Fili 102
Fili 102
Fili 102
Sa modyul na isinulat ni Gonzales (n.d.) may apat nafacets ang sistema ng paglinang ng wika
ayon kina Haugen (1972) at Ferguson (1971). Ang paglinang na ito ay binubuo ng
● kodipikasyon, o pagpili ng wika o sistema ng pagsulat na gagamitin,
● istandardisasyon,
● diseminasyon o pagpapalaganap at elaborasyon o pagpapayabong nito.
Bahagi ng pagpapayabong ng wika ang paggamit nito bilang isang wikang panturo at higit sa
lahat ay Filipino bilang isang disiplina o larangan. Dumaraan man ito sa mga pagsubok sa
kasalukuyan, mananatili pa rin itong bahagi ng paglago at pag-unlad ng sistema ng edukasyon.
Mga Layunin
1. Maipaliwanag ang ugnayan ng mga tungkulin ng wikang Filipino bilang wikang pambansa,
wika ng bayan at wika ng pananaliksik na nakaugat sa pangangailangan ng sambayanan.
2. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng makabuluhan at
mataas na antas ng diskurso na akma at nakaugat sa lipunang Pilipino, bilang wika ng
pananaliksik na nakaayon sa pangangailangan ng komunidad at ng bansa.
3. Malinang ang adhikaing makibahagi sa pagbabagong panlipunan.
Isang baliktanaw sa kasaysayan ng wikang Filipino bago pa man ito tanghalin na opisyal na
wika ng Pilipinas hango sa lathalain ni Dir. Hen. Roberto Anonuevo.
Disyembre 30, 1937
- ipinoroklama ang wikang Tagalog bilang batayan ng Wikang Pambansa. Ito ay ayon sa
Saligang Batas ng 1935 kung saan ang Kongreso ay gagawa ng hakbang sa
pagpapaunlad at pagpapayaman ng wikang pambansa batay sa mga umiiral na
katutubong wika. Subalit ang proklamasyon ay magkakabisa lamang dalawang taon
matapos ang pagpapatibay nito.
Noong 1940, ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa ikaapat na taon sa lahat ng
pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa. Sinundan ito ng pagkakaroon ng bisa ng
Noong 1959, ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 ay ibinaba ni Kalihim Jose B. Romero,
Kalihim ng Edukasyon, kung saan ito ay nagsasaad na ang Wikang Pambansa ay tatawaging
Pilipino upang mailagan ang mahabang katawagang "Wikang Pambansang Pilipino" o Wikang
batay sa Tagalog.
Samantala, itinatag ang Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) upang magbalangkas ng mga
patakaran, mga plano at mga programa upang matiyak ang higit pang pagpapaunlad,
pagpapayaman, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at iba pang wika sa Pilipinas.
Nilalayon din ng samahan na ganyakin ang mga iskolor at manunulat na itaguyod ang wikang
Filipino sa pamamgitan ng pagbibigay ng insentibo tulad ng mga grant at award. Hinihikayat din
ng KWF ang paglalathala ng iba't ibang orihinal na obra at teksbuk at mga materyales na
reperensiya sa iba't ibang disiplina gamit ang Filipino at iba pang wika sa bansa
Sinabi naman sa artikulo ni Vitangcol III (2019) sa kanyang artikulong, "Ano ang Saysay ng
Wikang Filipino," na kahit ang dating Pangulong Aquino ay nagsabi na, "imbes na mga galos. at
pilat ang makuha dahil sa pagtatagisang-tinig, sana ay umusbong ang pagkakaunawaan at
pusong makabayan. May tungkulin ang bawat isa na palaganapin ang isang kulturang may
malalim na pagkakaintindihan sa isa't isa gamit ang isang wikang pinagbubuklod at pinagtitibay
ng buong bansa." Dagdag pa niya, "Wika ang dapat pagbubuuin tayo, hindi tayo dapat
paghihiwalayin." Malinaw sa pahayag na ito, na ang wikang Filipino ay sandatang nagbubuklod
sa lahat ng Pilipino saan mang dako ng mundo sila naroroon.
Sa panahon ng malawakang pangingibang bansa ng mga Pilipino, wikang Filipino pa rin ang
tanging nagbubuklod sa bawat isa. Wika pa rin ang simbolo ng kulturang pinagmulan na tanging
sandata ng mga Pilipino sa panahon na malayo sila sa kanilang bayan. Sa wikang ito nakaugat
ang mga adhikain na nagsisilbi nilang lakas laban sa mga hamon ng bansang umaalipin sa
kanila. Ngayon, sa panahon ng pandemya, saan mang sulok ng mundo ay naipararating ng
mga Pilipino sa kinauukulan ang kanilang kalagayan at tulong na inaasam Gamit ang sariling
wika, malinaw na naisasalaysay ang hinaing ng puso at pangungulila sa abang bayan na
pansamantalang nilisan para sa inaasam na magandang kinabukasan.
Yunit 2
FILIPINO SA HUMANIDADES, AGHAM PANLIPUNAN AT IBA PANG KAUGNAY NA
LARANGAN
Panimula
Kilala ang Pilipinas bilang isang multilingguwal na bansa na dumanas ng kolonyalisasyon mula
sa mga makapangyarihang kontinente tulad ng Europa, Hilagang Amerika at Asya na nagdulot
ng malawakang impluwensya hindi lamang sa kabihasnan at kultura ng mga Pilipino kung hindi
maging sa sinasalitang wika na pundasyon ng ating pagka-Pilipino. Lumipas na ang isang siglo
mula noong matamo ng bansa ang kalayaan mula sa kolonyalisasyon subalit buhay na buhay at
damang-damang pa rin ang anino ng kawalan ng kalayaan sa paraan ng pamumuhay, sistema
ng edukasyon lalo't higit sa wikang ginagamit bilang panturo sa iba't ibang larangan.
Sa yunit na ito, pag-uusapan kung ano ang mga kursong nasa ilalim ng humanidades at agham
panlipunan at kung ano na nga ba ang kalagayan ng wikang Filipino sa mga larangang ito.
Ganoon din, mababasa rito ang ilang halimbawa ng artikulo sa humanidades at agham
panlipunan na gumamit ng wikang Filipino.
Higit na nauna ang larangan ng Humanidades kaysa sa Agham Panlipunan subalit madalas na
nagkakasalimbayan ang dalawang larangang sapagkat maraming paksa at isyu na kapwa
tinatalakay ng mga ito, tao at lipunan. Marami sa mga teoretiko at pilosopikong pundasyon ng
agham panlipunan ay nagmumula sa humanidades.
Bawat larangan ay may tiyak na ser ng mga teminong ginagamit na tinatawag na REGISTER.
Ang mga salitang ito ay maaaring magkaroon ng:
● Isang kahulugan lamang dahil ekslusibo itong ginagamit sa isang tiyak na disiplina.
● Dalawa o mahigit pang kahulugan dahil ginagamit sa dalawa o mahigit pang disiplina.
● Isang kahulugan lamang sa dalawang magkaibang disiplina gawa ng pagkakaroon ng
ugnayan ng mga disiplinang ito.
LARANGAN NG HUMANIDADES
Ang pangunahaing layunin ng Humanidades ay "hindi kung ano ang gagawin ng tao, kundi kung
paano maging tao". Ang kaisipan, kalagayan at kultura ng tao ang binibigyang-tuon sa
pag-aaral ng larangang ito. Ang layuning ito ay sinugsugan ni J. Irwin Miller, na nagsabi na "ang
layon ng Humanidades ay ang gawin tayong tunay na tao sa pinakamataas na kahulugan nito"
na dinagdagan ni Newton Lee sa pagsasabi na "sana'y mapagtanto natin na ang edukasyon at
ang Humanidades ay dapat pahalagahan sa pagpapaunlad ng ating mga isipan at ng lipunan sa
kalahatan, at di lamang para magkaroon ng karera sa hinaharap". Ang larangang ito ay binubuo
ng Panitikan (Wika teatro), Pilosopiya (Relihiyon), Singing (Biswal; pelikula, teatro at sayaw,
Applied, graphics, Industriya (fashion, Interior) at Malayang Sining (calligraphy, studio arts, art
history, print making at mied media).
Ang ilan sa mga halimbawa ng mga pamamaraan at estratehiyang ginagamit sa mga lapit na ito
ay deskripsiyon o paglalarawan, paglilista, kronolohiya o pagkakasunod-sunod ng pangyayari,
sanhi at bunga, pagkokompara at epekto Samantala, mayroong tatlong (3) anyo ang pagsulat
sa larangan ng Humanidades batay sa layunin ayon kina Quinn at Irvings (1991). Ang mga ito
ay ang mga sumusunod:
2. Imahinatibo binubuo ng mga malikhaing akda gaya ng piksyon (nobela, dula, maikling
kwento) sa larangan ng panitikan, gayundin ang pagsusuri dito
4. Antropolohiya pag-aaral ng mga tao sa iba't ibang panahong ng pag-iral upang maunawaan
ang kompleksidad ng mga kultura at gumagamit ng participant-observation o ekspiryensiyal na
imersyon sa pananaliksik.
10. Arkeolohiya pag-aaral ng mga relikya, labi, artifact at monument kaugnay ng nakaraang
pamumuhay at gawain ng tao.
Kaiba sa Humanidades, ang maga sulatin sa Agham Panlipunan ay simple, impersoal, direkta,
tiyak ang tinutukoy, argumentatibo, nanghihikayat at naglalahad Di-piksyon ang anyo ng mga
sulatin sa larangang ito na madalas ay mahaba dahil sa presentasyon ng mga ebidensya ngunit
sapat upang mapangatuwiranan ang katuwiran o tesis.
Proseso
Sa kalahatan, may sinusunod na proseso sa pagsulat sa Agham Panlipunan. Ang mga ito ay
ang sumusunod:
b. Pagtukoy at pagtiyak sa paksa. Wala pa bang nakapgatatalakay nito? Kung mayroon na, ano
ang bagong perspektibang dala ng pagtalakay sa paksa? Paano ito matiba?
d. Pagtiyak sa paraan ng pagkuha ng datos. Maaaring gamitin ang interbyu, mass media,
internet, social media at new media, aklatan, sarbey, focus-group discussion, obserbasyon at
iba pa.
g. Pagsulat ng sulatin gamit ang lohikal, malinaw, organisado (simula, gitna at wakas), angkop,
sapat at wastong paraan ng pagsulat.
2. Translation is made possible by an equivalent of though that lies behind its verbal epressions
(Savory, 1968). Ang pagsasalin ay maaaring maisagawa sa pamamagitan ng pagtutumbas sa
ideyang nasa likod ng pananalita.
3. Translation is reproducing in the receptor language a text which communicates the same
message as the source language but using the natural grammatical and leical choices of the
receptor language (Larson, 1984). Ang pagsasalin ay muling pagbubuo sa tumatanggap na
wika ng tekstong naghahatid ng kahalintulad na mensahe sa simulaing wika subalit gumagamit
ng mga piling tuntuning gramatikal at leksikal ng tumatanggap na wika.
4. Translation is an exercise which consists in the attempt to replace a written message in one
language by the same message in another language (Newmark, 1988).
Ang pagsasalin ay isang pagsasanay na binubuo ng pagtatangkang palitan ang isang nakasulat
na mensahe sa isang wika ng gayon ding mensahe sa ibang wika.
Bilang kabuuan, sinabi ni Santos (1996), hango kay Batnag (2009), ang pagsasalin ay: "ang
malikhain at mahabang proseso ng pagkilala at pag-unawa ng mga kahulugan sa isang wika at
ang malikhain at mahabang proseso ng paglilipat ng mga ito sa kinilala at inunawang mga
kahulugan ng isa pang wika."
Uri ng Pagsasalin
1. Pagsasaling Pampanitikan nilalayon na makalikha g obra maestra batay sa orihinal na
akdang nakasulat sa ibang wika
2. Pagsasaling siyentipiko-teknikal - komunikasyon ang pangunahing layon
Nagsimula ang kasaysayan ng pagsasalin sa bansa noong dumating ang mga Español at
ipayakap ang Kristiyanismo sa mga Pilipino. Naging napakalaking suliranin para sa mga
Español ng wikang umiiral sa bansa sapagkat lubhang magkalayo ang pamilya ng mga wika sa
bansa at sa España. Ang Pilipinas ay mula sa Austronesia at ang Espanya ay kabilang sa
Indo-European. Napakihirap magkaunawaan kung dalawang magkaibang wika ang gamit.
Bilang tugon sa suliraning ito, nagsagawa ng pagsasalin ang mga Español ng mga aklat,
karamihan ay aklat ukol sa katesismo, na orihinal na nasusulat sa kanilang wika kakambal nito
ang layuning mabilis na pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa kapuluan. Maraming aklat
pampanitikan na nasulat ang mga paring misyonero na kadalasang tungkol sa moralidad at
wastong pagkilos lalo na sa kababaihan ang paksa bukod sa katesismo. Sumulat din sila ng
ilang aklat sa gramtika at bokabularyo gamit ang wikang katutubo na malaki ang naitulong sa
pag-aaral ng wika sa bansa.
Ayon kay Tanawan et al., (2007) malaking tulong din sa mabilis na paglaganap ng Kristiyanismo
at pag-aaral sa gramatika at bokabularyo ang pagpangkat sa mga prayle sa apat na orden na
naitalaga sa iba't ibang bahagi sa bansa. Ang mga Dominican ay naitalaga sa Pangasinan at
Cagayan, ang mga Franciscan ay sa Camarines, ang mga Heswita ay sa kalahati ng Bisaya at
ang mga Agustinian naman ay sa isa pang kalahati ng Bisya, Ilocos at Pampanga. Nagkaroon
ng sariling imprentahan ang mga lugar na ito upang higit na maging mabilis ang
pagpapalaganap ng Kristiyanismo at pagsulat ng mga aklat at babasahin tungkol sa pag-aaral
ng wika at gramatika.
Iba naman ang estratehiyang ginamit ng mga Hapon upang mapaniwala ang mga Pilipino sa
kanilang adhikain sa bansa. Ayon pa rin kina San Juan et al, ang Greater East Co-Prosperity
Sphere na may slogang Asyano para sa mga Asyano ang propagandang inilahad ng mga
Hapon sa mga Pilipino. Ang panahong ito ang itinuring na Gintong Panahon ng Panitikan dahil
sa paggamit ng wikang Tagalog o Pilipino (Filipino ngayon) sa pagsulat at pilit na pag-aalis sa
sistema ng mga Pilipino ng wikang Ingles. Ilang mga akdang pampanitikan din ang naisalin
noong panahong ito. Kadalasang may paksang politikal at panlipunan ang mga dula noon
samantalang ang mga maiikling kwento naman ay nasa anyong panitikang pambata.
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pagsasalin, hindi lamang ng iba't ibang akdang
pampanitikan kung hindi maging mga teknikal na akda. Naging napakalaking pangangailangan
ng pagsasalin sa kasalukuyang panahon dahil sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya ng
kompyuter at komunikasyon. Dahil dito, lalong lumakas ang pagkakakapit ng wikang Ingles sa
mga Pilipino dahil sa paniniwalang ito ang wika ng globalisasyon. Napakahalaga ng papel na
ginagampanan ng wika sa buhay ng bawat mamamayan, subalit mawawalan ito ng saysay o
kabuluhan kung hindi ito maiintindihan ng mga taong nakikinig o makababasa nito. Dito
pumasok ang pagsasalin, kung saan kailangan ang puspusang pagpapayabong at
pagtataguyod sa gawaing ito. Ang mga dalubhasa ay puspusan ang ginawa/ginagawang
pagsasalin sa mga pinakamahuhusay na akda, lokal man o banyaga upang lubos na
maipabatid sa mga Pilipino ang diwa at ganda ng iba't ibang kultura at kahusayan ng iba't ibang
kaalaman. Nakilala sa gawaing ito sina Rufino Alejandro, Belvez Paz, Virgilio Almario,
Buenvinido Lumbera at marami pang iba.
Nakikipagtulungan naman ang KWF, bilang isang konstitusyonal na ahensya, sa gawaing ito.
Patuloy ang isinasagawa nilang pagsasalin ng mga klasiko at pinakamahuhusay na akdang
pampanitikan sa daigdig. (Bisitahin ang kanilang website, www.kwf.gov.ph upang makita ang
ilan sa mga akdang kanilang isinalin.)
2. Napapaunlad ang korpus ng Filipino habang patuloy ang mga gawaing pagsasalin. Sa mga
katulad na inisyatiba, nabibigyang katumbas sa ating wika ang mga konsepto na tanging sa
Ingles o ibang wika natin nababasa. Maaaring ang pagtutumbas na ito ay dumaan sa
pagsakatutubo, adaptasyon, o lumikha man, ang mahalaga ay magkakaroon ang mga konsepto
ng mga tiyak na katumbas sa Filipino.
4. Nagtutulay ang pagsasalin, gamit ang mga naisaling akda, upang puspusang magamit ang
Filipino sa akademya partikular sa mga kolehiyo at unibersidad. Kung mga aklat at materyales
na panturo o sanggunian ang mga naisalin magiging mas madali na ang pagtuturo at hindi na
magiging dahilan ang kawalan ng kagamitan kaya hindi ginagamit ang Filipino sa mga kursong
wala pang nalilimbag na aklat sa Filipino.
5. Napauunlad nito ang pedagogical idiom sa isang larangan. Bagamat pagpapaunlad din ito sa
korpus ng Filipino, partikular na tinutukoy nito ang mga salita na magagamit para maituro nang
mabilis at episyente ang isang kurso gamit ang Filipino. Dahil sa mga naisaling akda, unti-unti
itong mabubuo ng mga gagamit ng Filipino sa pagtuturo ng iba't ibang larangan
*Para sa higit na malawak at malalim na talakay, sumangguni sa batayang-aklat nina San Juan,
David Michael et al., na may pamagat na SANGANDAAN: FILIPINO SA IBA'T IBANG
DISIPLINA.