A.P 8 2nd Grading
A.P 8 2nd Grading
A.P 8 2nd Grading
2nd Grading
Ang Athens ay isa lamang maliit na bayan sa gitnang tangway ng Greece na tinatawag na
Attica.
Ang buong rehiyon ay hindi angkop sa pagsasaka kaya karamihan sa mga mamamayan
nito ay nagtrabaho sa mga minahan, gumawa ng mga ceramics, o nagiging mangangalakal
o mandaragat.
Sa sinaunang kasaysayan, ang Athens ay pinamunuan ng mga tyrant na noon ay
nangangahulugang mga pinunong nagsusulong ng karapatan ng karaniwang tao at maayos
na pamahalaan.
Ang Athens ay pinamumunuan ng hari na inihalal ng asembleya ng mamamayan at
pinapayuhan ng mga konseho ng maharlika.
Ang asembleya ay binubuo naman ng mayayaman na may kapangyarihan.
Maraming Athenian nagpaalipin upang makabayad ng malaking pagkakautang.
Si Pisistratus, isang mahusay na pinunong Greek.
Ang mga repormang pampolitika na ginawa ni Solon ay nagbigay ng kapangyarihan sa
mga mahihirap at karaniwang tao.
Si Solon, isang mambabatas na Greek.
Sa kasalukuyan, ginamit ang salitang solon bilang tawag sa mga kinatawan ng
pambansang pamahalaan na umuugit ng batas.
Noong 510 BCE, naganap muli ang pagbabago sa sistemang political ng Athens sa
pamumuno ni Cleisthenes.
Sa pagsapit ng 500 BCE, dahil sa lahat ng mga repormang naipatupad sa Athens, ang
pinakamahalagang naganap ay ang pagsilang ng demokrasya sa Athens.
Nais ni Pericles na manatili ang kapayapaan di lamang sa Athens kundi maging sa mga
kalapit nitong mga lungsod-estado at maging sa Persia.
Habang umuunlad ang Athens, lumawak din ang kanilang kapangyarihan sa kalakalan.
Ito ang naging dahilan kung bakit sa panahon ng Delian League ay naging isang imperyo
ang Athens.
Kayat ang mga lungsod-estado na kasapi sa Delian League tulad ng Sparta, Corinth, at iba
pa ay nagtatag ng sarili nilang alyansa sa pamumuno ng Sparta na tinawag itong
Peloponnesian League.
Noong 431 BCE, nilusob ng Sparta ang mga karatig pook ng Athens na naging simula ng
Digmaang Peloponnesian.
Lahat ng mga pumalit kay Pericles ay hindi nagtagumpay dahilan sa mga mali nilang mga
desisyon isa na rito si Alcibiades.
Ang dalawampu’t pitong taong Digmaan ng Peloponnesian ay isang malaking trahedya
para sa Greece.
Nagkaroon ng malawakang pagkawasak ng ari-arian at pagkamatay ng mga tao. Lumala
rin ang suliranin sa kawalan ng hanapbuhay, pagtaas ng presyo ng mga bilihin, at
kakulangan sa pagkain.
Noong 461 BCE, si Pericles, isang strategos o heneral na inihalal ng mga kalalakihang
mamamayan ang namuno sa Athens.
Nais ni Pericles na lumawak pa ang umiiral na demokrasya sa Athens kung kaya’t
dinagdagan niya ang bilang ng mga manggagawa sa pamahalaan at sinuwelduhan niya
ang mga ito.
Lahat ng mamamayan ay nagkaroon ng pagkakataong makapagtrabaho sa pamahalaan
mayaman man o mahirap.
Ayon kay Pericles “An gating konstitusyon ay isang demokrasya sapagkat ito ay nasa
kamay ng nakararami at hindi ng iilan.”
Ang lalaki ay pinag-aaral sa mga pribadong paaralan kung saan sila ay natuuto ng
pagbabasa, matematika, musika, at mga obra ni Homer na Iliad at Odyssey.
Sa edad na 18 taong gulang, ang mga lalaki ay nagsasanay sa military ng 2 taon.
Ang mga kababaihan ay itinuring na mas mababa sa mga kalalakihan, hindi sila nabigyan
ng pagkamamamayan at hindi maaaring makibahagi sa pamahalaan.
Sa edad na 14-16 sila ay ipinakakasal sa mga lalaking napili ng kanilang mga magulang.
Pagsasaka ang karaniwang ikinabubuhay ng mga Athenian. Ang ani ay kanilang kinakain.
Sa kabuuan, simple lamang ang naging pamumuhay sa sinaunang Greece.
Ang mga akda ng mga natatanging pilosopong Greek sa larangan ng politika ay kinilala sa
mundo tulad ng “The Republic” ni Plato at “Politics” ni Aristotle.
Kahanga-hanga ang arkitektura ng mga templo. Ang tatlong estino na Ionian, Doric, at
Corinthian ay naperpekto nila ng husto.
Kasaysayan ng Daigdig
2nd Grading
Ang pinakamagandang halimbawa ay ang Parthenon, isang marmol na templo sa
Acropolis sa Athens.
Ito ay itinayo nina Ictinus at Calicrates at inihandog kay Athena, ang diyosa ng
karunungan at patrona ng Athens.
Ang pinakadakilang Greek na iskultor ay si Phidias.
Kinilala rin ang kontribusyon ni Herodotus sa larangan ng kasaysayan. Tinawag siyang
Ama ng Kasaysayan.
Nagkaroon din ng kaalaman sa makabagong pangmedisina sa sinaunang Greece. Ang
pinakadakilang Greek na manggagamot ay si Hippocrates na kinilala bilang Ama ng
Medisina.
Ang kauna-unahang pilosopiya ay ipinakilala ni Thales ng Militus. Ayon sa kanya ang
sandaigdigan ay nagmula sa tubig, ang pangunahing element ng kalikasan.
Samantalang si Pythagoras naman ang nagpasikat ng doktrina ng mga numero kung saan
sinasabi niya na ang bilang na tatlo, lima, at pito ang masuwerteng mga numero.
Ilang dekada matapos ang Digmaang Persian, isang pangkat ng mga guro na tinatawag na
mga Sophist ang sumikat sa Athens.
Ayon kay Socrates “Mahalaga na kilalanin mo ang iyong sarili (know thyself).”
Ayon kay Socrates, dapat na patuloy na magtanong ang mga tao hinggil sa mga bagay-
bagay upang matiyak kung sila ay may mga kasagutan sa mga katanungang ito. Ang
pamamaraang ito ay kinilala ngayon na Socratic Method.
Di nagustuhan ng mga Athenian ang ginawang pagtatanong ni Socrates lalo na ang mga
tungkol sa mga diyos-diyosan at ilang patakaran ng Athens.
Dahilan dito siya ay nakulong at nahatulan ng kamatayan. Ngunit bago pa siya parusahan,
siya ay nagpakamatay sa pamamagitan ng paglason sa sarili.
Si Plato, ang kanyang pinakasikat na mag-aaral, ang nagsumikap na maitala ang lahat ng
dayalogo sa pagitan ng dalawa o mas higit pang tauhan.
Samantala, si Aristotle, ang pinakamahusay na mag-aaral ni Plato, ay nagpakadalubhasa
sa pag-aaral ng halaman, hayop, astronomiya, at Pisika na pawang nangangailangan ng
masusing pagmamasid.
Kinilala si Aristotle na Ama ng Biyolohiya.
Ilan sa mga tanyag niyang aklat ay ang “Poetic,” isang pagsusuri sa mga iba’t ibang dula-
dulaan, and “Rhetoric,” na nagsasabi kung paano dapat ayusin ng isang nagtatalumpati
ang kanyang talumpati, at ang “Politics,” kung saan tinalakay ng mga mamamayan ang
iba’t ibang uri ng pamahalaan.
Imperyong Macedonian
o Ang Rome ay itinatag sa klagitnaan ng ikawalong siglo BCE ng mga unang Roman na
nagsasalita ng Latin, isang sangay ng wikang nabibilang sa Indo-Europeo.
o Sila ay lumipat sa gitnang Italy at nagtayo ng sakahang pamayanan sa Latium Plain.
o Ayon sa isang matandang alamat ang Rome ay itinatag ng kambal na sina Romulus at
Remus.
o Habang mga sanggol pa lamang, inilagay sila sa isang basket ipinaanod sa Tiber River ng
kanilang amain sa takot na angkinin ng kambal ang kaniyang trono.
o Ang kambal ay sinagip at inaruga ng isang babaing lobo.
o Nang lumaki ang dalawa at nalaman ang kanilang pinagmulan, inangkin nila ang trono at
itinatag ang Rome sa pampang ng Tiber River noong 753 BCE.
Ayon sa kasaysayan, nagsimulang maghimagsik ang mga plebeian noong 494 BCE upang
magkamit ng pantay na karapatan.
Sa takot ng mga patrician na mawalan ng mga manggagawa, sinuyo nila ang mga plebeian
upang itigil ang kanilang balak sa pamamagitan ng pagpapatawad sa dati nilang utang;
pagpapalaya sa mga naging alipin nang dahil sa pagkakautang; at ang paghahalal ng mga
plebeian ng dalawang mahistrado o tribune na magtatanggol sa kanilang karapatan.
May karapatan ang tribune o mahistrado na humadlang sa mga hakbang ng senado na
magkasama sa mga plebeian.
Kasaysayan ng Daigdig
2nd Grading
Digmaang Punic
Sa simula makapangyarihan ang Carthage sa dagat bagaman pawang upahan ang mga
mandirigma nito dahil sa maliit na populasyon.
Nasubok ang kapangyarihan ng Rome at Carthage sa tatlong Digmaang Punic- salitang
Latin na nagmula sa pangalang Phoenicia.
Itinatag ang Carthage (Tunis na ngayon) ng mga Phoenician mula sa Tyre noong 814
BCE.
Noong 60 BCE, binuo ni Julius Causa, Pompey, at Marcus Licinius Crassus ang First
Triumvirate, isang union ng tatlong makapangyarihang tao na nangasiwa ng pamahalaan.
Si Crassus ang pinakamayamang tao sa Rome na nanguna sa pagpapakalma sa isang
rebelyon ng mga alipin.
Si Pompey ay kinilala bilang isang bayani dahil sa kanyang tagumpay na masakop ang
Spain.
Si Caesar ay isang gobernador ng Gaul kung saan matagumpay niyang napalawak ang
mga hangganan ng Rome hanggang France at Belgium.
Ginawang diktador si Caesar sa kaniyang pagbalik sa Rome sapagkat kontrolado na niya
ang buong kapangyarihan.
Bilang diktador, binawasan niya ang kapangyarihan ng Senate ngunit dinagdagan naman
niya ang bilang nito, mula 600 naging 900 ang kasapi nito.
Bago namatay si Caesar, ginawa niyang tagapagmana ang kanyang apo sa pamangkin na
si Octavian.
Noong 43 BCE, kasama sina Mark Anthony at Marcus Lepidus, binuo ni Octavian ang
Second Triumvirate upang ibalik ang kaayusan sa Rome.
Sa pagkakabuo ng Second Triumvirate, tinalo nila ang hukbo nina Brutus at Cassius.
Sa loob ng sampung taon, naghati sa kapangyarihan sina Octavian at Mark Antony.
Pinamumunuan ni Octavian ang Rome at ang kanlurang bahagi ng imperyo, samantalang
pinamunuan ni Antony ang Egypt at ang mga lugar sa silangan na kinilala bilang
lalawigang sakop ng Rome.
Si Lepidus ang namahala sa Gaul at Spain.