Ang Katuturan at Kasaysayan NG Pamamahayag

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 44

ANG KATUTURAN AT

KASAYSAYAN NG
PAMAMAHAYAG
Mark James M. Vinegas
LAYUNIN
Narito ang mga layunin na nilalayong matamo pagkatapos ng
aralin;
Nakapagtalakay ng kasaysayan, layunin, tungkulin, uri, bahagi ng
pahayagan, at etikang pampahayagan.
Natutukoy ang katuturan ng pahayagan.
Nakapagsulat at nakapagsuri ng mga uri ng balita.
KATUTURAN NG
PAMAMAHAYAG
• ang pamamahayag ay isang paraan ng pagsusulat ng tuwirang pag-
uulat o pagbabalita ng mga kaganapan. Ang kataga ay ginagamit
din upang ilarawan ang mga gawain ng mga pahayagan, palabras
na pambalita sa telebisyon, radio at mga magasin.
• Maraming iba’t ibang hanapbuhay na pambalita at pangbatiran sa
larangan ng pamamahayag katulad ng mga trabaho ng mga
tagapag-ulat na pamahayagan, ankor na pambalita sa telebisyon,
manunulat, patnugot, tagaguhit o ilustrador at potograpo.
• Samantalang ang naghahanapbuhay sa larangan na ito at
tinatawag na tagapamahayag, mamamahayag, o peryodista.
• Ayon kay Huddleston, ang pamamahayag (journalism) ay kaakit-
akit na libangang pangaraw-araw na taglay ng katotohanan ng
buhay sa kasalukuyan; iyong nakalulugod bagaman sa kalaunan
ay nakapapagal din sa pakiramdam sa siya’y kasangkot sa mga
pangyayari, na ang iba’y tunay na mahalaga sa ating sarili sa
darating na salin ng lahi.
KASAYSAYAN NG
PAMAMAHAYAG SA PILIPINAS
• Nagsimula ang pamamahayag sa Pilipinas sa paglalathala ni
Tomas Pinpin, isang Pilipinong manlilimbag ng Sucesos Felices,
isang polyeto (newsletter) sa Maynila.
• Natutuhan ni Pinpin ang sining ng paglilimbag buhat sa mga
prayle at mga intsik ngunit ‘di niya nailagay kung kailan ang
tiyak na petsa ng unang pagkakalimbag nito at kung gaano
kalimit ang paglabas niyon.
• Inilathala niya sa Kastila ang pangunahing mga kuwento ukol sa
mga tagumpay ng La Naval laban sa mga Dutch sa Ternate.
Nagtagal ito hanggang 1809.
• Isang Hojas Volantes or "flying sheets" ang Aviso Al Publico (Notices
to the Public) na lumitaw noong Pebrero 27, 1799. Sinasabing ang
sukat nito ay gaya ng isang malaking kwaderno. Ito ay tungkol sa
kampanya laban sa mga Muslim at pagkabihag ng mga pirata sa
Sulu nang mga hukbong Kastila sa pangunguna ni Jose Gomez.
Disyembre 1, 1846 ay kinikilalang unang pahayagang pang-araw-
araw maliban lamang sa araw ng lunes ang La Esperanza sa
patnugot nina Felipe Lacorte at Evarisco Calderon.
Malaking bahagi nito ay mga talakayang pampilosopiya,
panrelihiyon, at pangkasaysayan. Tumagal ito ng tatlong taon at
nagbukas upang maging pang-araw- araw na pahayagan.
Ang kauna-unahang pahayagan sa Pilipinas na lumabas ng palagian
sa patnugot ni Governador-Heneral Manuel Fernandez de Folgueras
noong Agosto 8, 1811. Siya ang naging patnugot at naglathala dito ng
mga gawain ng Spanish Cortes, pati digmaan ng Espanya at Pransiya.
Dahil sa, higpit ng sensura ng mga Kastila hinggil sa mga lathalaing
nakasisira sa kanila, ang pahayagang ito ay umiral lamang sa
maikling panahon at pagkatapos ng labinlimang labas ay kusa nang
namatay
Unang nailathala noong March 1, 1859 at naglabas ng dalawang
beses na isyu buwan-buwan. Ito’y tumagal lamang hanggang
Disyembre 15, 1860.
Mula sa dating Boletin de Oficial ay muling nirebisa ang mga
nilalaman ng pahayagang ito at pinangalang Gaceta de Manila.
Revista de Noticias y Anuncios noong 1861 na ‘di kalaunan ay
naging La Espafia Oceanica.
Pahayagang Kastila na minsa’y nasasamahan ng mga artikulong
Tagalog upang magbigay edukasyon sa mambabasa. Ang
pahayagang ito ay nakipagsapalaran ng labindalawang taon (1865-
1877).
Isang pahayagang pang-hapon ang muling binuo ni Joaquin de Loyzaga
at Francisco Diaz Puertas gamit ang kaparehong pangalan (El
Comercio) ng pahayagang unang lumabas noong 1858.
Kasabay man ng Diario de Manila at El Porvenir, ang El Comercio ang
may pinakamatatag at episyenteng naglathala ng pahayagan sa buong
kalupaan sa loob ng 56 na taon (1858-1925) nang may parehong
pangalan. Ito ang pinakaprogresibong pahayagan noong panahon ng
Kastila na binili ni Senator Ramon Fernandez at isinamansa La Opinion
Ikaapat na pahayagang lumabas sa taong 1882 na may islogang "It
is possible to love the Philippines without hating Spain and to love
Spain without hating the Philippines.“ Ito’y tumagal lamang ng
limang buwan at sinasabing hindi ito nakahimok ng malaking
bagahdan ng tagapagtangkilik sa nasabing idea ng islogan.
Isa sa pinakaimportanteng pahayagan ay itinayo ni Jose Maria
Perez Rubio. Ito ay nakadisenyo para sa sirkulasyon ng mga
abogado at patnubay para sa mga hustisya at kapayapaan.
Ipinasara ito ng Gobernador Heneral noong 1888 dahil umano sa
kawalan ng lisensiya sa pamahalaan matapos ang ilang taong
pakikipaglaban sa korte ay muli itong binuksan noong 1893 sa
pangalang ngunit ‘di naglaon ay nagsara dahil sa pagkamatay nang
nagtayo ng pahayagan.
Unang pamprobinsiyang pahayagan na inilathala sa labas ng Maynila ngunit
nahinto rin sa parehong taon. Itinayo noong ika-1 ng Marso 1884 ni Pedro
Groizard na may panulat-kamay na “Larra”.
Dahil sa mga eksposisyon at negatibong laman lagi ng pahayagan, ito’y nagdulot
ng kaguluhan at may dalawampung linggo bago tuluyang isinara. Itinayo sa Iloilo
ni Diego Jimenez, isang agresibong manunulat nang pahayang ito na
nagsisiwalat ng iba’t ibang katiwalian na naging dahilan upang magkaroon siya
ng maraming kaaway. Noong 1886 ay itinayo rin niya ang El Eco de Panay na
nagpatuloy hanggang sa masakop tayo ng mga Amerikano noong 1899.
Mga agresibong pahagayan na nagsulputan mula 1885 hanggang
1886. Katolikong pahayagang itinayo noong Oktubre 1886.
Ito ang panahon ng sinasabing pagbabago mula sa impluwensiya
ng pamumuno ni Gobernador Heneral Eulogio Despujol na naging
liberal sa pamamahala.
Noong ika-4 ng Hulyo bilang pangkontra sa mga pahayag ng La
Opinion sa patnugot ni Agustin Alfonso Moseras. Nang magretiro si
Mosares kalaunan ay pinamunuan ito ni Jose dela Rosa.
Noong 1892 pinangalanan itong sa pamumuno nina Federico at
Antonio Hidalgo at may islogan na "The Philippines by Spain and for
Spain“.
Pahayagang patungkol sa mga katutubo mula sa patnugot ni Isabelo delos Reyes
na naglabas lamang ng ilang isyu. Pahayagang laan para sa mga kababaihan. Mga
lingguhang pahayagan na maiksing panahon lamang naglathala ng mga isyu.
Bukod sa na muling naglathala, may mga bagong pamahayagan din ang
umusbong tulad ng El Ejercito de Filipinas, El Consultor del Profesorado, Madrid-
Manila, Toda en Broma, El Foro Administrativo, La Pavera, Periodico Festivo, La
Puya (naglathala ng may kaugnayasn sa Pilipinas), Los Miercoles (naglathala ng
isang isyu lamang), Revista Mercantil de Filipinas, Polichinela (naglathala
lingguhang isyu) and the Boletin de la Companiia de Explotacion y Colonizacion de
La Isla de Paragua.
Apostolado de la Prensa, naklathala sa Tagalog. El Heraldo Militar,
sumunod ay lingguhng pahayagang tinawag na El Ejercito de Filipinas.
Manila-Santander, Boletin Oficial Agricola El Consultor de Municipios,
Manalilla-Sport (buwanan), La Legislacion (dalawanng beses kada buwan
maglabas ng isyu at ukol sa pahalan at korte ang nilalaman), El
Municipio Filipino (patnugot- Isabelo de los Reyes) at Apostolado de La
Prensa.
(itinayo ng mga prayle para sa mga pangrelihiyong gawain sa wikang
Tagalog) El Album Militar (itinayo ng sundalong opisyal).
El Cinfe and Sorpresas- Chicago ay dalawang komiks na itinayo
ngunit nawala rin ng sumunod na taon. El Espafiol na naglathala
hanggang 1898.
La Exposition, La Campana, La Mosca at La Vida Industrial de
Filipinas na itinayo ni Jose Martin Martinez Kauna-unahang
rebolusyonaryong pahayagan ng Kataastaasang Kagalang-
galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan.
Na itinayo noong ika- 18 ng Enero, 1896. Naglalayon itong ipahayag
sa lahat ang kasamaan at kasakiman ng mga prayle at mga
kastilang opisyal upng makapag-organisa ng isang rebolusyon.
Nakalathala rin sa mga artikulo ng pahayagan ang ilang
ebedensiya upang makahikayat nang mambabasa.
Lumabas din ang mga pahayagang Tagalog tulad Ang Pliegong
Tagalog na itinayo ni Juan Atayde na ayon sa kanya ay marapat
lamang na magkaroon ng pahayagang nakalathala sa wikang ito at
hindi puro sa Kastila na lang.
Ang La Independencia ay itinayo ni Henenal Antonio Luna sa tulong
ng kanyang kapatid na si Joaquin noong September 3, 1898. Isa ito
sa pinaka-importanteng pahayagan sa panahon ng rebolusyon.
. Iba pang mahahalagang pahayagan ng taong ito ay ang La
Libertad na itinayo noong ika-20 ng Hunyo sa patnugot ni Clemente
Jose Zulueta.
The Newspaper La Republica Filipina na itinayo sa Mandaluyong,
Rizal noong ika-15 ng Setyembre sa patnugot ni Pedro A. Paterno at
‘di kalaunan noong opisyal na pahayagan ng pamahalaan noong
1901 ng sumulat si General Douglas Mac Arthur bilang Sekretaryo
ng Digmaan ng mga panahong ito.
Ika-29 ng Setyembre 1898 inilathala sa Malolos Bulacan sa unang
pagkakataon ang El Heraldo de la Revolicion Filipina. Ito ay naging
opisyal na publikasyong pahayagan sa panahong may rebolusyon
sina Heneral Emilio Aguinaldo. Ika-29 ng Disyembre 1898 inilathala
sa Jaro Iloilo na naglalayong ipaglaban ang mga karapatan ng
Pilipino.
Ika-24 ng Marso, 1899 ang Columnas Volantes ay inilathala sa Lipa,
Batangas. Ito ay naglalaman ng mga artikulo ukol sa pulitika at
mga sandatahang lakas. Ito ay binuo ng mga propesyunal na
nabibilang sa samahang Club Democratico Independiente.
Noong Nobyembre 18, 1899 ang mga pahayagang, Filipinas Ante
Europa at El Defensor de Filipinas, ay inilathala sa Barcelona
Espanya sa patnugot ni Isabelo de los Reyes. Inilathala rin ang
kauna-unahang pahayagang Amerikano na inihahayag ang
pagkapanalo ni Heneral Dewey at pagsaugpo niya sa pwersang
Amerikano sa Manila Bay
Noong 1900 ay inilathala ang El Grito Del Pueblo (Ang Sigaw/Tinig
ng Bayan) na itinatag ni Pascual Poblete at ang El Renacimiento
(Muling Pagsilang) na itinatag naman ni Rafael Palma. Isa rin sa
mga pang-arawaraw na pahayagan noong 1900 ang El Nuevo Dia
(Ang Bagong Araw) na tinatangkilik pa rin natin magpahanggang
ngayon. Ito naman ay itinatag ni Sergio Osmeña
Ang Pagsisimula ng College Editors Guild of the Philippines (1931-
1945) Bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao ang
pamamahayag. Mula paggising sa umaga, hanggang bago tuluyang
magpahinga sa gabi, mga balita sa radyo, telebisyon, at pahayagan
ang kaulayaw ng paningi't pandinig ng mga mamamayan.
Napakalawak nang naaabot ng kapangyarihan ng medya sa buhay,
mapaindibidwal o ng buong sambayanan.
Pagsapit ng 1970, lalong tumitimbang ang progresibong
oryentasyon ng Guild.
Dumaluyong ang kilos protesta sa lansangan. Maraming manunulat
pangkampus ang lumahok ang nagpakilos sa mga malakihang
mobilisasyon sa panahon ng First Quarter Storm. Hindi iilang
Guilders ang naging kasapi ng Kabataang Makabayan.
Ang pag-aalsa noong 1986 ay nagluklok kay Corazon Aguino bilang
bagong pangulo. Tiningnan si Aquino bilang isang pinunong liberal
burges.
Pinuri ang Republic Act 7079 o Campus Journalism Act bilang
“milestone in the history of the campus press.” Kabaligtaran ang
naganap sa aktwal.
KODIGO NG ETIKA NG
PAMAMAHAYAG SA PILIPINAS
1. Itaguyod ang kalayaan at iba pang mga saligang karapatan ng
pamahayagan ng bakahin ang lahat ng impluhong maaaring
mapag rupok sa mga ito.
2. Iwasan ang mga pagpapangkat-pangkat at iharap ang dalawang
panig ng bawat pinatatalunang paksa nang buong katarungan at
katapatan sa mga pangayayri, nang mabigyan ang matalinong
pamamatayan ng kanyang karapatan sa malayang pamamahayag.
3. Huwag magpalimbag ng mga bagay na maaaring di-
makatarungng tumuligsa o nagpapahina sa karangalan ng isang
tahanan, o sa pananampalataya ng isang tao, o magsilbing
panghamon nang walang katarungan sa damdamin ng bayan o
kaya'y sa katahimikan ng bayan.
4. Bakahin ang lahat ng kapangyarihang maaaring magtangkang
isa kalakal ang layunin na maging sunud-sunuran dahil sa
pakinabang o pabor.
5. Lakipan ng katarungan at kawanggawa ang kapangyarihan ng
pamahayagan na umiiwas sa paghantong nito sa kalupitan; upang
igalang ang hinirang sa may kapangyarihan at upang mabatid at
sumunod sa batas.
6. Isagawa ang kagandahang-loob mabuting panlasa, kayumian, at
makatuwirang pakikitungo sa bayan, gayon din sa kapuwang nasa
propesyon, na malayang tinanggap at sapat na iniwasto ang lisyang
hatol o kamalian.
7. Iulat at iwasto nang walang pagkiling ang mga balita at kilalanin
nang tiyakan na ang Katotohanan ay siyang totoo at ang kurukuro
ay kurukuro, at iniiwasan ang pagmamalabis o pagkakaltas ng mga
pangyayaring nagpapatunay o mahalagang kahulugang
nagpapaliwanag.
8. Iwasan na maging kusang patakaran ang labis na
pagkasensasyunal matamo lamang ang pagsang-ayon ng
karamihan o naglalayon ng tanging pag-aakit sa
tanungin at maipagbili ang pahayagan; at higit na mabawasan ang
mga balita sa krimen na walang layunin kundi magpasigla sa
kriminidad.
9. Laging sikapin na mapaunlad ang kakayahang propesyunal at
pagkamabisa nito, sa diwa ng magiliw na pakikipagkompetensiya
at tumanggap ng punang mapagbuo sa kapakanan ng maunlad na
pamamahayag.
10. Tumulong sa isa't isa sa panahon ng kasawian at buong
pagkakaisang humarap sa mga suliraning propesyunal.
MGA PANGKALAHATANG ALITUNTUNIN
NA DAPAT SUNDIN PARA SA
PAMAHAYAGAN.

I. Kalayaan sa Pamamahayag ay naksalalay sa Pangunahing


Karapatan ng Sangkatauhan. Kalayaan mula sa lahat ng obligasyon
malibana lamang sa fidelity, ang interes ng publiko ay mahalaga.
Promosyon o anumang pribadong interes na taliwas sa
pangkalahatang kapakanan, o saanumang dahilan ay hindi
naaayon sa matapat na pamamahayag. Ang pagkiling sa
komentaryo ng editoryal ay nababatid ng departmento ang
katotohanan
II. Karapatan, Katotohan at Kawastuhan Ang kapakanan ng mga
mambabasa ay ang pinakamahalagang pundasyon sa lahat ng
mamamahayag upang maging mahalaga ang kanilang tungkulin.
Ang pagsaalang-alang sa mabuitng pananalig sa pamahayagan ay
nagiging sandigan ng katotohanan. Ang pangunahing balita ay
kinakailangang buo ang nilalaman at angkop.
III. Walang Pagkiling Ang kasanayan sa pamamahayag ay
mahalaga upang magkaroon ng kalinawan ang pag-uulat ng balita
at pagpapahayag ng mga opinyon. Ang pag-uulat ng balita ay
kinakailangang maging malaya mula sa opinyon o batayan ng
anumang uri.
IV. Patas na Laban Ang pahayagan ay dapat na maglathala ng mga
opisyal na kaso sapagkat kung hindi ito ay maaaring makaapekto
sa reputasyon o karakter na pangmoral at mawawala ang
oportunidad na madinig ang panig ng akusado. Ang tamang
kasanayan ay kinakailangan sa pagkakaloob ng gayong
oportunidad sa lahat ng kaso na seryoso ang akusasyon sa lahat ng
kaso na seryoso ang akusasyon sa labas ng hukuman.
V. Kadisentehan Ang pahayagan ay pinaniniwalaan sa katapatan nito, sapakat
ipinahahayag ang kadahilanan ng mataas na moralidad at pinalalakas ang
mabuting pag-uugali. Maaring matagpuan ditto ang mga detalye ng krimen at
bisyo, sa publikasyon isinasaalang-alang ang kabutihan para sa lahat.
Sa pagwawakas, ang mabuting pamamahayag ay ginagabayan ang lahat ng
materyales na kinalaman sa katotohanan. Ang kalayaan ay may kinalaman
para sa pantaong kabutihan at respeto para sa pagtanggap ng mga
pamantayan ng sariling komunidad. Ang mabuting pahayagan ay maaaring
husgahan sa kanilang pagganap sa pamamagitan ng pamantayan.
 PAMANTAYAN TUNGO SA
MABUTING PAHAYAGAN
INTEGRIDAD
Ang pahayagan ay dapat:
 Manatili ang lakas ng pamantayan sa katapatan ng patas na pagpili sa
nilalaman at sa lahat na may kaugnay sa pinagmulan ng balita.  Kaugnay sa mga
paksang kontrobersyal, dapat na lutasinang mga isyu at ang dipagkakaunawaan.
 Pagsasakatuparan na may kababang-loob at pag-unawa sa pagharap sa
pagtutunggalian ng mga opinyon at maging ang hindi pagkakasundo.  Paglaan ng
panahon para sa pag-uusap hinggil sa problema na batay sa pananaw ng editoryal
ng pahayagan.
 Pantay na pananaw na pang-editoyal sa pagpapahayag ng mga opinyon.
KATUMPAKAN
Ang pahayagan ay dapat:
 Maglalaan ng pagpupunyagi na mailimbag ang katotohanan sa lahat ng
sitwasyon sa balita.
 Pagpupunyagi para sa kaganapan ng layunin.
 Pagbabantay laban sa kapabayaan, pagkiling, paninira na magbibigay
pansin sa pagkukulang.
 Pagtitiyak at pagtutumpak sa pagkakamali ng mga pangyayar I sapagkat
ang pahayagan ay siyang may pananagutan.

You might also like