Wastong Gamit NG Salita
Wastong Gamit NG Salita
Wastong Gamit NG Salita
Kung walang panlaping -NAN, at wala ring -HAN, saan galing ang NatutuNan/NatutuHan?
Kapwa tama ang dalawang salita. Ang NATUTUHAN ang regular na anyo. Ang NATUTUNAN ay
variant na anyo. Ibang anyo na ginagamit sa Cavite at iba pang lugar.Ang NATUTUHAN ang
itinuturing na STANDARD na anyo at ginagamit sa Metro Manila - ito rin ang anyong prescribed ng
DepEd sa mga teksbuk.
Marami na ring gumagamit ngayon ng NATUTUNAN kahit sa Metro Manila. Kung magsasagawa
tayo ng survey ng preperensiya ng mga tagagamit, posibleng 50/50 ang lilitaw: 50% ng mga
tagagamit ay nakakiling sa NATUTUNAN, samantalang ang 50% pa ay sa NATUTUHAN naman.
Kung gayon, tama bang sabihin natin na MALI ang 50% ng populasyon?
Saan galing ang NATUTUHAN? Sa salitang ugat na TUTO at mga panlaping MA-...-AN. =
MATUTUHAN.
Saan galing ang H? Nasa dulo ito ng salitang ugat na nagtatapos sa patinig (a,e,i,o,u). Wala itong
representasyon sa ispeling at lumilitaw lamang kapag may hulapi ang salita. Di ba ang sabi sa
ating mga aklat, kapag nagtatapos sa katinig (pati sa impit na tunog) ang salita, ginagamit ang
hulaping -AN o -IN; kapag nagtatapos sa patinig, -HAN o -HIN naman ang ginagamit. Hal. basa (wet
sa Ingles, maragsa)+-IN = BASAIN. Pero BASA (read, malumay) + -HIN = BASAHIN.
Ganito naman nabuo ang NATUTUNAN: MA-+TUTO-+-HAN+-AN = MATUTUHANAN. Dahil sa
pagbabagong morpoponemiko, kaya ang O ay naging U at may nakaltas na mga ponema (o
tunog). Dalawa ang hulapi, kung gayon.
Mas simple itong paliwanag na ito kaysa sa isinusulong ni KaResty Cenana mga patay na
panlaping INAN, ANIN, etc.