Mga Dulog Sa Panunuri

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 37

MGA

DULOG
SA PANUNURI
Tunguhin sa Mabisang Pagbasa
• Basahing Mabuti ang mga titik na nakalimbag sa bawat pahina na parang
nakikipag-usap.
• Sikaping ilagay ang sarili sa nadarama at pananaw ng sumulat upang lubos
na maunawaan.
• Unawain ang kahulugan ng binasa upang higit na mabigyan ng buhay.
• Magkaroon ng malawang na talasalitaan. Ito ay makatutulong upang
ganap na maunawaan ang binasa nang walang sagabal. Nagsisilbing daan
ito upang mapanatili ang kawilihan ng bumabasa nang tuloy-tuloy.
• Ang gramatika at bantas ay pawang mahalagang aspekto sa pagbasa. Ang
sapat na kaalaman dito ay susi sa ganap na pagkaunawa.
Antas sa Pagbasa

1. Literal na Pag-unawa
2. Pang-unawang Kritikal
3. Pagbasa sa pagitan ng salita (Inferential Level)
4. Malikhaing Antas sa Pagbasa
Mga Pagdulog sa
Panunuri ng Nobela o
Maikling Kwento
Kahulugan ng Pagsusuri (Analysis)

Ang pagsusuri ay is sa pinakamahalagang bagay na


kailangan nating matutunang lahat. Sa ating pang
araw-araw na buhay, maraming mga opinyon, ideya,
at isyu ang haharap sa atin.
DULOG
Ito ay isang set ng mga pagpapalagay
hinggil sa kalikasan ng wika,
pagkatuto,
at pagtuturo.
Kahalagahan ng Pagsusuri
Ang gawang pagsusuri ay hindi madali ngunit mahalaga. Madalas na ang manunuri
ay nagtitimbang-timbang muna ng kanyang sasabihin o isusulat tungkol sa anumang
tekstong nais bigyang-pansin. Alam ng matalinong manunuri na nakasalalay ang
kinabukasan, kaunlaran ng akda at maging ng manunulat sa gagawing pagpapasiya.
Samakatwid, lubhang mahalaga ang pagsusuri dahil sa mga kadahilanang
sumusunod:
1. Ang bunga ng pagsusuri ay ang pantay na paghuhusga sa akda na kung saan ang
mambabasa ay nakalilikom ng higit na kaalaman tungkol sa likhang sining.
2. Naipaliliwanag ang mga mensahe at layuning napapaloob sa akda.
3. Ang makatarungang pagsusuri ay magiging sandigan ng higit pang
4. pagpapalawak at pagsulong ng manunulat at ng panitikan.
5. Maging ang istilo ng manunulat ay natutuklasan sa pamamagitan ng pagsusuri.
Mabanglo, 1979

• Ang panunuring pampanitikan ay isang masusing pag-aaral na may


layuning mabuo at maitaas ang uri nito para sa kapakanan ng
mambabasa, ng manunulat at ng sining. Ang panunuri ay isang gawain
ng pagsukat o pagtaya sa nilalaman ng panitikan ayon sa isinasaad ng
mabuting panlasa at ng simulaing pansining.
Marapat ding isaaalang-alang ang panahon at kapaligirang
kinabibilangan ng akdang sinusuri sapagkat ang sitwasyon ay
tumutulong sa paghugis ng akdang inilabas.
Kung ang isinusuri ay mga kathang pampanitikan, isasahin ang
panunuri tungkol sa tagpuan, banghay, tauhan, tema at istilo.
Sa proseso ng pamumuna ng maikling kwento at nobela, maaring
gamitin ang apat na lapit o pagdulog tulad ng

- Pagdulog Pormalistiko (Formalistic Approach)


- Pagdulog Moralistiko (Moralistic Approach)
- Pagdulog Sosyolohikal (Sociological Approach)
- Pagdulog Sikolohikal ( Psychological Approach)
• Pagdulog Pormalistiko o Pormalismo

Ang pagtuklas at pagpapaliwanag sa anyo ng akda.


Ang pinakaubod nito ay ang katangian ng akda.
Pagdulog Moralistiko

Sinusuri o tumatalakay sa pagpapahalagang ginamit


Pinahalagahan ang moralida, disiplina, at kaayusang
nakapaloob sa akda
Pagdulog Sosyolohikal

Mahihinuha ang kalagayang panlipunan nang


panahong kinatha ang panitikan
Pagdulog Sikolohikal

Makikita ang takbo ng isip ng may katha. Antas ng


buhay, panindigan, pinaniniwalaan, pinahalagahan at
mga tumatakbo sa isipan at kamalayan ng may-akda.
Mga Teoryang
Pampanitikan
TEORYA

Pormolasyon ng paliliwaning mga simulain


ng mga tiyak na kaisipan upang makalikha
ng malinaw at sistematikong paraan ng
paglalarawan o pagpapaliwanag ukol dito.
TEORYANG
PAMPANITIKAN

Isang sistematikong pag-aaral at ang


mga paraan sa pag-aaral ng panitikan
na naglalarawan sa tungkulin ng
panitikan kabilang ang layunin ng
may-akda sa pagsulat.
KLASISMO

Isang teoryang pampanitikan na


nagmula sa Gresya. Mas higit na
pinapahalagahan ang kaisipan kaysa
damdamin.
HUMANISMO

Ang layunin nito ay ipakita na ang


tao ang sentro ng mundo.
Binigibyang-tuon ang kalakasan at
mabubuting katangian ng tao gaya ng
talion, talent, at iba pa.
IMAHISMO

Isang pamamalagay na
kinakailangang gumamit ng matipid
at maingat na paggamit ng mga salita
upang makabuo ng konkretong
imahen.
REALISMO

Ang layunin ay ipakita ang mga


karanasan at nasaksihan ng may akda
sa kanyang lipunan sa
makatotohanang pamamaraan.
FEMENISMO

Ang layunin ay magpakilala ng mga


kalakasan at kakayahang pambabae
at iangat ang pagtingin ng lipunan sa
mga kababihan.
EKSISTENSYALISMO

Ang layunin ng panitikan ay maipakita


na may Kalayaan ang tao na pumili o
magdesisyon para sa kanyang sarili na
siyang pinakasentro ng kanyang
pananatili sa mundo (human
existence).
ROMANTISISMO

Ang layunin ng teoryang ito ay


ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao
o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng
kanyanng pag-ibig sa kapwa, bansa at
mundong kinalakhan.
MARKISMO

Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita


na ang tao o sumasagisag sa tao ay
may sariling kakayahan na umangat
buhat sa pagdurusang dulot ng pang-
ekonomiyang kahirapan at sulirag
panlipunan at pampulitika.
BAYOGRAPIKAL

Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang karanasa o


kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ipinapahiwatig sa mga
akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda
na siya nang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot
at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang magsisilbing
katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.
QUEER

Ang layunin ng panitikan ay iangat at


pagpantayin sa paningin ng lipunan sa
mga homosexual.
HISTORIKAL

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang


karanasan ng isang lipi ng tao na siyang
masasalamin sa kasaysayan ay bahagi ng
kanyang pagkahubog.
KULTURAL

Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang


kultura ng may-akda sa mga hindi
nakakaalam.
FEMENISMO AT MARKISMO

Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang


iba’t ibang paraan ng kababaihan sa
pagtugon sa suliraning kanyang
kinakaharap.
DEKONSTRUKSYON

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang


iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at
mundo.
NATURALISMO

Ito ay isang teorya ng panitikan na


naniniwalang malayang kagustuhan ang
isang tao dahil ang kanyang buhay ay
hinuhubog lamang ng kanyang heredity at
kapaligiran.
SIKO-ANALITIKO

Tanging ang ekonomiya lamang ang


motibo ng lipunan. “Nasa
paghahanapbuhay ang tugon upang lasapin
ang sarap ng buhay.” Nagkakaroon lamang
ng maturidad ang isang tao bunga ng
kanyang kamalayan sa kahirapan.
ARKETIPAL

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang


mga mahahalagang bahagi ng akda sa
pamamagitan ng simbolo. Ngunit hindi
basta-basta masusuri ang mga simbolismo
sa akda.
ARKETIPAL

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang


mga mahahalagang bahagi ng akda sa
pamamagitan ng simbolo. Ngunit hindi
basta-basta masusuri ang mga simbolismo
sa akda.
Gawain 5
Isulat/Ilagay sa Short bondpaper/makulay na papel at ipapas sa susunod
na pagkikita.

Mag-isip/gumawa ng sariling Teorya/Pagdulog na


maaring magamit sa pagsusuri ng isang akda. Ibatay
sa sariling pag-uugali, gawi, kilos, kinalakihang
tradisyon.

You might also like