Ano Ang Komunikasyon

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Ano ang komunikasyon?

• Ayon sa ilang manunulat, ang salitang Ingles na “communication” na painaghanguan ng


salitang komunikasyon na siyang palasak na ginagamit natin sa kasalukuyan ay hinango sa
salitang Latin na ‘communis’ na ang ibig sabihin ay karaniwan.
• Ayon kay Rubin, kailanman ang tao’y hindi makatatagal na mamuhay nang sa ganang
sarili lamang niya.
• Ayon kay Semorlan 1997, ang komunikasyon ay ang proseso ng pagbibigay at
pagtanggap. Mensahe ang ibinibigay at mensahe rin ang tinatanggap.
• Ayon din kina Espina at Borja (1999:6) ang komunikasyon ay isa ring makabuluhang
kasangkapan upang maangkin ng bawat nilikha ang kakayahang maipaliwanag nang
buong linaw ang kanyang iniisip at nadarama.
• Binanggit nina Arnold at Hirsh (Resuma at Semorlan, 2002:37) na “we communicate with
each other because it satisfies our own interests. You communicate because it does
something for you.”
• Ayon kina Sauco at Atienza (2001) ang komunikasyon ay isang paraan ng pakikitungo ng
tao sa kanyang kapwa, isang bagay na kailangan sa pakikisalamuha niya sa isang lipunang
kanyang ginagalawan, isang paraan ng pakikibagay ng tao sa kanyang kapaligiran. Ang
kakayahan ng tao sa pakikipagtalastasan ay nagbibigay-daan upang makasanib sa
pinakamataas na lipunan at makasabay sa patuloy na pagbabago.
• Ipinaliwanag naman ni Arrogante (1988) na ang salitang pakikipagtalastasan ay galing sa
salitang-ugat na talastas na nangangahulugang “alam”, at sa kabilaang panlaping
pakikipag-…-an na may kahulugang ‘pagsasagawa ng isang kilos na ang gumagalaw o
gumagawa ay hindi iisa kundi dalawa o higit pa”.

Tatlong uri ng Komunikasyon


1. Komunikasyong Intrapersonal - Ito ay tumutukoy sa komunikasyong pansarili.
2. Komunikasyong Interpersonal - Ito naman ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap
sa pagitan ng dalawang tao o sa pagitan ng isang tao at maliit na pangkat.
3. Komunikasyong Pampubliko - Ito naman ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa
pagitan ng isa at malaking pangkat ng mga tao.

Katangian ng Komunikasyon
1. Ang komunikasyon ay isang proseso
Isang proseso ang komunikasyon na kinapalooban ng marami pang proseso. Hindi lamang ito
kinasasangkutan ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe.
Encoding – Siya ang tagapagpadala ng mensahe.
Decoding – siya ang tagatanggap ng mensahe.
2. Ang proseso ng komunikasyon ay dinamiko
Sa komunikasyon, ang minsang nangyari na ay hindi na mauulit pa. Ulitin man nating muli ang
mga salitang una nating tinuran, nag-iiba na ang komunikasyon dahil iba na ang panahon.
3. Ang komunikasyon ay komplikado
Nagiging komplikado ang proseso ng komunikasyon dahil sa paraan ng pagtingin ng mga sangkot
sa komunikasyon sa isa’t isa. (persepsyon)
4. Mensahe, hindi kahulugan, ang naipadadala/natatanggap sa komunikasyon. Pansinin
muli ang kahulugan ng komunikasyon
Ito ay proseso ng paghahatid at pagtanggap ng mensahe, hindi kahulugan. Kapag nagpapadala
ang isang tao ng mensahe sa pamamagitan ng salita, halimbawa, maaari itong magkaroon ng
iba’t ibang pakahulugan. (gusto kita) (baboy)
5. Laging may dalawang uri ng mensahe sa proseso ng komunikasyon. Ang mensaheng ito
ay maaaring mauuri sa:
a) mensaheng pangnilalaman o mensaheng panlinggwistika at; (sinasabi)
b) mensaheng relasyunal o mensaheng di-berbal na nagpapahiwatig ng iyong damdamin o
pagtingin sa kausap. (agwat sa pakikipag-usap)
6. Hindi tayo maaaring umiwas sa komunikasyon
Kahit pa tayo’y hindi magsalita, nakikipagtalastasan tayo sa ating kapwa.

Mga Sangkap at Prosesong Komunikasyon


1. Enkoder - Ito ay tumutukoy sa tao o pangkat ng mga taong pinagmulan ng mensahe. Siya o
sila ang tumutukoy sa mensaheng pinapadala.
2. Dekoder - Sa nabanggit na halimbawa, ang pinagsabihan ng Magandang umaga ang siyang
tagatanggap ng mensahe. Siya ang magbibigay-pakahulugan sa mensaheng kanyang natanggap.
3. Mensahe - Ito ang dahilan o layunin ng komunikasyon. Maaaring naglalaman ng mga
impormasyon, ideya o palagay ang mensahe, o kaya’y pagpapahatid ng saloobin, damdamin o
emosyon.
4. Tsanel - Ito ang midyum o daanan ng mensahe. May dalawang kategorya ng mga daluyan ng
mensahe.
*daluyang sensori- tuwirang paggamit ng paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at pandama.
(tuwiran)
*daluyang institusyunal- Ang pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng sulat, telegrama mga
kagamitang elektroniko tulad ng telepono, e-mail, fax, cellular phone at beeper ay mga halimbawa
ng daluyang institusyunal.
5. Ang Tugon o Feedback. Tumutukoy ito sa sagutang feedback ng enkoder at dekoder matapos
nilang maibigay at maunawaan ang mga hatid na mensahe. Ito ay maaaring mauri sa tatlo; 1)
Tuwirang Tugon, 2) di-tuwirang tugon at 3) naantalang tugon.
6. Mga Potensyal na Sagabal sa Komunikasyon. Ito ang tinatawag sa Ingles na communication
noise o filter.
7. Konteksto/Sitwasyon. Ang konteksto ay ang sitwasyon o kalagayan kung saan nagaganap
ang komunikasyon. Ayon kina Barker at Barker, ang elementong ito ang isa sa mga
pinakamahalaga dahil naaapektuhan nito ang iba pang mga elemento kasama na ang buong
proseso ng komunikasyon
8. Sistema. Nangangahulugan ito ng relasyon o ugnayan na nalikha sa pamamagitan ng proseso
ng komunikasyon. Halimbawa, kung hind mo kakilala ang isang tao, maaari ring magkaroon ng
komunikasyon sa pagitan ninyo subalit madalang ang pakikipag-usap.

Paraan ng Komunikasyon
Ayon kina Lorenzo (1994) ang komunikasyong berbal ay komunikasyong gumagamit ng wika
na maaaring pasulat at pasalita.
Ayon kina Belvez (2004) ang mga di-berbal na komunikasyon ay bahagi ng mga mensaheng
berbal kahit na ang mga ito’y naisasagawa nang wala sa loob o hindi kinukusa.

Iba’t Ibang Uri ng Komunikasyong di-berbal


1. Proxemics -Maaaring may kahulugan din ang espasyong inilalagay natin sa pagitan ng
ating sarili at ng ibang tao.
2. Chronemics-Mahalaga ang oras. Ito ay isang bagay na kulang sa maraming tao.
3. Oulesics-Ito ay tumutukoy sa paggamit ng mga mata sa komunikasyon. Ang mata raw ang
siyang “pintuan ng ating kaluluwa” sapagkat sa pamamagitan nito ay maaari tayong
makipag-ugnayan nang makahulugan.
4. Haptics - Ito ang pagpapadama ng iba’t ibang damdamin sa tulong ng paghawak sa
kausap. Kabilang dito ang paghawak ng mga kamay upang makiramay at bumati.
5. Kinesics - Maraming sinasabi ang ating katawan, minsan pa nga’y higit pa sa mga tunog
na lumalabas sa ating bibig.
6. Objectics - Ito ay ang paggamit ng mga bagay sa komunikasyon sa pagpapaliwanag ng
mga gustong sabihin, o kaya’y paggamit din ng mga bagay kapag may damdaming nais
ipahayag.
7. Paralanguage - Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagbigkas sa isang salita.
8. Kulay - Ang kulay ay maaari ring magpahiwatig ng damdamin o oryentasyon.
9. Iconics - Sa ating paligid ay marami kang makikitang simbulo o icons na may malinaw na
mensahe.
Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon
Upang maging mabisa, ang komunikasyon, kailangan din itong isaayos. Si Dell Hymes ay
nagbigay ng ilang mungkahi kung paano dapat isaayos ang paggamit ng wika. Ayon kay Hymes,
kailangang isaalang-alang ang ang konsiderasyon upang matiyak na magiging mabisa ang
komunikasyon. Ginamit niya ang akronim na S.P.E.A.K.I.N.G. na tinalakay sa mga ss. na talata.
S.P.E.A.K.I.N.G.
1. Setting. (saan nag-uusap?) Sa pakikipagkomunikasyon, ang pook o lugar saan naganap
ang usapan ay dapat isaalang-alang.
2. Participants. (sino ang kausap, nag-uusap?) Dito isinaalang-alang ang tao o mga taong
kasangkot sa komunikasyon.
3. End. (ano ang layunin ng usapan?) Sa komponent na ito ang interaksyon ay ayon sa
layuning nais matamo sa pakikipagkomunikasyon: pagpapahayag o pagbibigay ng
impormasyon, pag-uutos, pakikiusap, pagpapahiwatig, pagpapakahulugan,
pagmumungkahi, pagbabahagi ng damdamin, pangangarap o paglikha.
4. Acts Sequence. (paano ang takbo ng pag-uusap?) Ito ang tumutukoy sa pagkakaugnay ng
usapang nagaganap sa uri ng pangyayari.
5. Keys. (pormal ba o impormal ang usapan?) Nakakita ka na ba ng isang taong
nakakamiseta at naka-shorts sa isang debut party? O di kaya’y ng isang taong naka-gown
o barong Tagalog habang naglalaro ng basketball o volleyball?
6. Instrumentalities. (ano ang midyum ng usapan, pasalita ba o pasulat?) Sa madaling salita,
kailangang ikonsider din ang gamit o daluyan ng komunikasyon.
7. Norms. (ano ang paksa ng usapan?) Mahalagang maisaalang-alang din ng isang tao ang
paksa ng usapan.
8. Genre. (ano ang uri ng pagpapahayag? Pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad o
pangangatwiran?) Sa komponent na ito, isinaalang-alang ang layunin ng participants.

Kahalagahan ng Komunikasyon
1. Kahalagahang Panlipunan - Isang sitwasyong nararapat harapin sa araw-araw na buhay
ang pakikipagtalastasan.
2. Kahalagahang Pangkabuhayan. Anumang propesyon upang maging matagumpay ay
nangangailangan ng mabisang pakikipagtalastasan.
3. Kahalagahang Pampulitika. Sa isang bansang demokratiko, ay may layang makisangkot
ang mga tao sa pag-ugit ng pamahalaan. Malaya ang mga pagtatalakayan ng mga bagay-
bagay na nauukol sa bayan.

MGA SANGKAP/ ELEMENTO AT PROSESO NG KOMUNIKASYON


• Tagahatid/ Enkoder – nagpapadala o ang pinagmulan ng mensahe-bumubuo sa mensahe
– nagpapasya sa layunin.
• Mensahe – ang ipinadadalang salita.
• Tsanel – daluyan ng mensahe, berbal o di-berbal
• Tagatanggap/dekoder -tumatanggap sa mensahe -nag-iinterpret o nagbibigay kahulugan
sa mensahe
• Ganting Mensahe o feedback -proseso sa pagbabalikan ng mensahe -ang patuloy na
paghahatid ng mensahe sa bawat panig ng kasangkop sa komunikasyon
• Mga Hadlang o barriers -tagahatid -mensahe -tsanel -katayuan -lugar –edad
• Sitwasyon o Konteksto - pinakamahalang elemento
• Sistema - nangangahulugan sa relasyon o ugnayan na nalikha sa pamamagitan ng
proseso ng komunikasyon

MGA PRINSIPYO NG KOMUNIKASYON


 Alamin o kilalanin ang iyong tagapakinig;
 Alamin o kilalanin ang iyong sadya o nais na ipabatid;
 Alamin ang iyong topic;
 Asahan ang mga pagtuligsa o mga taliwas na opinyon;
 Ipakita ang kabuuan;
 Gawing mas kapani-paniwala ang sarili sa iyong mga tagapakinig;
 Huwag paputol putol;
 Magkaroon ng koneksyon sa iyong tagapakinig;
 Magpakita ng impormasyon sa iba’t ibang pamamaraan;
 Mag-isip ng isang magandang paraan upang makuha ang opinyon ng iyong tagapakinig; at,
 Gumamit ng iba’t ibang paraan ng komunikasyon.

3 paraan ng komunikasyon
1. Verbal
2. Non-verbal
3. Biswal

KOMUNIKASYON AT GLOBALISASYON
Sa tulong ng globalisasyon, mas madadagdagan ang kaalaman ng mga tao tungo sa edukasyon
ukol sa komunikasyon. Mapapaigi ang komunikasyon ng mga tao at ang oportunidad na makapag
aral ng ibang lengwahe. Ang kultura ng mga karatig bansa ay lalong mapagbibigyan ng pansin
uoang maibahagi ng kaga dahan nito sa bansa. Tataas ang kredibilidad ng mga tao dahil mas
matututunan ang lunggwahe at kultura ng dayuhan na magbubunga ng kaalaman.
Ngunit sa pagbubukas ng bansa sa iba pang bansa, at ang kamalayan ng mamayan dito ay
maaring magdulot ng negatibong epekto. Maaring masilaw ang mga mamamayan at mag laan na
lamang ng pokus sa ibang kultura. Sa pagusbing ng teknolohiya, mas malilimitahan ang
komunikasyon at mas mananaig and "virtual reality" o ang buhay sa social media.
Ang globalisasyon ay nauugnay sa komunikasyon, politika, ekonomiya, paglalakbay at popular na
kultura sa pamamagitan ng mga sumusunod:
1. Sa komunikasyon: Napapadali ng globalisasyon at teknolohiya ang proseso ng
komunikasyon dahil napapabilis ang pakikipag-ugnayan sa ibang tao at ibang bansa sa
pamamagitan ng cellphone, social media (kagaya ng Facebook) at messaging apps
(kagaya ng Viber).
2. Sa politika: Nagiging mas madali at mas malawak ang interaksyon at integrasyon ng mga
pinuno mula sa iba't ibang bansa dahil sa konsepto ng globalisasyon. Ang halimbawa na
lamang nito ay ang ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) kung saan
nagpupulong ang mga miyembro ng ASEAN at mga dialogue partners upang pag-usapan
at solusyonan ang mga isyu sa rehiyon.
3. Sa ekonomiya: Napapadali ang pag-usbong ng ekonomiya dahil sa lumalawak na
globalisasyon kung saan isa sa mga epekto nito ay ang pagdami ng OFW na nagpapataas
ng GNP o Gross National Product ng isang ekonomiya kagaya ng Pilipinas. Bukod dito,
napapalago rin ng pagsulpot ng mga multinational companies at transnational companies
ang demand at ekonomiya sa isang bansa.
4. Sa paglalakbay: Mas maraming tao ang nabibigyan ng pagkakataong maglakbay dahil mas
madali na ang pagbisita sa ibang bansa sa pamamagitan ng mga "low-cost airlines" na nagiging
susi upang makarating ang mga tao sa iba't ibang bansa
5. Sa popular na kultura: Mas nagiging pamilyar ang mga mamamayan sa media at balita ng
ibang bansa dahil sa mga foreign TV channels, foreign TV series, Youtube, etc.

MGA VARAYTI AT REGISTER NG WIKANG PASALITA AT PASULAT


mesahe- ay ang komunikasyon, ang kominikasyon ay isang proseso ng pagpapadala at
pagtanggap sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring di-berbal o berbal.
Layunin ng Mensahe
 Ang proseso ng paghahatid ng isang mensahe o pagpapalitan ng ideya, impomasyon,
karanasanat mga saloobin.
 Isang sining at paraan ng paghahatid o paglilipat ng impormasyon, ideya at kaalaman ng
isangtao sa kanyang kapwa tao.
 Isang likas na minanang gawaing panlipunan na nagbabagu-bago kasabay ng pamumuhay
ng taoo pangkat ng mga tao at ng panahon.
Paano ipinarating ang mensahe sa teksto at/o imahen?
 Maglahad ng isang opinyong kailangang mapanindigan at maipagtanggol sa tulong ng mga
patnubay at totoong datos upang makumbinsi ang mga mambabasa na pumanig sa
manunulat.
 Mga pahayag na makaakit sa damdamin at isipan ng mambabasa
 Mga pangangatwirang hahantong sa isang lohikal na konklusyon
Sino ang target na audience ng mensahe?
 Ang iyong pinakamahalagang madla ay ang taong maaaring gumawa ng iyong layunin
isang katotohanan - ang gumagawa ng desisyon. Ito ang taong ang pag-uugali ay direktang
nakakaapekto sa iyong layunin. Posibleng maabot ang mga ito nang direkta, o hindi direkta
sa pamamagitan ng mga taong pinakikinggan nila sa pinaka - ang mga influencer.
Ano ang iba pang paraang magagamit sa presentasyon ng mensahe?
Magsalaysay ng isang kwento - Ang mga kwento ay mas kaakit-akit kaysa sa katotohanan dahil
ito’y nakakaaliw para sa atin.
Magtanong sa mga Mahahalagang Sandali - Ang isang tanong ay nakakabasag sa ritmo ng
iyong tipikal na presentasyon, at nakakatulong na tandaan na ang sinasabi mo ay mahalaga.
I-ayos Ang Iyong Presentation sa 3 Malilinaw na Punto - Sa ganitong paraan, mas madali
mong matatalakay at maibubuod ang nilalaman ng iyong presentasyon sa dulo. Halaga, tala-
orasan, bunga. Problema, mungkahi, solusyon. Simula, gitna, at wakas. Tandaan lang na hatiin sa
tatlo
Ugaliing Magpatawa - Ang katatawanan ang nagpapaikot sa mundo. At totoo rin ito sa mundo ng
pagnenegosyo. Sa dulo ng araw, walang gustong makipagtrabaho sa isang bugnot na tao.
Disenyuhan ang PowerPoint upang Makapanghikayat, Hindi Makagambala - Disenyuhan
ang PowerPoint ng may layunin. Hindi isang PowerPoint na pupunuan lamang ang pader sa iyong
likod. O isang PowerPoint na inuulit ang iyong presentasyon sa bullet-point format. Ang mga
ganitong uri ng PPT ay walang silbi.
Huwag Magbasa Mula Sa Iyong Mga Slides - Ang pagbabasa mula sa isang slide na nakikita
naman ng lahat sa silid ay nakakabagot at nakakapagpamukha na hindi ka handa. Ang iyong
PowerPoint ay hindi nariyan para ipaalala sa iyo ang mga kailangan mong sabihin, bagkus ay
uoang tulungan ang iyong mga tagapakinig na lalong maintindihan ang puntong inihahayag mo.
Gumamit ng mga Visuals upang Ilapat ang mga Ideyang Mahirap Unawain 10 - Mga graphs,
talaan at mga pie na nagpapakita ng iyong punto at tumutulong bigyang-diin ang mga ito,
Magsama rin ng mga larawan na magiiwan ng epekto sa mga tagapakinig at tutulong sa diwa ng
iyong argumentong hindi agad makalimutan.
I-highlight ang Mahahalagang Punto Gamit ang mga Metaporang Biswal - Isang
makapangyarihang paraan sa paggamit ng larawan ay sa mga metaporang biswal. Huwag mo
lang basta sabihin sa iyong kliyente na gamit ang iyong plano, ang mga bagong tagasunod ay
lalabas na lamang bigla na tila mga bubuyog tungo sa pulot. Ilarawan ito sa pamamagitan ng
imahe upang mas lalong tumatak ang punto sa isipan nila.
Gawing Personal ang mga Halimbawa - Isa pang malikhaing ideya sa pagpepresenta ay i-
personalize ang iyong talumpati para sa mga piling tagapakinig sa bawat pagkakataon. Maging
isang inaasahang kliyente, isang tagapakinig sa isang pagpupulong, o isang maaaring maging
mamumuhunan, maaari mong ayusin at ipersonalize ang karanasan ng iyong presentasyon para
sa spesipikong mga tagapakinig.
Magdagdag ng Musika - Simula ng matuklasan natin kung paano magdagdag ng tunog sa mga
pelikula, hindi na lang tayo nagtatala ng diyalogo kundi maging musika na din mula sa mga ito.
Sapagkat natutulungan ng musika na itakda ang damdamin, binibigay ang tamang epektong
emosyonal, at nagdadagdag ng excitement.

MGA PANTULONG AT ESTRATEHIYA SA KOMUNIKASYON GAMIT ANG TEKNOLOHIYA


Telebisyon -ay isang electronic system ng pagsasalin ng mga imahe at tunog sa pamamagitan ng
mga electronic signals sa mga kable at optical fibers.
Radyo-ay gumagamit ng mga epekto ng tunog upang mapasigla ang mga nakikinig sa mga imahe
ng mga tao at lugar. Ang radyo ay naimbento noong 1906, at sa ilang panahon ay nanatili bilang
pangunahing pinanggagalingan ng impormasyon.
Telepono-ay isang instrumento na naghahatid at tumatanggap ng mga mensahe sa boses at
data. Isinasalin ng telepono ang pagsasalita at ang data sa elektrikal na enerhiya na ipinadadala
sa malalayong lugar.
Fax Machine -ay tumatayo sa facsimile transmission o reproduksyon. Ang fax machine ay isang
sistema o aparato sa paggawa ng mga graphic na materyales sa malaking distansya.
Internet -ay ang pandaigdigang sistema ng mga kompyuter networks. Ang kompyuter network ay
isa o ilan pang mga kompyuter na nakakonekta sa isa’t isa.
Makrong Kasanayan: Pasulat, Pagsasalita at Pag-aaral
45% Pakikinig
30 % Pagsasalita
16% Pagbabasa
9% Pagsulat

PAGSASALITA
- Ang pinakamahalagang kasanayang pangwika
-Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at
nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap.
-Ayon kay Garcia (2010) ito ang unang natutunan ng tao simula nang isinilang sa pamamgitan ng
kanyang pag-iyak.
-Ayon kay Sauco (2001) kailangan ng isang indibidwal na matuto at masanay sa mga gawaing
pagsasalita.
-Ang pagsasalita ay nagtataglay ng 35 porsyento sa kabuuang gawain ng isang tao.
-Ang husay sa pagsasalita ay isang kailanganin tungo sa pagiging matagumpay ng isang tao.
“Kahalagahan ng Pagsasalita”
 Komunikasyon ng mga ideya at damdamin sa pamamagitan ng mga simbolong nakikita at
naririnig mula sa tagapagsalita.
 Nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan ng mga tao.
 Nakakapanghikayat o impluwensya ng saloobin ng nakikinig.
 Higit na may oportunidad at nakalalamang ang isang taong mahusay magsalita.

PAGSASALITA
- Ang pinakamahalagang kasanayang pangwika
-Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at
nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap.
-Ayon kay Garcia (2010) ito ang unang natutunan ng tao simula nang isinilang sa pamamgitan ng
kanyang pag-iyak.
-Ayon kay Sauco (2001) kailangan ng isang indibidwal na matuto at masanay sa mga gawaing
pagsasalita.
-Ang pagsasalita ay nagtataglay ng 35 porsyento sa kabuuang gawain ng isang tao.
-Ang husay sa pagsasalita ay isang kailanganin tungo sa pagiging matagumpay ng isang tao.
“Kahalagahan ng Pagsasalita”
 Komunikasyon ng mga ideya at damdamin sa pamamagitan ng mga simbolong nakikita at
naririnig mula sa tagapagsalita.
 Nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan ng mga tao.
 Nakakapanghikayat o impluwensya ng saloobin ng nakikinig.
 Higit na may oportunidad at nakalalamang ang isang taong mahusay magsalita.
 Naipapahayag sa publiko ang pananaw ng katwirang may kabuluhan at kapakanang
Panlipunan upang magamit sa pagbuo ng mga Patakaran at Istratehiya sa pagpapatupad
nito.
 Maibahagi ng karunungang natatamo sa pamamagitan ng pakikipag-usap ay higit na
mabilis at marami.
 Maibabahagi at mapagpamana sa mga sumusunod na salinahi.
 Magagamit sa iba’t ibang pagkakataon, kasama na ang mga gawaing pang akademiko.
 Ang pagtatagumapay ng tao sa kanyang mga hangarin sa buhay nakasalalay sa kanyang
pagsalita sa paraang matapat, mabisa, malinaw at kapani-paniwala.
“Mga Kasangkapan sa Pagsasalita”
Tinig- Ito ang pinakamahalagang puhunan ng isang nagsasalita. Sa maraming
pagkakataon,kinakailangan ang tinig ay maging mapanghikayat at nakaka akit pakinggan.
Bigkas-Napakahalaga na maging wasto ang bigkas ng nagsasalita.
Tindig-Ito ang repleksyon kung gaano kahanda o komportable ang mambibigkas. Kailangan din
ay mayroon kang tikas sa pag tindig.
kumpas ng kamay ay importante sa nagsasalita. Kung wala ito ang nagsasalita ay
magmumukhang tuod o robot.
Kilos ay mahalaga sa pagsasalita dahil hindi sapat ang salita lamang upang maunawaan ang
sinasabi kundi lalo higit sa kilos at ekspresyon ng mukha.
“Mga Kasanayan Sa Pagsasalita”
Ang kakayahan at kasanayan ng isang tao na maipahayag ang kanyang ideya, paniniwala at
nararamdaman sa pamamagitan ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap.

5 Kasanayan sa Pagsasalita
• “Pakikipag-usap” Ito ay palitan ng kaisipan, damdamin at pagpapalagayan ng loob ang
mga taong sangkot sa usapan.
• “Pakikipanayam” Ito ay isang mabilis at mabisang paraan ng pagkuha o paglakop ng mga
impormasyon at maaring gamitin sa iba’t-ibang kadahilanan.

May dalawang uri ang Pakikipanayam


A. Pormal na pakikipanayam-ay may ginagawang pakikipagtipan sa kapapanayamin sa isang
takdang araw, oras at lugar.
b. Di-pormal na pakikipanayam-ay walang ginagawang pakikipagtipan sa isang taong
kakapanayamin. Tinatawag itong ambush interview.
Nakasasaksi na tayo ng pakikipanayam sa:
 Panonood ng telebisyon
 Pakikinig sa radyo
“Pakikipagdebate o Pagtatalo”
 Ito ay ang mga pangangatwiran ng dalawang koponan mula sa magkasalungat na panig
tungkol sa paksang napagkaisahang pagtalunan (proposisyon) sa tiyak na oras at lugar na
pangyayari.
 Ito ay maaring gamitan ng pormal o di pormal na pagtatalo.

Dalawang uri ng Debate


1.PORMAL Ang paksa sa uring ito ay masinsinang pag-uusap at masususing pinagtatalunan. Ito
ay may takdang panahon, araw at oras kung kalian gaganapin.
2.DI-PORMAL Ang tagapangulo ay magpapahayag ng paksang pagtatalunan, pagkatapos na
ipahayag ang pagtatalo. Ang ganitong uri ng debate ay may maayos na pagpapalitang kuro-kuro
at palagay.
“Pangkatang Talakayan”
• Ito ay tuwirang pag-uusap ng isang maliit na pangkat ng tao. Dahil dito tinatalakay nila ang
mga problema na mahalaga sa kanila at binibigyan iyon ng solusyon.
“Pagtalumpati”
• Ang pagtatalumpati ay isang mabisa at kalugod-lugod na paraan ng pagbigkas.
• Ang kaalaman sa wastong pagtatalumpati ay mahalaga sa pagtatamo ng higit na pagkilala
sa sariling kakayahan, pagpapaunlad at pakikitungo sa iba.
• Isang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag tungkol sa isang mahalagang
paksa.
• Isa rin itong maanyong pagpapahayag ng kaisipan sa paraang pagsasalita.
“May tatlong uri ng talumpati”
1. Talumpating Walang Paghahanda o Impromtu
 Tinatawag ito na impromptu speech o daglian.
 Ito ay talumpating biglaan at nabibigyan lamang ng ilang minute o oras upang makasagot
at maglahad ng ideya.
2. Talumpating Pabasa
 Ito ay pinaghahandaan, sinusulat at binabasa ng nagtatalumpati.
 Binibigyan ng sapat na oras upang maghanda ang tagapagsalita.

3. Talumpating Pasaulo
 Ito ay talumpating sinulat o minemorya pa.
 Hinahandaan muna ang talumpati at pinag-eensayo muna bago gawin.
“Mga Dapat Taglayin Ng Mabisang Tagapagsalita”
“Ang isang taong epektib na magsalita sa harap ng mga pangkat ng tao ay higit na madaling
makakakuha ng respeto mula sa ibang tao.”
1. May Kahandaan
May kaalaman sa paksang tinatalakay
2. Tiwala sa Sarili
 May lakas ng loob
 Mapanghikayat na pananalita
 Malakas ang loob-Walang alinlangan at nakatitiyak na tama ang mga sinasabi.
 Mapanghikayat na pananalita -Nananatili ang interes ng mga nakikinig
3.May kakayahang magsalita sa harap ng tagapakinig
 Awtoridad
 Malakas na tinig
 Malinaw na pananalita
 Awtoridad-May karapatan ka, may kakayahan kang magsalita at manguna
 Malakas na tinig-Upang mas maintindihan ng maayos ang detalye at maunawaan din ng
mga nakikinig
 Malinaw na pananalita -Hindi mabilis at hindi rin mabagal, may katamtamang bilis lamang
at hindi nagmamadali.
4. Marunong makinig at maghatid ng mensahe
 May konsiderasyon-Bigyang konsiderasyon ang mga payo mula sa ibang tao.
5. Walang paligoy-ligoy
 Walang pasakalye, diretso sa kung ano ang gustong sabihin.
6. Sistematiko
 Magkakasunod-sunod at maayos ang ideya mula umpisa hanggang sa matapos ito.
 May katapatan -Pawang katotohanan lamang
Mga Varayti at Rehistro ng Wikang Pasalita at Pasulat
VARAYTI NG WIKA-Ang pagkakaibang ito ng/sa wika ay nagbunga ng iba’t ibang pagtingin,
pananaw, at atityud dito kaugnay ng hindi pagkapantay-pantay ng mga wika pati ng mga
tagapagsalita, kultura, at sibilisasyon. - Constantino, 2000
DALAWANG URI NG VARAYTI
1. Permanente para sa mga tagapagsalita / tagabasa
 Diyalekto - batay sa lugar, panahon at katayuan sa buhay. (Tagalog-Bulacan, Tagalog-
Batangas, Tagalog-Laguna, Tagalog-Cavite, Tagalog-Mindoro, Tagalog-Rizal at Tagalog-
Palawan.)
 Idyolek – kaugnay ng personal na kakanyahan ng tagapagsalita o wikang ginagamit ng
partikular ng indibidwal. (Maaaring idyosinkratiko tulad ng paggamit ng partikular na
bokabularyo nang madalas.)
2. Pansamantala dahil may pagbabago sa sitwasyon ng pahayag.
 Register – Kaugnay ng panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng
pagpapahayag. (siyentipikong register, panrelihiyong register, akademikong register, atbp.)
 Estilo – Kaugnay ng relasyon ng nagsasalita sa kausap. (maaaring formal, kolokyal at
intemeyt o personal.)
 Mode – kaugnay sa midyum na ginagamit sa pagpapahayag tulad ng pasalita o pasulat.

You might also like