Aralin 5 Komunikasyon

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 52

KOMUNIKASYON

ARALIN 5
KASAYSAYAN NG WIKANG
PAMBANSA
(UNANG BAHAGI)
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA
(UNANG BAHAGI)

“ATING LINGUNIN ANG NAKARAAN, ALAMIN ANG


KASAYSAYAN, ITO’Y SUSI SA LALONG PAGKAUNAWA
NG WIKANG PAMBANSANG ATING PAG
KAKAKILANLAN.” MAHALAGANG TANONG?

BAKIT MAHALAGANG MATUNTON ANG


KASAYSAYAN NG WIKA?

ANO ANG KABULUHAN NITO SA MASUSING PAG


AARAL NG WIKA?
ANG PINAGMULAN NG WIKA
Batid na natin ang kahalagahan ng wika sa ating buhay. Ito ay isang instrumento ng
pagkakaunawaan. Ayon sa mga propesor sa Komunikasyon na sina Emmert at Donaghy
(1981) ang wika, kung ito ay pasalita, ay isang Sistema ng mga sagisag na binubuo ng
mga tunog; kung ito naman ay pasulat, ito ay iniuugnay natin sa mga kahulugan nais
nating iparating sa ibang tao. Ngunit saan nga ba nagmula ang wika? Walang
nakaaalam kung paano ito nagsimula ngunit maraming mga haka-haka at teorya
tungkol sa pinagmulan ng wika. Ang mga lingguwistang nag aral at nagsurit ng wika ay
nakakalap ng ibat ibang teoryang maaaring magbigya-linaw sa pinagmulan ng wika,
bagama’t ang mga ito ay hindi makapagpapatunay o makapagpapabulaan sa
pinanggalingan ng wika.
1. PANINIWALA SA BANAL NA
PAGKILOS NG PANGINOON
Teologo- naniniwalang pinagmulan ng wika ay
matatagpuan sa banal na aklat.

Genesis 11:1-9-”Sa simula’y iisa ang wika at


magkakapareho ang salitang ginagamit ng lahat ng
tao sa daigdig
ANG TORE NG BABEL
• Sa simula'y iisa ang wika at magkakapareho ang mga salitang ginagamit ng lahat ng tao sa
daigdig. 2 Sa kanilang pagpapalipat-lipat sa silangan,[a] nakarating sila sa isang kapatagan sa Shinar
at doon na nanirahan. 3 Nagkaisa silang gumawa ng maraming tisa at lutuin itong mabuti para
tumibay. Tisa ang ginagamit nilang bato at alkitran ang kanilang semento. 4 Ang sabi nila, “Halikayo at
magtayo tayo ng isang lunsod na may toreng abot sa langit upang maging tanyag tayo at huwag nang
magkawatak-watak sa daigdig.”
• 5 Bumabâ si Yahweh upang tingnan ang lunsod at ang toreng itinayo ng mga tao. 6 Sinabi niya,
“Ngayon ay nagkakaisa silang lahat at iisa ang kanilang wika. Pasimula pa lamang ito ng mga
binabalak nilang gawin. Hindi magtatagal at gagawin nila ang anumang kanilang magustuhan.7 Ang
mabuti'y bumabâ tayo at guluhin ang kanilang wika upang hindi sila magkaintindihan.” 8 At ginawa ni
Yahweh na ang mga tao ay magkawatak-watak sa buong daigdig, kaya natigil ang pagtatayo ng
lunsod. 9 Babel[b] ang itinawag nila sa lunsod na iyon, sapagkat doo'y ginulo ni Yahweh ang wika ng
mga tao. At mula roon, nagkawatak-watak ang mga tao sa buong daigdig dahil sa ginawa ni Yahweh.
2.EBOLUSYON

Antropologo- sa pagdaan ng panahon ang mga


tao ay nag karoon ng sopistikadong pag iisip
-umunlad ang kakayahang tumuklas ng mga
bagay na kailangan nila upang mabuhay kaya
sila ay nakadiskubre ng mga wikang kanilang
ginagamit sa pakikipagtalastasan.
TEORYANG PINAGMULAN NG WIKA
A. TEORYA NG DING-DONG
Nag mula ang wika sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa tunog
ng kalikasan
HALIMBAWA: boom- pagsabog, splash- hampas ng tubig, whoosh-
pag-ihip ng hangin
-ang paggaya ng mga tunog ng kalikasan ay bunga ng kawalan ng
kaalaman sa mga salita ng mga sinaunang tao.
-lahat ng bagay ay may sariling tunog na maaring gamitin upang
pangalanan ang mga bagay.
B. Teoryang baw-wow

-Ang wika ay nagmula sa panggagaya ng mga


sinaunang tao sa mga tunog na nilikha ng mga
hayop

HALIMBAWA: bow-wow [aso], ngiyaw [pusa],


kwak-kwak [pato], moo [baka]
C. Teoryang Pooh-Pooh

-nagmula raw ang wika sa mga salitang namutawi


sa mga bibig sa sinaunang tao nang nakaramdam
sila ng masisidhing damdamin tulad ng tuwa, galit,
sakit, sarap, kalungkutan at pagkabigla.

HALIMBAWA: ai ai [nasasaktan] – ibig sabihin ay


aray
D. Teoryang Ta-Ta

-May koneksiyon ang kumpas o galaw ng


kamay ng tao sa paggalaw ng dila

-ito raw ang sanhi ng pagkatuto ng taong


lumikha ng tunog at matutong magsalita
E. Teoryang Yo-He-Ho

-Ang wika ay nabuo mula sa pagsasam-sama, lalo na


kapag nagtratraho nang magkakasama

-Ang mga tunog o himig na namumutawi sa mga


bibig ng tao kapag sila ay nagtratrabho nang sama-
sama ay sinasabing pinagmulan ng wika.
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA
Panahon ng mga Kastila
Maraming pagbabago ang naganap at isa na rito ang sistema
ng ating pagsulat. Ang dating alibata ay napalitan ng
Alpabetong Romano na binubuo naman ng 20 titik, limang (5)
patinig at labinlimang (15) katinig. a, e, i, o, u b, k, d, g, h, l, m,
n, ng, p, r, s, t, w,
Pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang isa sa naging layunin ng
pananakop ng mga Kastila.“ngunit nagkaroon ng suliranin hinggil sa
komunikasyon.“nagtatag ang hari ng spanya ng mga paaralang
magtuturo ng wikang Kastila sa mga Pilipino ngunit ito ay tinutulan
ng mga prayle.
Ang mga misyonerong Kastila mismo ang nag-aral ng mga wikang
katutubo.
• 1.Ayaw nilang mahihigitan ang kanilang talino ng mgakatutubo.
• 2.Natatakot sila baka maghimagsik ang mga katutubolaban sa
kanila.
• 3.Nangangambang baka magsumbong sa hari ngEspanya ang mga
katutubo tungkol sa kabalbalangginawa ng mga Kastila sa Pilipinas.
ang mga prayle’y nagsulat ng mga diksyunaryo at aklat-
panggramatika, katekismo at mga kumpesyonal para sa mabilis
na pagkatuto nilang katutubong wika naging usapin ang tungkol
sa wikang panturong gagamitin sa mga pilipino.
“inatas ng Hari na ipagamit ang wikang katutubo sa pagtuturo ng
pananampalataya subalit hindi naman ito nasunod.
Gobernador Tello
- turuan ang mga "ndio ng wikang Espanyol
Carlos I at Felipe II
- kailangang maging bilinggwal ang mga pilipino
Carlo I
-ituro ang doktrinang Kristiyana sapamamagitan ng wikang Kastila
Noong Marso 2, 1634, muling inulit ni Haring'elipe ang utos tungkol sa
pagtuturo ng wikang Kastila sa lahat ng katutubo
Hindi naging matagumpay ang mga kautusang nabanggit kung kaya si
Carlos II ay naglagda ng isang dekrito na inuulit ang mga probisyon sa mga
nabanggit na batas.
Nagtakda rin siya ng parusa para sa mga hindi susunod dito.
Noong Disyembre 29,1792, nilagdaan ni Carlos IV ang isa pang dekrito na
nag-uutos na gamitin ang wikang Kastila sa mga paaralang itatatag sa lahat
ng mga pamayanan ng Indio.
PANAHON NG MGA KATUTUBO

Bago pa man dumating ang mga Kastila’y may sarili nang


kalinangan ang Pilipinas. Mayroon nang sariling pamahalaan
(sa kaniyang barangay), may sariling batas, pananampalataya,
sining, panitikan at wika. Ang bagay na ito’y pinatutunayan
ng mga mananalasysay na kastilang nakarating sa kapuluan.
Isa na sa nagpatunay sa kalinangan ng Pilipinas si Padre
Perdro Chirino sa kaniyang Relacion de las Islas
Filipinas (1604). Sinabi niyang may sariling wika sa Pilipinas
at ang mga naninirahan dito’y may sistema ng pagsulat na
tinatawag na alibata.
Sang-ayon din kay Padre Chirino, ang paraanng pagsulat ng mga
katutubo’y patindig, buhat sa itaas pababa at ang
pagkakasunod- sunod ng mga talata ay buhat sa kaliwa,
pakanan.

Ang ginagamit na pinakapapel noon ay ang mga biyas ng


kawayan, mga dahon ng palaspas o balat ng punongkahoy at
ang pinakapanulat nila’y ang mga dulo ng matutulis na bakal o
iyong tinatawag sa ngayong lanseta. Sa kasamaang palad, ang
mga katibayan ng kanilang pagsulat noo’y hindi na matatagpuan
sapagkat sinunog ng mga mananakop na Kastila dahil ang mga
iyon daw ay gawa ng mga diyablo.
Mayaman sa mga kuwentong-bayan ang Pilipinas. Ito ang kabang-
yaman ng ating panitikan. Dito nasasalamin ang naging buhay ng ating
mga ninuno.

Ang panahon ng kuwentong bayan ay kinabibilangan ng mga (a)


kuwentong- bayan,(b) kantahing- bayan (c)karunungang bayan, at
isinasama rin dito ang (d) bulong.

A. Kuwentong bayan- batay sa artikulong isinulat ni D. Damiana


Eugenio na kilala sa larangan ng Folklore sa Pilipinas, ang “Legends
and Folklores” na binasa niya sa Ateneo University noong tag-init ’79,
tatlo ang mahahalagang pangkat ng mga kuwentong bayan ( folk
narratives): ang (1)mito, (2)alamat at(3) salaysayin (folktales)
(1) Mito- tuluyang pagsasalaysay ma itinuturing na totoong
nagaganap sa lipinang iyon noong mga panahong nagdaan.
Pinaniniwalaan ito sapagkat tinutuan silang ito’y paniwalaan. Nasa mito
ang dogma at karaniwang itinuturing na sagrado. Karaniwang kaugnay
ito ng teolohiya at rituwal. Ito ang naglalahad ng ibang daigdig tulad
ng langit at ilalim ng lupa. Kinapapalooban din ito ng simula ng
daigdig, ng tao, ng kamatayan, ng mga katangian ng mga ibon, hayop
o pisikal na kaanyuan ng lupa. Maaari rin itong kuwentong tungkol sa
mga diyos at diyosa.

Halimbawa: Mito ng mga Maranao “Ang Pinagmulan Nitong Daigdig”


(2) Alamat- Ang mga tuluyang pagsasalaysay na kaiba sa
mito sapagkat itinuturing ang alamat na titii ng mga
nagkukuwento at ng mga nakikinig. Higit na una ang mito
kaysa alamat. Masasabing katulad ng daigdig ngayon ang
daigdig ng alamat hindi ito itinuturing na sagrado. Tao ang
pangunahing tauhan. Isinasalaysay naman dito ang
migrasyon, digmaan at tagumpay na nagawa ng mga
bayani, hari o datu at ng mga sumunod na nagungulo sa
bayan. Nabibilang dito ang ang tungkol sa mga natatagong
kayamanan, mga santo, mga engkanto at mga multo.
Nahahati sa dalawa ang pangkati ng mga alamat: ang mga tinatawag na
(a) etiological o mga nagpapaliwanag na mga alamat na sumasagot sa
tanong na kung paano pinangalanan ang mga bagay o pook at kung
bakit nagkaganoon at sa (b) non-etiological na nauukol sa mga dakilang
tao at sa mga pagpaparusa ng malaking kasalanan. Kasama rin dito ang
tungkol sa mga alamat ng santo, mga supernatural na nilikha tulad ng
aswang, tikbalang, engkantado, multo at mga ibinaong kayamanan.

Halimbawa: Ang Alamat ng Ilog- Cambinlew


Ang Alamat ng Adjong

Ang Alamat at mga Milagro ng Nuestra senora del Pilar o Fort Pilar sa
Lungsod ng Zamboanga.
(3) Salaysayin- maaaring pabula, mga kuwentong
engkantado, mga kuwentong panlinlang, katusuhan,
kapilyuhan o katangahan at iba pa.

Kabilang dito ang iba’t ibang kuwento tungkol kay Juan.


Hindi lahat ng kuwento kay Juan ay ang katamaran, may
iba’t ibang Juan sa mga salaysayin sa iba’t ibang pook.
Kung palabasa ng mga kuwentong bayan ang mga taga-
ibang bansa, mapapansing ang mga kuwentong Juan ay
nakakatulad ng mga kuwentong Indones o Malayo.
B. Kantahing Bayan

Ang kantahing bayan ang oral na


pagpapahayag ng damdamin ng mga katutubo. May iba’t
ibang uri ito batay sa iba’t ibang okasyong
pinaggagamitan ng mga ito. May mga para sa
pagpapatulog ng mga sanggol na tinatawag na oyayi, may
sa pamamangka na kilala sa tawag na soliranin o
talindaw, may diona o awiting pangkasal,
may kumintang o awit pangdigma, may kundiman o awit
ng pag-ibig at iba pa.
C. Karunungang- bayan:

Bugtong o palaisipan

Binubuo ng mga parirala o pangungusap na patula at patalinghaga ang mga bugtong at


palaisipan. Iba’t ibang bagay ang ginagawa ng bugtong ng mga ninuno. Mga bagay na
nakikita araw- araw sa kanilang kapaligiran, mga bagay na may malaking kaugnayan sa
kanilang buhay

Halimbawa:
Munting palay,
Pinuno ang buong bahay (ilaw)
Dala mo, dala ka
Dala ka ng iyong dala (sinelas)
D. Bulong

Ginagamit na pangkukulam o Pang


eengkanto ang tinatawag na bulong.

Ang halimbawa nito’y ang sinasabi kapag


may nadaanang punso sa lalawigan na
pinaniniwalaang tinitirahan ng mga
duwende o nuno.
TEORYANG PANDARAYUHAN
WAVES OF MIGRATION THEORY
-DR. HENRY OTLEY BEYER ISANG AMERIKANONG ANTROPOLOGO NOONG 1961.
NANINIWALA SI BAYER NA MAY TATLONG PANGKAT NG TAONG DUMATING SA PILIPINAS NA
NAGPAIMULA NG LAHING PILIPINO.
ANG MGA ITO AY:

NEGRITO

INDONES

MALAY
Eata , Agta o Baluga

Katangian:

• MAIITIM
• PANDAK
• KULOT NA KULOT ANG BUHOK
• SARAT ANG ILONG
• MAKAPAL ANG LABI
• HALOS WALANG DAMIT
• PALIPAT-LIPAT NG TIRAHAN
• TULAY NA LUPA
• PANA AT SIBAT
INDONES

UNANG PANGKAT
• MATATANGKAD
• BALINGKINITAN ANG KATAWAN
• MAPUPUTI
• MANINIPIS ANG LABI
• MALALAPAD ANG NOO
IKALAWANG PANGKAT

• MAITIM ANG BALAT


• MALALAKI
• MABIBILOG ANG MATA
• MALALAPAD ANG ILONG
• MAKAKAPAL ANG LABI
• MATATANGKAD KAYSA SA
MGA NEGRITO
MALAY

-DUMATING SAKAY NG BALANGAY

• TUWID AT ITIM NA BUHOK


• MABILOG AT ITIM NA MATA
• MAKAPAL NA LABI
• KATAMTAMANG TANGOS NG ILONG
• KATAMTAMANG TAAS
• MATIPUNONG PANGANGATAWAN

 TUMIRA SA MAAYOS NA TIRAHAN


 NAGSUSUOT NG DAMIT AT MGA ALAHAS
 MAUNLAD ANG KAALAMAN SA PAGSASAKA
 GUMAWA NG PATUBIG PARA SA SAKAHAN
 SISTEMANG BARTER
 BARANGAY-SISTEMANG NG PAMAHALAAN
 DATU
 ALPABETO (ALIBATA)
 MUSIKA-TAMBOL AT PLAWTA
PAGSALUNGAT SA TEORYA NG PANDARAYUHAN NI BEYER
ANG PAGKATUKLAS SA LABI NG TAONG KUWEBA NG TABON
TABON
22,200-24,000- NAMUHAY ANG UNANG TAO
 1962 45,000-50,000- PINANINIRAHAN ANG TABON

 PALAWAN MAY KAALAM SA:


• PANGANGASO
 ARKEOLOGO NG PAMBANSANG MUSEO • PAGGAMIT NG KASANGKAPAN
SA PILIPINAS • PAGGAMIT NG APOY SA PAG LULUTO

 DR. ROBERT B. FOX at MANUEL SANTIAGO


TEORYA NI LANDA JOCANO
• LUMALABAS NA MAY UNANG TAONG NABUHAY SA PILIPINAS KAYSA
SA MALAYSIA AT SA IDONESIA.
• NAPATUNAYAN NILA LANDA JOCANO SA KANYANG PAG AARAL
UKOL SA KASAYSAYAN NG PILIPINAS SA UP CENTER FOR
ADVANTAGE STUDIES NOONG 1975 AT NG MGA MANANALIKSIK NG
NATIONAL MUSEUM NA ANG BUNGONG NATAGPUAN AY
KUMAKATAWAN SA UNANG LAHI NG PILIPINO SA PILIPINAS.
• AYON DIN SA KANILANG GINAGAWANG PAG SUSURI ANG TAONG
TABON AY NAG MULA SA SPECIE NG TAONG PEKING NA KABILANG
SA HOMO SAPIENS O MODERN MAN AT ANG TAONG JAVA NA
KABILANG SA HOMO ERECTUS.
TAONG PEKING
TAONG JAVA
TEORYA NI DR. ARMAND MIJARES

MAKALIPAS ANG ILANG TAON


AY NATAGPUAN NI DR.
ARMAND MIJARES ANG ISANG
BUTO NG PAA NA SINASABING
MAS MATANDA PA SA TAONG
TABON SA KUWEBA NG
CALLAO, CAGAYAN.
TINATAWAG ITONG TAONG
CALLAO NA SINASABING
NABUHAY NANG 67,000 TAON
NA ANG NAKALIPAS.
TEORYA NG PANDARAYUHAN MULA
SA REHIYONG AUSTRONESYANO
ANG MGA PILIPINO DAW AY NAGMULA SA LAHI NG MGA
AUTRONESIAN.

ITO AY HANGO SA SALITANG LATIN NA AUSTER NA IBIG


SABIHIN SABIHIN AY SOUTH WIND AT NESOS NA
NANGANGAHULUGANG ISLA.
AYON KAY WILHEIM SALHEIM II, AMA NG ARKEOLOHIYANG
TIMOG-SILANGANG ASYA, NAG MULA ANG MGA
AUSTRONESIAN SA MGA ISLA NG SULU AT CELEBES NA
TINAWAG NA NUSTANTAO.
AYON KAY PETER BELLWOOD NG AUTRALIA NATIONAL UNIVERSITY,
ANG LAHING ITO AY NAG MULA SA TIMOG TSINA AT TAIWAN ATT
NAGTUNGO SA PILIPINAS NOONG 5,000 B.C.
KINILALA ANG MGA PILIPINO BILANG UNANG NAKATUKLAS NG
BANGKANG MAY KATIG.
ANG MGA AUSTRONESIAN ANG KINIKILALANG NAGPAUNLAD NG
RICE TERRACING.
NANINIWALA DIN ANG LAHING ITO SA MGA ANITO
NANINIWALA DIN SILA SA PAGLILIBING NG BANGKAY SA BANGA
TULAD NG NATAGPUAN SA MANUNGGUL CAVE SA PALAWAN
PANAHON NG MGA ESPANYOL
• PAGKATAPOS NG MGA KATUTUBO, ANG MGA KASTILA NAMAN ANG NANDAYUHAN SA PILIPINAS.
LAYUNIN NILANG IKINTAL SA ISIP AT PUSO NG MGA KATUTUBO ANG KRISTIYANISMO. AYON SA
MGA ESPANYOL, NASA KALAGAYANG “BARBARIKO, DI SIBILISADO AT PAGANO” ANG MGA
KATUTUBO NOON KAYA’T DAPAT LAMANG NILANG GAWING SIBILISADO ANG MGA ITO SA
PAMAMAGITAN NG KANILANG PANANAMPALATAYA.
• NANINIWALA ANG MGA ESPANYOL NOONG MGA PANAHONG IYON NA MAS MABISA ANG
PAGGAMIT NG KATUTUBONG WIKA SA PAGPAPATAHIMIK SA MAMAMAYAN KAYSA SA LIBONG
SUNDALO NG ESPANYOL. ANG PANANAKOP NG MGA ESPANYOL SA PILIPINAS AY NAGING
KATUMBAS NA NG PAGPAPALAGANAP NG KRISTYANISMO.
• ANG MGA PRAYLENG ESPANYOL ANG SIYANG NAGING INSTITUSYON NG MGA PILIPINO.
• NAKITA NILA NA MAHIRAP PALAGANAPIN ANG RELIHIYON, PATAHIMIKIN AT GAWING MASUNURIN
ANG PILIPINO KUNG IILAN LAMANG ANG PRAYLENG MANGANGASIWA.
• PINAGHATI-HATI SA APAT NA ORDEN NG MISYONERONG ESPANYOL NA PAGKARAA’Y NAGING
LIMA.
• ANG MGA ORDENG ITO AY ANG; AGUSTINO, PRANSISKANO, DOMINIKO, HESWITA AT REKOLETO
• ANG PAGHAHATI NG PAMAYANAN AY NAGKAROON NG MALAKING EPEKTO SA
PAKIKIPAGTALASTASAN NG MGA KATUTUBO.
• NANG SAKUPIN NG MGA ESPANYOL ANG MGA KATUTUB, ,AYROON NA ANG MGA
ITONG SARILING WIKANG GINAGAMIT SA PAKIKIPAG-USAP AT PAKIKIPAGKALAKALAN,
NGUNIT PINIGIL NILA.
• SA LOOBNG MARAMING TAON SINIKIL NILA ANG KALAYAAN NG MGA KATUTUBONG
MAKIPAGKALAKALAN SA IBANG LUGAR UPANG HINDI NA RIN NILA MAGAMIT ANG
WIKANG KATUTUBO.
• KAHIT NA INALIS ANG RESTRIKSIYONG IYON, HINDI PA RIN NILA MAGAWA ANG PAG-
ALIS-ALIS AT ANG PAGLIPAT-LIPAT NG BAYAN DAHIL SA TAKOT SA PRAYLE, MORO AT
MAGING SA MGA TULISAN.
• MAS NAGING EPEKTIBO ANG PAGPAPALAGANAP NG KRISTIYANISMO, ANG MGA
MISYONERONG ESPANYOL MISMO ANG NAG-AARAL NG MGA WIKANG KATUTUBO
NAKITA NILANG MAS MADALING MATUTUHAN ANG WIKA NG ISANG RELIHIYON
KAYSA ITURO SA LAHAT ANG WIKANG ESPANYOL.
• NASA KAMAY NA MGA MISYONERONG NASA ILALIM NG PAMAMAHALA NG
SIMBAHAN ANG EDUKASYON NG MAMAMAYAN NOONG PANAHON NG MGA
ESPANYOL.
• INIUTOS NG HARI NA GAMITIN ANG WIKANG KATUTUBO SA PAGTUTURO
NGUNIT HINDI NAMAN ITO NASUNOD.
• NAGMUNGKAHI NAMAN SI GOBERNADOR TELLO NA TURUAN ANG MGA
INDIO NG WIKANG ESPANYOL SINA CARLOS I AT FELIPE II NAMAN AY
NINIWALANG KAILANGAN MAGING BILINGGUWAL NG MGA PILIPINO.
• IMINUNGKAHI NAMAN NI CARLOS I NA ITURO ANG DOCTRINA CHRISTIANA
GAMIT ANG WIKANG ESPANYOL.
• MULING INULIT NI HARING FELIPE II ANG UTOS TUNGKOL SA PAGTUTURO NG
WIKANG ESPANYOL SA LAHAT NG KATUTBO NOONG IKA-2 NG MARSO 1634.
• NABIGO ANG NABANGGIT NA KAUTUSAN KAYA SI CARLOS II AY LUMAGAD NG
ISANG DEKRITO NA INUULIT ANG PROBISYON NG NABANGGIT NA KAUTUSAN
NAGTAKDA RIN SIYA NG PARUSA PARA SA MGA HINDI SUMUSUNOD DITO.
• NOONG DISYEMBRE 29, 1972, SI CARLOS IV AY LUMAGDA SA ISA PANG
DEKRITO NA NAG UTOS NA GAMITIN ANG WIKANG ESPANYOL SA LAHAT NG
PAARALANG ITATATAG SA PAMAYANAN NG MGA INDIO.
• MABABATID SA PARTE NG KASAYSAYANG ITO NA NANGANIB ANG WIKANG
KATUTUBO SA PANAHONG ITO LALONG NAGKAWATAK WATAK ANG MGA
PILIPINO.
• MATAGUMPAY NA NAHATI AT NASAKOP NG MGA ESPANYOL ANG MGA
KATUTUBO AT HINDI NILA ITINAMIN SA ISIPAN NG MGA PILIPINO ANG
KAHALAGAHAN NG ISANG WIKANG MAGBIBIGKIS NG KANILANG MGA
DAMDAMIN.
PANAHON NG REBOLUSYONG PILIPINO
NOONG MADISKUBRE NG MGA ESPANYOL ANG KATIPUNAN NOONG AGOSTOS
19, 1896 NAPAKARAMING INARESTO AT IKINULONG NA MGA PINAGHIHINALAAN
NA KASAPI NG KATIPUNAN. SINIMULAN NG MGA KATIPUNERO SA PAMUMUNO
NI ANDRES BONIFACIO ANG HIMAGSIKAN SA PAMAMAGITAN NG PAGPUNIT NG
KANILANG CEDULA PERSONAL. ANG KANILANG PAGPUNIT NG CEDULA AY
SUMASAGISAG SA PAGPAPALAYA NG MGA PILIPINO SA KAPANGYARIHAN NG
ESPANYA ANG PAGPUNIT NA ITO AY NAKILALA SA KASAYSAYAN SA TAWAG NA
“SIGAW SA PUGADLAWIN”. ANG SIGAW SA PUGADLAWIN AY ANG OPISYAL NA
PAGSISIMULA NG HIMAGSIKAN NG PILIPINO LABAN SA MGA ESPANYOL. DITO
IPINAKITA NG MGA PILIPINO NA HANDA SILANG MAG BUWIS NG BUHAY PARA
SA KAPAYAPAAN AT KALAYAAN NG PILIPINAS. ITO RIN ANG NAGBIGAY DAAN SA
PAGKILALA NG PILINAS BILANG ANG KAUNA-UNAHANG REPUBLIKA SA ASYA.
• PANAHON NG REBOLUSYONG PILIPINO (PROPAGANDA) (1872-
1896)
• TAGALOG ANG GINAGAMIT NA WIKA SA PAHAYAGAN
• PINAGTIBAY NG KONSTITUSYON NG BIAK-NA-BATO NOONG 1899
ANG WIKANG TAGALOG BILANG WIKANG OPISYAL
• SUMIBOL SA MGA MANGHIHIMAGSIK NA PILIPINO ANG
KASIPAGANG “ISANG BANSA ISANG DIWA”
• PINILI NILA ANG TAGALOG BILANG PANGUNAHING WIKA
• NAGSULAT SI RIZAL AT IBA PANG MGA PROPAGANDISTA SA
WIKANG KASTILA
• SA PANAHONG ITO MARAMI NARING MGA PILIPINO
ANG NAGING MATINDI ANG DAMDAMING
NASYONALISMO. NAGTUNGO SILA SA IBANG BANSA
UPANG KUMUHA NG MGA KARUNUNGAN.
• SA PANAHONG ITO, AY MARAMING AKDANG NAISULAT
SA WIKANG TAGALOG. PAWANG MGA AKDANG
NAGSASAAD NG PAGIGING MAKABAYAN, MASISIDHING
DAMDAMIN LABAN SA MGA KASTILA ANG
PANGUNAHING PAKSA NG KANILANG MGA ISINULAT.
MGA PROPAGANDISTANG NAKIPAGLABAN SA KASTILA
JOSE RIZAL

• EL FILIBUSTERISMO
• NOLI ME TANGERE
• HINGGIL SA KATAMARAN NG MGA PILIPINO
• SA MGA KABATAANG DALAGA SA MALOLOS
GRACIANO LOPEZ-JAENA

•FRAY BOTOD
ANTONIO LUNA

• NOCHE BUENA
• POR MADRID
• IMPRESIONES
MARCELO H. DEL PILAR

• DIARIONG TAGALOG
• CAINGAT CAYO

You might also like