Maunlad Na Gramatika

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

WIKA

KAHULUGAN
• Ayon kay Archibald Hill, Ang wika ay ang pangunahing anyo ng simbolikong
pantao.
• Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili aty
isinaayos sa paraang arbitraryo. Pagpapakahulugan ni Henry Gleason.
• Ayon naman kay Sapir, ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng
paghahatid ng kaisipan, damdamin at layunin.
• Ang wika ay mga simbolong paraan ng pananagisag ng mga tunog na ginawa
sa pamamagitan ng sangkap ng katawan sa pagsasalita upang ang isang tao ay
makaunawa at maunawaan, Alcomtiser Tumangan. (1986)
• Ang wika ay simbolong Kumakatawan sa mga bagay at pangyayaring nais
ipahayag ng tao sa kanyang kapwa. Reynaldo Cruz. (1989)
KATANGIAN NG WIKA
• Sinasalitang tunog – ayon kay Alfonso Santiago sa kanyang libro na
Makabagong Balarila, alinmang wika sa daigdig ay binubuo ng mga
tunog. Maituturing lamang na wika ang isang tunog kung ito ay may
ibinibigay na kahulugan.
• Arbitraryo – ang wika ay nauunawaan ng lahat at napagkasunduang
gamitin ng isang lahi o grupo. Sa paliwanang ni A. Hill ang wika ay
isang anyo ng simbolikong pantao.
• Likas ang wika – sino mang nilalang na nabubuhay saan mang bahagi
ng mundo, anumang lahi o katayuan sa buhay ay may kakayahang
matuto ng wika, particular kung saan siya nabibilang.
KATANGIAN NG WIKA
• Dinamiko – lahat ng wika ay nagbabago sa paglipas ng panahon.
• Masistemang balangkas –
PONOLOHIYA – ang natuturo sa atin kung anong tunog ang
makabuluhan sa isang salita at kung paano binago ng pagbigkas ang
kahulugan ng isang salita.
MORPOLOHIYA – tumatalakay sa pagbuo ng salita.
SINTAKSIS – tamang ugnayan ng mga salita sa loob ng pangungusap.
KALIKASAN NG WIKA
• Pinagsama – samang tunog – ang tunog ay binigyan ng simbolo o
palatandaan at ang pagsasama ng mga simbolo ay ang pagsasama ng
mga tunog na lumilikha ng salita.
• Ponema (tunog) Morpema (salita) Sintaks (Palaugnayan)
• Maraming Kahulugan – Maraming kahulugan o kaisipan ang bawat
salita lalo na kung ito ay ginamit sa pangungusap.
• KISS – isang salita sa Ingles , na maraming taglay na kahulugan sa
Filipino batay sa panlaping ikinakabit
• “Humalik”, nangangahulugang halik na may paggalang
• “Nanghalik”, halik na ginamitan ng puwersa.
• “Naghalikan”, mahihinuha ang relasyong nag – iibigan.
KALIKASAN NG WIKA
• May ispeling – bawat salita ay may sariling ispeling o baybay. Sa
Filipino, kung ano ang bigkas ay siya ring sulat, sa Ingles, bahagi ng
palabaybayan na may salitang binabaybay na may mga titik na hindi
pinatutunog (silent letters) kapag binigkas ngunit makikita sa proseso.
• May gramatikal na estruktura – ayon kay John Fell, isang maalam sa
balarila (grammarian), ang mga tuntunin sa wika ay likas na sa isang
wika. Ayon kay Dr. Chomsky, ang bawat wika ay nagtataglay ng sariling
batas o universal grammar.
• Pagkawala ng wika – maaaring mawala ang wika kung ito ay hindi na
ginagamit.
TEORYA NG WIKA
• Biblikal – teoryang batay sa bibliya na Lumang Tipan, ang wika ay
kaloob ng diyos sa tao na siyang instrument upang pangalagaan ang
iba pang nilikha niya.
• Tore ni Babel – hango sa lumang tipan sa aklat ng Genesis Kabatana 11:
Bersikulo 1 – 9.
• Pentecostes – teoryang hango sa Bagong Tipan. Sinasabing natuto ang mga
apostol ng mga wikang di nila alam sa pamamagitan ng biyaya ng Espiritu
Santo.
TEORYA NG WIKA
• Siyentipiko – huling bahagi ng ikalabindalawang siglo nang simulang
mag – usisa ng mga iskolar sa pagkakaroon ng iba’t ibang wika sa
mundo at maghanap ng sagot sa katanungang, paano nagkaroon ng
wika?
• Bow – wow – nagmula ang wika sa panggagaya ng tao sa tunog ng kalikasan.
• Ding – dong – hango sa mga tunog na nalilikha ng mga bagay sa paligid.
• Pooh – pooh – mula sa masidhing damdamin nakabubulalas ang tao ng tunog.
• Yo – he – ho – nabuo ni Noire, naniniwala siya na ang wika ay nagmula sa mga
ingay na nalilikha ng mga taong magkakatuwang sa kanilang pagtatrabaho,
gaya ng pagbubuwal ng puno o pag – aangat ng malaking bata. Nakatuon sa
puwersang pisikal.
TEORYA NG WIKA
• Siyentipiko – huling bahagi ng ikalabindalawang siglo nang simulang
mag – usisa ng mga iskolar sa pagkakaroon ng iba’t ibang wika sa
mundo at maghanap ng sagot sa katanungang, paano nagkaroon ng
wika?
• Ta – ta – salitang pranses na nangangahulugang paalam. Sa kumpas ng kamay
ng tao na kanayang ginagawa sa bawat particular na okasyon ay sinusundan
ng paggalaw ng dila at naging sanhi upang matutong makabuo ng salita.
• Ta – ra – ra – boom – de – ay – ang wika ay nag – ugat sa tunog na nalilikha ng
mga sinaunang tao mula sa ritwal at dasal.

You might also like