Sektor NG Industriya

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

Sektor ng Industriya

Panimula
• Sa nakaraang aralin, tinalakay natin ang
sektor ng agrikultura. Sinuri natin ang
kahalagahan nito sa pang-araw-araw na
buhay ng mga Pilipino. Ang susunod na
sektor na ating tatalakayin ay ang sektor ng
industriya. Ating susuriin ang kahalagahan,
gayundin ang kasalukuyang kalagayan nito
at kung ano ang mga programa ng
pamahalaan upang masiguro ang
kapakinabangan nito sa pagtatamo ng
kaunlaran ng bansa.
Sektor ng Industriya
• Pangunahing layunin nito ay maiproseso
ang mga hilaw na materyal upang makabuo
ng mga produkto na ginagamit ng tao.

hilaw na materyal produkto


Sub-sektor ng Industriya
Pagmimina

• Ang sekondaryang sektor kung saan ang mga


metal, di-metal, at enerhiyang mineral ay
kinukuha at dumadaan sa proseso upang
gawing tapos na produkto (halimabawa ay
hikaw na gawa sa ginto) o kabahagi ng isang
yaring kalakal (halimbawa ay tornilyo para sa
kotse). Ang mismong produkto, hilaw man o
naproseso ang nagbibigay ng kita para sa
bansa.
Pagmamanupaktura

• Ito ay tumutukoy sa paggawa ng mga


produkto sa pamamagitan ng manual labor o
ng mga makina. Nagkakaroon ng pisikal o
kemikal na transpormasyon ang mga
materyal o bahagi nito sa pagbuo ng mga
bagong produkto.
Konstruksiyon
• Kabilang dito ang mga gawaing tulad ng
pagtatayo ng mga gusali, estruktura at iba
pang land improvements halimbawa ay tulay,
kalsada at iba pa bilang bahagi ng serbisyo
publiko ng pamahalaan sa mga mamamayan.
Kasama rin sa sekondaryang sektor na ito ang
probisyon sa pagbibigay ng serbisyong
teknikal at konstruksiyon tulad ng pagsasaayos
at pagmimintina kasama na rin ang ang
personal na konstruksiyon ng mga tirahan.
Utilities
• Ito ay binubuo ng mga kompanyang ang
pangunahing layunin ay matugunan ang
pangangailangan ng mga mamamayan tulad ng
tubig, kuryente at gas. Malaki ang papel ng
pamahalaan upang masiguro ang maayos na
serbisyo. Kasama sa mga tungkuling ng
pamahalaan ang paglalatag ng mga
imprastruktura at angkop na teknolohiya upang
maihatid ang nararapat na serbisyo sa lahat ng
tao. Ito ay upang masiguro na ang bawat
mamamayan ay maaabot ng mga nasabing
serbisyo.
Uri ng mga Industriya ayon sa laki

• Cottage Industry – Napapaloob dito ang


mga produktong gawang kamay (hand-made
products). Hindi hihigit sa 100 mangagawa
ang kabilang sa industriya at maliit na lugar
lamang ang sakop ng operasyon nito.
• Small and Medium-scale Industry –
Binubuo ng 100-200 na mga manggagawa
at ginagamitan ng payak na makinarya sa
pagproproseso ng mga produkto.
Uri ng mga Industriya ayon sa laki

• Large-scale Industry – Binubuo ng higit sa


200 na mga manggagawa, ginagamitan ng
malalaki at kumplekadong makinarya sa
pagproproseso ng mga produkto at
kailangan ng malaking lugar para sa
produksyon tulad ng planta o pabrika.
Kahalagahan ng Industriya
• Gumagawa ng mga produktong
may bagong anyo, hugis at
halaga.
• Nagbibigay ng empleyo
• Pamilihan ng mga tapos na
produkto
• Nagpapasok ng dolyar sa bansa
Suliranin ng Sektor ng Industriya
Suliranin Epekto
Kawalan ng malaking kapital Kakulangan ng produkto at
upang tustusan ang pagtaas sa presyo nito.
pangangailangan sa
produksyon
Mga White-elephat projects Pinsala sa mga mamamayan
(Proyektong walang at kapaligiran.
pakinabang) ng pamahalaan
Kakulangan sa hilaw na Pagbabawas sa produksyon
materyales at pagtaas sa presyo ng
produkto.
Malayang pagpasok ng Pagsasara ng mga lokal na
murang produkto mula sa industriya at pagkawala ng
ibang bansa dahil sa import hanapbuhay ng maraming
liberalization. mamamayan.
Sangay ng Pamahalaan na
Tumutulog sa Sektor ng Industriya
• Department of Trade and Industry (DTI) –
Gumagabay sa mga mangangalakal sa pagtatatag ng
negosyo.
• Board of Investments (BOI) – Tinutulungan nito ang
mga nagsisimulang industriya at humihikayat sa mga
dayuhang mamumuhunan na magnegosyo sa bansa.
• Philippine Economic Zone Authority (PEZA) –
Tumutulong sa mga mamumuhunan na maghanap ng
lugar upang pagtayuan ng negosyo.
• Securities and Exchange Commission (SEC) –
Nagtatala at negrerehistro sa mga kompanya sa
bansa.
Pagbubuod:
• Pangunahing layunin ng sektor ng industriya ang
maiproseso ang mga hilaw na materyal upang
makabuo ng mga produkto na ginagamit ng tao.
• Ang sektor ng industriya ay binubuo ng pagmimina,
pagmamanupaktura, konstruksyon at utilities.
• May tatlong uri ng industriya ayon sa laki – cottage
industry, small and medium scale industry at large-
scale industry.
• Mahalaga ang sektor ng industriya sapagkat
gumagawa ito ng mga produktong may bagong
anyo, hugis at halaga, nagbibigay ng empleyo,
pamilihan ng mga tapos na produkto at nagpapasok
ng dolyar sa bansa
PAGPAPAHALAGA

• Ano ang iyong palagay ang


kasalukuyang kalagayan ng sektor
ng industriya? Ipaliwanag.
• Paano ka makatutulong sa pag-
unlad ng sektor ng industriya
tungo sa pagkamit ng kaunlaran
ng bansa?
Tandaan:
Ang GRADES
pinaghihirapan
HINDI inililimos!
References:
• EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para
sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at
Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA
Publishing House
• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks
Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga
Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga
Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI

You might also like