Kom Perf Task

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

CULMINATING FINAL PERFORMANCE TASK

Panuto: Sa pagkakataong ito, hubugin ang sarili sa pagsulat ng isang pananaliksik na


tumatalakay sa penomenang kultural at panlipunan. Tugunan ang bawat hakbang sa
pagsulat ng pananaliksik.

1. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik Gabay na tanong:


a. Anong paniniwala, pagkain, kasuotan, gawi, linangan, hanapbuhay, wika, at
suliraning panglipunan ang gusto mong alamin at pag-aralan?

Ang aking nais na alamin ay ang Pagkain ng mga Ilokano. Nagkaroon ako ng interes
patungkol dito dahil gusto ko na aking lalong mas maintindihan ang kanilang mga
kinakain at hindi dapat kainin. Nais ko din pag-aralan ang kanilang paboritong
pagkain nang sa gayon ay akin ding masubukan na kainin at marami pang iba ang
aking gustong tuklasin patungkol sa kanila.
b. Anong tanong ang gusto mong bigyan ng kasagutan tungkol sa paksa? Magbigay ng
tatlo, dahil ito ang magsisilbing katanungan sa bahaging Paglalahad ng Suliranin:
Suliranin 1:

Ano-ano ang mga pang-araw araw na kinakain at paano nila ito lulutuin o gawin?
Suliranin 2:

Ano ang kanilang mga paboritong pagkain, mga kinakain at hindi dapat kainin?
Suliranin 3:

Bakit mayroon silang hindi kinakain? Base ba ito sa kanilang paniniwala?


Dagdag na din ay ang, ano ang mga kilalang pagkain sa kanila na hindi pa alam ng
karamihan?
c. Ano ang layunin at kahalagahan ng pag-aaral?

Ang layunin ng aking aking pag-aaral na patungkol sa Pagkain ng mga Ilokano ay


maintindihan, malaman at mas maunawaan ang kanilang mga kinakain at paano nila
din ito kinakain at masagot ang aking mga suliranin dahil gusto ko na may matutunan
patungkol sa kanilang lugar.
Ang kahalagahan naman, ay mas magkakaroon ako ng impormasyon patungkol sa
kanilang mga kinakain, maibabahagi ko sa iba ang aking mga malalaman at matutunan
patungkol dito at mahihikayat ang mga ibang kabataan na pag-aralan din at kung
maaari ay masubukan ang kanilang mga pagkain nang sa gayon ay hindi lamang ako
ang magkakaroon ng benepisyo sa pag-aaral patungkol dito kundi maging ang bawat
isa.

2. Pagdidisenyo ng Pananaliksik Gabay na Tanong:


a. Anong uri ng pananaliksik ang isasagawa, kuwantitatibo o kuwalitatibo?

Ang uri ng pananaliksik na aking gagamitin o isasagawa ay kuwalitatibo upang ang


mga impormasyon at kaalaman ay sapat at tiyak na maiintindihan ng karamihan, may
mga ibang pananaliksik kasi na ginagamit ang kuwantitatibo ngunit kadalasan ay
nalalayo na sa pinagaaralan sa daming impormasyon na nakalaganap doon at minsan
ay ang mga dapat hindi na mapabilang ay nakikita pa kung kaya ang mga makakabasa
o makakaalam patungkol sa paksa ay malilito at maaaring hindi na maunawaan kung
kaya’t mas nais kong isagawa sa aking pagaaral ay ang kuwalitatibo upang ang dapat
lamang na pag aralan at malaman ay nandoon lamang sa iyong mismong paksa o
pinaguusapan.
3. Pangangalap ng Datos
Gabay na Tanong:
a. Anong instrumento sa pangangalap ng datos ang gagamitin?

Ang magiging instrumento sa pangangalap ng datos ay ang paggamit ng mga tinatawag


nating talatanungan o questionnaires sa ingles upang masagot at malaman ang mga
impormasyon dito. Ang mga tanong din ang magiging gabay upang mas maliwanagan
sa mga detalye na nakapaloob sa paksa ng aking pananaliksik. Magagawa ko ang lahat
ng ito sa pamamagitan ng gadjet na cp at laptop.

b. Paano ang isasagawa ang aktuwal na pangangalap at presentasyon ng datos?

Sa pamamagitan ng pakikipagpanayam at obserbasyon, ito ang aking napili na


isasagawa upang ako at ang iba ay maklaruhan sa mga ipapahayag nilang detalye at
magkaroon ng interpretasyon sa kanilang pagkakaparehas at pagkakaiba ng kinakain
sa iba’t ibang lugar.
4. Pagsusuri ng Datos
Gabay na Tanong:
a. Paano isasagawa ang presentasyon ng datos, pagsusuri, at interpretasyon ng datos?

Bukod sa pakikipagpanayam at obserbasyon na aking gagawin ay gagamit din ako ng


table upang mapagsama-sama ang kanilang mga ipapahiwatig patungkol sa aking
napiling pag-aralan. Ako din ay magsasaliksik patungkol sa iba pang nararapat na
malaman na detalye o impormasyon upang ang mga datos ay kanila laging maalala.
b. Paano bubuuin ang sumusunod:
1. Lagom:

Alam natin na ang lagom ay pagsasalarawan ng mga pangyayari sinasabi dito ang mga
importante na pangyayari sa isang paksa. Mabubuo ito sa pamamagitan ng pagiintindi
ng mabuti sa iyong paksa maging ang kabubuuan nito, sumunod ay gumawa ng isang
payak na impormasyon upang maintindihan ng makakabasa at kinakailangan na ang
iyong summary o mga mahahalagang pangyayari ay hindi lalayo sa kabuuan nito. Sa
pagbuo din nito, dapat ang makikita dito ay mga respondent, saklaw, pamamaraan at
instrumentong ginamait sa isang datos.
2. Kongklusyon:

Ang kongklusyon ay hindi na natin ito makikitaan ng mga paniibagog  ideya o datos Ito
ay mabubuo sa pamamagitan ng pagbalik sa mga kaisipang tinalakay sa introduksiyon,
mga mahahalagang pangyayaring ideya na tinalakay rin sa introduksiyon at sa
katawan ng pananaliksik at ang iba pang nabuong pahayag. Idagdag mo din sa pagbuo
ay ang mga ebidensya o pagpapatunay sa iyong pag-aaral.
3. Rekomendasyon:

Sa parte ng rekomendasyon inilalahad ang impormasyon ng isang mananaliksik sa


kinalabasan ng pag-aaral, dito din nakapaloob ang mungkahi tulad ng guro, principal,
magulang, DepEd, pamahalaan, barangay at ang magulang. Ang pagbuo nito ay dito
mo na masasabi ang iyong gustong rekomendasyon para sa magbabasa at pagbibigay
mo din ng iyong opinion patungkol sa paksa na iyong napili base sa iyong mga suliranin
na natukoy o natuklasan sa pananaliksik.

You might also like