Banghay Aralin Grade 7

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Banghay Aralin sa Filipino 7

I. Layunin
Mga Kasanayang Pampagkatuto:
Ang mga mag-aaral ay inaasahan na

1. Natutukoy ang iba’t ibang antas ng wika batay sa pormalidad

2. Nasusuri ang antas ng wika batay sa pormalidad na ginamit sa pagsulat ng


awiting-bayan. (FWG-IIa-b-7)

3. Nabibigyang halaga ang paggamit ng antas ng wika batay sa pormalidad.

II. Paksang Aralin:

Antas ng Wika batay sa pormalidad (balbal, kolokyal, lalawiganin, pormal)

III. Kagamitan sa Pagtuturo: “Kalinangan” (workteks sa Filipino 7 pp. 81-85), MELC


Iba pang kagamitan: Laptop/TV, Cartolina, mga larawan, Marker at Tape.

IV. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

Panimulang Gawain:

1. Panalangin
2. Pagbati at Pagpapakilala
3. Pagtatala ng lumiban
4. Pagbibigay tuntunin
5. Pagbabalik Tanaw
A. Panlinang ng Gawain (ACTIVITY)

Bago tayo dumako sa ating talakayan ay mayroon akong


hinandang gawain. Magpapakita ako sa inyo ng mga larawan at
magtatawag ako mula sa inyo upang bigyan ninyo ng dayalogo
ang bawat larawan kung paano ninyo sila babatiin.

Unang larawan:

Inaasahang sagot:

Magandang umaga po Ma’am

Kapag nakikita ninyo ang inyong guro paano ninyo binabati?

Ikalawang larawan:

Inaasahang sagot:

Kapag nakikita ninyo ang inyong kaibigan na nakatambay sa Pre musta?


labas paano ninyo binabati?

Ikatlong larawan:

Inaasahang sagot:

(depende sa kung ano ang


probinsya ng bata)

Kapag nakikita ninyo ang inyong kamag-anak na galing sa


probinsya paano ninyo binabati?

B. Pagsusuri (ANALYSIS)

Unang tanong:

Tanong ng Guro:

Mula sa mga larawan na nilapatan ninyo ng mga dayalog ano Mga inaasahang sagot:
ang napapansin ninyo sa paraan kung paano ninyo binati o
paano ninyo kausapin ang mga nasa larawan? Nagkakaiba po ito depende sa
kausap at lugar kung saan natin
sila kinakausap.

Guro: Tumpak! Naiiba ang paraan natin sa pakikipag-usap base


sa kung sino at sa anong sitwasyon tayo nakikipag-usap.

Ikalawang tanong:

Tanong ng Guro:
sa inyong palagay ano ang nais iparating sa atin ng mga
dayalogong inilapat ninyo sa mga larawan? Maaari ba nating Mga inaasahang sagot:
batiin ang ating mga guro ng “Mare, musta ka na?”
Kailangan angkop ang mga
salitang ating gagamitin sa kung
sino at anong sitwasyon tayo
nakikipag-usap.

Guro: Tumpak!

Ikatlong tanong:
Mga inaasahang sagot:
Tanong ng Guro:
base sa mga binigay ninyong dayalogo, maituturing ba ninyo Hindi po. May mga impormal po.
itong lahat na pormal na salita?

(tutukuyin ng mga mag-aaral kung ano ang impormal)

Samakatuwid ang wika ay may??

Mga inaasahang sagot:


Pormal at impornal/ antas ng wika

Tama! At iyan ang ating tatalakayin sa araw na ito.


C. Paghahalaw (ABSTRACTION)
(nilalaman ng powerpoint presentation. Magpapakita ang guro
ng isang graphic organizer upang mabigay ang mga halimbawa
ng pormal at Impormal na wika.

ANTAS NG WIKA

PORMAL IMPORMAL

PAMBANSA LALAWIGANIN

PAMPANITIKAN KOLOKYAL

BALBAL

Tanong ng Guro:
Antas ng wika ay nahahati sa dalawang uri, ano ang dalawang
uri na ito?
Mga inaasahang sagot:

Pormal at impormal

Guro:
Tama! Kapag sinabi nating pormal na wika, ito ang mga wika o
salita na istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng
nakararami.

Dalawang halimbawa ng pormal ay ang


Pambansa at Pampanitikan.

Tanong ng Guro:
Sa inyong palagay, ano ang pagkakaiba ng Pambansa at Mga inaasahang sagot:
Pampanitikan?
Ang Pambansa ay mga wikang
ginagamit ng bansa, mga
babasahing nailathala sa bansa.

Ang Pampantikan naman ay mga


salitang ginagamit ng mga
manunulat. May malalalim at
makahulugang salita.
Guro:
Tama! Magbigay ng mga halimbawang salita ng Pambansa at Mga inaasahang sagot:
Pampanitikan.
Pambansa: aklat, guro, Anak, mag-
aaral atbp.

Pampanitikan: Ang puso mo ay


gaya ng isang bato.

Guro: Mga inaasahang sagot:


Dumako naman tayo sa ikalawang uri ng antas ng wika ang
Impormal. Impormal ito ang mga salitang
Mula sa salitang impormal ano ang naiisip ninyong kahulugan gingamit sa pakikipag-usap.
nito?

Tama! Ang Impormal ay ang ginagamit ng mga karaniwang tao


sa pakikipag-usap na may simpleng bokabularyo at
pangungusap.

Sa ilalim ng Impormal mayroon tayong Lalawiganin, Kolokyal,


at Balbal. Ano ang pagkakaiba nito?
Lalawiganin: dayalekto ng iba’t
ibang lalawigan.

Kolokyal: mga salitang ginagamit


sa pang-araw-araw.

Balbal: pinakamababang uri ng


wika kadalasang ginagamit ng mga
tambay.

D. Paglalapat (APPLICATION)

Guro: upang malaman ko kung talagang naiitindihan ninyo ang


ating talakayan magbibigay ako sa inyo ng pangkatang-gawain.

Panuto: Suriin sa halimbawang awiting-bayan ang iba’t ibang


antas ng wika. Gamitin ang grapikong gabay.
(maaaring iba-iba ang kasagutan)

E. Pagpapahalaga

Guro: basahin ang isa sa mga kilalang kataga ni Dr. Jose Rizal.
Pagkatapos ay ibigay ang inyong saloobin sa binasang kataga
Inaasahang sagot:
“ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, ay higit pa sa
hayop at malansang isda” Dapat po nating pahalagahan,
gamitin at ipagmalaki ang ating
wika.
Guro: tama! At bakit mahalagang malaman nating ang antas
ng wika?
Inaasahang sagot:

Upang naiiangkop natin ang mga


salitang dapat nating gamitin.

V. Pagtataya

Panuto: Basahing mabuti ang mga nakasalungguhit sa bawat


pangungusap. Tukuyin kung ito ay Pambansa, Pampanitikan,
Lalawiganin, Kolokyal at Balbal.

1. Anong kulay ang damit ng utol mo?


2. Ewan ko sayo?
3. Echos lang pala lahat ng kanyang sinabi.
4. Pupunta ako sa inyo sa biyernes.
5. Pahingi ng ube. Wala na akong pera.
6. Bumili ako ng isang kilong mangga
sa palengke.
7. “naluoy ako sa imo”, wika ni Linda.
8. “mangan tayo”, wika ni Carla.
9. Ikaw ay tulad ng bituin.
10. Si Rola ay isang magandang bulaklak.
11. Ang angas ng tsekot.
12. Wa epek tong sabon na nabili ko.
13. “ambot sa imo”
14. Mahalin natin ang ating magulang.
15. Musta na?

Sagot:

1. Balbal
2. Kolokyal
3. Balbal
4. Pambansa
5. Balbal
6. Pambansa
7. Lalawiganin
8. Lalawiganin
9. Pampanitikan
10. Pampanitikan
11. Balbal
12. Balbal
13. Lalawiganin
14. Pambansa
15. Kolokyal
VI. Takdang aralin

Magsaliksik at magbasa tungkol sa ibat-ibang tungkuling ng


Wika.

You might also like