Epp 5 Week 7 Las Done

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

TXTBK + QA LAS

Textbook based SANAYANG PAPEL Blg.7


instruction paired with sa EPP 5-Edukasyong Pantahanan
MELC-Based Quality
Assured Learner’s Kwarter : 2 Linggo: 7
Activity Sheet (LAS)

Pangalan________________________Baitang at Pangkat: _________________________

Guro: ___________________________ Petsa ng Pagpasa: __________________________

MELC 3: 1. Naisasagawa ang pagluluto (EPP5HE-Oj-29)


1.1 Naihahanda ang mga sangkap sa pagluluto
1.2 Nasusunod ang mga tuntuning pangkalusugan at pangkaligtasan sa paghahanda at
pagluluto ng pagkain
1.3 Naihahanda nang kaakit-akit ang nilutong pagkain sa hapag kainan (food
presentation)
Aralin: Paghahanda ng mga Sangkap sa Pagluluto ng Sinigang na Isda.

Sanggunian: Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran 5 Pahina: 163 - 170

Layunin: Naihahanda ang mga sangkap sa pagluluto.

Gawain Blg: 1 Pamagat: Sangkap sa Pagluluto Araw:1

KONSEPTO:

Mayaman sa mga prutas, gulay, karne at isda, lamang-ugat at mga butil an ating
bansa. Kaya napakaraming resipi ang magagamit sa paghahanda ng pagkaing maaaring
pampamilya o pambenta. Mahalaga sa lahat ay ang positibong saloobin, kahandaan, at
kawilihang gumawa na siyang mga sangkap upang mapabilis ang wastong pagkatuto at
malinang pa lalo ang kasanayan at kakayahan sa paghahanda ng pagkain.
Kailangang isaalang-alang ang paghahanda ng mga sangkap sa pagluluto gamit ang
resipi nito:
SINIGANG NA ISDA
Mga Sangkap:
5 tasang tubig

1/2 kilo isda(bangus)


1 maliit na pakete ng sinigang sa sampalok 1/2 kutsarang asin

4 piraso kamatis (hiniwa ng tig-aapat) 1 tali okra (buo)

1 piraso sibuyas (hiniwa ng tig-aapat) 2 piraso sili pansigang

7 piraso sitaw (pinutol sa 3" ang haba) 1 tali talbos ng kamote

Paraan ng Pagluluto
1.Hugasan at hiwain ang isda sa katamtamang laki.
2.Hugasan ang mga kamatis,sibuyas, sitaw at talbos nga kamote bago ito hiwain. Hugasan ang
okra.
3. Pakuluan ang pampaasim na sampalok, kamatis, sibuyas at siling pampaanghang.
4. Ilagay ang isda.
5. Isunod ang mga gulay ayon sa ganitong pagkakasunod-sunod: okra, talbos ng kamote
6. Timplahan ng asin ayon sa panlasa. Ihain nang mainit.

Panuto: Isulat sa loob ng hugis parihaba ang mga hindi angkop na sangkap upang ihanda sa
pagluluto ng sinigang na isda.

1/2 kilo isda (bangus) 1 cup ng suka


2 kutsarang mantika

1/2 kutsarang asin 1 piraso sibuyas


(hiniwa ng tig-aapat)

1 kutsarang asukal
1 pakete ng catsup

2 piraso sili pansigang


1 tali talbos ng
kamote
3 kutsarang toyo

4 piraso kamatis
7 piraso sitaw
Layunin:
Nasusunod ang mga tuntuning pangkalusugan at pangkaligtasan sa paghahanda at
pagluluto ng pagkain.

Aralin: Kaugaliang Pangkalusugan at Pangkaligtasan

Gawain Blg: 2 Pamagat: Pangkalusugan at Pangkaligtasan sa Araw: 2


Paghahanda at Pagluluto ng Pagkain
KONSEPTO:
Pangkalusugan at Pangkaligtasan sa Paghahanda at Pagluluto ng Pagkain
Kailangan ligtas ang naghahanda o nagluluto,gayundin ang mga pagkain na lulutuin.
1. Malinis, may sapat na liwanang at bentilasyon ang silid-lutuan o kusina.
2. Gumamit ng apron upang hindi marumihan ang damit at maglagay ng hairnet o bandana
sa ulo.
3. Hugasang mabuti ang mga kamay bago at pagkatapos maghanda ng pagkain
4. Ihanda ang lahat ng gagamiting sangkap at kasangkapan sa pagluluto upang maiwasan
ang abala.
5. Linising mabuti sa umaagos na tubig ang prutas, gulay, isda at karne bago balatan at
hiwain. Iwasang ibabad ito sa tubig upang hindi mawala ang sustansya.
6. Maging maingat sa paggamit ng matutulis at matatalim na kagamitan.
7. Tiyaking maayos ang kalang gagamitin.
8. Iangkop ang temperature ng paglulutuan para maiwasan ang pagkasunog ng pagkain.
9. Huwag iwanan ang niluluto upang maiwasan ang pag-apaw, pagkatuyo, o pagkasunog
nito.
10. Ilayo ang mga mukha sa kaldero o kawaling may takip kung iaangat ang takip.
11. Gumamit ng malinis na tela o potholder para maiwasan ang pagkapaso.
12. Timplahan ng tama ang pagkain. Uminom ng kaunting tubig kung muli itong titikman.
Iwasan ang sobrang patis, asin, suka, o betsin.
13. Ilagay ang gulay kung malapit na itong hanguin sa kalan upang maiwasan ang
pagkadurog o pagkalamog at di mawala ang sustansiya.
15. Isara ng maayos ang gas cylinder matapos itong gamitin.
16. Ilagay sa tamang lagayan ang pagkaing niluto at takpan ito.
17. Linisin at iligpit ang lahat ng gamit pagkatapos magluto, pati ang lugar na pinaggawaan.
Panuto: Isulat ang Tama kung ang isinasaad dito ay tama at Mali kung hindi.

__________1. Ihanda ang lahat ng gagamiting sangkap at kasangkapan sa pagluluto


upang maiwasan ang abala.
__________ 2. Linising mabuti sa umaagos na tubig ang prutas, gulay, isda at karne
pagkatapos balatan at hiwain.
___________3. Iangkop ang temperature ng paglulutuan para maiwasan ang pagkasunog
ng pagkain.
___________4. Maging maingat sa paggamit ng matutulis at matatalim na kagamitan.
____________5. Gumamit ng maruming basahan para gawing pot holder .

Layunin:
Naihahanda nang kaakit-akit ang nilutong pagkain sa hapag kainan (food presentation)

Aralin: Mga Alituntunin sa Paghahanda ng Mesa at Paghahain sa Hapag-Kainan.

Gawain Blg: 3 Pamagat: Paghahanda ng Nilutong Pagkain sa Hapagkainan Araw: 3-4


KONSEPTO:
Paghahanda ng Hapag-Kainan
Ang hapag-kainan ay nakahihikayat sa mga kakainin kung ito ay nakaayos nang
maganda. Ang estilo ng pagsisilbi sa hapag-kainan at table appointments gaya ng dinnerwares,
glasswares, flatware, at linens ay nararapat ibagay sa menu at okasyon.
May mga bagay na isinaalang-alang sa paghahanda ng hapag-kainan:
1. Punansang mabuti ang mesa ng malinis na tela. Patuyuin.
2. Lagyan ng table cloth; kung may salamin, lagyan ng placemat.
3. Pumili ng disenyong bagay sa okasyon.
4. Maglagay ng mga prutas sa isang lalagyan na magsisilbing center piece upang
magdagdag ng kulay at ganda sa mesa.
5. Ang mga kasangkapang gagamitin ay dapat malinis, walang mantsa at lamat.

Isaalang-alang ang sumusunod sa paghahanda ng kaakit-akit na pagkain:


1. Kulay
Magplano ng ihahandang pagkain na makulay at lubhang kaakit-akit.Tiyaking
magkatugma at magkakabagay sa isa’t isa halimbawa ng kulay pula, berde, at dilaw
sa gelatin at sa gisadong gulay.
2. Lasa
Tiyaking hindi masyadong maanghang, maalat, o kaya’y matabang. Ang panlasa
ay naaayon sa nais ng taong kakain.
3. Hugis at anyo
Partikular ang mga bata sa hugis at anyo ng mga sangkap ng pagkain. Ang
pagsasama-sama ng iba’t ibang hugis at anyo ay nagiging kaakit-akit sa paningin nila.
Halimbawa: gelatin na hugis bituin.
4. Pagkakaiba-iba ng Texture
Ang texture ng pagkain ay iba-iba. Maaaring malambot, malutong, gaya ng
Carrot stick, pipino stick, mamasa-masa, malambot at chewy.
5. Temperature
Ang ihahandang pagkain ay maaaring mainit at malamig. Ihain ang pagkaing
malamig kung ito ay dapat na malamig gaya ng salad; at mainit kung ito ay dapat na
mainit gaya ng soup.

Mga Paraan Ng Kaakit-Akit na Paghahanda ng Pagkain sa Hapag-kainan

1. Gumawa ng konsepto o drawing ng pagkain sa plato. Humanap ng inspirasyon mula sa


larawan o bagay at magplano ng gagawing gayak sa nilutong pagkain.
2. Pumili ng isa hanggang dalawang sangkap na ilalagay sa presentasyon ng pagkain. Gawing
simple lamang ito.
3. Gawing balanse ang nilutong pagkain. Pagtugmain ang mga kulay, hugis at tekstura ng
pagkain na siguradong makaaakit sa mga taong kakain.
4. Tiyaking wasto ang dami/sukat ng mga sangkap at ng nilutong pagkain bago ilagay sa
plato.Ito ay dapat na tumutugma din sa sukat/hugis ng plato.
5. Kailangan na ang pangunahing sangkap ng nilutong pagkain ang mangingibabaw sa
kabuuan at hindi ito matatakpan ng mga gayak, sarsa, at iba pang palamuti sa pagkain.
Panuto: Iguhit sa patlang ang kung ito ay nagsasaad ng kaakit-akit na paghahanda
ng pagkain kung hindi.
_______ 1. Tiyaking magkatugma at magkakabagay sa isa’t isa halimbawa ng kulay pula,
berde, at dilaw sa gelatin at sa gisadong gulay.
_________ 2. Ang pagsasama-sama ng iba’t ibang hugis at anyo ay nagiging kaakit-akit sa
paningin nila. Halimbawa: gelatin na hugis bituin.
_________ 3. Ihain ang sinigang kung nito ay malamig na.
_________ 4. Tiyaking wasto ang dami/sukat ng mga sangkap at ng nilutong pagkain bago
ilagay sa plato.
_________5. Gawing balanse ang nilutong pagkain. Pagtugmain ang mga kulay, hugis at
tekstura ng pagkain na siguradong makaaakit sa mga taong kakain.
_________6. Gumawa ng konsepto o drawing ng pagkain sa plato. Humanap ng inspirasyon
mula
sa larawan o bagay at magplano ng gagawing gayak sa nilutong pagkain.
_________7. Sa paghahanda nga hapagkainan punasan muna ng mabuti ang mesa ng malinis
na tela.
_________8.Ang mga kasangkapang gagamitin ay hindi na dapat linisan.
_________9. Kailangan na ang pangunahing sangkap ng nilutong pagkain ang mangingibabaw
sa kabuuan at hindi ito matatakpan ng mga gayak, sarsa, at iba pang palamuti sa pagkain.
________10. Tiyaking masyadong maanghang, maalat, o kaya’y matabang ang nilutong
pagkain.

Susi sa Gawain 3:
Pagwawasto
1.
Gawain 1: Gawain 2:

2 kutsarang mantika 1. Tama 2.


1 kutsarang asukal 2. Mali
3. Tama 3.
3 kutsarang toyo
4. Tama
1 pakete ng catsup 5. Mali 4.
1 cup ng suka
5.

6.

7.

8.

9.

You might also like