Kastila at Propaganda
Kastila at Propaganda
Kastila at Propaganda
PAMBANSA
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Nauunawaan ang mga konsepto,
elementong kultural, kasaysayan at gamit
ng wika sa lipunang Pilipino.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga
kaganapang pinagdaanan at
pinagdadaanan ng wikang Pambansa ng
Pilipinas.
KASANAYANG PAMPAGKATUTO 1. Natutukoy ang mga pinagdaanang
pangyayari / kaganapan tungo sa
pagkabuo at pag-unlad ng Wikang
Pambansa F11PS – Ig – 88
2. Nakasusulat ng sanaysay na
tumatalunton sa isang partikular na
yugto ng kasaysayan ng Wikang
Pambansa F11PU – Ig – 86
3. Natitiyak ang mga sanhi at bunga
ng mga pangyayaring may
kaugnayan sa pag-unlad ng
Wikang Pambansa F11WG – Ih –
86– If – 87
4. Nakapagbibigay ng opinyon o
pananaw kaugnay sa mga
napakinggang pagtalakay sa
wikang pambansa F11PN
DETALYADONG KASANAYANG 1. Matukoy ang mga pinagdaanang
PAMPAGKATUTO pangyayari / kaganapan tungo sa
pagkabuo at pag-unlad ng Wikang
Pambansa
2. Makasulat ng sanaysay na
tumatalunton sa isang particular na
yugto ng kasaysayan ng wikang
Pambansa
3. Matiyak ang mga sanhi at bunga
ng mga pangyayaring may
kaugnayan sa pag-unlad ng
Wikang Pambansa.
4. Makapagbigay ng opinion o
pananaw kaugnay sa mga
napakinggang pagtalakay sa
Wikang Pambansa.
Mga nakatakdang gawain sa pang- Unang araw- Basahin at unawain ang
araw-araw. mga pangyayari sa panahon bago
dumating ang mga kastila sa bansang
Pilipinas.
Panglawang araw- Ipagpatuloy ang
pagbasa at sagutin ang pagsasanay 1.
Pangatlong araw-
Pang-apat na araw-
KASAYSAYAN NG WIKANG
PAMBANSA
A. PANITIKAN SA PANAHON NG KASTILA(Krus
at Espada)
-Dumating sina Ferdinand Magellan at Miguel Lopez de Legazpi sa Pilipinas. Nalaman
nilang ito’y watak watak at maramingwika kaya binalak nilang sakupin. Hindi nila itinuro
ang kanilang wika sa Pilipino.Sa panahong ito naniniwala ang mga espanyol na mas
mabisa ang paggamit ng katutubong wika sa pagpapatahimik sa mamamayan.
Pinalaganap nila ang Kristyanismo, upang mas maging epektibo ito ay nag-aral ang
mga misyonerong Espanyol ng mga katutubong wika. Nasa kamay nila ang
pamamahala ng Simbahan at ng Edukasyon Dala ang mga akda na sumasalamin sa
kanilang pananampalataya. Maagang nagtatagtag ng mga paaralan ang simbahan.
Sinimulan ito ng mga misyonaryo sapagkat ang pangunahing layunin ng mga kastila ay
mapalaganap ang pananampalatayang Katolisismo ang edukasyong ibinigay sa mga
Pilipino ay balot ng mga araling panrelihiyon., Labing-apat ang katinig.
- Nang sinakop ng mga kastilang mananakop ang Pilipinas, Pilit na binago ng mga ito
ang kulturang pangkakatubo ng mga sinaunang Pilipino. Binura ng mga Espanyol ang
mga paganong pag-uugali ng mga katutubo, at pinakilala nila ang sariling bersyon nila
ng Alibata.
-Noong panahon ng Pre-kolonyal may labimpitong letra ng ating alibata, tatlo ang
patinig
DULANG PATULA
-Hindi totoong ang pagpasok ng relihiyong Katoliko sa Pilipinas ay napawi dahil ang
mga ritwal at seremonya sa pagkamatay ay isang tao ay patuloy pa rin.
1. Ang Karagatan- ay nangaling sa isang alamat tungkol sa isang dalagang
nawalan ng singsing. Ang binatang maghahanap ng singsing ang dapat sasagot ng
patula kapag nahanap ay matutuloy ang kasal kasalan kapag hindi malulunod ang
binate.
2. Duplo- Isang madulang pagtatalong patula karaniwang ginaganap sa
maluluwang ang bakuran.
3. Ang Tibag- Pagsasadula ng paghahanap ng Krus na pinagpasukan kay Kristo
nina Reyna Elena at Principe Constancio. Ito ay ginaganap sa buwan ng Mayo.
4. Ang Panunuluyan- Isang Posisyong ginaganap kung bispreas ng Pasko.
Isinasadula rito ang paghahanap ng bahay na matutuluyan ni Maria para sa nalalapit
niyang panganganak.
5. Ang Panubong- Isang mahabang tulang paawit bilang handog at pagpaparangal
sa isang dalagang may kaarawan.
6. Ang Karilyo- Isang Dulang ang mga nagsisiganap ay mga tautauhang karton.
7. Ang Cenakulo- Isang dulang naglalarawan ng buong buhay sa muling
pagkabuhay ng ating Panginoon. Ito rin ang PASYON.
Dalawang URI
a. Hablada-Hindi Inaawit kung hindi patula
b. Cantada- Ito ang Inaawit Katulad ng Pasyon
8. Ang Moro-Moro- Dula-dulaang ang usapan ay patula at karaniwang matataas
ang tono ng nagsasalita. Ito ay nagmula sa Europa. Hal: Amedato at Antone,
Rodolfo at rosamunda.
*Lumaganap ito at sinamantala nila ang pagkahilig nila sa teatro at sila’y nagpatayo:
Teatro Cornico, Tondo, Primitivo Teatro.
Pagsasanay: