Lecture Notes For Molave

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

Lektyur Notes sa Filipino

Wika, Kahulugan, Katangian at Kalikasan

Wika.

Ang wika ay isang sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos
sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong may iisang kultura. (Henry Gleason)

Itinuturing ang wika bilang saplot ng kaisipan; gayunman, mas angkop marahil sabihing ang
wika ay ang saplot-kalamnan, ang mismong katawan ng kasipan. (Thomas Caryle)

Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito
para magkaunawaan o makipagkomyunikeyt ang isang grupo ng mga tao. (Pamela Constantino
at Galileo Zafra)

Kalikasan ng Wika
* Pinagsama-samang tunog
* May Dalang Kahulugan
* May Gramatikal estraktyur
* Namamatay
* Dayversifayd

Katangian ng Wika
Dinamiko o buhay
Natatangi-
May antas/Level-
Kabuhol ng Kultura
Gamit sa lahat ng profesyon

Ang Wikang Filipino

Ang unang pariralang ginamit sa pagtukoy sa wikang pambansa ay ‘pambansang wika ng Pilipinas na
batay sa tagalog’ sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg 134 na nilagdaan ni Pangulong Manuel L.
Quezon noong Disyembre 30, 1937, alinsunod sa rekomendasyon ng unang Lupon ng Surian ng Wikang
Pambansa batay sa mga resulta ng mga pag-aaral na itinakda ng Batas Komonwelt Blg. 184, s 1936).

Pagkaraan ng 20 taon ng paggamit at pagtuturo ng wikang pambansa, nilagdaan ni Kalihim Jose E.


Romero ng Edukasyon at Kultura ang Memorandum Pangkagawaran Blg. 7 noong Agosto 13, 1959 na
nag-aatas sa paggamit ng katawagan “Pilipino” sa pagtukoy sa wikang pambansa upang maikintal sa
wikang pambansa ang di mapapawing katangian ng ating pagkabansa

• Sa bisa ng batas Komonwelt Blg. 570 (Hulyo 7, 1940) ang wikang pambanasa ay ipinahayag
bilang wikang opisyal simula Hulyo 4, 1946)
• Ang atas na iyon ay inulit sa Konstitusyon ng 1973 na nagsasaad na “hangga’t walang ibang
itinadhana ang batas, ang Ingles at Pilipino ang magiging opisyal na mga wika”.
• Ang kasalukuyang Konstitusyon (1987) ay nagtatadhana na “para sa mga layunin ng
komunikasyon at pagtuturo, ang mga opisyal na wika ng Pilipinas ay Filipino at hangg’at walang
ibang itinatadhana ang batas, Ingles”.

Katangian ng Wikang Filipino


• Pambansang lingua franca
• Pambansang wika at wikang opisyal
• Wika sa pagtuturo
• Isinaad ito sa Konstitusyon ng 1987, Art. XIV, Sek. 6:
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito ay
at salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Kasaysayan ng Wikang Filipino
1897 - kinilala sa Unang Republika sa Malolos sa Saligang Batas ng Biak-na-Bato ang Tagalog bilang
wikang pambansa at opisyal na wika sa kapuluan
Panahon ng Amerikano
• Laganap ang wikang Ingles bilang opisyal na wika sa paaralan at komunikasyon
• Gamit bilang wikang panturo
• Ang aralin ay tungkol sa Amerika
• Thomasites mga boluntaryong Amerikanong guro na ipinadala sa bansa noong 1901.
• -opisyal na itinadhana sa Konstitusyon ng Komonwelt ang pagkakaroon ng wikang pambansa.
Batas Komonwelt Blg. 184 – ipinatupad sa kautusang ito ang pagtatag ng SURIAN NG WIKANG
PAMBANSA (SWP). Naitatag naman ang ahensyang ito noong Oktubre 27, 1936.
1937 - Opisyal na nagkaroon ng wikang pambansa ang Pilipinas at tinatawag itong WIKANG
PAMBANSANG BATAY SA TAGALOG.
 Batayan sa pagpili sa Tagalog:
1. May maunlad na istruktura, mekanismo at nakalimbag na panitikan.
2. Naiintindihan at ginagamit ng nakararaming bilang ng mga Pilipino.
Mga Pinagpipiliang Wika:
1. Cebuano 5. Bicolano
2. Ilokano 6. Ilonggo/Hiligaynon
3. Tagalog 7. Pangasinan
4. Pampango 8. Samar-Leyte Waray

Panahon ng Hapon
1940- Unang itinuro ang wikang pambansang batay sa Tagalog sa mataas na paaralan sa mga
paaralang Normal.
Hulyo 4, 1946 – Naging opisyal na wika ang pambansang wika.
Manuel L. Quezon – Ama ng Wikang Pambansa
Lope K. Santos – Ama ng Balarilang Tagalog
1959 - nagpalabas ng kautusan ang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon na si Jose E. Romero na
tawaging Wikang Pilipino ang wikang pambansa bilang kapalit ng Tagalog.
1973 - ipinakilala ang konsepto ng pambansang wika na Filipino.
Hulyo 19, 1974- Nilagadaan ni Kalihim Juan L. Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ang
Kautusang Pangkagawaran Blg. 25, na nagtakda sa mga panuntunan sa pagpapatupad ng PATAKARANG
EDUKASYONG BILINGGWAL sa mga paaralan simula 1974-1975.
1987 – ang kasalukuyang 1987 Konstitusyon ay nagtalaga ng isang probisyong pangwika na WIKANG
FILIPINO ang maging wikang pambansa. Isinaad ito sa Art. XIV, Sek. 6 at sek. 7.
 Pinalawak rin sa taong ito ang PATAKARANG EDUKASYONG BILINGGWAL na unang itinadhana
noong 1974.

ANTAS NG WIKA

A. Pormal- ito ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na
nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika.
• Pambansa- salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/pambalarila sa lahat ng mga
paaralan. Ito rin ang wikang kadalasang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga paaralan.
• Pampanitikan o Panretorika- salitang gamitin ng mga manunulat sa kanilang mga akdang
pampanitikan.

B. Impormal- Ito ang mga bokabularyong dayalektal. Gamitin ang mga ito sa mga partikular na pook o
lalawigan lamang, maliban kung ang mga taal ba gunagamit nito ay magkikita-kita sa ibang lugar dahil
natural na nila itong naibubulalas. Makikilala rin ito sa pagkakaroon ng kakaibang tono, o ang tinatawag
ng marami nap unto.
• Lalawiganin-bokabularyong dayalektal
• Kolokyal-pang-araw-araw na salita na ginagamit sa mga pagkakataong impormal.
Hal. Nasa’n pa’no sa’kin sa’yo
• Balbal-sa mga pangkat-pangkat nagmumula ang mga ito upang ang mga pangkat ay magkaroon
ng sariling codes
hal. lodi

Mga teorya ng pinagmulan ng wika


Maraming haka-haka tungkol sa pinagmulan ng wika. Bukod sa dami-daming teorya ng iba't ibang
tao hindi padin maipaliwanag kung saan, paano at kailan talaga nagsimula ang wika. Tinatanggap ng mga
dalubwika na hanggang sa ngayon ay wala pa ring katiyakan ang iba't ibang teorya tungkol sa
pinagmulan nito. Isa itong palaisipang hanggang sa kasalukuyan ay hinahanapan ng patunay subalit
nananatili pa ring hiwaga o misteryo.

Teorya ang tawag sa siyentipikong pag-aaral sa iba't ibang paniniwala ng mga bagay-bagay na may mga
batayin subalit hindi pa lubusang napapatunayan. Iba't ibang pagsipat o lente ang pinanghahawakan ng
iba't ibang eksperto. Ang iba ay siyentipiko ang paraan ng pagdulog samantalang relihiyoso naman sa
iba. May ilang nagkakaugnay at may ilan namang ang layo ng koneksiyong sa isa't isa. Narito ang iba't
ibang teorya ng wika sa tulong ng talahanayan.

Tore ng Babel- bibliya


Bow-wow- tunog nang kalikasan, hayop
Ding-dong - tunog nang bagay2
Pooh-pooh-salitang tao, damdamin, emotions
Hey you- identidad ang wika, pagkakabilang, emotions with pakapin like nasakitan tas namalikas
Yo-he-ho- paggammit nang lakas
Yum-yum-kilos nang katawan
Ta-ta- compass nang kamay
Sing-song
Hey you!
Coo Coo- matanda gumaya ng bata
Babble Lucky- salita na permaninte pero hindi dapat ex. hot dog cooton candy wala namang candy
Hocus Pocus-mahika
Eureka! - nagiimbentu o nilikha
La-la- romance
Ta-ra-ra-boom-de-ay- ngsisimula sa ritual
Mama-
Rene Descartes- if nabunug ang half sa ulo opposite sa ulo ang maapektuhan naapektuhang ang
memory ug speech
Plato- wika ay niisity
Jose Rizal- biyayasa Panginoon ang wika
Charles Darwin- pakikipag sapalaran
Wikang Aramean
Haring Psammatichos- wika ay likas nasa sa iyo, inate

Limang Makrong Kasanayan sa Wika


1. Pakikinig
Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng sensoring
pandinigat pag-iisip. Aktibo ito dahil nagbibigay-daan ito sa isang tao na pag-isipan, tandaan at
ianalisa angkahulugan at kabuluhan ng mga salitang kanyang napakinggan.

Ito rin ay pagtugong mental at pisikal sa mensaheng nais ipabatid ng tagapagdala


ng mensahe.Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo ay may
ginagawa.

Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo ay may ginagawa. At
naririnig natin ang mga tunog na nagsisilbing stimuli. Ang stimuli na ito
ay dumaraan sa auditory nerve patungo sa utak
Kahalagahan ng Pakikinig
-Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan ng pagkuha ng impormasyon kaysa sa
tuwirangpagbabasa.
45% ay nagagamit sa pakikinig
30% ay sa pagsasalita
16% ay sa pagbabasa
9% naman sa pagsulat

Pamamaraan sa Mabisang Pakikinig


• Alamin ang layunin sa pakikinig
• Magtuon ng matamang pansin sa pinakikinggan
• Alamin ang pangunahing kaisipan sa pinakikinggan
• Maging isang aktibong kalahok
• Iwasang magbigay ng maagang paghuhusga sa kakayahan ng tagapagsalita
• Iwasan ang mga tugong emosyunal sa naririnig
• Tandaan ang mga bagay na nakita at napakinggan

MGA URI NG PAKIKINIG


1. pasiv o Marginal- di gaanong napagtunon nang pansin (nakikinig sa rdayu habang nagaaral)
2. atentiv- puno nang konsentrasyun
3. analitikal- pahusgang pakikinig (pagbigay nang reaksyun)
4. kritikal- mapanuring pakikinig, pagkakatulad
5. Apresyativ- mapagpahalagang pakikinig

IMPORMATIB na pakikinig- bagong impormasyun para malawak ang kaalaman


EBALWATIB na pakikinig- makabuo nang analysis
EMPATIK na pakikinig- pansariling karanasan
PASIBONG pakikinig- pagtanggap nang mensahi ngunit hindi nakapagdudulot ng anumang tugun
REFLIKTIB na pakikinig- makakatulong at suportib na pakikinig
KRITIKAL na pakikinig- pagsusuri pagpapakita nang emosyon kontrolado
METAKOMPREHENSYONG- pinakamataas na uri nang pakikinig
1. Deskriminatibo
Layunin;
• matukoy ang pagkakaiba ng pasalita at di-pasalitang paraan ng komunikasyon.
• binibigyan pansin ang paraan ng pagbigkas ng tagapagsalita at kung paano siya
kumikilos habang nagsasalita.

2. Komprehensibo
Kahalagahan:
• Maunawaan ang kabuuan ng mensahe.
• Maintindihan ang nilalaman at kahulugan ng kanyang pinakikinggan.
3. Paglilibang
Layunin:
• upang malibang o aliwin ang sarili
• ginagawa para sa sariling kasiyahan
4. Paggamot
Kahalagahan: matulungan ng tagapakinig ang nagsasalita na madamayan o makisimpatiya sa
pamamagitan ng pakikinig sa hinaing o suliranin ng nagsasalita.
5. Kritikal
Layunin:
• gumamit ng pagbubuo ng hinuha upang makabuo ng ganap na pag-aanalisa o pagsusuri
sa paksang narinig.
• Makabubuo ng analisis ang tagapakinig batay sa narinig
• Malinawan ang tagapakinig sa puntong nais niyang maintindihan

Mga elementong Nakaiimpluwensiya sa Pakikinig


1. Edad o gulang - kung bata maikli lang ang ineres sa matatanda mabuti ilang pakikinig
2. Oras -
3. Kasarian -
4. Tsanel -
5. Kultura -
6. Konsepto sa sarili -
7. Lugar - MGA URI NG TAGAPAKINIG
• Eager Beaver
• Sleeper -
• Tiger -
• Bewildered
• Frowner -
• Relaxed -
• Busy Bee -.
• Two-eared Listener –

MGA HADLANG SA PAKIKINIG

• Pagbuo ng maling kaisipan


• Pagkiling sa sariling opinion
• Pagkakaiba-iba ng pakahulugan
• Pisikal na dahilan
• Pagkakaiba ng kultura
• Suliraning pansarili

2. Pagsasalita
-Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at
nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap.

-- Pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng mga tao: ang nagsasalita at ang kinakausap

Mga Pangangailangan sa mabisang pagsasalita


• Kaalaman
• Kasanayan
• Tiwala sa Sarili
Mga Kasangkapan sa Pagsasalita
 tinig
 bigkas
 tindig
 kumpas
 kilos

3. Pagbasa

• Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan. Pagpapakahulugan


ito ng mga nakatitik na sagisag ng mga kaisipan.
• Ang pagbasa ay pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at
kaisipan sa mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina.
• Ang mpagbabasa ay susi sa malawak na karunungan natipon ng daigdig sa mahabang panahon.
• Ayon kay Arrogante, ang pagbabasa ay nakapagpapalawak ng pananaw at paniniwala sa buhay,
nakapagpapatatag sa tao na harapin ang mga di-inaasahang suliranin sa buhay.
• Ang pagbasa ay nakapagpapataas ng uri ng panlasa sa mga babasahin
• Ayon kay Thorndike, ang pagbasa ay hindi pagbibigay tanong lamang sa mga salitang binabasa
kundi pangangatwiran at pag-iisip.
• Ayon kay Toze, ang pagbasa ay nagbibigay ng impormasyon na nagiging daan sa kabatiran at
krunungan. Ito’y isang aliwan, kasiyahan, pakikipagsapalaran, paglutas sa mga suliranin at
nakapagdudulot ng iba’t ibang karanasan sa buhay.

Proseso ng Pagbasa
• Persepsyon-kinikilala sa hakbang na ito ang mga simbolong nakalimbag
• Komprehensyon-inuunawa ang mga kaisipang inihahatid ng mga nakalimbag na simbolo
• Aplikasyon-Paglalapat at pagpapahalaga sa kaisipang ibinahagi ng teksto
• Integrasyon-Pag-uugnay-ugnay ng mga bago at nagdaang karanasan sa pagbibigay-kahulugan sa
teksto
Mga Teorya
Teoryang Iskema
• Nagpapaliwanag na ang lahat ng ating kaalaman tungkol sa mga bagay-bagay ay napapangkat sa
dalawa:
Ayon sa dating kaalaman at karanasan na nagsisilbing saligan ng kaalaman ng mambabasa.
• Ayon sa kayariang balangkas ng dating kaalaman na tinatawag na iskemata.
Teoryang Bottom-up
• Tradisyunal na pananaw sa pagbasa na bunga ng impluwensiya ng teoryang behaviorist na
binibigyang pokus ang kapaligiran sa paglinang ng pag-unawa sa pagbasa.
• Ang pag-unawa sa teksto ay batay sa mga salita, pangungusap, larawan, dayagram, at iba pa.
Teoryang Top-down
• Tinatawag ding inside-out o conceptually-driven sa dahilang ang kahulugan o impormasyon ay
nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto.
Interaktib na Proseso
• Ang teksto ay kumkatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito, ang isang
mambabasa ay gumagamit ng kanyang kaalaman sa wika at mga sariling konsepto o kaisipan.
• Ito ay kombinasyon ng bottom-up at top-down na pagbasa.
• Isang proseso na gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan upang lubusang maunawaan ang
teksto.
Metakognitib na Pagbasa
Ang pag-unawa sa salita ay nakapaloob sa dalawang mahahalagang kasanayan:
• DECODING-kinikilala ang mga salitang binabasa at binibigyan ng kaukulang kahulugan.
• ENCODING-ang tekstong binasa at inuunawa ay inaayos at binibigyang anyo.

Kahalagahan ng Pagbasa
1. Pangkasiyahan – sa mga sandali ng kawalang-magawa sa halip na tumunganga o
magpakabagot sa mabagal na pagtakbo ng oras sa pagbabasa, makapupulot ng kasiyahan.
2.Pangkaalaman – maraming impormasyon tungkol sa mga bagay-bagay sa kapaligiran, sa mga
kabuluhan ng buhay ang matutuhan sa pagbabasa.
3. Pangmoral – kinababatiran ng mga aral sa buhay na mapanghahawakan sa araw-araw na
pakikihamok sa mga problemang sumusubok sa tao na magpapabago sa kanyang pananaw at
direksyon sa buhay.
4. Pangkasaysayan – nababalikan ang mga nakaraan, napag-iingatan ang pangakasalukuyan at
napaghahandaan ang kinabukasan sa tulong ng pagbabasa
5. Pangkapakinabangan – sa pagbasa nakakatuklas ng matatayog na kaisipan sa paglikha ng
mga bagay-bagay na nagsisilbing puwersa ng tao para lunsarin niya ang landas patungong
inisyatibo ng malayuning aktibidad.
6. Pampaglalakbay-diwa – dahil sa pagbabasa ang mga lugar na di pa nararating at hinahangad
ay nagkakaroon ng pamilyaridad gawa ng paglalarawan sa mga ito sa mga babasahin
Mga Paraan ng Pagbasa
• SCANNING- pagbasa nang mabilisan
• SKIMMING-pagbasa ng pasaklaw upang makuha ang pangkalahatang ideya o impresyon
• PREVIEWING- pagbasa na hindi agad nakatuon ang pansin sa nilalaman ng akdang babasahin.
Bagkus, sinusuri muna ang pangkalahatang kaanyuan ng akda.
• KASWAL- pagbasa ng pansamantala
• PAGBASANG PANG-IMPORMASYON- ang layunin ng pagbasang ito ay upang kumalap ng
mahahalagang impormasyon.
• Matiim na Pagbasa-nangangailangan ito ng maingat na pagbasa na may layuning maunawaang
mabuti ang binabasa para matugunan ang pangangailangan sa pananaliksik, atbp.
• MULING PAGBASA- isinasagawa ang muling pagbasa upang makabuo ng pag-unawa sa
kabuuang diwa ng materyal na binasa.
• PAGTATALA- pagbabasa na may kasamang pagtatala ng mahahalagang impormasyon upang ito
ay madaling maunawaan
Limang dimensyon sa pagbasa
1. Pag-unawang literal
2 Pagbibigay ng Interpretasyon
3. Mapanuri o kritikal na pagbasa-negative at positve
4. Paglalapat o Aplikasyon- natutu sa DIY
5. Pagpapahalaga

4. Makrong Kasanayan sa Pagsulat


Kahulugan ng Pagsulat
 Ang pagsulat ay isang paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kanyang maipahayag sa
pamamagitan ng mga simbolo. Ito ay isang paraan ng pagpapahayag kung saan
naiaayos ang iba’t ibang ideya na pumapasok sa ating isipan.
Kahalagahan ng Pagsulat
Mahalaga ang pagsulat dahil:
• kung marunong tayong sumulat makaaangat tayo sa iba dala na rin ng mahigpit na kompetisyon
sa ngayon.
• Makasasagot tayo sa mga pagsusulit na pasanaysay, pagbibigay ng ulat, pagtatala ng resulta ng
mga eksperimentasyon at paglikha ng mga papel pananaliksik dahil ito ay bahagi ng
pananagumpay.
• Sa daigdig ng edukasyon, kailangang sumulat tayo ng liham ng aplikasyon, paggawa ng balangkas
pangkaunlaran, gumawa ng anunsyo, umapila sa paglilikom ng pondo, sumagot sa pakiusap ng
mga kliyente at maramipang iba.

Proseso ng Pagsulat
Ang mabuting pagsulat ay nakukuha sa pamamagitan ng pagsasanay, ng maraming pagtatangka at pag-uulit
ng manuskrito. Maaari ring tularan ang iba at alamin ang kanilang pamamaraan sa pagsusulat lalo na’t
kinakailangan natin ito sa pakikipag-ugnayan sa buong mundo.
Pamamaraan ng Pagsulat
1. Pag-asinta (Triggering)- gap upang daan sa pagsulat
2. Pagtipon (Gathering) - evidence, references
3. Paghugis (Shaping)- hugis anv ating paksang susulatin
4. Pagrebisa (Revising)

Teoryang Romantiko
• Nakatuon sa ekspresibong nilalaman o pagtatangka ng manunulat na gamitin ang wika sa paglalantad
ng katotohanan.
• Tinatawag na sariling sikap dahil nakatutuklas ito ng mga ideya sa proseso ng pagsulat.
Teoryang Kognitib
• Inilalahad ang detalyadong paglalarawan kung paano nilikha ang isang dokumento o paghahanda ng
isang pagsusuri.
• Saklaw ang serye ng mga estratehiya sa pagbuo ng desisyon, pagpaplano ng teksto, pagsasalin ng plano
sa pangungusap at pagrerebisa ng mga tekstong nilikha.
Teoryang Sosyal
• Nilalayong maturuan ang mga mag-aaral kung paano magsulat para sa iba’t ibang audience o
mambabasa.

Mga yugto sa pagsulat


1. prewriting
2. unang burador (first draft)
3. revising
4. editing

Mga Uri ng Sulatin


Personal na Sulatin – impormal walang tiyak na balangkas at pansarili. Ito ang pinakagamiting uri ng sulatin
ng mga mag-aaral dahil nagagawa nilang damdamin, pag-iisip o di kaya’y tungkuling taglay nila sa kanilang
sarili.
• Transaksyunal na Sulatin – pormal, maayos ang pagkakabuo at binibigyang-pokus ang impormasyon o
mensaheng nais ihatid dahil komunikasyon ang pangunahing layunin ng ganitong sulatin.
• Malikhaing Sulatin – masining na paglalahad ng naiisip o nadarama at karaniwang binibigyang – pansin
ang wikang ginagamit sa sulatin. Ito’y ginagawa ng ilang tao bilang midyum sa paglalahad ng kanilang
sariling pananaw sa mga bagay sa paligid o di kaya’y isang libangan.

Bahagi ng Teksto
1. Panimula-Nagsisilbing pang-akit sa mga mambabasa upang basahin ang teksto. Nagpapakilala sa paksa.
2. Katawan- Mahalagang maisaalang-alang ang istraktura, nilalaman at kaayusan. Ito ang
pinakamahalagang bahagi ng anumang teksto. Nilalaman ang pinakakaluluwa ng isang teksto. Ang
Istraktura at order ang pinakakalansay.
3. Wakas- Panghuling bahagi ng teksto. Pangunahing layunin sa pagbubuo nito ay ang pag-iiwan ng isa o
ilang mahahalagang kakintalan sa mga mambabasa.

Uri ng teksto
1. Tekstong Eksposisyon/Ekspositori
Tiyakang naglalahad ng mga payak na pagpapaliwanag ng mga konsepto, mga iniisip at mga palagay sa
pansariling pananaw.
2. Tekstong Narativ/Naratibo
Nagsasalaysay ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari; nagpapakita ng mga impormasyon tungkol
sa mga tiyak na pangyayari, kilos at galaw sa mga tiyak na panahon.
3. Tekstong Deskriptiv/Deskriptibo
Naglalarawan ng mga katangian ng tao, bagay o lugar.
4. Tekstong Argyumenteytiv/Argumentatibo
Naglalahad ng proposisyon upang makahikayat at magpaliwanag.

5. Panonood
Kakayahang unawain ang mga imaheng biswal (visual images) at iugnay ang mga ito sa sinasalita o
binabasang teksto (Gorgis, 1999).
Kakayahang makapagbigay ng kahulugan sa mga nakikitang imahe sa bidyo, programa sa telebisyon,
pelikula, teatro, at iba pa..
Pagmamasid-Isa pang tawag sa Makrong Panonood

Iba't ibang "Imaheng Biswal"


• Larawang guhit
• Larawang kuha ng camera
• Bidyo at pelikula
• Multimedia

Uri ng Panonood

Kaswal o Panlibangang Panonood


Panonoood upang maaliw o nanonood lamang bilamg pampalipas oras
Diskriminatibong Panonood
Panonood upang negatibong mahusgahan ang kapwa o prejudiced na ang pagsusuri sa napanood/nakita
Kritikal na Panonood
Malalim at makabuluhan ang ginagawang pagsusuri/pagaanalisa sa nakita o napanood

Panonood Bilang Multidimensyonal na Proseso


Kognitibong Proseso

Emosyonal at Sikolohikal na Proseso

Estetikong Proseso

Moral na Proseso
Kognitibong Proseso
Ginagamit ng tao ang sarili niyang pag-iisip at paghuhusga sa pagbibigay ng kahulugan sa nakita o
napanood
Emosyonal at Sikolohikal na Proseso
Sa pag-unawa ng napanood/nakita, binibigyang halaga rin ng tao ang kanyang nararamdaman sa
paglilikha ng mga kahulugan
Estetikong Proseso
Nauunawaan ng isang tao ang kanyang napanood/nakita dahil nagdala ito sa kanya ng magandang
impresyon
Moral na Proseso
Nauunawaan ng tao ang kanyang nakita/napanood dahil sa taglay nitong values o pagpapahalagang mor
Apat na Paraan ng Pagpapahayag
1. Pagsasalaysay
2. Paglalarawan
3. Paglalahad
4. Pangangatwiran
Diskurso
- gamit ng wika na bunga ng komunikasyon na nagreresulta sa pagbubuo ng mga talata,
pagsisimula at pagpapatuloy ng kombersasyon nang may pagkakaugnay-ugnay ang paraan ng
paglalahad.
Teorya ng Diskurso
1. Etnometodolohiya. Pag-oobserba sa mga gawaing pantao.
2. Speech Act. Ang pagtanggap ng tagapakinig sa sinasalita o akto ng pagsasalita.
1. Locutionary meaning. Literaral na kahulugan
2. Illocotionary meaning. Epekto ng sinasalita o sinusulat sa tagapakinig/mambabasa.
3. Perlocutionary act- pagyaya pagpapasunod sa isang tao sa gustung mangyari
3. Teorya ng Akomodasyon. Pagbabago ng paraan ng salita ng tao upang umayon o di-umayon sa
paraan ng pagsasalita ng kausap.
Uri ng Akomodasyon
1. Convergence-kapag ginagaya ng kausap ang punto at paraan ng pananalita ng kaharap upang
iparamdam na kaisa o kabilang siya.
2. Divergence-kapag nananatili sa kanyang sariling identidad ang nagsasalita
Konteksto ng Komunikasyon
1. Intrapersonal-komunikasyon sa pagitan ng kanyang sarili.
2. Interpersonal-komukasyon sa pagitan ng isang tao sa isang tao.
3. Pampubliko (kontrolado)-kumunikasyon ng isang tagapagsalita sa kanyang mga tagapakinig
ngunit limitado at kontrolado.
4. Komunikasyong Pangmadla-komunikasyon ng isang pinuno/lider sa kanyang mga nasasakupan.
Barayti ng Wika
Ang wika ay nagkakaroon ng varyabilidad dahil sa heograpikal at sosyolohikal na impluwensiya ng
isang tagapa@0gsalita kaya nagkakaroon ito pagkakaiba o varyant.

Dayalek/Dayalekto- wikang subordineyt ng isang katulad ding wika. ( cebuano ozamiz)

Sosyolek- wikang ginagamit ng bawat partikular na grupo ng tao sa isang lipunan.

Idyolek- tumutukoy ito sa pekuliyaridad sa pagsasalita ng isang indibiwal


-
Ecolek- paraan ng paggamit ng wika sa loob ng bahay
-
Etnolek- paraan ng paggamit ng wika na iniugnay sa isang tiyak na etniko o kultural na subgroupo.
-

2 Uri ng Komunikasyon
• Berbal. Sinasalita o sinusulat ang pagpapahayag gamit ang wika.
• Di-Berbal. Inilahad ang pagpapahayag hindi sa pamamagitan ng pasalitang paraan bagkus sa
kilos, galaw, kumpas ng kamay at iba pa.
halimbawa kinesika, proksemika, chronemics, olfactorics, (pang amoy)
oculesics, subjectics, haptics, (touching) iconics, colorics, vocalics
Debelopment/Pagpapayaman ng Wikang Filipino
 Impluwensya ng Ibang Katutubong Wika sa Pilipinas
 Ang Panghihiram
 Ilan pang Paraan ng Pagpapaunlad
 Paghalaw
 Paglikha
 Pag-angkin
 Paglalapi
 Pagtatambal
 Pagdaragdag
 Idyomatikong Pagsasalin
 Paggamit ng mga salitang balbal

Gramatika at Istruktura ng Wikang Filipino

Malayo-Polinesyo – pamilya ng wika na kinabibilangan ng mga wika sa Pilipinas


Indonesian ng East Indies - sanga ng wika kung saan nabibilang ang mga wika sa Pilipinas.
28 titik – bumubuong titik sa binagong Alpabeto ng Wikang Filipino na binigkas sa paraang PA-INGLES
maliban sa ñ na bigkas Kastila.
Baybayin – paraan ng pagsulat ng mga katutubo at binubuo ito ng 14 na katinig at 3 na mga patinig.
ABECEDARIO- ang tawag sa alpabetong dala ng mga Kastila
- 30 titik
-Doctrina Cristiana
alpabetong ingles (amerikano)- 26 na titik (5 patinig 21 katinig)

Lope K. Santos- baralila nang tagalog

ABAKADANG TAGALOG – pumalit sa Baybayin/Alibata Silabaryo dahil sa impluwensya ng mga


Kastila. Ito ay may 20 na titik – 5 patinig, 5 katinig at 21 ponema.

alpabetong Filipino (1987)


28 titik (5 patinig 23 katinig) 25 ponema

Alpabetong Pilipino- tawag sa alpabeto noong magkaroon ng rebisyon at pagdaragdag ng 8 letrang


hiram.
Ponolohiya – pag-aaral ng mga makabuluhang tunog sa isang wika.
Ponema – ito ang pinakamaliit na makabuluhang tunog ng isang wika. Halimbawa: /a/, /b/, /s/ at /r/.
Pares Minimal – pares ng mga salita ito na magkaiba ang kahulugan at magkatulad ang kapaligiran
maliban sa isang ponema. Halimbawa: bala-pala; apa-aba
Diptonggo – Ito ay magkasunod na patinig at malapatinig sa loob ng isang pantig. Ito ay ang iw, iy, ey,
ay, aw, uy, at oy
Halimbawa: a-liw sa-baw a-ray gi-liw ba-taw
ta-ray
Klaster - Ito ay magkasunod na katinig sa loob ng isang pantig. Kilala rin ito sa tawag na KAMBAL-
KATINIG.
Halimbawa: pwer-sa dro-ga eks-tra

Haitus-gap at pagbabago sa pagbigkas ng mga ponema sa loon ng isang salita maestra


Morpolohiya – Pag-aaral sa pinakamaliit na bahagi ng salita na nagtataglay ng kahulugan.
Morpema- ang pinakamaliit na yunit ng salita na nagtataglay ng kahulugan.

Mga prinsipal na sangkap sa pananalita


Mga Anyo ng Morpema
1. Morpemang Ponema –ito ang ponemang ikinakabit sa isang salitang-ugat na nakapagbabago ng
kanyang kahulugan.
Halimbawa: senador (lalaki)
senador(a)
(ang /a/ ay pambabae kaya ito ay tumutukoy sa senador na babae.)
2. Morpemang Panlapi. Ito ang mga panlapi na nakapagpapabago ng kahulugan ng isang salita.
Halimbawa:
ma +ganda ka+ibig+an
3. Salitang-ugat. Ito ay mga payak na salitang walang panlapi.
Halimbawa:
lakad bahay tao
Pagbabagong Morpoponemiko
1. Ang Asimilasyon. Pag-asimila ng morpema ng isa tunog.

Asimilasyong Di-Ganap-kapag ang nangyayaring asimilasyon ay parsyal lamang at nananatili ang


unang letra ng salitang-ugat.
Halimbawa:
pansayaw, sindunong, magkasinlaki
Asimilasyong Ganap-kapag ganap na naasimila ang tunog ng salitang-ugat kapag ito ang
nilalapian ng pang,mang o sang .
Halimbawa
pananghalian, pamukaw, pamahalaan
2. Metatesis. Nagpapalitan ang ponema sa loob ng salita kapag nilalapian. May mga salita ring bukod sa
nagkakapalitan ang ponema, may nagaganap rin na pagtanggal ng tunog.
Halimbawa:
tanim + an nagiging tamnan (pagpapalit at pagkakaltas)
3.Pagkakaltas ng Ponema. Kapag nilalagyan ng hulapi ang salitang-ugat, may nawawalang ponema sa
loob ng salitang ugat.
Halimbawa
bukas+an = buksan
putul+in = putlin
4. Paglilipat-diin. Paglilipat ng diin ng isang salita dahil sa paglalapi.
Halimbawa
lúto + -an = lutúan
sáma + -an = samáhan
5. Pagpapalit ng Titik
Halimbawa
madunong marunong
Kadagatan karaga
6. May angkop- Pagsasama ng dalawang salita at nagpapahayag ng kabuuang diwa ng dalawang salita.
May pagkakaltas pa ring kasama rito.
tayo + na = tayna – tena, tana
wika + ko = ikako – kako
hayaan + mo = hamo
7. may sudlong (pagdaragdag ng ponema)
muntik + an = muntikanan
8. Reduksyon/Blending
Paglalagom ng mga salita o pagsasama-sama ng mga salita.
Hal. Tapsilog – tapa, sinangag, itlog
Punlay – punla ng buhay
Banyuhay – bagong anyo ng buhay

SINTAKS -Pag-aaral ng pagbubuo ng mga pangungusap o sentens.


Salita-yunit ng wika na nagdadala ng kahulugan at siyang bumubuo ng pangungusap
Paraan ng pagbuo ng Salita
Payak
Maylapi
Inuulit
Tambalan
Parirala -Lipon ng salita na walang diwa
Apat na Uri:
• Pang-ukol – binubuo ng pang-ukol at layon nito na maaaring pangngalan o panghalip. (sa Cebu)
• Pawatas (neutral)- binubuo ng pantukoy at pawatas na pandiwa; may panlapi: um, mag, ma,
mang, I, ibig, punla, tuto, hikayat, ibigay (umibig sa kapwa)
• Pariralang Panuring/Pariralang Pangngalan
Karaniwang nagsisimula sa pang-abay o pantukoy o pang-uri o pangngalan (malaking
tirahan,mabangong damit)
• Pangngalang-diwa – binubuo ng pantukoy at pangalang-diwa; pag + salitang ugat (pagdiskubre
ng )
SUGNAY
May simuno at panaguri na maaaring may buong diwa o hindi (clause).
• Makapag-iisa- may simuno at panaguri na may diwa (naglaba siya)
• Di-makapag-iisa – may simuno at panaguri ngunit walang buong diwa (dahil siya ay mayabang)
Dalawang uri ng pangungusap
• Pagpapanaguri/predikeytib
• Di-pagpapanaguri/Non-predikeytib
Pangungusap-ang pinagsama-samang mga salita o lipon ng mga salitang nagpapahayag ng buong diwa.
Binubuo ito ng panlahat na sangkap, ang panaguri at ang paksa subalit buo ang diwa

• Simuno- bahaging pinagtutuunan ng pansin sa pangungusap


• Panaguri- bahaging nagbibigay impormasyon sa paksa
PAGPAPANAGURI
• Pangungusap na may simuno/sabjek/tapik/paksa at panaguri/predikeyt
Mga Ayos ng Pangungusap
May dalawang ayos ang pangungusap:
• Karaniwan at di-karaniwan.
• KARANIWAN- kapag nauuna ang panaguri kasunod ang panaguro.
Hal. Bumili ng bagong sasakyan si Elsie.
• Di-kraniwan- o kabaliktaran, kapag nauuna ang simuno at nilalagyan ng pangawing kasunod
ang panaguri.
• Hal: Si Elsie ay bumili ng bagong sasakyan.

DI-PAGPAPANAGURING PANGUNGUSAP
Penomenal - Nagsasaad ng kalagayan ng panahong dulot ng kalikasan.
Halimbawa:Umuulan.
Umaaraw.
Lumilindol.
Mainit.
Temporal- Nagsasaad ng kalagayang panandalian o panahunan lamang.
Halimbawa: Bukas na.
Taglagas na.
Tagtuyot na.
Tagsibol na.
Mayo na.
Eksistensyal- Nagpapahayag ng pagkamayroon o wala.
Hal. Mayroon daw ganito roon.
May pangulong babae.
Walang dumating.
Paghanga- Nagpapahayag ng damdaming paghanga.Ginagamitan ito ng panlapi para sa kaantasang
pasukdol na napaka, ng kay na sinusundan ng salitang ugat.
Hal. Kayganda ng babaeng iyon!
Napakaganda ni Honey!
Sambitla/pandamdam -Tumutukoy sa mga iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng
matinding damdamin.
Halimbawa:
Aray!
Naku!
Aba!
Pamanahon- Nagsasaad ng oras o uri ng panahon
Hal. Maaga pa.

Pormularyong Panlipunan/Amenidad
Mga pagbati, pagbibigay-galang, atbp. na nakagawian na sa lipunang Pilipino.
Hal. Magandang umaga po.
Salamat po.
Walang anuman.
AYON SA GAMIT
Ang pangungusap ay may apat na uri ayon sa tungkulin, ito ay pasalaysay. Patanong, pautos at
padamdam.
Paturolna pangungusap ay tinatawag ding pasalaysay.Ito’y nagsasalaysay ng isang katotohan o
pangyayari.Ito ay binabantasan ng tuldok.
Hal. Si Jose Rizal ay kinikilalang bayani ng ating lahi.
Magkikita-kita ang aming pamilya sa pagdating ni Arlyn.

Patanong -ay nagpapahayag ng pagtatanong o pag-uusisa.Ito’y gumagamit ng tandang pananong.


Hal. Tutuloy ba kayo kina Tess at Lito pagdating sa Singapore?

Pautos- Ang pangungusap na pautos ay nagpapahayag ng pag-uutos o pakikiusap. Ito’y gumagamit ng


tuldok tulad ng pasalaysay.
Hal. Sagutin mo agad ang liham ni Joy.
Dalhin mo ang gamot sa ospital.
Padamdam -Ang pangungusap na padamdam ay nagpapakilala ng isang matinding damdamin ng
pagkabigla, pagkainis o pagkagalit.
Ito’y gumagamit ng tandang padamdam.
Hal. Naku! Binasag mo pala ang mamahaling plorera.
Kay ganda ng bansang Pilipinas!
Ayon sa Kayarian
Ang pangungusap ay may apat na kayarian: payak, tamabalan, hugnay at langkapan.
• PAYAK
Ang payak na pangungusap ay nagpapahayag ng iisang kaisipan, maaaring tambalan ang simuno
at panaguri na pinag-ugnay ng at.
Hal. Mang-aawit si Sharon.
Mang-aawit si Lea at Regine.
Artista at mang-aawit si Sharon.
Artista at mang-aawit sina Lea at Sharon.
• Tambalan - Ang tambalang pangungusap ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na
makapag-iisa. Samakatuwid ay nagpapahayag ng dalawang diwa at pinag-uugnay ng at, ngunit,
datapwat, subalit.
Hal. Mega star si Sharon at international star si Lea.
May kapansanan siya subalit napaglabanan niyang lahat ang pagsubok sa buhay.
• Hugnayan ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isa o
dalawang sugnay na di-makapag-iisa.
Pinangungunahan ng kung, kapag, sapagkat, upang, nang, pagkat, dahil sa.
May simuno at panaguri ang sugnay tulad ng pangungusap ngunit bahagi lamang ito ng
pangungusap.
Hal. Kung may pananalig ka sa sarili, magtatagumpay ka.
Nag-aral siya nang mabuti kaya mataas ang kanyang nakuha sa pagsusulit.

• Langkapan- Ang langkapang pangungusap ay binubuo ng dalawa o mahigit pang sugnay na


makapag-iisa at isa o mahigit pang sugnay na di-makapag-iisa.
Hal. Sapagkat nagsikap siya nang husto sa pag-aaral, nakakuha siya ng magandang trabaho at
naging maganda ang buhay ng kanyang pamilya.
Ginawa niya ang lahat para sa kanyang mga mahal sa buhay nangibang bansa siya para
magtrabaho ngunit hindi pa rin naging sapat iyon upang makita nila ang kanyang kahalagahan.
Bahagi ng Pananalita

Pangnilalaman Pangkayarian
1. Mga Nominal 2. Mga Pang-ugnay
a. Pangngalan a.Pang-angkop

a. Panghalip b.Pangatnig

c.Pang-ukol

2.Pandiwa 2.Mga Pananda

3.Panuring a. Marker
b. Pang-uri b.Panandang Pampanaguri
b.Pang-abay
• Pangngalan- Tumutukoy sa mga pangalan ng tao, hayop, pook, bagay, pangyayari. Ito ay
ginagamit sa pagtawag sa pangalan ng mga hayop, tao, atbp.
• Kasarian: Panlalaki, pambabae, di tiyak, walang kasarian
• Kaurian: Pambalana at pantangi
• Kailanan: Isahan, dalawahan, maramihan
Katuturan ng Pangngalan:
Basal-Anyong payak at pinagmulan ng ibang salita (dunong)
-hango mula sa salitang basal
Lansak-kalipunan o pangkat(koro,koponan)
Tahas-tiyak ang bagay(silid)
Patalinghaga-hindi tuwirang pantukoy sa isang bagay(ulo-ama ng tahanan, liwanag-katotohanan)
Panghalip- Paghalili sa pangngalan.
Hal. Ako, ikaw, siya, atin, amin, kanya
Uri ng Panghalip
• Panao-ako, kita, tayo, siya, sila
• Pamatlig-ito, iyan, iyon, nito, niyan, niyon, dito, diyan, doon
• Pananong-sino, kanino, para kanino
• Panaklaw- sinoman, gaanoman, alinman
• Pandiwa - Binubuo ng salitang-ugat at panlaping makadiwa ang pandiwang nagsasaad ng kilos.
• Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap.
• Naipapakita ito sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa.
Pokus ng Pandiwa -Nagkakaroon ng iba’t ibang pokus ang pandiwa ayon sa kung ano ang kaganapan ng
pandiwa sa posisyong pampanitikan o pansimuno ng pangungusap.
• Hal. Kapag ang kaganapang tagaganap ay ginawang paksa o simuno, ang pokus ng pandiwa ay
pokus ng tagaganap.
Pokus Aktor/Tagaganap
- Ang pandiwa ay nasa pokus sa tagaganap kapag ang paksa ng pangungusap ang tagaganap ng
kilos na isinasaad sa pandiwa.
Hal. Kumain ng suman at manggang hinog ang bata.
(Ang bata ay kumain ng suman at manggang hinog)
Pokus sa layon/Gol
-Ang pandiwa ay nasa pokus sa layon kung ang layon ay ang paksa o ang binibigyang-diin sa
pangungusap.
Hal. Kinain ng bata ang suman at manggang hinog.
(Ang suman at manggang hinog ay kinain ng bata.)
Pokus sa tagatanggap/Benepaktib
-Ito naman ay tumutunton sa tao o bagay na nakikinabang sa resulta o kilos na isinasaad ng
pandiwa.
Hal. Ibinibili ko ng ilaw na maganda ang pinsan kong nagbalikbayan.
(Ang pinsan kong nagbalikbayan ay ibinili ko ng ilaw na kapis.)
Pokus sa tagatanggap/Benepaktib
a Ito naman ay tumutunton sa tao o bagay na nakikinabang sa resulta o kilos na isinasaad ng
pandiwa.
Hal. Ibinibili ko ng ilaw na maganda ang pinsan kong nagbalikbayan.
(Ang pinsan kong nagbalikbayan ay ibinili ko ng ilaw na kapis.)
Pokus sa Ganapan/Lokatib
-Ang pandiwa ay nasa pokus sa ganapan kung ang paksa ay ang lugar o ganapan ng kilos.
Hal. Pinagtamnan ng gulay ng aming katulong ang bakuran.
(Ang bakuran ay pinagtamnan ng gulay ng aming katulong.)
Pokus sa Kagamitan/Instrumental
-Ito ay tumutukoy sa kasangkapan o bagay na ginamit sa pagsasagawa ng kilos o pandiwa na siyang
paksa ng pangungusap.
Hal. Ipinampunas ko ng mga kasangkapan ang basahang malinis.
(Ang basahang malinis ay ipinampunas ko ng mga kasangkapan.)
Pokus sa Sanhi/ Kusatib
-Ang pandiwa ay nakapokus sa sanhi kung ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng
kilos.
Hal. Ipinagkasakit niya ang labis na pagkababad sa ulan.
(Ang labis na pagkababad sa ulan ay ipinagkasakit niya)

Pokus sa Direksyon/Direksyunal
- Pinagtutuunan ng pandiwa ang direksyon o tintungo ng kilos.
Hal.Pinagpasyalan ko at ng aking mga panauhing kabilang sa Peace Corps ang Tagaytay.
(Ang Tagaytay ay pinagpasyalan ko ng aking mga panauhing kabilang sa Peace Corps.)

Resiprokal Pokus
-Kapag ang tinutukoy ang gumaganap at tumatanggap ng kilos ang pokus.
Hal. Nagmamahalan ang mag-asawa.
Nagsuntukan ang magkalaban
Aspekto ng Pandiwa
Perpektibo o Pangnagdaan- Ginanap na o natapos na
Imperpektibo o Pangkasalukuyan- Ginaganap at hindi pa natatapos.
Kontemplatibo o Panghinaharap- Gaganapin o hindi pa nasisimulan ang kilos.

Uri ng Pandiwa
• Payak- Ito ay ipinapalagay na ang simuno.
Hal. Lubos na malasin, mahirapan at masaktan ang mga nambababoy ng wikang ito.
• Katawanin
Ito ay may simuno ngunit walang layong tumatanggap.
Hal. Ang masipag at determinado ay nagtatagumpay.
• Palipat
Ito ay may simuno at tuwirang layon.
Hal. Naglinis ng silid si Juan.

Mga Uri ng Pandiwang Di-kraniwan


• Maykaltas- Ito ay kapag may titik o pantig na kulang sa salita.
Hal:
Kunin (Kuhanin)
damhin (damahin)
• Maylipat- Ito ay may titik na nag-iiba ng lunan sa loob ng salita.
Hal: Tupdin (tuparin), tamnan (taniman)
• Maypalit- Ito ay kapag mayroong isa o dalawang titik na napalitan ng iba.
Hal: Hagkan (halikan), datnan (datingan)
• Maypungos- Kung may titik o ponemang nawawala sa unahan ng salita.
Hal: awasan (bawasan), padala (magpadala)
• Maykutad
Hal: buksi (buksan), tingnan (tingni)
• Maysudlong- bukod sa may hulapi na ang salita ay hinuhulapian pa.
Hal: alala-alalahan-alalahanin
inom-inuman-inuminan
antabay-anatabayan-antabayanan
• Maypaningit - Kung may titik N na nagsisingit sa loob ng salita.
Hal: balisahin-balisanhin
bahaginan-bahaginhan
PANG-URI- Mga salitang-ugat na nagpapahayag ng katangian o mga salitang naglalarawan.
Kaantasan: lantay, pahambing, pasukdol
Kailanan: Isahan, maramihan
Pamilang: patakaran/kardinal, panunuran/ordinal, pamahagi, palansak (isa-isa), patakda
(iisa)

PANG-ABAY- Nagbibigay-buhay sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.


Kataga/ Ingklitik-mga katagang sumusunod sa unang salita ng pangungusap
Hal. Man, kasi, sana, nang, kaya, yata, tuloy, lamang//lang, din// rin, ba, muna, pala, na, naming,
daw//raw
Uri ng Pang-abay
Pamanahon- nagsasaad ng panahon ang uring ito. Sumasagot na tanong na kailan ginanap,
ginaganap o gaganapin ang sinasabi ng pandiwa sa pangungusap.
Hal. Dumating kahapon ang mga kamag-anak naming mula sa Maynila.
Panlunan-pook o lunang kinaroroonan o pinaggampanan ng kilos, saan o nasaan.
Hal. Pumasok sila sa mall upang magpalamig.
Pamaraan- kung paano ginaganap ang kilos. Sumasagot sa tanong na paano ginanap, ginaganap
o gaganapin ang isang kilos.
Hal. Masayang namumuhay ang mga mamamayan dahil sa kaunlarang kanilang tinatamasa.
Pang-agam- nagsasaad ng pag-aalinlangan o walang katiyakan. (marahil, tila, wari, siguro, baka)
Hal. Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa karagdagang sahod ng mga kawani ng
pamahalaan.
Pananggi- nagsasaad ng pagtanggi o hindi pagsang-ayon. (hindi, wala)
Hal. Hindi siya sasama sa field trip.
Panang-ayon- nagsasaad ng pagsang-ayon. (oo, opo, tunay, talaga)
Hal. Tunay na maraming pamilya ang nahihirapan sa kalagayan ng ating bansa.
Pangatnig - Ito ay ginagamit para ipakita ang relasyon ng mga salita sa pangungusap.Ito ay mga kataga o
salitang nag-uugnay ng isang salita o kaisipan sa isa pang salita o kaisipan sa isang pangungusap
Hal. Dahil, maging, man, gawa ng, upang, nang, para, samantala atbp.
Uri ng Pangatnig
Pamukod: ginagamit upang itangi ang isa sa isa pang bagay.
ni, maging, o, at, pati, saka

Paninsay/Pasalungat: ginagamit sa pagsasaad ng kasalungat.


subalit, datapwat, bagama’t, ngunit, bagkus
Panubali/panlinaw:nagsasaad ng panubali o pasakali
kung, kapag, pag
Pananhi: tumutugon sa tanong ns bskit, nagsasaad ng dahilan
sapagkat, dahil sa, palibhasa, kasi, kaya
PANG-UKOL (Preposition)- Mga katagang iniuugnay sa lugar, direksyon at kinauukulan. Nagsasaad ng
kaugnayan ng pangngalan p panghalip sa ibang salita sa pangungusap.
Hal. ayon sa, alinsunod sa,ukol sa, laban sa, para sa, ukol sa, laban sa, alinsunod sa, labag sa,
ayon sa, batay sa, tungkol sa, sang-ayon sa, ukol kay, kina, para kay, kina, laban kay, kina.

PANG-ANGKOP- Mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.


• Tatlo ang anyo ng linker: na, ng, g
Ginagamit ang na kapag ang salitang iniuugnay ay nagtatapos sa katinig maliban sa n.
• Hindi ito ikinakabit sa salita.
• Ang ng ay ginagamit kapag ang salitang iuugnay ay nagtatapos sa patinig. Ito ay ikinakabit sa
unang salita.
• Ang g ay ginagamit kapag ang salitang iuugnay ay nagtatapos sa n. Ito ay ikinakabit sa salita
Hal. Banig na plastic
Bolang Kristal
Bayang mapayapa
Pananda:
• Pangawing na ay
Ay- panandang pampredikeyt (matatagpuan lamang ito kung hindi karaniwan ang ayos ng
pangungusap.
Pantukoy: mga katagang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip na ginagamit na simuno.
Hal. Si/sina, ang/ang mga
SEMANTIKA

• Sistema ng pagbibigay ng kahulugan sa mga pangungusap


• Nauugnay ito sa pag-aaral ng kahulugan ng wika
MGA URI NG KAHULUGAN
• Denotasyon- tumutukoy sa literal na pagpapakahulugan sa grupo ng mga salita o pangungusap.
Ito ay ang kahulugang matatagpuan sa diksyunaryo
• Konotasyon-Tumutukoy sa di-literal na pagpapakahulugan sa grupo ng mga salita o
pangungusap. Ikalawang kahulugan na ikikabit sa salita. Ang konteksto ng kahulugan ay iba sa
nakaugalian o nakagawian na.
• Sinonim-salitang may magkatulad o magkaugnay na kahulugan.
• Antonim- salitang may magkasalungat ang kahulugan.
• Homofon- salitang magkapareho ng tunog o anyo subalit magkaiba ang kahulugan.
TAYUTAY - Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o
damdamin.

Uri ng Tayutay

Simile o Pagtutulad
Di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga
salitang:tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa.
Hal. Ang kaniyang kutis ay mamula-mula katulad ng rosas.

Metapora o Pagwawangis
Tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig. Nagpapahayag ito ng
paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing.
Hal. Ikaw ay tinik sa aking lalamunan.
Personipikasyon o Pagtatao o Pagbibigay-katauhan
Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao-talino, gawi, kilos
ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng
pandiwa at pangngalang-diwa.
Hal. Nagalak ang buwan sa kasiyahan ng mga tao sa lupa.
. Pagmamalabis o hayperbole
Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari,
kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan.
Hal. Nadurog ang puso niya sa labis na kabiguan.

. Senekdoke o pagpapalit-saklaw
Isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit.
Hal. Ang masang Pilipino ay umaasa kay PNoy.
Nais ko pong hingin ang kamay ng inyong dalaga.
Pag-uyam
Isang uri ng ironya na ipinapahiwatig ang nais iparating sa huli. Madalas itong nakakasakit ng
damdamin.
Hal. Tunay na napakahusay niyang magluto, kahit isa ay walang kumain sa kaniyang karinderya.

Pagpapalit-tawag o Metonomiya
Pagpapalit ng katawagan o ngalan ng bagay na tinutukoy.
Hal. Higit na makapangyarihan ang pluma kaysa espada.

Apostrope o Pagtawag
Isang panawagan o pakiusap sa paraang tila nakikipag-usao sa isang tao o bagay.
Hal. O, tukso, layuan mo ako.

Pagtanggi o Litotes- Gumagamit ng katagang “hindi” na nagbabadya ng pagsalungat o di-pagsang-ayon.


Ito’y may himig na pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig sabihin.

Tanong Retorikal
Tanong na ang layunin ay bigyang-diin ang isang uri ng damdamin, at di nangangailangan ng kasagutan.
Hal. Katarungan? Katarungan bang matatawag ang sinapit ko?

Oksimoron
Pagtatambal ng dalawang salitang magkasalungat na katanggap-tanggap.
Hal. Nakabibinging katahimikan ang sumalubong sa kanyang pagbungad niya sa pintuan.
Pagtatambis o Antithesis
Nagpapahayag ng magkasalungat na bagay o ideya.
Hal. Mahirap maging kaibigan ang babaeng iyan, naiinis sa maganda at sa pangit, naiinggit sa mayaman
at nayayamot sa mahirap.

Paglilipat-wika
Tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang
pang-uri.
Hal. Lumangoy ang kalunos-lunos na basahan.
Nangungulila ang kaawa-awang silid.

Pasukdol - pataas na pagpapahayag ng mga salita o kaisipan ayon sa kahalagahan nito mula sa
pinakamababa patungo sa pinakamataas na antas.
Hal. Ang Diyos ay namatay, ang Diyos ay nabuhay at muling magbabalik!

Paghihimig o Onomatopeya
Ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan o ang pagkakahawig
ng tunog ng salita at ng diwa nito.
Hal. Marami sa atin ang nadadala sa kalansing ng pera.

MGA SAWIKAIN AT SALAWIKAIN

Sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposiyonal- sa ibang salita,
hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo.
 Butas ang bulsa- walang pera
 Bahag ang buntot-duwag
 Kapilas ng buhay- asawa
SALAWIKAIN
• Ang mga salawikaing Pilipino ay mga tradisyonal na kasabihang ginagamit ng mga Pilipino batay
sa katutubong kalinangan, karunungan, at pilosopiya mula sa buhay sa Pilipinas.
Kapag ginagamit sa pang-araw-araw na pag-uusap, gumaganap ang mga salawikain bilang mga
pagbibigay diin sa isang punto o isang kaisipan ng paliwanag o dahilan:ang Pilosopiyang Pilipino.
Hal: Pagkahaba-haba man ng prosisyon, sa simbahan din ang tuloy.
Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.
Pag makitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot

Panitikan
• Ito ay sining na nagsasalaysay tungkol sa pamumuhay, pamahalaan, pananampalataya at mga
karanasan ng isang lipunan.
• Ito rin ay nagpapahayag ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan,
kalungkutan, pagkapoot at pangamba.
• Maaaring pasulat o pabigkas.
Mga akdang pampanitikan na nagdala ng impluwensya sa buong daigdig:
1. Banal na Kasulatan o Bibiliya
2. Koran – bibliya ng mga Muslim
3. Iliad at Odyssey – mitolohiya at paalamatan ng Gresya. Akda ni Homer.
4. Mahabharata – pinakamahabang epiko sa buong daigdig. Naglalaman ng kasaysayan ng
pananampalataya ng India.
5. Canterbury Tales – naglalarawan ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles. Sinulat ni
Chaucer.
6. Uncle Tom’s Cabin – akda ni Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos. Naging batayan ng
demokrasya.
7. Divine Comedia – akda ni Dante ng Italya. Nagpapahayag ng pananampalataya at pag-uugali ng
mga Italyano nang panahong yaon.
8. El Cid Compeador – nagpapahayag ng mga katangiang panlahi ng mga Kastila at ng kanilang
kasaysayang pambansa.
9. Awit ni Rolando – nagsasalaysay ng gintong panahon ng kakristyanuhan sa Pransya.
10. Aklat ng mga Patay – mitolohiya at teolohiya ng Ehipto
11. Aklat ng mga Araw – akda ni Confucio ng Tsina. Batayan ng mga Intsik sa kanilang
pananampalataya.
12. Isang Libo’t Isang Gabi – mula sa Arabia at Persia. Nagsasaad ng mga ugaling pampamahalaan,
pangkabuhayan at panlipunan ng mga Arabo at Persyano.

Panitikang Filipino sa iba’t Ibang Panahon:


• Panahon ng Katutubo:
Bago pa man dumating ang mga Kastila, mayroon nang sining at panitikan ang mga sinaunang
Pilipino.
Karamihan sa mga panitikan nila’y pagsasalin-dila gaya ng mga bulong, tugmang-bayan,
bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan na anyong patula, mga kuwentong-bayan, mga alamat at
mito na anyong tuluyan at ang mga katutubong sayaw at ritwal.
• Panahon ng mga Kastila:
Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang tatlong Gs – GOD, GOLD, GLORY.
Pangunahing layunin ay ihasik ang Kristiyanismo, maghanap ng ginto at upang lalong
mapabantog sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kanilang nasasakupan.
1. Pamaksang pananampalataya at kabutihang-asal
2. Panitikang panrebolusyon
Panahon ng Pagbabagong Isip
Kilusang Propaganda
1. Jose Rizal (Laong Laang)
Mga akda:
a. Noli Me Tangere
b. El Filibusterismo
c. Mi Ultimo Adios
d. Sa Aking Kababata/Kabata
e. Liham Para sa mga Kababaihang Taga-Malolos
f. La Juventud
g. Ang Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon
h. Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino

Marcelo H. del Pilar- Plaridel, Pupdoh, Piping Dilat, Dolores


Manapat
Mga akda:
a. Dasalan at Tocsohan
b. Sagot ng Espanya sa Hibik ng
Pilipinas
c. Diaryong Tagalog
3.Graciano Lopez Jaena
Akda: Fray Botod
4. Mariano Ponce – Tikbalang, Kalipulako, Naning
Akda: Pagpugot kay Longino -dula ng Moriones ng Marinduque
Kilusang Tahasang Paghihimagsik
1. Andres Bonifacio
Mga akda:
a. Katapusang Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya
b. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
c. Huling Paalam – unang salin sa Tagalog
5. Emilio Jacinto – Dimas Ilaw
Mga akda:
a. Kartilya ng Katipunan
b. A La Patria – obra maestra
c. Liwanag at Dilim – aklat ng mga sanaysay

5. Apolinario Mabini
Akda: El Verdadero Decalogo
6. Jose Palma
Akda: Himno Nacional Filipino – pambansang awit

Panahon ng mga Amerikano


Sa mga unang taon ng pananakop ng mga Amerikano bansa, sumulat ang mga Pilipino sa Kastila,
Tagalog at iba pang wikang panlalawigan. Nagsimula lamang umusbong ang mga panitikan sa Ingles
noong 1910 dahil sa mga bagong silang na manunulat.
Mga Manunulat
Cecilio Apostol – mga oda para kay Rizal
Claro M. Recto – natatanging mga talumpati
Lope K. Santos – Ama ng Balarila ng Wikang Pambansa
Jose Corazon de Jesus – Makata ng Pag-ibig
Jose dela Cruz – Huseng Sisiw
Severino Reyes – Walang Sugat – Ama ng Dulang Tagalog
Zoilo Galang – pinakaunang nobelistang Pilipino sa Ingles (A Child of Sorrow)
Lope K. Santos – Apo ng Mananagalog at Ama ng Balarilang Tagalog
Akda: Banaag at Sikat

Jose Corazon de Jesus – Huseng Batute, nakasulat 800 tula


Akda: Bayan Ko
Isang Punongkahoy – obra maestra Kahit Saan
Severino Reyes – Lola Basyang
Akda: Walang Sugat (sarsuela)
Aurelio Tolentino
Akda: Kahapon, Ngayon at Bukas
(dula)
Eriberto Gumban – Ama ng Panitikang Bisaya
Pedro Bukaneg – Bukanegan - Ama ng Panitikang Iloko
Juan Crisostomo Sotto – Crisotan – Ama ng Panitikang Kapampangan
Bb. Phathupats
Deogracias Rosario – Ama ng Maikling Kwento
Jose Garcia Villa – Doveglion
Akda: Comma Poems
Zoilo Galang – unang nobelang Ingles
Akda: A Child of Sorrow
Estrella Alfon – unang manunulat
na babae sa Ingles
Akda: The Gray Confetti
Zulueta de Costa
Akda: Like the Molave – pinakamahusay na tula ng 1940

Pananakop na Hapon
Ito ang tinaguriang Gintong Panahon ng Panitikang Filipino
Liwayway Arceo at Genoveva Edroza-Matute – mga feminista
haiku – 5-7-5
tanaga – 7-7-7-7

Dalawang anyo ng Panitikan


• Tuluyan o Prosa- maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay
nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.
• Patula –Pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang na pantig sa taludtod
na pinagtugma-tugma, at nagpapahayag din ng mga salitang binibilang ang mga pantig at
pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga taludtod sa isang saknong.

Uri ng Tuluyang Panitikan


• Alamat- Kwento tungkol sa pinagmulan ng isang pook, bagay o pangyayari
• Pabula- kwentong may aral na gumagamit ng mga hayop bilang mga tauhan
• Parabula- Isang maikling kwento na ginagamit para magturo ng isang aral o katotohan.
• Nobela- isang kwento na may mahaba-habang banghay para ito ay mahati sa iba’t ibang
kabanata.
• Maikling kwento- Isang pasalaysay ng isang mahalagang pangyayaring kinasasngkutan ng isa o
ilang tauhan
• Talambuhay- Kwento tungkol sa buhay ng isang tao.
• Sanaysay- Ito ay isang komposisyon na tumatalakay sa isang partikular na paksa
• Anekdota- maikling salaysay ng isang pangyayari o insidente na nakakapukaw ng interes ng
nakikinig o nagbabasa
• Talumpati- anyong tuluyan na nilikha para bigkasin sa harapan ng mga nakikinig
• Salaysay- kwento ng mahahalagang pangyayari sa isang lipunan o bansa na madalas ay may
pagpapaliwanag tungkol sa mga sanhi at bunga ng mga nasabing pangyayari.
• Balita- Isang pag-uulaty tungkol sa mga bagay na kasalukuyang nangyayari.
Uri ng Tula
Liriko- tulang nagpapahayag ng damdamin gaya ng kaligayahan, kalungkutan, poot, pag-ibig at iba pa.
 Soneto- may 14 taludtod
 Elehiya- tula ng panangis lalo na sa paggunita ng isang yumao
 Oda- tulang paghanga o pagpuri sa isang bagay
 Dalit- awit na pumupuri sa Diyos
 Pastoral- layuning maglarawan ng tunay na buhay sa bukid
Tulang Pasalaysay-Ito ay tulang may kuwento at may mga pangunahing tauhang gumagalaw. Ang mga
katangian ng mga bayani sa pakikidigma ang paksa nito.
 Epiko
 Awit at Korido
Tanaga – katutubong tula, 4 na taludtod bawat saknong, 7 pantig bawat
TULANG PATNIGAN- isang uri ng pagtatalong patula na ginagamitan ng pangagatwiran at matalas
na pag-iisip.
 Karagatan-paligsahan sa pagbikas ng tula na hango sa isang singsing ng prinsesa na nahulog sa
dagat.
 Duplo-paligsahan sa tula na ginaganap sa ika-9 na gabi sa bakuran ng namatayan matapos
mailibing ang patay bilang pang-aliw sa mga naulila.
 Balagtasan-isa pang tagisan ng talino sa pamamagitan ng palitan ng katwiran sa pamaraang
patula.
TULANG PANTANGHALAN/PANDULAAN-isang tulang dula na ang layunin ay pukawin ang kawilihan ng
mga manonood.
 Komedya – tagumpay ng pangunahing tauhan
 Trahedya – kamatayan o kabiguan ng pangunahing tauhan
Melodrama – karaniwang ginagamit sa lahat ng dulang musical. Dito, malungkot sa simula ngunit
nagiging masaya ang pagwawakas. Ang isang halimbawa nito ang Sarimanok na isinulat ni April Ann C.
Perdiguerra.
 Parsa – Ang parsa ay mga magkakabit-kabit o magkakadugtong-dugtong ng mga pangyayari ng
isang kwentong nakakatawa.
 Saynete-tungkol sa lugar kung saan nagsimula ang kwento ng pangunahing tauhan at sa pag-
uugali ng tao tulad ng pagiging mabait,masiyahin at maalalahanin.
Mga Anyo ng Tula
• Tradisyonal- (maysukat,maytugma)
• May Sukat, walang tugma
• Walang Sukat, may tugma
• Malayang taludturan (walang sukat, walang tugma)
AWITING BAYAN
• Naglalarawan ng kultura
• Nagtataglay ng sukat, tugma, kariktan at talinghaga na nilapitan ng ritmo/musika
Uri ng Awiting Bayan
• Oyayi- awit na pampatulog sa bata (lullaby)
• Diona- awit sa kasal o panliligaw (nuptial or courtship song)
• Soliranin-awit sa pananagwan (rowing songs)
• Talindaw-awit sa pamamangka (boat songs)
• Sambotani-awit ng tagumpay (victory songs)
• Tigpasin – awit sa paggaod sa dagat
• Dalit – awit na nagpaparangal sa Maykapal (hymns)
• Kumintang – war or battle songs
• Kundiman- love songs
• Indulin- awit na panlansangan
• Tingad- awit na pantahanan
• Philippine Festivals
• Ati-Atihan (Kalibo, Aklan)
• Sinulog (Cebu City)
• Dinagyang(Iloilo City)
• Panagbenga (Baguio City)
• Kaamulan (Malaybalay, Bukidnon)
• Moriones (Marinduque)
• Sandugo (Tagbilaran City)

You might also like