Wikang Filipino Sa Iba't Ibang Kalagayan
Wikang Filipino Sa Iba't Ibang Kalagayan
Wikang Filipino Sa Iba't Ibang Kalagayan
ARAW!
WIKANG FILIPINO SA
IBA’T-IBANG
KALAGAYAN
Itinuturing na multikultural at multilingguwal
ang Pilipinas dahil sa maraming dahilan.
Ayon sa pananaliksik, ang pinakahuling bilang ng
wikang umiiral sa Pilipinas ay 169 at ayon kay
McFarland (2004), sampung rehiyunal na wika ang
maituturing na pangunahing wika rito kabilang ang
Tagalog, Cebuano, Hiligaynon, Waray, Ilocano,
Kapampangan, Bicol, Pangasinan, Maranao at
Maguindanao.
Sa Paaralan
Sa kasalukuyan, bagaman at ang pambansang
wika ang dapat na gamitin bilang wikang
panturo, Mapapansin pa rin sa ilang institusyon
ang pamamayagpag ng Ingles bilang midyum
ng pakikipagtalastasan.
Ang pag-usbong ng mga institusyong nagbibigay ng
kursong pangwika para sa mga dayuhan dito sa Pilipinas
ay naging daan rin upang ang pag-aaral ng wikang
dayuhan ay maging kahingian lalo na sa mga guro na
ninanais magturo ng mga Koreano, Hapon o Intsik.
Ayon sa sanaysay ni Propesor Rudy Rodil,
napatunayan niyang hindi kapos sa
bokubolaryo ang Filipino sa larangan ng
diskursong intelektwal.
Sa Mass Media
Ang midyang pangmadla ay tumutukoy sa industriyang
panlipunan na may tungkuling magbantay, magmasid,
mag-ulat ng mga pangyayari sa kapaligiran at maging
tinig ng mamamayan sa mga kinauukulan.
Kasama sa sangay ng midyang pangmadla ang
pahayagan, radyo, telebisyon at internet.
Maituturing na makapangyarihan ang mass media sa
pag-impluwensya ng mga tao. Halimbawa rito ay ang
wikang gamit ng mga kilalang personalidad sa
telebisyon, ginagaya ito ng masa kung lagi laging
ginagamit at napakikinggan.
Sa Social Media
Ang social media ang tumutukoy sa pangkat ng internet-
based application na ginawa na nagpapahintulot sa pagbuo
at pagpapalitan ng mga impormasyon. Isa itong
pamamaraan ng interaksyon ng mga tao na lumilikha,
nagbabahagi, at nagpapalitan ng mga ideya sa isang virtual
community (Kaplan, 2009).
Ilang pananaliksik na ang nagsabi na isa sa mga
pinakaaktibo sa paggamit ng Internet ay mga Pilipino,
bagaman Ingles ang pangunahing wika sa paggamit nito
at Ingles ang mga materyales na matatagpuan rito, hindi
na rin maisasantabi ang paglaganap ng mga tekstong
nasusulat sa Filipino.
Ang facebook ay isa sa may pinakamalawak na sakop ng
paggamit ng internet, isang komunidad na kung saan ay
may kalayaan ang bawat miyembro na magpahayag,
magpalitan ng kuro-kuro, manghikayat, mag-
impluwensya at marami pang ibang dahilan sa paggamit
nito.
Ang gamit ng wika sa social media ay masasalamin
halimbawa sa mga blogs. Ang blogs ay taguri sa mga
tampok na impormasyong nang-aaliw, nagpapabatid,
naglalarawan, nagpapaliwanag at nanghihikayat na gawa
ng mga blogger.
Napayayaman ang Filipino sa social media
dahil sa malawak na sakop nito ng tagabasa,
tagasulat at tagasubaybay.
Digital citizenship ang isa sa mga napapanahong
pagpapahalaga na dapat ay palawakin pa lalo na at
maraming nabubuhay na maseselang isyu sa mga
facebook statuses, tweets, blogs at iba pang posts online.
Ito ay pagtatanda sa mga katanggap tanggap na asal at
gawi sa paggamit at pagtangkilik sa iba't ibang social
media sites.
Ang slacktivism ay isa sa mga negatibong resulta ng
pananamantala sa social media sites na kung saan ay na
may mga indibiduwal na nagpapasimula ng pagsuporta
sa isang panlipunang isyu kahit na hindi siya tuwirang
may ugnayan sa politika at nagdudulot ng di praktikal ba
epekto sa isyung pinaglalaban.
Ang kalagayang "alone-together" ay naisilang
rin dahil sa pag-usbong ng koneksyon ng mga
nag-iisa ngunit may nakaksama sa isang
espasyong gawa ng internet.
Sa Audio-Visual
Ang panonood bilang isa sa mga kasanayang pangwika,
ay proseso ng pagkuha ng mensahe kasama ang pag-
unawa mula sa mga palabas.
Ang tanghalan o teatro ay halimbawa ng
palabas na nagpapayaman sa wika. Ang mga
dayalogo ng artista sa entablado ay gaya ng
mga patalastas na mag-iiwan ng mensahe sa
manonood.
Ang mga pelikula ay daan rin sa pagpapayaman ng wika
na nag-iiwan ng aral, kwento at ideya mula sa iskrip ng
mga artistang kabilang sa isang palabas. Kadalasan ang
mga pelikula ay sumasalamin sa napapanahong
kalagayan ng buhay ng mga tao kung kaya't ang antas ng
wikang gamit rito ay sumasalamin rin sa kasalukauyang
kalagayan nito.
MARAMING SALAMAT SA
PAKIKIISA!