Ang Alamat NG Kandila
Ang Alamat NG Kandila
Ang Alamat NG Kandila
Jorina C. Bagtong
BEED-III
Noong unang panahon, sa isang
malayong kaharian ay masaya at
payapang naninirahan ang mga tao
roon sapagkat pinamumunuan sila ng
isang napakagiting at mabait na si
haring Seyon gayun din ang reyna
nito na si reyna Ilysa. Suportado ng
hari at reyna ang mga nasasakupan
nito at kung ituring ay pamilya, kaya
ganun nalamang ang paggalang ng
mga tao sa kanila.
Isang araw, sinalubong ng reyna ang hari na mayroong malaking
ngiti sa labi at nag wika, “Aking mahal na hari, may nais akong sabihin
sayong magandang balita na iyong magugustuhan.”
“Ano iyon aking mahal? Lahat naman ng iyong tinuturan ay aking
nagugustuhan.” Matamis na sagot nito sa reyna. Lumaki pa lalo ang
ngiti ng reyna sa hari at hinagkan ito bago magsalitang muli, “Nais kong
malaman mo na ako’y nagdadalang tao na! ”
Hindi nakapagsalita ang hari at napatulala sa kaniyang reyna,
hinagkan niya ito ng mahigpit habang lumuluha, “Totoo ba ang iyong
tinuran? Ako’y magkakaroon na ng prinsepe?” “Oo, mahal!” sagot ng
reyna.
Noong araw nga na iyon ay kumalat ang balita sa buong
kaharian, masayang nagdiwang ang lahat sapagkat matagal
na nilang hinihintay ang pagdadalang tao ng reyna at ang
pagkakaroon ng prinsepe sa kaharian dahil sigurado silang
magbibigay ito ng swerte.
Dumating na ang buwan ng kapanganakan ng reyna, abala
ang lahat ng tao sa palasyo sa paghahanda sa pagdating ng
magiging prinsepe. Ngunit tila may nag babadyang bagyo
ang paparating. “Tila kay laking sakuna nito, nawa’y wala
sanang masaktan at masira.” wika ng hari sa kaniyang sarili
habang nakatingin sa kalangitan. Hindi rin nagtagal ay
nabaling ang kaniyang tingin ng marinig ang pag sigaw ng
reyna, “Selon, ako’y manganganak na!” kasabay noon ang
malakas na pagkulog at kidlat. Dumoble ang kaba ng hari,
para sa paparating na prinsepe at para sa kalagayan ng
kaniyang nasasakupan. Muling sumulyap sa kalangitan ang
hari bago tumalima sa sigaw ng kaniyang reyna.
Agad pinatawag ng hari ang kumadronang
magpapaanak sa reyna. Nasa tabi ng reyna ang
hari habang ito’y nanganganak, sa bawat pag
ireng ginagawa ng reyna ay siyang paglakas ng
ulan at kidlat. Lumipas pa ang ilang minuto ay
tuluyan ng nailabas ang bata, ngunit laking
gulat nila na ito’y hindi isang prinsepe, isang
prinsesa ang lumabas. Sa pag iyak ng prinsesa
ay lalo pang sumiklab ang ulan, kinuha ng hari
ang kaniyang anak at hinagkan ito bago dalhin
sa reyna. Bakas ang kaba at pagtataka sa muka
ng mag-asawa dahil sa iniluwal ng reyna.
“Matatanggap ito ng ating kaharian, Ilysa.
Magtiwala lamang tayo.
Kikilalanin nila ang ating anak bilang si prinsesa Andilla.” Sa buong
magdamag ay ang lakas ng ulan at kidlat ang siya lamang maririnig sa
buong kaharian.
Kinaumagahan, maagang nagtipon ang ang mga taong nasasakupan
ng kaharian. Maririnig mo ang mga panaghoy at iyak ng mga tao.
Nilabas sila ng hari, at nabigla ng masilayan ang kalunos lunos na
nangyari sa buong paligid, madilim at sira sira ang lahat. Awa ang labis
na naramdaman ng hari para sa kaniyang mga nasasakupan, “Mahal na
hari, ang buong kaharian ay nasira. Ang aming mga pananim ay nabaha,
marami ang binawian ng buhay. Paano na kami?” umiiyak na wika ng
mga ito sa hari.
“Akala ko ay swerte ang dulot ng
pagdating ng magiging prinsepe, ngunit
tignan mo ang nangyari sa amin. Kamalasan,
ito’y isang napakalaking kamalasan.” nabigla
ang hari sa tinuran ng isa sa mga nasasakupan
niya, pinagpawisan ang hari ng malamig lalo
na ng marinig ang pag sang ayon ng
karamihan. Napalingon ang hari sa kaniyang
likuran at nakita ang reyna na buhat ang
prinsesa papunta sa kaniyang pwesto, labis
ang kaba nito sa maaring gawin ng mga tao.
“Pagmasdan niyo ang dala ng reyna, bakit
nakasuot ito ng pambabaeng kasuotan? Ang
ibig bang sabihin nito ay prinsesa ang
isinilang? Kaya pala kamalasan ang dumating
sa atin.”
Nang marinig ito ng reyna ay napalingon ito at nagtaka sa
dami ng taong nasa harap ng palasyo, nabaling ang tingin niya
sa paligid at ganoon na lamang ang pagkabigla tulad ng hari
kanina. “Nagkakamali kayo, kalamidad ang siyang dumating sa
atin at walang kinalaman ang aking anak sa nangyari.” wika ng
hari at dali daling hinagkan ang kaniyang mag-ina.
“Ang pag dating ng prinsesa ay kamalasan ang hatid. Kmalasan!”
“Kamalasan!” wika ng mga tao at kasabay nito ang pag pulot ng bato.
Napansin ito ng hari at dali daling pinapasok ang mag ina sa palasyo.
“Malas!!” “Saan niyo dadalhin ang prinsesa? Kung talagang kayo ay
nag-aalala sa amin ibigay niyo ang prinsesa upang bawian ng buhay
dahil kamalasan ang dal anito sa atin.” Natakot ang hari at reyna at
minadali ang kanilang paglalakad.
Maririnig parin ang malakas na sigawan ng mga tao sa labas.
Umiiyak ang reyna, “Selon, hindi ko ibibigay ang anak natin sa kanila,
hinding hindi!” Labis na pagkabalisa na ang nararamdaman ng hari “Oo
mahal, hindi natin ito ibibigay, gagawa ako ng paraan upang maiahon
ang kahariang ito.” sagot ng hari.
Mula noon ay hindi na sila kinilala ng mga tao,
sapagkat ang desisyon ng hari ay nakikita nilang pagtalikod
sa kanila nito. Sunod sunod na problema ang dumating, tila
hindi na binibigyan ng maykapal na makaahon ang kaharian.
Lumaking walang kaibigan si prinsesa Andilla at
palaging nasa kaniyang silid lamang, malungkot ang araw-
araw na buhay ng prinsesa. Hindi siya pinapayagan ng hari
at reyna na lumabas ng palasyo sapagkat ikakapahamak niya
ito. Sa kaniyang kabataan ay sinusunod niya ito ng wala ng
katanungan, ngunit ng siya ay maging dalaga na ay
nagkaroon siya ng pagtataka. “Bakit kaya hindi ako
maaaring lumabas? Tunay bang mapahamak ang labas ng
palasyong ito? Ngunit nakikita ko naming lumalabas ang
taga silbi at nakababalik ng walang ano mang sugat.”
Bulong nito sa sarili.
Isang araw ay napag desisyunan
niyang tumakas, sinundan niya ang taga
silbi nilang lalabas, nagbihis din siya ng
damit tagasilbi upang hindi siya mapansin
ng guwardiya, at siya ay nagtagumpay.
Pinagmasdan niya ang paligid at takot
ang naramdaman, “Bakit ganito ang
labas? Tila kay dilim at walang naktirang
ibang tao.” Wika nito at niyakap ang
sarili. Nagpatuloy siya sa pag lalakad at
napadpad sa mga bahayan.
Napakatahimik ng lugar at tila walang
mga tao, “Sino ka? Anong kailanagan
mo?” nabigla ang prinsesa sa nagsalita sa
kaniyang likuran.
“Aa..aaa..ako si Andilla isang taga silbi sa palasyo.” pagpapakilala
nito. “Kung gayon ano ang ginagawa mo rito? Taga silbi ka ng walang
mga pusong tao!” pabalik na sagot sa kaniya ng isang binata. “Anong ibig
mong sabihin? Hindi kita maunawaan.” lubos na naguguluhan niyang
wika. Sinundan niya ng tingin ang binata na umupo sa isang troso at
hinasa ang tulos ng palasong hawak niya.
“Hindi mo alam? Akala ko ba ay taga silbi ka ng impyernong iyon?”
nagtatakang tanong nito. “Aa… a kasi mula ako sa ibang kaharian at
hiniling ng aking hari na dito ako manilbihan sa kaniyang kaibigang hari
din, kaya hindi ko alam ang mga pangyayari rito.” Pagsisinungaling niya
sa binata. “Ganun pala, ngayon ay aking nauunawaan na. Ang kahariang
ito ay nagging ganito dahil sa kanila, dahil sa kamalasang dala ng
prinsesang isinilang.
Ang kahariang ito ay puno ng kasiyahan at payapa ang pamumuhay, ngunit dahil
isang prinsesa ang pinanganak ay nagkanda malas malas ang kahariang ito. Bagyo,
lindol, sunod, mga bagha, salot at marami pang iba ang kinaharap naming lahat.
Ano ang ginawa ng hari? Itinago lamang niya ang prinsesa at tinalikuran kami.
Pinagpalit niya ang isang buhay para sa napakaraming buhay.” puno ng hinanakit
na wika ng binata.
Labis na pagkabigla naman ang masasalamin sa muka ni Andilla, ngayon lamang
niya ito nalaman at hindi niya alam kung totoo ba ang tinuran ng binata. Hindi
siya nagsalita at napatulala nalamang sa kawalan. Tumayo ang binata at tumingin
sa kaniya, “Ako ng pala si Ellias, maiwan nakita at ako’y hahanap pa ng aming
makakain. Madilim ang paligid at lalo pang dumidilim pag sumapit ang gabi kay
mabuting bumalik ka na. Paalam.” wika ng binata na nagngangalang Ellias at
umalis.
Tulalang naglakad pabalik ang prinsesa sa palasyo. Sa kaniyang pag pasok ay walang naka
pansin sa kaniya, tuloy tuloy siya sa kaniyang silid habang iniisip ang lahat ng nalaman. “Ako
ang dahilan kung bakit may kaguluhan? Ngunit ano ang kinalaman ko rito?” tanong niya sa
sarili. Upang mas maunawaan pa ang mga nalaman at madagdagan pa ito, araw araw siyang
tumatakas upang bumalik sa lugar na iyon. May takot man ay isinawalang bahala niya ito, sa
kaniyang pag takas sa araw araw, nagbibitbit siya ng mga pagkain upang ibahagi sa mga tao sa
labas ng palasyo. Labis na nagtataka si Ellias ng ito’y makitang muli habang nagpapamigay ng
pagkain.
“Hindi ba’t ikaw ang dalagang tagasilbi sa palasyo na aking nakita noong nakaraang
linggo? Ano yang?... Saan galing yan”? sabi ng binata. “Oo, ako nga iyon ang tagasilbi, Ellias?
Tama ba? Halika’t kumuha karin ng makakain ng iyong pamilya.” masayang wika nito at
binaling na ang tingin sa mga tao. Bawat araw ay ganoon na nga ang nangyayari, natutuwa ang
mga tao sa dalaga tila nabigyan sila muli ng kaliwanagan sa kabila ng kadilimang nangyayari
sa buhay nila.
Pagkain, damit, libro at marami pang
iba ang dala ng prinsesa. Naunawaan niya
ang nangyari, dahil sa busilak na puso nito
at bukas na pagiisip. Alam niyang mahal
lamang siya ng kaniyang magulang kaya
piniling itago siya nito at hindi tinalikuran
ang tungkulin sa kaharian, alam niya narin
na dahil sa masasamang pangyayari kaya
lamang nalugmok ang mga taong ito at
hindi na gumawa ng paraan para bumalik
sa dati ang lahat. Napangiti siya ng
malungkot ng pagmasdan ang mga taong
unti unting bumabalik ang ngiti sa mga
labi, nasaisip ng dalaga paano kung
malaman ng mga taong ito na siya ang
prinsesa, ituturing pa kaya siya nito ng
maayos? Ano ang mangyayari?
“Tila ang lalim ng iyong iniisip
Andilla? Salamat nga pala sa lahat ng
iyong tulong. Kahit papano ay naiibsan
ang aming paghihirap. Unti unti mo ring
nahihikayat ang mga taong magsimulang
bumangon ulit. Ikaw ang nagsisilbing ilaw
namin sa kadilimang ito. Salamat talaga.”
ngiting wika ni Ellias.
Ngumiti rin si Adilla at nagwika
“Walang ano man iyon, ibinabahagi ko
lamang ang mga bagay na pwede kong
maitulong sa inyo.” “Ngunit saan nga pala
nanggagaling ang lahat ng iyan? Tila ikaw
ay napakayaman? Hindi naman sa
pangmamaliit ngunit ang taga silbi ay
hindi kayang ibigay ang ganiyang
kadaming pagkain sa araw araw.
Natatangi ka rin sa mga tagasilbi dahil sapat ka sa karunungan at parang prinsesa sa
pagkilos.” pagbiro ng binata kay Andilla. Kinabahan naman ang huli sa sinabi ni Ellias “Ito’y
aking naipon lamang. Ano ka ba Ellias ako’y paminsan pinsang pumupuslit sa aklatan ng
palasyo kaya ako nagkaroon ng mga kaalaman. Saka prinsesa? Hahahha, ako prinsesa? Hindi,
ano ka ba naman.” “Sabagay kung ikaw ang prinsesa, hindi mo ito gagawin puro masasama ang
mga iyon. Habang sila nag papakasarap kami ay naghihirap.” mapaghinagpis na wika parin
nito. Natahimik nalang si Andilla at pinagpatuloy ang ginagawang pagbibgay.
“May balita na nawawala raw ang prinsesa sa palayo, tara at hanapin natin tayo ang dapat
makakitang mauna don upang siya’y ating iaalay kay bathala para mawala na ang malas dito sa
ka`hariang ito.” wika ng isang taong mukang kagagaling sa kung saan. Kinabahan si Andilla at
dali daling inihanda ang sariling bumalik na sa palasyo. “Ellias aalis na ako, at maggagabi
narin. Paalam” pagpapaalam nito. “Ihahatid na kita Andilla” pagtugon ni Ellias. “Hindi na
kailangan pa, mauuna na ako.” dali dali umalis si Andilla at pahkarating sa palasyo ay pumunta
siya agad sa kaniyang silid tulad ng dati ngunit ngayon ay andoon ang reyna at hari.
“Saan ka nanggaling anak?”
nagaalalang tanong ng reyna sa anak at
ito’y hinagkan. “Ina naglibot lamang ako
sa ating hardin at nakatulog roon sa
halamanan. Hindi ko po namalayan ang
oras kaya ginabi na ako.” pagsisinungaling
nito sa ina. “Magpaalam ka sa susunod
anak, nagaalala kami sayo ng iyong ina.”
wika ng hari. Dahil sa nangyari, ay hindi
na mapalagay ang reyna at hari na walang
kasamang taga bantay ang prinsesa kaya
pinasamahan niya ito ng tagasilbi saan
man ito magpunta. “Paano ako aalis nito?”
bulong sasarili.
Dahil sa likas na matalino ang prinsesa ay nakaisip siya ng paraan. “Maari bang dito iwan niyo
muna ako dito sa hardin o kaya doon muna kayo sag awing iyon, nais ko sanang matulog rito.
Ngunit hindi ko magagawa iyon ng may nakatingin sa akin.” Tumalima naman ang dalawa nitong
kasamang tagasilbi at lumayo ng kaunti sa prinsesa. Dahil sa kadilimang bumabalot sa labas, alam
niyang hindi siya makikita ng mga ito kung siya ay gagapang. Kaya ng maiba ang landas ng pangin
ng mga tagasilbi ay dali dali siyang umalis. Hindi naalala ng dalaga na ang kaniyang kasuotan
ngayon ay kasuotan ng isang prinsesa at ang kaniyang tiara ay nakakbit din sa kaniyang ulo.
Napatigil ang prinsesa sa pagtakbo palayo sa palasyo
dahil sa mga taong nangharang sa kaniya. Takot ang
kaniyang naramdaman ng unti unting lumalapit sa aniya
ang mga ito. “Ang malas na prinsesa, natagpuan na
natin. Maaalis na natin ang kamalasan dito sa kaharian
at babalik sa atin ang ating hari. Kaingin mong mamatay
prinsesa.” wika ng isa sa mga humarang sa kaniya at
sabay sabay silang sumigod, “Sandali, ako ito si
Andilla….hi…hindi niyo baa ko nakikilala ako ay isa sa
inyo.” takot na sumagot ito habang umaatras. “Sa
kasuotan mo iyan? Sa tiara mong suot? Hindi mo kami
maloloko prinsesa.” Saka lamang napagtanto ni Andilla
na hindi siya nakasuot ng kasuotan ng taga silbi at dahil
madilim ang buong paligid ay hindi maaninang ang
kaniyang muka ng mga ito.
Sumugod ang isa sa mga tao at nagtagumpay na siya ay nasaksak, napaluhod ang
prinsesang sapo ang nasaksak sa kaniya. Mula sa likod ay may isa pang sumaksak na
siyang na tuluyang nakapag pahiga na sa kaniya. Nabigla ang huling sumaksak sa
kaniya ng masilayan ang kaniyang muka, “Andilla?, Si Andilla ito!!” wika ni Ellias,
nabigla ang lahat at lumapit. Nabitawan ng mga ito ang kanilang hawak na sandata at
natulala. Agad namang lumapit si Ellias kay Andilla na naghihingalo na ngayon,
“Patawad Andilla, hindi naming alam na ikaw iyan. Suot mo ang kasuotan ng isang
prinsesa kaya akala……” napahinto si Ellias ng maunawaan ang lahat, “Ikaw ba ang
prinsesa? Bakit?” “Aaaa….yos lang ako… Ellias. Hindi ako magagalit sa inyo dahil
nauunawaan ko kayo, sa maiksing panahon na nakasama ko kayo ay napamahal na
kayo sa akin, alam kong ang tingin niyo sa akin bilang prinsesa ay malas kaya handa
akong mawala upang bumalik lang sainyo ang ka swertihan. Pa alam Ellias, paalam
sa inyo.” wika ng prinsesa at nawalan na ng malay.
Hindi nakayanan ng lahat ang nangyari at napaiyak nalamang ang mga ito, ang
nasaisip nila ay pinatay nila ang taong nagbigay ng liwanag sa kanilang muli.
Binuhat ni Ellias ang prinsesa at sama-sama nilang dinala pabablik ng palasyo.
Sumigaw ang mga tao “Patawad mahal naming hari!” nagtakang lumabas ang hari
dahil ngayon nalamang may taong lumapit sa kaharian, habang palapit ito ay unti-
unti niyang nakita ang anak na wala ng buhay. Napaiyak ang hari na sinundan pala
ng reyna ng ito’y lumabas umiyak ang mag asawa sa nangyari sa anak. “Andilla,
anak! Anong nangyari? Anak? Gumising ka!” humahagulgol na wika ng reyna.
“Patawad sa aming nagawa, hindi namin alam na siya si Andilla.” wika ng mga tao.
Nagtataka ang hari sa tinuran ng mga ito, wala
siyang galit sa mga ito dahil nauunawaan niya ang
labis na hinagpis ng mga ito sa kaniya, ngunit ang
marinig na humingi ng tawad ang mga ito sa nagawa
ay kataka-taka. “Si Andilla, tinulungan niya po kami,
binigay niya sa amin ang aming pangangailanagn, sa
maikling panahon ay siya’y aming naging ilaw,
ngunit hindi namin alam na siya ang prinsesa.”
lumuluhang sabi ng mga tao. Natigilan ang mag
asawa, masakit man sa kalooban ay tinanggap nila
ang nangyari sa anak. Nalaman din nila ang
ginagawang pagpuslit ng anak at ang pagtulong sa
mga tao sa kaharian. Inilibing nila si Andilla sa isang
hardin, nakidalo ang lahat at nagluksa sa ilaw na
kanilang kinikilala. Nagkapatawaran ang lahat at
inayos ang buong kaharian.
Isang araw, dumalaw si Ellias sa puntod ni Andilla, ngunit siya ay nagtaka ng
makitang may isang puting pahaba ang naroon sa ibabaw ng puntod. Ito ay may
nakausling akala mo hibla ng sinulid. Inuwi ni Ellias iyon at sinabi sa mga taong
natagpuan niya ito sa puntod ni Andilla. Nagtaka rin sila sa bagay na iyon at sama
samang pumunta sa palasyo at ibinigay sa hari at reyna. Tila may nagtulak sa hari
na ito ay sindihan kaya iyon ang kaniyang ginawa at napaluha nalamang ang mga
tao ng makitang nagliliwanag iyon at naalala si Andilla. “Ang bagay na iyan ay
tulad ng prinsesa na nagbibigay ng liwanag sa kadiliman. Ito ay ang ating
prinsesa”. Kaya buhat noon, tuwing sisindihan nila ang bagay na iyon ay naaalala
nila ang kabutihang ginawa ng prinsesa at tuwing ito ay nauubos ay himihingi sila
ng kapatawaran dahil sa nagawang pagtapos sa buhay ng prinsesa.
Mula noon tinawag nila
itong Andilla na alinsunod sa
pangalan ng prinsesa, ngunit
sa paglipas ng maraming
taon at nagpasalin-salin sa
bibig ng mga tao ay tinawag
na itong kandila. At doon
nagmula ang bagay na kung
tawagin ay kandila ngayon.
THANK YOU!