Finance Series WK 04 Filipino Ebook

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

FILIPINO WEEK 4

Ang sinabi ni Jesus sa


Pagiging Mapagbigay

WARM-UP

• Ano ang mga ginagawa mo para ipakita sa isang tao na


mahalaga siya sa iyo?

• Ano ang pinakamahal na regalo na binili mo para sa isang


taong mahal mo? Bakit napili mong ibigay ang regalong ito?

• Kung kaya mong bilhin ang kahit na anong bagay, ano ang
bibilhin mo at kanino mo ito ibibigay? Bakit mo ito gagawin?

WORD 34
”Alam ninyong nagtrabaho ako para matustusan ang
mga pangangailangan namin ng aking mga kasamahan.
35
Ginawa ko ito upang maipakita sa inyo na sa ganitong
pagsusumikap ay matutulungan natin ang mga dukha.
Lagi nating alalahanin ang sinabi ng Panginoong Jesus
na mas mapalad ang nagbibigay kaysa sa tumatanggap.”
^ MGA GAWA 20:34,35

Ipinaalala ni Pablo sa mga mananampalataya sa Efeso na ang


pagkakaroon ng yaman at mga ari-arian ay hindi lang para sa sarili
nating kaginhawahan at kaligayahan, kundi para makapagbigay
tayo sa mga nangangailangan. Ipinaalala pa niya na si Jesus mismo
ang nagsabi na mas mapalad ang nagbibigay kaysa sa tumatanggap.
Sa araw na ito, titignan natin ang tatlong dahilan kung bakit mas
mapalad ang nagbibigay kaysa sa tumatanggap.
Mapalad ang mga nagbibigay dahil nagagawa nilang
1 tumulong sa iba.
”Alam ninyong nagtrabaho ako para matustusan ang mga
34

pangangailangan namin ng aking mga kasamahan. MGA GAWA 20:34


^

Ang pagtulong isa iba ay pagpapakita ng pagmamahal. Kung


tumutulong tayo na matustusan ang mga pangangailangan ng
mga tao sa paligid natin, ipinapakita natin ang pagmamahal ng
Diyos sa kanila. Sinabi ni Jesus na mahalin mo ang Panginoon
mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang
buong pag-iisip at mahalin mo ang iyong kapwa katulad ng
pagmamahal mo sa iyong sarili (Mateo 22:37,39). Tayo ay
mapalad kung tayo ay nagbibigay dahil naipapakita natin ang
pagmamahal natin hindi lamang sa kapwa natin, kundi sa Diyos.
Ano ang sinabi ni Jesus sa Mateo 25:35-40 tungkol sa pagtulong
sa mga nangangailangan?

Mapalad ang mga nagbibigay dahil naipapakita nila


2 ang pagiging mapagbigay ng Diyos.
Ginawa ko ito upang maipakita sa inyo na sa ganitong
35

pagsusumikap ay matutulungan natin ang mga dukha. Lagi nating


alalahanin ang sinabi ng Panginoong Jesus na mas mapalad ang
nagbibigay kaysa sa tumatanggap.” MGA GAWA 20:35
^

Kaya nating maging mapagbigay dahil labis kung mabigay


ang Diyos sa atin. Gusto Niyang ipakita sa mga tao sa paligid
natin na Siya ay isang mapagbigay na Diyos. Tayo ay mapalad
dahil magagawa ng Diyos na ibigay sa atin ang higit pa sa mga
pangangailangan natin, para sa lahat ng panahon ay maging
sapat tayo sa lahat ng bagay, at lagi nating matutulungan ang iba
(2 Corinto 9:8). Kung nagbibigay tayo sa mga nangangailangan,
ipinapakita natin ang isa sa mga dakila nating pribilehiyo—ang
pagiging katulad ni Cristo. Ito ay isang dakilang pagpapala. Ano
ang ginagawa mo para makatulong sa mga nangangailangan sa
iyong komunidad? Sa paanong paraan ka nagiging mapagbigay
sa kanila?
Mapalad ang mga nagbibigay dahil higit pa ang
3 matatanggap nila kaysa sa ibinigay nila.
Magbigay kayo, upang bigyan din kayo ng Diyos. Ibabalik sa inyo
nang sobra-sobra at umaapaw ang ibinigay ninyo. Sapagkat kung
paano kayo magbigay sa iba, ganoon din ang pagbibigay ng Diyos
sa inyo.” LUCAS 6:38
^

Ipinangako ng Diyos na kung paano tayo magbigay sa


iba, ganoon din ang pagbibigay na gagawin Niya sa atin.
Nangangahulugan ito na habang nagtitiwala tayo sa pagbibigay
ng Diyos ng mga pangangailangan natin at bukas-palad
na nagbibigay sa iba, gagantimpalaan Niya ang pagiging
mapagbigay natin. Ginagantimpalaan tayo ng Diyos hindi
lamang ng pananalapi kundi ng katagumpayan, kaligtasan, at
kalusugan. Ayon sa Kawikaan 11:24,25, ano ang nangyayari sa
mga taong mapagbigay?

APPLICATION

• Nakikita mo ba ang Diyos bilang pinagmumulan ng lahat ng


kailangan mo, o minsan ay umaasa ka sa sarili mong kakayahan
na tustusan ang mga ito? Ano ang pwede mong gawin ngayon
para matutong mas maniwala sa Diyos?

• Ano ang pwede mong gawin ngayong linggo para mamuhay na


handang magbigay? Ano ang isang pangako sa Biliya na maaari
mong panghawakan tungkol sa bagay na ito?

• May kakilala ka ba na nahihirapang ipagkatiwala sa Diyos ang


kanyang pananalapi? Ano ang pwede mong gawin ngayong
linggo para tulungan siyang maniwala sa Diyos para sa mga
pangangailangan niya?
PRAYER

• Pasalamatan ang Diyos sa pagiging lubos na mapagbigay at sa


pagbibigay ng gantimpala sa lahat ng nagbibigay. Pasalamatan
siya sa pagsisiguro na hindi ka mauubusan.

• Ipanalangin na laging ipaalala sa iyo ng Diyos na maging


mapagbigay ka sa mga taong nangangailangan sa paligid mo.
Ipanalangin na lagi kang aasa sa Kanya para sa lahat ng mga
kailangan mo.

• Ipanalangin na sa pagiging mapagbigay mo, ang mga tao sa


paligid mo ay matuto rin na magtiwala sa Diyos para sa araw-
araw nilang pangangailangan.

NOTES

© 2018 by VICTORY®
Reserbado ang lahat ng karapatang pag-aari.

Lahat ng sipi ay mula sa ANG SALITA NG DIOS®


Karapatang Pag-aari © 2010 ng Biblica® Ginamit na may pahintulot mula sa
Biblica Publishing & Distribution Foundation, Inc.® Reserbado ang lahat ng pag-aari.

victory.org.ph

You might also like