w1 God Father Creator Filipino Ebook

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

FILIPINO WEEK 1

Ang Diyos – Ama at Tagapaglikha

NOTES

WARM-UP
• Ibahagi ang pinakamalikhaing bagay na ginawa mo nitong
nakaraang linggo.

• Ano ang pinakamahirap na gawain ang kinailangan mong


pagtagumpayan kamakailan lang?

• Ano ang isang bagay na nagustuhan mo sa iyong ama o sa isang


nagsilbing ama sa iyong buhay?
WORD Pero, Panginoon, kayo pa rin ang aming Ama.
Ang katulad ninyo’y magpapalayok, at kami
naman ay parang putik. Kayo ang gumawa sa
aming lahat. ISAIAS 64:8
^

Ang Apostles’ Creed ay isang talaan ng mga itinuro ng mga apostol,


halos 2,000 taon na ang nakaraan. Sa loob ng maraming siglo, ito ang
ginamit ng iglesya bilang pagbubuod ng mga Kristiyanong paniniwala.
Ang Creed ay nagsisimula sa pangunahing katotohanan na ang ating
Diyos ang “Amang Makapangyarihan, na may gawa ng langit at lupa.”
Sa araling ito, ating titingnan kung ano ba talaga ang kahulugan ng
pagiging Ama at Tagapaglikha, at kung paano ito makakaapekto sa
ating mga buhay.

1 Ang Diyos ang ating Ama.

Pero, Panginoon, kayo pa rin ang aming Ama. Ang katulad ninyo’y
magpapalayok, at kami naman ay parang putik. Kayo ang gumawa
sa aming lahat. ISAIAS 64:8
^

Ang Diyos bilang ating Ama ang simula ng ating


pananampalataya. Ito ang tumutukoy ng ating relasyon sa Kanya,
sa ating kapwa, at maging sa kung paano natin nakikita ang ating
mga sarili. Subalit ang ating pananaw tungkol sa pagiging Ama
ng Diyos sa atin ay maaaring manggaling sa relasyon na mayroon
tayo sa ating ama dito sa lupa. Bagamat mayroon tayong iba’t-
ibang larawan kung ano ba ang isang ama, sinasabi sa Bibliya na
ang ating Amang Diyos ay sagana sa pagmamahal (Mga Salmo
145:8) at Siya ay Ama ng mga ulila (Mga Salmo 68:5). Ano ang
katangian ng ating Ama sa langit? (Mga Salmo 103:8-14)
2 Ang Diyos ay Lubos na Makapangyarihan.

“O Panginoong Diyos, nilikha n’yo ang langit at lupa sa


pamamagitan ng kapangyarihan n’yo. Walang anumang
bagay na hindi n’yo magagawa.” JEREMIAS 32:17
^

Kung tayo ay nilikha ng Diyos, nangangahulugan ito na Siya


ay lubos na makapangyarihan. Dahil sa Siya ay lubos na
makapangyarihan, kaya Niyang gawin ang anumang gusto Niyang
gawin. Walang hangganan ang Kanyang kapangyarihan dahil
walang imposible sa Kanya. Sa tuwing haharap tayo sa pagsubok
sa ating buhay, maaari tayong manalig na ang makapangyarihang
Diyos ay malapit sa tuwing tatawag tayo sa Kanyang pangalan
(Mga Salmo 145:18). Walang hadlang na makapipigil sa Kanya.
Paano natin maititigil ang pagdududa tungkol sa kapangyarihan
ng Diyos? (Mga Salmo 18:30)

3 Ang Diyos ang ating Tagapaglikha.

Hindi ba ninyo alam o hindi ba ninyo narinig na ang Panginoon ay


walang hanggang Diyos na lumikha ng buong mundo? Hindi siya
napapagod o nanghihina at walang nakakaunawa ng kanyang isip.
^ISAIAS 40:28

Ang Diyos ang gumawa ng lahat ng bagay. Nilikha Niya tayo


batay sa Kanyang kagustuhan. Bago pa man Niya tayo binuo
sa sinapupunan ng ating ina, kilala na Niya tayo (Jeremias 1:5).
Sabihin man ng mundo na tayo ay isang “bagay” lamang,
sa Diyos tayo ay mahalaga. Sa kabila ng pagiging lubos na
makapangyarihan, inisip at ginawa tayo ng Diyos, upang
maranasan natin ang masayang relasyon sa piling Niya. Paano
mapapalakas ng katotohanang ang Diyos ang ating Dakilang
Lumikha ang iyong pananampalataya bilang isang Kristiyano?
APPLICATION
• Ano ang kaibahan ng pagkakakilala mo sa iyong ama dito sa lupa
at sa iyong Ama sa langit? Paano mo magagawang mas makilala
pa ang iyong Ama sa langit ngayong linggo?

• Naniniwala ka ba na ang Diyos ay iyong Ama at na Siya ay lubos


na makapangyarihan? Sa anong bahagi ng iyong buhay kailangan
mo ang himala ng Diyos?

• Sino ang maaari mong mabigyan ng lakas ng loob dahil sa


natutunan mo ngayon? Ano ang iyong sasabihin sa kanya?

PRAYER
• Pasalamatan ang Diyos dahil sa ang pananampalataya na naipasa
sa atin ay nakatutulong sa pagpapalakas ng ating paniniwala
bilang mga Kristiyano.

• Hingin sa Diyos na bigyan ka ng pananampalataya na lalo pang


manalig at mag-angkin ng mga ipinangako Niya sa iyong buhay.

• Ipanalangin na ang Salita ng Diyos ay maging totoo sa iyong


buhay at na magagawa mo Siyang ibahagi sa mga taong itinakda
Niya na makilala mo.

© 2016 by VICTORY®
Reserbado ang lahat ng karapatang pag-aari.

Lahat ng sipi ay mula sa ANG SALITA NG DIOS®


Karapatang Pag-aari © 2010 ng Biblica® Ginamit na may pahintulot
mula sa Biblica Publishing & Distribution Foundation, Inc.® Reserbado ang lahat ng pag-aari.
victory.org.ph

You might also like