Pagunlad NG Athens

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

AP

GROUP PRESENTATION
Kumpara sa Sparta na pangunahing
layunin ang magpalakas at sumakop ng
ibang lupain, ang Athens ay namuhay
upang maging minero, manggagawa ng
ceramics, mandaragat, at mangangalakal.
Ang Athens noong 600 BCE ay isa lamang maliiit na
bayan sa gitna ng tangway ng Greece na tinatawag na
Attica. Hindi angkop sa pagsasaka ang buong rehiyon
kaya naman ang karamihan sa mga mamamayan nito
ay nagtatrabaho sa minahan, gumagawa ng ceramics,
mandaragat, at mangangalakal.
Pniamunuan noon ang Athens ng mga Tyrant o pinunong umabuso
sa kanilang kapangyarihan. Bago pa ito, pinamunuan muna ng
haring nahalal ng asemblea at mga payo mula sa konseho ng
mga maharlika. Ang asemblea ay binubuo ng mga mamamayan
na may malaking kapangyarihan at pinamumunuan ng Archon
na pinapaburan ng mga may kaya sa lipunan. Hindi naglaon,
naghangad ng pagbabago ang mga artisano at
mangangalakal. Upang mapigil ang lumalalang sitwasyon,
nagpagawa ng batas ang mga aristokrata o mayayamang
tao. Si Draco na isang tagapagbatas ay nagsulat ng batas na
nagbigay-daan sa pagkakapantay-pantay sa lipunan at
binawasan ng kapangyarihan sa mga namumuno. Hindi pa rin ito
ikinasiya ng mga simpleng mamamayan kaya naghangad pa ito
ng maraming pagbabago. Marami sa kanila ang nagpaalipin
upang makabayad sa kanilang utang.
Nagkaroon ng pagbabago noong 594 BCE sa
pangunguna ni Solon na mula sa pangkat ng
aristokrasya na yumaman sa pamamagitan ng
pakikipagkalakalan. Inalis niya ang
pagkakautang ng mahihirap at ginawang ilegal
ang pagkakaalipin dahil sa utang. Gumawa rin
siya ng sistemang legal na magbibigay ng
kalayaan sa kalalakihan na maging hurado sa
korte. Ito ay nagbigay kapangyarihan sa mga
simpleng mamamamayan. Nagsagawa rin si Solon
ng repormang pangkabuhayan para sa mga
mahihirap subalit hindi pa rin ang naging dahilan
para maging kuntento ang mga simpleng
mamamayan.
Noong 546 BCE, namuno si Pisistratus sa
Athens. Bagamat mayaman siya, nakuha
naman niya ang suporta at tiwala ng mga
simpleng mamamayan. Sa kanyang
pamumuno, ipinamahagi niya ang mga
lupaing sakahan sa walang lupa,
nagbigay rin siya ng pautang at nagbukas
ng malawakang trabaho sa malalaking
proyektong pampubliko, at pinabuti niya
ang sistema ng patubig.
Naganap muli ang pagbabago sa sistemang ng
Athens noong 510 BCE sa pangunguna ni
Cleisthenes. Sa kanyang pamumuno, hinati niya
ang Athens sa sampung distrito. Limampung
kalalakihan ang magmumula sa bawat distrito
at maglilingkod sa konseho ng tagapayo upang
bumuo ng batas sa Asembleya - ang tagagawa
ng mga batas na pinaiiral sa lugar. Nagkaroon
dito ng pagkakataon na makaboto ang mga
mamamayang may pagmamay-ari ng lupa at
wala
Binigyan din ng pagkakataon ang mga mamamayan
na ituro ang taong banta sa Athens kada taon
upang maipanatili ang kalayaan ng lugar. Sa
sistemang ito na tinatawag na Ostrakon, ang mga
mamamayan ay magsusulat ng pangalan sa pira-
pirasong palayok ng taong nais ipatapon o
itakwil ng Athens. Kapag nakakuha ng mahigit
6,000 na boto ang isang tao, ipapatapon o
itatakwil siya palabas ng Athens sa loob ng
sampung taon. Ostracism ang tawag sa sistema ng
pagpapatapon o pagtatakwil. Sa sistemang ito,
nabigyan ng malaking kapangyarihan ang mga
mamamayan.
Noong 500 BCE, isinilang ang
demokrasya sa Athens. Ito
ang pinakamahalagang
naganap noon dahil sa
pagpapatupad ng maraming
reporma sa Athens.
Bagamat mayaman siya, nakuha niya
ang suporta at pagtitiwala ng
karaniwang tao. Mas radikal ang mga
pagbabagong ipinatupad niya tulad ng
pamamahagi ng malalaking lupang
sakahan sa walang lupang magsasaka.
Nagbigay siya ng pautang at nagbukas
ng malawakang trabaho sa
malalaking proyektong pampubliko.
Pinabuti niya ang Sistema ng patubig
SALAMAT SA KOOPERASYON
Sa simula ng 600 BCE, ang Athens
ay isa lamang maliit na bayan
sa gitnang tangway ng Greece
na tinatawag na Attica. Ang
buong rehiyon ay hindi angkop
sa pagsasaka kaya sa
karamihan sa mga mamamayan
nito ay nagtatrabaho sa mga
minahan, gunawa ng ceramics, o
nagging mangangalakal o
mandaragat.
Sa sinaunang kasaysayan,
ang Athens ay
pinamumunuan ng mga
tyrant na noon
nangangahulugang mga
pinunong nagsusulong ng
karapatan ng karaniwang
tao at maayos na
pamahalaan
Pinamumunuan ng hari
ang Athens na Inihalal
ng asembleya ng
mamamayan at
pinapayuhan ng mga
konseho ng maharlika
Ang mga pinuno ay tinatawag na Archon
HINDI NAGTAGAL, NAGNAIS NG PAGBABAGO
ANG MGA ARTISAN AT MGA
MANGANGALAKAL. UPANG MAPIGIL ANG
LUMALALANG SITWASYON NG MGA DI
NASISIYAHANG KARANIWANG TAO,
NAGPAGAWA ANG MAYAYAMANG TAO O
ARISTOKRATA NG NAKASULAT NA BATAS
KAY DRACO NA ISANG TAGAPAGBATAS
Malupit ang mga batas ng Greek at hindi ito
binago ni Draco. Ngunit kahit na paano ang
nagging kodigong ginawa niya ay nagbigay ng
pagkapantay-pantay sa lipunan at binawasan
ng mga karapatan ang mga namumuno.

Ang mga sumusunod na pagbabago ay


naganap noong 594 BCE sa pangunguna
ni Solon na mula sa pangkat ng
aristokrata na yumaman sa
pamamagitan ng pakikipagkalakalan.
Kilala siya bilang isang patas at
matalino .

Inalis niya ang pagkakautang ng mga


mahihirap at ginawang illegal ang
pagkaalipin nang dahil sa utang. Gumawa
rin siya ng Sistemang legal kung saan
lahat ng malayang kalalakihang
ipinanganak mula sa mga magulang na
Athenian ay maaaring maging hurado sa
Ang mga reporma na ginawa ni Solon ay
nagbigay ng kapangyarihan sa mga
mahihirap at karaniwang tao.
Nagsagawa run siya ng mga repormang
pangkabuhayan upang maisulong ang dayuhang
kalakalan at mapabuti ang pamumuhay ng mga
mahihirap. Para sa mga aristokrata, labis na
pinaburan ni Solon ang mahihirap. Sa
kasalukuyan, ginagamit ang salitang solon
bilang tawag sa mga kinatawan ng pambansang
pamahalaan na umuugit ng batas.
Noong mga 546 BCE, siang politikong
nagngangalang Pisistratus, ang namumuno sa
pamahalaan ng Athens.

Bagamat mayaman siya, nakuha niya ang suporta at


pagtitiwala ng karaniwang tao. Mas radikal ang mga
pagbabagong ipinatupad niya tulad ng pamamahagi ng
malalaking lupang sakahan sa walang lupang
magsasaka. Nagbigay siya ng pautang at nagbukas ng
malawakang trabaho sa malalaking proyektong
pampubliko. Pinabuti niya ang Sistema ng patubig

You might also like