Kaligirang Pangkasaysayan NG Alamat

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Kaligirang

Pangkasaysayan
ng Alamat
ALAMAT
Ito ay isa sa pinakamatandang
panitikan sa Pilipinas.

Ang alamat, na sa Ingles ay legend


na mula sa salitang Latin na legenda
na ang ibig sabihin ay “things to read”

Umusbong ang salitang legend sa


wikang Ingles noong 1340.
Naisalin ang salitang legend sa medieval
na wikang Latin patungo sa wikang
Pranses.

Binigyang-kahulugan ang alamat na


likhang kuwento tungkol sa pinagmulan
ng tao,bagay,hayop at pangyayari.
Paano pumasok
ang Alamat sa
Pilipinas?
Ang mga Negrito ang unang
nandayuhan sa ating bansa,at sa panahon
nila ay wala pang naitalang alamat.

Sa pagdating ng mga Indones,mayroon


silang mga alamat, epiko, pamahiin, at mga
bulong na pangmahika.
Mga salin-dila ang panitikan noon. Ang
tanging nag-iingat at nagpapahayag nito ay
mga apo at karaniwang puno ng barangay o
pinaka pari ng kanilang relihiyon.

Nang lumaon, naisulat na ito at halos sa


buong kapuluan ng Pilipinas ay nagkaroon ng
iba’t ibang alamat.
Ang Pilipinas ay naimpluwensyahan ng iba’t ibang
panitikan tulad nalang ng alamat na siyang nagpaunlad
sa wika at sa paraan ng pagsulat ng ating mga ninuno.

Pagdating ng mga mananakop na Espanyol sa


Pilipinas ay pinalaganap nila ang pananampalatayang
Katolisismo kaya’t sa panahong ito ay saglit na
naipatigil ang katutubong karunungang bayan kabilang
na ang alamat.
Sinasabing pinasunog ng mga prayleng Espanyol ang
mga naisulat na panitikan ng ating mga ninuno.
Nagkaroon ng iba’t-ibang bersiyon ng alamat
depende kung saang rehiyon ito sa bansa nagmula.

Gayunpaman, ang alamat ay patuloy na tinangkilik


at pinalaganap ng mga Pilipino mula noon hanggang sa
kasalukuyan.
Binubuo ng mga bulong na pangmahika o
incantations, kuwentong-bayan, at alamat ang
panitikan noon.

Paksa ng alamat ang kuwento sa mga


bayani na kalimitang may ginagampanang
mahalagang tungkulin, tungkol sa mga Diyos
at Diyoses at iba pang mga itinuturing na
banal na mga nilalang.
Kung pakaiisipin, totoo wari ang
alamat bagama’t kathang-isip lamang ito.
Walang sapat na katibayan kung
totoo man ang alamat.
Karaniwang isinasagot ito sa mga
kababalaghan o mga pangyayaring may
kaugnayan sa kalikasan na hindi
maipaliwanag o kaya’y hindi sapat ang
kaalaman sa agham.

You might also like