9 5 24 Activities No classes due to Typhoon Enteng

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

GAWAIN SA MATH

GAWAIN SA ENGLISH
Write the missing word to complete each sentence.

1. The _____and the _____ _____on the ____. The cat has a ____.

2. The big ____ blew over the___, ____, ____, and the_____.

3. The boy in the ______ followed the ______. The girl had a ____.

4. The ____ ____ and the ____are in the _____.

5. ____ was ____ as Tim was ____. Mom was _____.


GAWAIN SA FILIPINO
A. Isulat sa kuwaderno ang mga pangungusap. Salungguhitan ang panghalip na
ginamit sa bawat pangungusap.

1. Siya ay namasyal sa Luneta Park.


2. Nagbasa kami ng libro sa silid-aklatan.
3. Napadaan ako kahapon sa Museong Pambata.
4. Ang ganda ng Tayabas, nakapunta na ba kayo doon?
5. Ikaw, John Ryian ang napiling sasali sa paligsahan sa pagguhit.

B. Punan ng ako, ikaw, o siya ang patlang.


1. Si Myrna ang kaibigan ko. ____ ay mabuting kaibigan.
2. Binuksan ko ang telebisyon. Manonood ___ ng cartoons.
3. Bebot, tinatawag ka ni Nanay. ____ang uutusan niya na pumunta sa tindahan.
4. Alicia, nariyan na ang sundo mo. Naghihintay ___ sa labas ng silid-aralan natin.
5. Victor, tulungan mo akong maglinis. ____ ang magwawalis at ____ naman ang
magbubura ng pisara.

C. Punan ng kami, kayo, o sila ang patlang.


1. Ako at si Kevin ay gigising nang maaga. Magbibisikleta _____ sa parke.
2. Narito na ang mga kaibigan mo. Sasabay ____sa iyo papunta sa paaralan.
3. Mga bata, nagbibihis pa si April. Umupo muna ____ sa sopa habang hinihintay ninyo
siya.
4. Ako at aking mga magulang ay magsisimba. Pupunta _______sa Simbahan ng
Peñafrancia.
5. Abdul, Amir, sa Huwebes na ang palaro. Handa na ba _______?
GAWAIN SA ARALING PANLIPUNAN
A. Kopyahin sa notebook ang mga sumusunod na sitwasyon. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.

1. Ano ang tawag sa pinakamahabang bulubundukin sa buong bansa na nagdugtong ng


Rehiyon II, III at IV-A?
a. Bundok Caraballo
b. Bundok Crisobal
c. Sierra Madre
d. Bulkang Taal
2. Ilang lalawigan ang sinasakop ng Sierra Madre mula rehiyon II hanggang IV-A?
a. 100 c. 1
b. 10 d. 1 000
3. Ano ang tawag sa pinakamahabang ilog sa buong bansa na binabagtas ang hilagang-
kanlurang bahagi ng look ng Laguna hanggang sa look ng Maynila?
a. Rio Grande
b. Ilog ng Tanay
c. Ilog ng Marikina
d. Ilog Pasig
4. Gaano kahaba ang Ilog Pasig na binabagtas ang hilagang-kanlurang bahagi ng look ng
Laguna hanggang sa look ng Maynila?
a. 25 kilometro c. 20 kilometro
b. 15 kilometro d. 10 kilometro
5. Anong ilog ang nagmumula sa Sierra Madre sa Rodriguez, Rizal hanggang na
dumadaloy patungong timog-hilaga sa mga lungsod ng Pasig at Pateros?
a. Ilog Manila c. Ilog Marikina
b. Ilog Pateros d. Manila Bay

B. Iguhit ang masayang mukha ☺ kung nagpapakita ng wastong pangangalaga ang


sumusunod na pahayag sa mga anyong tubig at anyong lupa at malungkot na mukha
 kung hindi. Kopyahin sa notebook.

_____1. Palalawakin ang mga taniman sa pamamagitan ng pagpatag sa mga


kabundukan.
_____2. Lilinisin ang paligid ng mga ilog para manatiling malinis ang tubig patungong
kanayunan.
_____3. Pananatilihing ligtas ang mga kabahayan sa pamamagitan ng pagsusunog ng
mga patay na puno.
_____4. Pagtatanim ng mga punongkahoy sa kabundukan upang mapanatili ang kalinisan
ng mga ilog sa kapatagan.
_____5. Pangangalagaan ang iba’t ibang anyong tubig na nakapalibot sa buong rehiyon
para sa ating mga kabataan.
GAWAIN SA SCIENCE
A. Buoin ang pangungusap. Tukuyin ang maaring pagbabago sa bawat sitwasyon.
Piliin ang sagot sa kahon. Isulat sa notebook.

basa tunaw patuyuin lumiit matigas

1. Pagtitinda ng ice candy ang pinagkakakitaan ni Lina ngayong bakasyon. Nag-iipon


siya upang may baon sa darating na pasukan. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay
nawalan ng kuryente. Kinabukasan ay binuksan niya ang freezer at nakita niyang
__________ ang mga ito.

2. Nais ni Ian na kumain ng ice cream. Bumili siya nito sa 7-11. __________ pa ito dahil
kagagaling lang sa freezer. Inilapag muna niya sa mesa para lumambot.

3. Pagkatapos maligo, nakasanayan na ni Nena na __________ ng buhok gamit ang


blower.

4. Si Aling Nena ay bumili ng "solid air fresheners" para sa kanilang bahay. Ang kanyang
anak na si Lily ay nagtataka kung bakit __________ ang solid air fresheners sa paglipas
ng araw.

5. Madalas mapansin ni Lena na __________ ang mga damo sa kanilang hardin tuwing
umaga. Kapag tiningnan niya ang lupa, hindi naman umulan kinagabihan.

B. Ang sumusunod na pangungusap ay may mga mahahalagang konsepto na dapat


mong tandaan. Kopyahin ang mga pangungusap sa notebook at bilugan ang
salitang nagpapamali ng ideya ng pangungusap.

1. Kakaunti ang mga bagay na nakikita sa tahanan o paaralan na maaaring solid, liquid
o gas.
2. Ang mga kagamitang makikita sa palengke ay may masamang naidudulot sa ating
pang araw-araw na gawain.
3. May mga bagay na mayroong mabuting dulot sa mga tao, hayop at halaman kung
ito ay mali ang pagkakagamit.
4. Huwag tayong maingat sa paggamit ng mga bagay na matutulis, matatalim, maiinit,
mabibigat at ginagamitan ng kuryente.
5. Mahalagang malaman at isaisip ang wastong paggamit ng solid, liquid at gas upang
magkaroon ng aksidente at matutunan ang mabuting dulot ng mga ito.

You might also like