JULY 4 - LINGGO - Ika-14 Karaniwang Panahon
JULY 4 - LINGGO - Ika-14 Karaniwang Panahon
JULY 4 - LINGGO - Ika-14 Karaniwang Panahon
Ikalabing-apat na Linggo sa
Karaniwang Panahon
Purihin ang
Panginoon, umawit ng
kagalakan at tugtugin
ang gitara at ang
kaayaayang lira;
hipan ninyo ang
trumpeta!
Sa ating
pagkabagabag,
sa Diyos tayo
tumawag;
sa ating mga kaaway,
tayo ay Kanyang
iniligtas!
Purihin ang
Panginoon, umawit ng
kagalakan at tugtugin
ang gitara at ang
kaayaayang lira;
hipan ninyo ang
trumpeta!
P: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng
Espiritu Santo.
L: Amen.
P: Ang pagpapala ng Panginoong Hesukristo,
ang pag-ibig ng Diyos Ama, at ang
pakikipagkaisa ng Espiritu Santo nawa’y
sumainyong lahat.
L: At sumainyo rin.
Inaamin ko sa
makapangyarihang
Diyos at sa inyo, mga
kapatid, na lubha
akong nagkasala,
(Ang lahat ay dadagok sa dibdib.)
Sa isip,
sa salita,
at sa gawa,
at sa aking
pagkukulang.
Kaya isinasamo ko sa
Mahal na Birheng
Maria, sa lahat ng mga
Anghel at mga Banal at
sa inyo, mga kapatid,
na ako’y ipanalangin
sa Panginoong ating
Diyos.
P: Kaawaan tayo ng makapangyarihang
Diyos, patawarin tayo sa ating mga
kasalanan, at patnubayan tayo sa buhay na
walang hanggan.
L: Amen.
Panginoon, kaawaan
Mo kami.
Panginoon, kaawaan
Mo kami.
Kristo, kaawaan
Mo kami.
Kristo, kaawaan
Mo kami.
Panginoon, kaawaan
Mo kami.
Panginoon, kaawaan
Mo kami.
Papuri sa Diyos sa
kaitaasan, at sa lupa’y
kapayapaan sa mga
taong kinalulugdan
Niya.
Pinupuri Ka namin,
dinarangal Ka namin,
sinasamba Ka namin,
ipinagbubunyi Ka
namin,
Pinasasalamatan Ka
namin dahil sa dakila
Mong angking
kapurihan, Panginoong
Diyos, Hari ng langit,
Diyos, Amang
makapangyarihan sa
lahat.
Panginoong
Hesukristo, bugtong na
Anak, Panginoong
Diyos,
Kordero ng Diyos,
Anak ng Ama,
Ikaw na nag-aalis ng
mga kasalanan ng
sanlibutan, maawa Ka
sa amin;
Ikaw na nag-aalis ng
mga kasalanan ng
sanlibutan,
tanggapin Mo ang
aming kahilingan;
Ikaw na naluluklok sa
kanan ng Ama,
maawa Ka sa amin!
Sapagka’t Ikaw
lamang ang Banal,
Ikaw lamang ang
Panginoon, Ikaw
lamang, O Hesukristo,
ang Kataastaasan,
Kasama ng Espiritu
Santo sa kadakilaan ng
Diyos Ama. Amen.
L: Amen.
ANG UNANG PAGBASA
Pagbasa mula sa aklat ni
Propeta Ezekiel
(2:2-5)
Ang Salita ng Diyos.
L: Salamat sa Diyos!
SALMONG TUGUNAN
Mata nami’y nakatuon
sa awa ng Panginoon.
(Salmo 122[123]:1-2a, 2bkd, 3-4)
ANG IKALAWANG PAGBASA
Pagbasa mula sa
ikalawang sulat ni
Apostol San Pablo sa
mga taga-Corinto
(12:7-10)
Ang Salita ng Diyos.
L: Salamat sa Diyos!
Aleluya! Aleluya!
Ikaw, Kristo, ay sinugo
upang sa dukha’y magturo,
magpalaya sa bilanggo.
Aleluya! Aleluya!
P/D: Sumainyo ang Panginoon.
L: At sumainyo rin.
P/D: Ang Mabuting Balita ng Panginoon
ayon kay San Marcos.
L: Papuri sa Iyo,
Panginoon.
ANG MABUTING BALITA
Ang Mabuting Balita ng
Panginoon ayon kay
San Marcos
(6:1-6)
P/D: Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
L: Pinupuri Ka namin,
Panginoong Hesukristo!
HOMILIYA
Sumasampalataya ako
sa Diyos Amang
makapangyarihan sa
lahat, na may gawa ng
langit at lupa.
Sumasampalataya ako
kay Hesukristo, iisang
Anak ng Diyos,
Panginoon nating
lahat.
(Yuyuko ang lahat.)
Nagkatawang-tao Siya
lalang ng Espiritu
Santo, ipinanganak ni
Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni
Poncio Pilato, ipinako
sa krus, namatay,
inilibing. Nanaog sa
kinaroroonan ng mga
yumao.
Nang may ikatlong
araw nabuhay na mag-
uli. Umakyat sa langit.
Naluluklok sa kanan
ng Diyos Amang
Makapangyarihan sa
lahat.
Doon nagmumulang
paririto at huhukom sa
nangabubuhay at
nangamatay na tao.
Sumasampalataya
naman ako sa Diyos
Espiritu Santo, sa
banal na Simbahang
Katolika, sa
kasamahan ng mga
banal, sa kapatawaran
ng mga kasalanan,
Sa pagkabuhay na
mag-uli ng
nangamatay na tao at
sa buhay na walang
hanggan. Amen.
PANALANGIN NG BAYAN
Panginoon, dinggin
Mo kami.
L: Amen.
Paghahanda ng alay
ay narito, Poon; ang
alak at tinapay dala sa
altar Mo.
Anyo’y magiging
tunay: Dugo Mo’t
Katawan. Aming
tatanggapin ngayon,
magbibigay buhay!
Paghahanda ng alay,
ngayon ay sisimlan;
ang alak at tinapay
ay bebendisyunan.
Anyo’y magiging
tunay: Dugo Mo’t
Katawan. Ito’y aming
tatanggapin
sa pakikinabang.
Tanggapin nawa ng
Panginoon itong
paghahain sa iyong
mga kamay
Sa kapurihan Niya at
karangalan
sa ating kapakinabangan
at sa buong sambayanan
Niyang banal.
L: Amen.
P: Sumainyo ang Panginoon.
L: At sumainyo rin.
P: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.
L: Itinaas na namin sa
Panginoon.
P: Pasalamatan natin ang Panginoong
ating Diyos.
L: Marapat na Siya ay
pasalamatan.
Santo, Santo, Santo
Panginoong Diyos
ng mga hukbo!
Napupuno ang langit at
lupa ng kadakilaan
Mo!
Osana, Osana sa
kaitaasan!
Osana, Osana sa
kaitaasan!
Pinagpala ang
naparirito sa ngalan
ng Panginoon!
Osana, Osana sa
kaitaasan!
Osana, Osana sa
kaitaasan!
(ulitin)
Aming ipinahahayag
na namatay ang
Iyong Anak,
nabuhay bilang Mesiyas
at magbabalik sa wakas
para mahayag sa lahat.
Amen – Amen
Amen – Amen
Ama namin,
sumasalangit Ka.
Sambahin ang ngalan
Mo. Mapasaamin ang
kaharian Mo. Sundin
ang loob Mo dito sa
lupa para nang sa
langit.
Bigyan Mo kami
ngayon ng aming
kakanin sa araw-araw.
At patawarin Mo kami
sa aming mga sala para
nang pagpapatawad
namin sa nagkakasala
sa amin.
At huwag Mo kaming
ipahintulot sa tukso. At
iadya Mo kami sa lahat
ng masama.
Sapagka’t Iyo ang
kaharian
at ang kapangyarihan
at ang kapurihan
magpakailanman!
Amen, Amen.
L: Amen.
P: Ang kapayapaan ng Panginoon
ay laging sumainyo.
L: At sumainyo rin.
Kordero ng Diyos, na
nag-aalis ng mga
kasalanan ng
sanlibutan,
maawa Ka sa amin,
maawa Ka sa amin.
(ulitin)
Kordero ng Diyos, na
nag-aalis ng mga
kasalanan ng
sanlibutan,
ipagkaloob Mo sa amin
ang kapayapaan!
Panginoon, hindi ako
karapat-dapat na
magpatuloy sa Iyo
ngunit sa isang salita
Mo lamang ay gagaling
na ako.
Gustate et videte
quoniam suavis est
Dominus.
Beatus vir qui sperat,
qui sperat in eo.
Lasapin at pagmasdan ang katamisang
(dulot) ng Panginoon. Mapalad ang taong
nananalig sa kanya.
“Come to me, all you
that labor, all you that
labor and are
burdened, and I will
give you rest, and I will
give your rest,”
says the Lord.
Gustate et videte
quoniam suavis est
Dominus.
Beatus vir qui sperat,
qui sperat in eo.
Lasapin at pagmasdan ang katamisang
(dulot) ng Panginoon. Mapalad ang taong
nananalig sa kanya.
I will bless the Lord at
all times; his praise
shall be ever in my
mouth.
Let my soul glory in
the Lord; the lowly will
hear me glad!
Gustate et videte
quoniam suavis est
Dominus.
Beatus vir qui sperat,
qui sperat in eo.
Lasapin at pagmasdan ang katamisang
(dulot) ng Panginoon. Mapalad ang taong
nananalig sa kanya.
Glorify the Lord with
me, let us together
extol His Name. I
sought the Lord and
He answered me, and
delivered me from all
my fears!
Gustate et videte
quoniam suavis est
Dominus.
Beatus vir qui sperat,
qui sperat in eo.
Lasapin at pagmasdan ang katamisang
(dulot) ng Panginoon. Mapalad ang taong
nananalig sa kanya.
Mahabagin at
mapagmahal na Ama,
nagsusumamo kami sa
Iyo upang hilingin ang
Iyong patnubay laban
sa COVID-19
Na nagpapahirap sa
marami at kumitil na
ng mga buhay.
Tunghayan Mo kami
nang may pagmamahal
at ipag-adya kami ng
Iyong mapaghilom na
kamay mula sa takot sa
kamatayan at
karamdaman.
Itaguyod Mo kami sa
pag-asa at patatagin sa
pananampalataya.
Gabayan Mo ang mga
dalubhasang naatasan
na tumuklas ng mga
lunas at paraan upang
ihinto ang paglaganap
nito.
Nagpapasalamat kami
sa mga bakunang
naisulong
sa patnubay ng Iyong
mga kamay.
Pagpalain Mo ang
aming mga pagsisikap
na mawakasan ng mga
bakuna ang pandemya
sa aming bayan.
Patnubayan mo ang
mga lumilingap sa
maysakit
upang ang kanilang
pagkalinga ay
malakipan ng husay at
malasakit.
Pagkalooban Mo sila ng
kalusugan sa isip at
katawan, katatagan sa
kanilang paninindigang
maglingkod, at
ipagsanggalang sa
karamdaman.
Itinataas namin ang mga
nagdurusa.
Makamtan nawa nila ang
mabuting kalusugan.
Lingapin Mo rin ang
mga kumakalinga sa
kanila.
Pagkamitin Mo ng
kapayapaang walang
hanggan ang mga
pumanaw na.
Pagkalooban Mo kami
ng biyaya na
magtulong-tulong
tungo sa ikabubuti ng
lahat.
Pukawin sa amin ang
pagmamalasakit sa
mga nangangailangan.
Sa pagdamay at
malasakit namin sa
bawa’t isa, malampasan
nawa namin ang krisis
na ito at lumago sa
kabanalan at
pagbabalik-loob sa Iyo.
Hinihiling namin ito sa
pamamagitan ni
Hesukristo na nabubuhay
at naghaharing kasama
Mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos,
magpasawalang
hanggan. Amen.
Dumudulog kami sa
iyong patnubay, Mahal
na Ina ng Diyos.
Pakinggan mo ang
aming mga kahilingan
sa aming
pangangailangan
At ipagadya mo kami
sa lahat ng kasamaan,
maluwalhati at
pinagpalang Birhen.
Amen.
Mahal na Birhen,
mapagpagaling sa maysakit,
Ipanalangin mo kami.
San Jose,
Ipanalangin mo kami.
San Rafael Arkanghel,
Ipanalangin mo kami.
San Roque,
Ipanalangin mo kami.
San Lorenzo Ruiz,
Ipanalangin mo kami.
San Pedro Calungsod,
Ipanalangin mo kami.
San Lodovico Pavoni,
Ipanalangin mo kami.
L: Amen.
P: Sumainyo ang Panginoon.
L: At sumainyo rin.
L: Amen.
L: Salamat sa Diyos!
Limandaang taong
biyaya; Salamat
Panginoon, sa 'Yong
punla! Misyong kaloob
sa aming puso;
Aming sarili ay aming
handog, laging tapat, at
laging tugon:
"Naririto, handa kami,
Panginoon!"
Kami'y hahayo sa iba't
ibang dako hatid ang
iyong salita
at paglilingkod.
Inang Maria ang
s'yang gabay nami't
lugod; lalaganap alab
ng 'yong misyon!
Limandaang taong
biyaya; Salamat
Panginoon, sa 'Yong
punla! Misyong kaloob
sa aming puso;
Aming sarili ay aming
handog, laging tapat, at
laging tugon:
"Naririto, handa kami,
Panginoon!"
"Naririto, handa kami,
Panginoon!”