Home Eco Aralin 16
Home Eco Aralin 16
Home Eco Aralin 16
Aralin 16
Pangkalusugan at Pangkaligtasang Gawi
sa Paglilinis ng Bahay at Bakuran
TEODORA M. JAVIER
Upang maiwasan ang sakuna
at ibang simpleng karamda-
man sa bahay, gawin ang mga
sumusunod na panuntunan:
1. Alamin ang mga gawaing
gagampanan upang malaman
kung alin ang dapat unahin sa
mga ito.(prioritizing things)
2. Mag-umpisa sa simple o
payak na gawain bago dumako
sa medyo mahirap at gawin
(iapply) ang “work
simplification technique”.
3. Simulang linisin ang
bahaging itaas ng bahay bago
linisin ang sahig upang
maiwasan ang pagkalat muli
ng alikabok.
4. Ihanda ang lahat ng
kakailanganing kagamitan
sa gagawing paglilinis.
5. Gumamit ng
maginhawa o angkop na
damit panggawa upang
malayang makakilos o
makagawa.
6. Takpan ang ilong gamit
ang malinis na panyo upang
hindi malanghap ang
alikabok na maaaring
pagmulan ng simpleng
karamdaman at talian ang
buhok upang hindi labis na
kapitan ng dumi at alikabok.
7. Pansinin ang tamang
tindig at tamang paraan
sa pagbubuhat habang
naglilinis o gumagawa.
8. Takpan ang mga
pagkain sa kusina bago
maglinis.
9. Iwasang tumuntong sa silya
kung mag-aagiw sa halip
gumamit ng walis na may
mahabang hawakan.
10. Hindi gaanong
pinadudulas ang sahig dahil
ito ay maaaring magdulot ng
sakuna o pagkadisgrasya.
11. Tiyaking tuyo ang kamay
bago tanggalin ang saket o plug
ng mga kagamitang de-kuryente
bago ito gamitin o linisin.
12. Iayos ang mga kasangkapan
at iba pang kagamitan sa bawat
silid upang lumuwag at
maiwasan ang disgrasya.Iligpit
ang mga may matutulis na bagay
tulad ng kutsilyo sa ligtas na
lugar
Ang mga nakalalasong likido
tulad ng lysol, muriatic acid at
pampatay peste ay itago sa
hindi maaabot ng bata.
13. Ihiwalay ang nabubulok
sa hindi nabubulok na basura.
Maglaan ng magkahiwalay na
basurahan para rito.
14. Itapon nang maayos
ang mga basura at i-
recycle ang mga bagay
na maaaring magamit
pa o maaaring ipagbili.
15. Iwasang magsunog
ng basura.
Pangkalusugan sa Paglilinis ng Bahay at
Bakuran