain sa mga taong walang trabaho lalo na
sa mga kababaihan. Ang pagbebenta ng sarili ng isang prostitute ay
maihahalintulad sa isang manunulat na ibenebenta ang kaniyang isip
sa pamamagitan ng pagsusulat. Bukod pa rito, kapag ang prostitusyon
daw ay isinagawa ng isang tao na may pagkagusto o konsento,
maaaring sabihin na hindi ito masama. Ito ay sa kadahilanang alam
niya ang kaniyang ginagawa at nagpasiya siya na ibigay ang kaniyang
sarili sa pakikipagtalik kapalit ng pera o halaga.
• Ang pakikipagtalik na may kapalit na halaga o ang prostitusyon ay
isang pang-aabusong seksuwal na nakapagpapababa sa pagkatao ng
taong sangkot dito. Sa paanong paraan napabababa ng prostitusyon
ang dignidad ng tao? Una ang mga taong sangkot dito, ang bumibili at
nagpapabili ng aliw, ay nawawalan ng paggalang sa pagkatao ng tao.
Naituturing ang taong gumagawa nito (na kadalasan ay babae), na
isang bagay na lamang kung tratuhin at hindi napakikitaan ng halaga
bilang isang tao.
• ang prostitusyon ay nagiging pugad ng pamumuwersa at
pananamantala.
• Sa prostitusyon, naaabuso ng tao ang kaloob na handog ng Diyos na
seksuwalidad. Isa sa mga halaga ng seksuwalidad ay ang pagkakaranas
ng kasiyahang seksuwal mula sa pakikipagtalik sa taong pinakasalan.
Nakararanas ng kasiyahan ang taong nasasangkot sa prostitusyon
ngunit hindi ito angkop sa tunay na layunin ng pakikipagtalik. Sa
prostitusyon, ang kaligayahan ay nadarama at ipinadarama dahil sa
perang ibinabayad at tinatanggap
ANGPAGTATALIK
• Hindi ito isang paraan para makadama ng kaligayahan, kundi ito ay
isang paraan na naglalayong pag-isahin ang isang babae at lalaki sa
diwa ng pagmamahal.
• Ang seksuwalidad ay kaloob sa atin ng Diyos. Ito ay mabuti at
magdadala sa bawat isa sa atin sa layuning makamit at madama ang
tunay na pagmamahal na siya namang dahilan kung bakit nilalang
tayo ng Diyos
• Ang mga seksuwal na faculdad o kakayahan ng tao ay tumutukoy sa
dalawang layuning maaari lamang gawin ng isang babae at lalaki na
pinagbuklod ng kasal o pag-iisang dibdib – ang magkaroon ng anak
(procreative) at mapag-isa (unitive)
• Kung ikaw ang nakikinig sa bawat pahayag,
maniniwala ka ba agad, sasangayon o
maghahanap ng katibayan bago maniwala?
Umaasa ka lamang ba sa obserbasyon at sa
sarili mong kutob o pakiramdam ngunit
wala namang matibay na paninindigan?
Ang Misyon ng Katotohanan
• Ang katotohanan ang nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng
kaalaman at layunin niya sa buhay. Ang pagsukat ng kaniyang
katapatan ay nangangailangan ng pagsisikap na alamin ang
katotohanan. Sa bawat tao na naghahanap nito, masusumpungan
lamang niya ang katotohanan kung siya ay naninindigan at walang
pag-aalinlangan na sundin, ingatan, at pagyamanin. Ang sinumang
sumusunod dito ay nagkakamit ng kaluwagan ng buhay (comfort of
life) na may kalakip na kaligtasan, katiwasayan, at pananampalataya.
• Mahalaga na makita ng bawat tao ang katotohanan mula sa
pagkakakubli na lumilitaw mula sa pagsisikap niya na mahanap ito.
Kung hindi, magiging bulag siya sa mga bagay o isyu sa lipunan na
makakaapekto sa kaniyang isip upang magsuri at makaalam. Hindi ito
maipagkakait sa kaniya dahil bilang tao siya ay may kakayahan na
kumuha ng buod o esensiya sa mga bagay na umiiral
Magpahayag sa simple at tapat na paraan
• ang instrumento sa pag-alam ng katotohanan. Ang pagsasabi ng totoo
ay mahalaga sa paninindigan ng katotohanan. Ang tunay nitong
halaga ay ang pagiging isa at matatag na ugnayan sa pagitan ng wika
at kaalaman. Maipakikita ito sa paglilipat ng kaalaman patungo sa
pagsasawika nito. Ito ay malayang pagpapahayag sa kung ano ang
nasa isip. Ipinahihiwatig na kung ano ang wala sa isip ay hindi dapat
isawika. Sa ganitong paraan, ang pagsisinungaling o hindi pagkiling sa
katotohanan ay magaganap.
•ang
pagsisinungaling ay Ito
sa katotohanan. angay
hindi pagkiling
isang lason naat pagsang-ayon
humahadlang sa bukas at
kaliwanagan ng isang bagay o sitwasyon na nararapat na
mangibabaw sa pagitan ng mga tao sa isang grupo o lipunan.
Mula sa paglawak ng iyong kaalaman sa halaga ng katotohanan at mga kaakibat na pananagutan dito,
hindi pa rin maipagkakaila na ang sinuman ay may kakayahan na makalikha ng isang kasinungalingan
upang pagtakpan ang pagkakamali at maging malinis ang imahe sa mata ng iba. Nagawa mo na ba
ito? Ilang beses na? Kung maraming beses na, paano mo ito aaminin at pananagutan?
Ang Kahulugan ng Lihim, Mental
Reservation, at Prinsipyo ng Confidentiality
• Ikaw ba ay malihim na tao? May mga itinatago sa malalim na dahilan?
Ito ay masama dahil ang pagtatago ng lihim ay isang uri na rin ng
pagsisinungaling o mabuti upang hindi na lumaki ang isyu at
maiwasan ang eskandalo o anumang hindi mabuting kahihinatnan.
• 1. Walang panganib sa tao na siyang may karapatan na malaman ang
totoo – ang magulang at mga tagagabay ay may karapatan na
malaman ang katotohanan tungkol sa kanilang mga anak at maging sa
kanilang pinangangasiwaan.
2. Magandang intensiyon sa paglilihim dito – hindi man matatawag na
tunay na makatarungan ang pagprotekta sa kaalaman ng tao sa
pagtatago ng mga lihim gaya ng edad, tirahan, o personal na
impormasyon gaya ng isang charitable institution na humahawak sa
talaan nito upang masagip ang reputasyon mula sa kahihiyan sa mga
taong mapanghusga. Ang kaligtasan ng buhay ng isang tao mula sa
kamay ng mga hoodlums o sa kamay ng kaniyang mga kaaway
MGA ISYUNG
MORAL TUNGKOL
SA KAWALAN NG
PAGGALANG SA
KATOTOHANAN
Ang imoralidad ng pagsisinungaling
• Mula sa paglawak ng iyong kaalaman sa halaga ng katotohanan at
mga kaakibat na pananagutan dito, hindi pa rin maipagkakaila na ang
sinuman ay may kakayahan na makalikha ng isang kasinungalingan
upang pagtakpan ang pagkakamali at maging malinis ang imahe sa
mata ng iba.

• Nakagawa ka na ba ng isang pagsisinungaling para mapagtakpan ang


pagkakamali at maging malinis ang imahe sa mata ng iba?
• Ang kasinungalingan ay may tatlong uri:
• 1. Jocose lies – isang uri na kung saan sinasabi o sinasambit para
maghatid ng kasiyahan lamang. Ipinapahayag ito upang magbigay-aliw
ngunit hindi sadya ang pagsisinungaling.
• 2. Officious lie – tawag sa isang nagpapahayag upang maipagtanggol
ang kaniyang sarili o di kaya ay paglikha ng isang usaping kahiya-hiya
upang dito maibaling. Ito ay isang tunay na kasinungalingan, kahit na
gaano pa ang ibinigay nitong mabigat na dahilan
• 3. Pernicious lie – ay nagaganap kapag ito ay sumisira ng reputasyon
ng isang tao na pumapabor sa interes o kapakanan ng iba.
• Ang lihim ay pagtatago ng mga impormasyon na hindi pa naibubunyag
o naisisiwalat.
Ang sumusunod ay mga lihim na hindi basta-
basta maaaring ihayag:
• Natural secrets – ay mga sikreto na nakaugat mula sa Likas na Batas
Moral. Ang mga katotohanan na nakasulat dito ay magdudulot sa tao
ng matinding hinagpis at sakit sa isa’t isa. Ang bigat ng ginawang
kamalian (guilt) ay nakasalalay kung ano ang bigat ng kapabayaang
ginawa.
• Promised secrets – ito ay mga lihim na ipinangako ng taong
pinagkatiwalaan nito. Nangyari ang pangako pagkatapos na ang mga
lihim ay nabunyag na.
• Committed or entrusted secrets – naging lihim bago ang mga
impormasyon at kaalaman sa isang bagay ay nabunyag.

Hayag. Kung ang lihim ay ipinangako o kaya ay sinabi ng pasalita o kahit pasulat.

Di hayag. Ito ay nangyayari kapag walang tiyak na pangakong sinabi ngunit inililihim ng taong may alam dahil
sa kaniyang posisyon sa isang kompanya o institusyon. Madalas ito ay pang propesyonal at opisyal na usapin.
• Ang mental reservation ay ang maingat na paggamit ng mga salita sa
pagpapaliwanag na kung saan ay walang ibinibigay na tiyak na
impormasyon sa nakikinig kung may katotohanan nga ito.
Mula sa matalinong pag-iisip at
pagpili, ang pagiging totoo ay
solusyon sa mga posibleng
hidwaan, mga pagkakaiba-iba sa
pananaw at opinyon, hindi pag-
uunawaan, mga sakit ng kalooban
at kahihiyan at nakababawas ng
pagkakahiwa-hiwalay sa pagitan
ng bawat isa tungo sa pagkamit ng
kapayapaan at maayos na
samahan.
• Ang iba pang mga paraan sa pagtago ng katotohanan ay sa
pamamagitan ng pag-iwas (evasion) at paglilihis ng mga maling
kaalaman (equivocation).
• Confidentiality, ang pagsasabi ng totoo ay hindi lamang pagpapahayag
nang ayon sa nasa isip, ito rin ay maipahayag sa mas malalim na pag-
iisip, pananalita, at pagkilos bilang isang taong nagpapahalaga sa
katotohanan.
• Mula sa matalinong pag-iisip at pagpili, ang pagiging totoo ay
solusyon sa mga posibleng hidwaan, mga pagkakaiba-iba sa pananaw
at opinyon, hindi pag-uunawaan, mga sakit ng kalooban at kahihiyan
at nakababawas ng pagkakahiwa-hiwalay sa pagitan ng bawat isa
tungo sa pagkamit ng kapayapaan at maayos na samahan.
Plagiarism
• Ang plagiarism ay isang paglabag sa Intellectual Honesty (Artikulo, A.
et al, 2003). Ito ay isyu na may kaugnayan sa pananagutan sa
pagpahayag ng katotohanan at katapatan sa mga datos, mga ideya,
mga pangungusap, buod at balangkas ng isang akda, programa, himig,
at iba pa ngunit hindi kinilala ang pinagmulan bagkus, nabuo lamang
dahil sa ilegal na pangongopya. Ito ay maituturing na pagnanakaw at
pagsisinungaling dahil inaangkin ang hindi iyo
Ang pag-angkin sa gawa ng iba ay hindi lamang indikasyon ng
mababang uri ng kaalaman at kakayahan, kundi isang kahinaan sa
kabuuan ng pagkatuto ng tao. Paano ito maiiwasan?
Intellectual piracy
• Ang paglabag sa karapatang-ari (copyright infringement) ay
naipakikita sa paggamit nang walang pahintulot sa mga orihinal na
gawa ng isang taong pinoprotektahan ng Law on Copyright mula sa
Intellectual Property Code of the Philippines 1987. Ang paglabag ay sa
paraan ng pagpaparami, pagpapakalat, pagbabahagi, at panggagaya
sa pagbuo ng bagong likha. Copyright holder ang tawag sa taong may
orihinal na gawa o ang may ambag sa anumang bahagi at iba pang
mga komersiyo.
Tingnan natin ang iba’t ibang dahilan:
Whistleblowing
• Ang whistleblowing ay isang akto o hayagang kilos ng pagsisiwalat
mula sa tao na karaniwan ay empleyado ng gobyerno o pribadong
organisasyon/korporasyon. Whistleblower naman ang tawag sa taong
naging daan ng pagbubunyag o pagsisiwalat ng mga maling asal,
hayagang pagsisinungaling, mga immoral o ilegal na gawain na
naganap sa loob ng isang samahan o organisasyon. Nangyayari ito
mula sa hindi patas o pantay na pamamalakad, korapsiyon at iba pang
ilegal na gawaing sumasalungat sa batas.
• Ayon kay Manuel Dy, “hindi natin maipagkakaila na marami sa ating
kabataan at mga bata ngayon ay nalilito sa harap ng maraming
pagbabago sa lipunan at kapaligiran: ang mabilis na pag-unlad ng
information technology katulad ng internet at cell phones kasama na
ang mass media, na kung minsan ay nag-aambag patungo sa
kakulangan ng kritikong pag-iisip at pagpapasiya, pagmamahal sa
sambayanan at pakikiisa sa sangkatauhan at kalikasan.
Ang gampanin ng Social Media sa paglinang ng kaalaman at
kamulatan ng tao sa pagpapasiya patungo sa kaliwanagan at
katotohanan
• Hindi maipagkakaila ang laki at lawak ng impluwensiya ng social
media sa ating kasalukuyang panahon. Ang mga impormasyong
nakapaloob dito ay magbibigay sa bawat tao nang sapat na kaalaman
na kailangan niya sa aspekto ng edukasyon, kabuhayan, at maging sa
pagpapasiya at pagpili ng mga bagay na nakaaapekto sa kaniyang
pagkatao at mga mahalagang gampanin niya sa araw-araw na
pagganap ng tungkulin sa sarili, tahanan, paaralan, at hanapbuhay.
MODYUL 16: MGA
ISYUNG MORAL
TUNGKOL SA PAGGAWA
AT PAGGAMIT NG
KAPANGYARIHAN

You might also like