Tungkulin NG Wika

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

Interaksiyonal, Personal, at

Imahinatibong Tungkulin ng Wika


Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa
ng mga mag-aaral ang sumusunod:
 Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong tungkulin ng wika na nakatuon sa
interaksiyonal, personal at imahinatibo;
 Napag-iiba ang mga tungkulin ng wika na interaksiyonal, personal, imahinatibo;
 Natutukoy ang mga tungkulin ng wika na interaksiyonal, personal, at imahinatibo sa
pinanood na indie film;
 Naiuugnay ang interaksiyonal, personal, at imahinatibong tungkulin ng wika sa pinanood
na indie film; at
 Nakapagsasagawa ng dyadic na talakayan ukol sa tungkulin ng wika sa pinanood na indie
film.
Interaksiyonal, Personal at Imahinatibong
Tungkulin ng Wika
 Ang wika ay isang moda ng pag-uugali at hindi
isang purong elementong pragmatika.
 May panlipunang papel na ginagampanan ang
wika upang maglinaw ng kahulugan batay sa mga
aktuwal na sitwasyon at natural na tungkulin nito
upang tumugon sa mga tiyak na layunin at
panlipunang konteksto.
Interaksiyonal na Tungkulin ng Wika

 Kapag nagbubukas ng interaksiyon o


humuhubog ng panlipunang ugnayan, ang
wika ay may interaksiyonal na tungkulin.
 Ang wika ay may panlipunang gampanin na
pag-ugnayin ang isang tao at ang kaniyang
kapuwa sa paligid.
Interaksiyonal na Tungkulin ng Wika

 Ang “ako” at “ikaw” na tungkulin ng wika ay


lumilikha ng mga panlipunang ekspresyon at
pagbati upang bumuo ng interaksiyon at
palakasin ang layuning makipagkapuwa gaya
ng “Mahal kita,” “Kamusta?” “Nanay,” at
“Mabuhay.”
Interaksiyonal na Tungkulin ng Wika

 Mabisang matatamo ang mahusay na interaksiyon sa


pamamagitan ng estratehiyang interaksiyonal gaya ng
paggamit ng mga katangiang di gumagamit ng salita,
tulad ng
 kilos,
 tuon ng mata, at
 pagwiwika ng katawan (mga muwestra o galaw ng kamay,
pagkiling-killing ng ulo, at iba pang mga kilos).
Interaksiyonal na Tungkulin ng Wika

 Gayundin, nagpapatuloy ang epektibong


interaksiyon kung paiba-iba ang
 ekspresyon,
 tono, at
 intonasyon na nagpapahiwatig ng interes sa
pakikipag-usap.
Interaksiyonal na Tungkulin ng Wika

 Halimbawa:
 Pormularyong Panlipunan
 Pangungumusta
 Pagpapalitan ng biro
 Kumusta ka na aking kaibigan?
 Maligayang Kaarawan
Personal na Tungkulin ng Wika

 Nagsisilbing gampanin naman ng Personal na tungkulin


ng wika ang palakasin ang personalidad at
pagkakakilanlan ng isang indibiduwal.
 Ginagamit ng isang tao ang wikang personal upang
ipahayag ang kaniyang mga personal na
 preperensiya,
 saloobin, at
 pagkakakilanlan.
Personal na Tungkulin ng Wika

 Ang Personal na sulatin ay informal, walang tiyak na


balangkas at pansarili.
 Ito ang pinakagamit na uri ng sulatin sa mga mag-aaral
dahil nagagawa nilang iugnay anumang paniniwala, pag-
iisip, o di kaya’y tungkuling taglay nila sa kanilang sarili.
 Mga halimbawa: Shopping o Groseri List, Tala, Diary,
Dyornal, Dayalog, Liham, Mensahe, Pagbati.
Personal na Tungkulin ng Wika

 Halimbawa:
 Shopping o Groseri List
 Tala
 Diary
 Dyornal
 Dayalog
 Liham
 Mensahe
 Pagbati.
Personal na Tungkulin ng Wika

 Halimbawa:
 Porma/Di-Pormal na Talakayan
 Liham sa Patnugot
 Sang-ayon ako na idaos ang ating retreat
 Ikaw ang talagang tumatanglaw sa aking bawat madilim na
gabi
 Nakakabahala ang artikulong inilathala ninyo sa nakaraang
isyu ng inyong pahayagan.
Imahinatibong Tungkulin ng Wika

 Mahalaga naman ang imahinatibong tungkulin


ng wika upang ipahayag ang
 imahinasyon at haraya,
 maging mapaglaro sa gamit ng mga salita,
 lumikha ng bagong kapaligiran ng tayutay at
 iba pang estratehiya upang matupad ang layon ng
makapang-akit ng komunikasyon.
Imahinatibong Tungkulin ng Wika

 Ang paglikha ng mga popular na pick-up lines


halimbawa ay nagpapakita ng malikhaing gamit ng
wika upang magpatalas ng isang ipinahihiwatig na
kahulugan at damdamin.
 Halimbawa:
 “Password ka ba? – Di kasi kita makalimutan.”
 “Papupulis kita! – Ninakaw mo kasi ang puso ko.”
Imahinatibong Tungkulin ng Wika

 Halimbawa:
 Pagsasalaysay
 Paglalarawan
 Akdang pampanitikan
Pagsubok:

 Suriin ang mga sumusunod na tag line batay sa


ginamit na tungkulin ng wika (interaksiyonal,
personal, at imahinatibo) at ipaliwanag ang iyong
sagot.
 Limitahan ang paliwanag sa dalawa hanggang
tatlong pangungusap.
 (Limang puntos bawat isa.)
Pagsubok:

1. FACEFOOD
Like ko ‘to

Tungkulin ng wika: _____________________


Paliwanag:
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________
Pagsubok:

2. JEEPSILOG
Biyaheng Sarap!

Tungkulin ng wika: _____________________


Paliwanag:
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________
Pagsubok:

3. TV 45
Kasama Ka!
TV 45
Tungkulin ng wika: _____________________
Paliwanag:
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________
Pagsubok:
Bongga ka Lhai!
Parlor ng mga Sikat
4. Bongga ka Lhai!
Parlor ng mga Sikat!

Tungkulin ng wika: _____________________


Paliwanag:
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________

You might also like