EsP 10 3rd Quarter

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

M,jj

Republic of the Philippines


Department of Education
+

2REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
CALANTIPE HIGH SCHOOL
Calantipe, Pampanga
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
School Year 2022-2023

Pangalan: _____________________________________________ Taon at Pangkat: ___________________

Panuto: Piliin titik ng pinakatamang tamang sagot.

1. Ang taong maingat sa paghuhusga ay:


a. Hindi basta basta humatahol ng kapwa.
b. Hindi nanlalamang ng kapwa.
c. Hindi padalos dalos sa paggawa ng pasya.
d. Hindi padalos dalos sa pagsasalita.
2. Madalas tayong sabihan kapag tayo ay gumagawa ng pasya na: “Pag-isipan mo muna ng
maraming beses bago ka gumawa ng anumang pasya”. Bakit hinihikayat ang tao na mag-isip
ng mabuti bago gumawa ng pasya?
a. Para hindi magkamali at hindi magsisi sa huli.
b. Para masabing matalino at magaling.
c. Para hindi mapahamak.
d. Para hindi mapagalitan.
3. May parating na malakas na bagyo sa inyong lugar na magdadala ng malakas na hangin. Ano
ang angkop gawin?
a. Bumili ng mga pagkain para hindi gutumin.
b. Lumikas kaagad sa ligtas na lugar.
c. Kumpunihin ang bubong ng bahay at maghanda ng emergency kit.
d. Matulog para hindi maramdaman ang bugso ng hangin.
4. Ayon kay Aristoteles, sa maingat sa paghuhusga ay katumbas ng phronesis or karunungang
praktikal. Saan nagmumula ang karunungang praktikal?
a. Natutunan ng isip sa mga pang-araw-araw na gawain .
b. Natutunan ng isip sa mga pang-araw-araw na aralin sa paaralan.
c. Natutunan ng isip sa mula sa turo ng Magulang
d. Natutunan ng isip sa mula sa turo ng Simbahan
5. Magkaiba ang takot at karuwagan. Maihahambing ito sa sinabi ni Zig Ziglar na may dalawang
kahulugan ang ‘FEAR”, una ay Forget Everything and Run at ang pangalawa naman ay Face
Everything and Rise. Alin sa dalawang bahagi ang isinasabuhay ng taong takot pero
sumusubok at di sumusuko?
a. Una c. Pareho
b. Pangalawa d. Wala
6. Ito ay ay pagpikit ng mata sa mga tawag ng halaga at pagsuko sa hamon dahil sa kawalan ng
tiwala sa sarili o iba.
a. Karuwagan c.Pagkablisa
b. Pag-Malaya d. Takot
7. Sino sa sumusunod ang nagpapakita ng karuwagan?
a. Si Eille na takot tumawid sa kalsada na mabibilis ang takbo ng sasakyan.
b. Si Abby na ayaw maglakad sa kalye na may maraming nangangagat na aso.
c. Si Drew na takot mahulog kung sasabit sa jeep.
d. Si Marie na nahihiyang mag-ulat sa harap ng klase.
8. Bakit mahalaga ang kahinahunan?
a. Dahil hindi padalos –dalos sa pagpili ng solusyon.
b. Dahil mas mabilis na makakagawa ng wastong pasya.
c. Dahil matitimbang ng may linaw at obhetibong pagtingin ang iba’t –ibang salik ng sitwasyon.
d. Dahil maiiwasan ang pagkataranta.
9. Ano ang naidudulot ng paggawa na hindi ayon sa angkop?
a. Disgrasya c. Pagkasira
b. Gulo d. Kawalan ng katarungan
10.Paano maisasabuhay ang pagiging makatarungan ng isang simpleng kabataan na katulad mo?
a. Huwag papatay c. Huwag magdudroga
b. Huwag magnakaw d. Huwag maging pasaway
11.Ang ________________ ay sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling buhay at naaayon sa sariling
kagustuhan.
a. Pagpapatiwakal b. Pagpapalaglag c. Alkholismo d. Wala sa nabanggit
12.Ang _________________ay pag-alis ng fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina.
a. Aborsiyon b. Pag-opera c. Pagpapahilot d.Pagturok ng gamot
13.Ito ay ang labis na pagkonsumo ng alak na may masamang epekto sa tao
a. Alkoholismo b. Aborsiyon c. Droga d. Euthenasia
14.Ito ay argumento o usapin, mga paksa na kailangan pagtuunan ng pansin para maresolba o
masulosyonan.
a. Isyu b. Balita c. Haka-haka d. opinyon
15.Dahil sa droga, ang isip ng tao ay nagiging ____________.
a. Blank spot. b. Masaya c. Mahinahon d. Malawak
16.Isa itong pamamaraan kung saan napadadali ang kamatayan ng isang taong may malubhang
karamdaman na maaari ring mauwi sa kamatayan dahil wala na itong lunas
a. Euthanasia b. Aborsiyon c. Suicide d. Miscarriage
17.Ano ang kahulugan ng “pater” na pinagmulan ng salitang patriyotismo?
a. Kabayanihan at katapangan
b. Kasipagan at tiyaga
c. Panagbasihan o pinagkopyahan
d. Pinagmulan o pinanggalingan
18.Paano maisasabuhay ng isang mamayan ang kanyang pagmamahal sa bayan?
a. Pag-aalay ng buhay para sa bayan.
b. Pagkakaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa bayan.
c. Eklusibong pagtangkilik sa produkto ng bansa.
d. Marubdob na paggawa ng trabahong pinili o ibinigay.
19.Alin ang hindi angkop nan a kilos ng pagmamahal sa bayan?
a. Pagiging tapat sa sarili, sa kapwa, sa Gawain sa lahat ng pagkakataon.
b. Pag – awit ng pambansang awit ng may paggalang at dignidad.
c. Pagsisikap na makamit ang mga pangarap para guminhawa ang buhay.
d. Paggawa ng paraan upang makatulong sa suliranin ng bansa.
20. Tayo ay iminumulat tungkol sa mga natatanging kaganapan sa __________ ng ating bansa.
a. Kasaysayan b.kahiwagahan c. Kasikatan d. kaguluhan
21. Bawat isa sa atin ay may __________ o responsibilidad na dapat tandaan
a. Kabuluhan b. Likas na yaman c. Pananagutan d. sumalamin
22.Paano nakahahadlang ang pandaraya at pagkamakasarili sa pag-unlad ng isang bayan
gayundin sa pagka-Pilipino natin?
a. Limitado ang nakikinabang.
b. Masamang matutuhan ng mga batang Pilipino.
c. Nawawala ang kapayapaan sa bayang sinilangan.
d. Nakaaapekto sa mabuting pakikipagkapuwa.
23.Bakit mahalaga ang pagmamahal sa bayan?
a. Pinagbubuklod ang mga tao at nagiging daan upang makamit ang mga layunin sa lipunan
b. Naiingatan at napapahalagahan ang karapatan at dignidad ng tao
c. Napahahalagahan ang kultura, paniniwala at pagkakakilanlan
d. Lahat ng nabanggit
24.Ito ang pinakadakilang handog ng Diyos sa tao kaya’t dapat na igalang at ingatan.
a. Buhay c. Kalayaan
b. Kapwa d. Kapayapaan
25.Ang kaisipang “ikaw,ako,sila,tayo ay magkakasama sa pag-unlad bilang isa” ay tanda ng
pagiging mabuting mamayan. Isinasalarawan nito ang ________________
a. Kabayanihan c. Paggalang
b. Kapayapaan d. Pagkakaisa

Para sa bilang 26 – 30, piliin ang pagpapahalaga na indikasyos ng pagmamahal sa bayan na


isinasaad ng bawat sitwasyn.
26. Sa lahat ng pagkakataaon ay iniiwasan ko ang pagsisinungaling, pandaraya at panloloko.
a. Pagpapahalaga sa buhay.
b. Katotohanan.
c. Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapuwa.
d. Pananampalataya.
27. Inihiwalay ko ang basura ayon sa uri nito.
a. Pagkalinga sa pamilya at salinlahi.
b. Kasipagan.
c. Pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran.
d. Pagkakaisa.
28. Masaya ako kapag tinutulungan ko ang aking kapwa lalo’t higit ang nangangailangan.
a. Pagpapahalaga sa buhay.
b. Katotohanan.
c. Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapuwa.
d. Pananampalataya.
29. Lagi akong nagpapasalamat at humihingi ng patnubay sa Diyos at isinasama ko sa aking
panalangin ang kapayapaan at kaunlaran ng ating bansa.
a. Pagpapahalaga sa buhay.
b. Katotohanan.
c. Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapuwa.
d. Pananampalataya.
30. Tumatawid ako sa tamang tawiran at hindi ako nakikipag-unahan o sumisingit sa pila.
a. Kabayanihan.
b. Kalayaan.
c. Pagsunod sa batas
d. Pagsusulong ng kabutihang panlahat.
31. Ang kalikasan ay tumutukoy sa ________.
a. Lahat ng nakapaligid sa atin.
b. Lahat ng nilalang na may buhay.
c. Lahat ng bagay na nagpapayaman sa tao.
d. Lahat ng mga salik na tumutugon sa pangangailangan ng mga nilalang na may buhay.
32. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit kailangan ng tao na pangalagaan ang kalikasan?
a. Sa kalikasan nanggagaling ang mga materyal na bagay na bumubuhay sa kaniya.
b. Responsibilidad itong ipinagkatiwala sa kaniya na dapat niyang gampanan.
c. Ang kalikasan ay kakambal ng kaniyang pagkatao; ito ang bubuhay sa kaniya at bilang
kapalit, kailangan niya itong alagaan at pahalagahan.
d. Sa kalikasan nakadepende ang hinaharap ng tao dahil sa biyayang taglay nito.
33. Ano ang maaaring epekto ng global warming?
a. Unti-unting mababawasan ang bilang ng tao dahil sa gutom at mga trahedyang mangyayari.
b. Matutunaw ang mga yelo, lalawak ang dagat at magkakaroon ng malawakang pagbaha.
c. Unti-unting mararamdaman ng tao ang pag-iiba ng klima na maaaring magdulot ng pinsala
sa buhay at ari-arian.
d. Magiging madalas ang pag-ulan, pagguho ng lupa at pag-init ng panahon.
34. Maraming kabutihang dulot ang modernisasyon at teknolohiya. Alin sa mg asumusunod ang
nakasisira sa tao?
a. Napapaunlad ang sistema ng transportasyon at komunikasyon
b. Nabibigyan ng lunas ang mga sakit tulad ng cancer
c. Nagkakaroon ang tao ng oryentasyong materyalismo
d. Natutugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng tao
35. Ang pagiging tagapangalaga ng kalikasan ay nangangahulugang ___
a. Paggamit sa kalikasan na naaayon sa sariling kagustuhan.
b. Paggamit sa kalikasan ng may pananagutan.
c. Paggamit sa kalikasan ng walang pakundangan.
d. Paggamit sa kalikasan na hindi isinasaalang-alang ang iba.
36. Kung sisiyasatin mapapansin natin ang laganap na pagkasira ng kalikasan. Ano ang sanhi ng
pagkasira ng nito?
a. Lagim ni Satanas c. Mga hayop sa paligid
b. Kapabayaan ng tao. d. Parusa ng Diyos
37. Ano ang pinakamasamang maaring maidulot ng pagkawasak ng kalikasan ayon kay Pope
Benedict XVI sa kanyang salayasay na: “The planet you do not save today is the earth you will
not live upon”?
a. Pagguho ng Lupa c. Malaking pagbaha
b. Pagputok ng mga bulkan d. Pagkawala ng tirahan ng tao
38. Ang kalikasan ay Kaloob ng Diyos upang:
a. Mapagkakitaan c. Patuloy na balewain
b. Pagandahin d. Wasakin
39. Ang pangangalaga sa kapaligiran at sa kalikasan ay isang pananagutang panlipunan. Ano ang
wastong pananaw ukol dito?
a. Tama, sapagkat bawat nilikha ng Diyos ay magkakaugnay ang anumang epektong ginagawa
natin sa kalikasan ay maari rin tayong maging biktima.
b. Tama, sapagkat ang pangangalaga sa kalikasan ay kinakailangang gawin hindi lamang sa
ating pansariling dahilan kundi para sa susunod na henerasyon.
c. Mali, sapagkat tayo ang sentro ng mundo ang lahat ng bagay na nakapalibot sa atin ay para
sa ating pansariling kapakanan lamang.
d. Mali, sapagkat bilang nilalang ng Diyos pare-pareho tayong may karapatan sa kalikasan.
40. Isa sa mga hakbang upang mapanumbalik at mapanatili ang kagandahan at kasaganaan ng
mundo ay ang pamumuhay na naaayon sa kung ano ang pangangailangan lamang at hindi
kagustuhan. Anong hakbang ito?
a. Itapon ang basura sa tamang lugar. c. Pagtatanim ng Puno
b. Pagsasabuhay ng 4R d. Simpleng Pamumuhay
41. Ito ay ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Ito ay paniniwala at pagtitiwala bagaman
hindi nakikita.
a. Espiritwalidad c. Pag-ibig
b. Pananampalataya d. Pagkabigo
42. Alin sa sumusunod ang nagsasabi ng tunay na diwa ng espiritwalidad?
a. Ang palagiang pag-aaral at pagbabasa ng salita ng Diyos.
b. Ang pagiging maawain at matulungin sa pangangailangan ng kapwa.
c. Ang pananatili ng ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng pananalangin sa araw-araw.
d. Ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapwa bilang pagtugon sa tawag ng Diyos.
43. Mapalad ang tao dahil bukod sa binigyan siya ng buhay ay ginawa siyang
a. kawangis ng Diyos c. Kamukha ng Diyos
b. katuwang ng Diyos d. Katabi ng Diyos
44. “Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot naman sa kaniyang kapwa ay
sinungaling.” Ang pahayag ay___________.
a. Tama, dahil dapat mahalin ang kapwa.
b. Tama, dahil maipapakita lamang ang tunay na pagmamahal sa Diyos kung minamahal din
ang kapwa.
c. Mali, sahil maipapakita ang pagmamahal sa kapwa sa pamamagitan ng pagdarasal at
pagsisimba.
d. Mali, dahil maipapakita ang pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng mabuting ugnayan sa
kanya.
45. Ang sumusunod ay mahalagang aral ng pananampalatayang Kristiyanismo maliban sa:
a. Magmahalan at maging mapagpatawad sa bawat isa.
b. Ang Diyos ay nasa ating lahat sa bawat pagkakataon n gating buhay.
c. Pagpapabuti sa pagkatao sa pamamagitan ng pag-iwas sa material na bagay.
d. Tanggapin ang kalooban ng Diyos na may kagaanan at likas na pagsunod sa kanya.
46. Lingo-lingo nagsisimba si Jona, araw araw umaattend ng bible study at cell group at hindi
nakakalimot magdasal. Siya rin ay nagbabasa ng bibliya at kinakabisa ang mga bersikulo. Kahit
ganito siya ay tsismosa at madamot sa kapwa. Naisasabuhay ba ni Jona ang tunay na
pananampalataya?
a. Oo, dahil ginagawa naman niya ang kanyang tungkulin sa Diyos.
b. Oo, dahil ang kaniyang pagsisimba, pagdarasal at pagbabasa ng bibliya ay ikinalulgod ng
Diyos.
c. Hindi, dahil siya ay masama.
d. Hindi, dahil nababale wala ang kanyang ugnayan sa Diyos kung hindi maganda ang
ugnayan sa kapwa.
47. Ito ay ang pagkakaroon ng iisang layuin na magkasama sa pag-unlad at pakikipagtulungan ng
bawat indibidwal na mapag-iisa.
a. Pagkakaisa
b. Pagkakawatak-watak.
c. Paninira sa kapwa.
d. Pagiging madamot.
48. Nakasulat sa Santiago 2:17 na “Patay ang pananampalatayang walang kalakip na gawa”.
Paano maisasabuhay ang buhay na pananampalataya.
a. Paglilingkod sa kapwa. c. Regular na Pagbabasa ng Bibliya
49. Ang ______________ ay pagiging disiplinado sa lahat ng pagkakataon, organisado sa pagbibigay
ng ideya, salita, kilos na may layuning mapabuti ang ugnayan sa kapuwa
a. Pag-sisinungaling b.Pagpapahalaga sa materyal na bagay
b. Kaayusan c.kapanatagn
50. Sinasabing ang mga pangunahing relihiyon sa mundo ay Iba’t – iba ngunit magkakatulad. Ano
ang pagkakatulad na tinutukoy?
a. Iisang aklat ang basehan sa itinuturo.
b. Magkaroon ng malalim na ugnayan sa Diyos at Kapwa
c. Pagsamba sa iisang Diyos
d. Pagsasabuhay ng pananampalataya
SUSI SA PAGWAWASTO (ESP 10)

1. C
2. A
3. C
4. A
5. B
6. A
7. D
8. C
9. D
10. D
11. A
12. A
13. A
14. A
15. A
16. A
17. D
18. D
19. C
20. A
21. C
22. A
23. D
24. A
25. D
26. B
27. C
28. C
29. D
30. C
31. D
32. C
33. C
34. C
35. B
36. B
37. D
38. B
39. A
40. D
41. B
42. D
43. D
44. B
45. C
46. D
47. B
48. A
49. D
50. B

You might also like