Week 2 Esp 8

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 31

MAGANDANG

UMAGA! 
8 – PEARL A
Layunin
 Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay natural
na institusyon ng pagmamahalan at pagtutulungan
na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa
makabuluhang pakikipagkapuwa. (EsP8PB-Ib-1.3)

 Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa


pagpapatatag ng pagmamahalan at pagtutulungan
sa sariling pamilya. (EsP8PB-Ib-1.4)
PAMILYA: Susi sa Makabuluhang
Pakikipagkapwa

Pagmamahalan at Pagtutulungan sa
Pamilya: PALAGANAPIN
PAKIKIPAGKAPWA
PAMILYA:
Susi sa Makabuluhang
Pakikipagkapwa
PAMILYA
• Ang pamilya ay sinasabing isang maliit na antas ng
lipunan. Ito ang pinakamahalaga sa buhay ng bawat isa at
pinakamagandang regalo ng Panginoon. Ito ang
pinagmumulan ng pakiramdam ng pagiging ligtas at payapa
na nagbubuklod sa bawat isa na lumaban sa kahit anong
pagsubok at hamon na dumating sa buhay ng pamilya.
Mararamdaman dito ang tunay na pagmamahalan at
pagtutulungan. Kung kaya’t itinuturing ang pamilya na
isang natural na institusyon.
Paano nakatutulong sa
pagpapaunlad ng sarili tungo sa
makabuluhang pakikipagkapwa
ang pagmamahalan at
pagtutulungan?
P B
A
G A
T Y
U
T A
U N
L
U I
N H
G
A
A
N N
 Ipinakita sa larawan ang pagtutulungan ng isang
pamayanan sa pamamagitan ng Bayanihan. Sa kaugaliang
ito napatutunayan ang pagiging likas na matulungin ng
Pilipino sa kanyang kapwa. Ito ay namana at likas na sa
pamilya at kulturang kinamulatan.
Sa ating sari-sariling pamilya itinuro, ipinamalas, ipinadama
at pinairal ang pagmamahalan sa bawat kasapi ng pamilya
upang gumawa nang mabuti at dahil na rin sa positibong
impluwensya ng ating pamilya ay mas nalinang at nahubog
ang sarili.
Halimbawa, naipadadama ng tao ang pagmamahal sa iba
dahil una niya itong naramdaman sa pamilya.
Nagmamalasakit ang tao sa kapwa dahil alam nitong katulad
niya, sila ay mahalaga. Kung naituro at naipakita ng
magulang ang kahalagahan ng pagtulong at pakikiisa sa iba,
magiging matulungin rin ang kanilang mga anak. Halimbawa,
ang isang bata ay maaring mag-alok na buhatin ang gamit ng
mga nakatatanda bilang pagpapakita ng paggalang at
pagtulong.
 Nangangahulugan lamang na kung nahubog nang
ganap ng isang pamilya ang pagmamahalan at
pagtutulungan sa pagkatao ng bawat kasapi,
magiging susi at sandata niya ito upang maipakita at
maipadama ang makabuluhang pakikipagkapwa.
Bilang kabataan, mailalarawang ikaw ay may makabuluhang
ugnayan sa kapwa kung naipamalas at naramdaman ang
sumusunod:

• maayos at walang problema ang takbo ng gawain


• magaan at malapit ang loob sa kapwa na nagdudulot ng makabuluhang
koneksyon
• mayroong masaya, maginhawa at mapayapang komunidad
• nagkakaroon ng layunin at kabuluhan ang buhay
• nagkakaisa sa pag-abot ng mga layunin at pangarap
• may paggalang sa karapatan ng kapwa tao
• handang tumulong na malinang ang mga kakayahan
• may katapatan, puno ng pag-asa, may pagpapahalaga at masigasig sa
buhay
Sa pangkalahatan, malaki ang tungkulin ng pamilya
sa paghubog ng bawat kasapi sapagkat ang
positibong impluwensiya nito, pagpapairal ng
pagmamahalan, pagtutulungan at matibay na
pananampalataya ay ilan lamang sa mga salik na
nakatutulong upang mapaunlad ang mga
pagpapahalaga at sarili ng isang tao na nasasalamin
naman sa kung paano ito makipag-ugnayan sa
kanyang kapwa tao.
PAGMAMAHALAN
PAGTUTULUNGAN
Pagmamahalan at
Pagtutulungan sa Pamilya:
PALAGANAPIN
Paano natin masasabi na ang
isang pamilya ay matatag?
Masasalamin ang katatagan ng pamilya sa mga
gawi at kilos na isinasagawa ng bawat miyembro
nito. Ito ang paraan upang mapagtagumpayan
ang mga dagok at pagsubok na kahaharapin sa
araw-araw.
 Kung may pagmamahalan at pagtutulungan
sa pamilya ay magkakaroon ng puwang ang
paglinang sa kahinaan at pagsuporta sa
kakayahan ng kasapi. Malilinang lamang ang
ganitong mga gawi kung maisasagawa ang
angkop na kilos sa pagpapadama ng
pagmamahal at pagpapakita ng pagtulong.
Paano nga ba maisasagawa ang mga
angkop na kilos sa pagpapatatag ng
pagtutulungan at pagmamahalan sa
pamilya?
“Ang pamilyang nagtutulungan
ay pamilyang nagmamahalan”
- Anonymous
TUKLASIN
KWENTO KO, PAGNILAYAN MO!
Lumaki sa isang masayang pamilya si Andrea. Pinalaki siyang
may pananagutan sa lahat ng mga kilos na kanyang
ginagawa. Malapit din siya sa mga magulang lalong-lalo na sa
kanyang amang si Rumualdo.

Ang masayang kaarawan ni Andrea ay humantong sa isang


malagim na trahedya sa pagkamatay ng kanyang ama. Labis
na kalungkutan ang kanyang naramdaman. Simula ng mga
araw na iyon nagbago na ang kanyang pag-uugali at naging
mailap na ang pakikitungo niya sa ibang tao.
Sa tuwing nagkakaroon ng Parent’s Day sa kanilang paaralan
ay ganoon na lamang ang kalungkutang kanyang
nararamdaman. Iniisip niya na hindi na kompleto ang
kanyang buhay. “Wala na akong magulang” aniya. “Hindi na
matatawag na pamilya, ang pamilya ko, hindi na ito buo”
dagdag pa niya.

Napansin ng kanyang guro na nakatulala si Andrea, agad


itong lumapit at nagtanong, “Andrea, may problema ka ba?”
“Wala po ma’am” tugon nito at umalis na.

Labis ang pagtataka sa isip ng guro kaya’t tinawagan niya


ang magulang nito at sinabi ang naobserbahan tungkol sa
kanyang anak.
Kinausap ng ina ang kanyang anak. Sinabi ni Andrea ang
lahat ng kanyang problema at saloobin. Nahabag ang ina
sa narinig, “Wala man tayong maraming pera, ginto,
dyamante sa buhay ang tanging kayamanan na mayroon
ako ay ikaw lamang anak, ang pamilya ko. Kahit hindi
man tayo buo, hindi pa rin naman mawawala ang
pagmamahal at suporta ko sa iyo.” wika ng ina na
nagpahagulhol kay Andrea. Doon napagtanto ng anak na
kahit wala na ang kanyang ama, kailangan niya pa ring
ipagpatuloy ang buhay. Kahit ito ay napakahirap may
pamilyang handang umagapay at tumulong sa kanya.
Pamilyang handang magmahal, magalaga, ibibigay ang
lahat ng iyong pangangailangan at handang
magsakripisyo upang lumaki nang maayos at may takot
sa Panginoon.
“Balang araw masusuklian din ang pagsasakripisyo ng
aking ina. Magsisikap at magtatapos ako ng pag-aaral.
Bibigyan ko siya ng maayos at komportableng buhay.
Gagawin ko ang lahat upang maibalik ang dating
masaya at matatag naming pamilya.”, saad ni Andrea
sa sarili.

Payo ko sa mga kapwa ko anak, kahit may mga


suliraning darating ipagpatuloy lang ang buhay dahil
mayroon namang bagong pag-asa na sisibol. Tandaan,
matisod o madapa ka man, bumangon ka kasi sa
bandang huli may mauuwian kang pamilya na
handang tumulong at umagapay sa iyo.
MGA GABAY NA TANONG
1. Paano nito nabago ang pananaw mo sa
pamilya?

2. Kung ikaw ang kaibigan ni Andrea, paano mo


maipakikita ang pagmamahal at pagtulong
sa kanya?
Mga Angkop na Kilos kung
Paano mas Mapatatag ang
Pagmamahalan at
Pagtutulungan sa Sariling
Pamilya
Kung babalikan ang kuwento ni Andrea, wala siyang
ama ngunit nanatiling buo at matatag ang pamilya
dahil ipinadama ng mag-ina ang pagmamahal sa isa’t
isa. Paano nga ba maipadarama ang pagmamahal at
pagtutulungan sa sariling pamilya?

Ang pagmamahal ay isang damdamin na hindi lamang


naipakita sa pagbibigay ng mga materyal na bagay
kung hindi maging sa pagpapahalaga. Hindi lamang
mararamdaman at makikita ang pagmamahal sa loob
ng tahanan maaari ring maramdaman ito sa
Panginoon at kapwa.
Naipamamalas ang pagmamahalan kung
naisasagawa ang mga angkop na kilos tulad ng
sumusunod:
 Pagbibigayan sa pamamagitan ng paglalaan ng oras
at panahong makapiling ang pamilya
 Pagpapakumbaba sa tuwing nakagagawa ng
kamalian at matotong humingi ng kapatawaran
 Pagpapakita ng respeto sa mga magulang at
nakatatandang kapatid
 Pagpapahalaga sa mabubuting nagawa ng pamilya
tulad ng; ipinagmamalaki kita.
 mahusay ang iyong ginawa atbp.
Kaakibat ng pagmamahal ay pagpapakita ng suporta sa
pamamagitan ng pagtulong sa kapwa na hindi naghihintay ng
anumang kapalit. Ito ang nagiging dahilan sa pagpapatatag ng
pagtutulungan sa pamilya. Sa pamamagitan din ng pagsasagawa
ng angkop na kilos na:
 Pagkakaisa sa mga gawaing bahay
 pagtulong sa kapatid na maunawaan ang aralin
 Pagsasakripisyo ng pansariling kagustuhan para sa ikabubuti
ng pamilya
 Pagpapakita ng suporta sa mga anak na nag-aaral
 Pagkamit sa mithiing magpapaunlad ng pamilya
 pagsunod sa mga utos at payo ng magulang
 Pag-alalay sa kasapi ng pamilya na may kapansanan
 Pagbabahagi ng mga biyaya sa pamilya
Sinasabing ang pagmamahal ang pinakamahalagang
elemento na nagdudugtong sa tao, ibig sabihin kung
may pagmamahal ay mararamdaman natin ang
katiwasayan at pagtutulungan sa bawat isa. Ayon nga
kay St. Thomas Acquinas, ang pagmamahal ay
naipadadama hindi lamang sa salita kung hindi sa
gawa. Kung gayon, bilang tao ay napakahalagang
pairalin ang pagmamahal para magkaroon ng
makabuluhang pakikipagkapwa.
MARAMING
SALAMAT! 

You might also like