Iskrip NG Aralin Sa Edukasyon Sa Pagpapakatao: Catch-Up Fridays

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

1

0
CATCH-UP FRIDAYS

ISKRIP NG ARALIN SA
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO

Kwarter 1 Linggo 8

Catch-Up Fridays
Iskript ng Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao
ISKRIP NG ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

Kwarter 1: Linggo 8
SY 2024-2025
PAUNAWA HINGGIL SA KARAPATANG SIPI
2024
Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa bilang 8293, na hindi maaaring magkaroon ng
karapatang sipi sa anomang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan kung saan ginawa ang akda upang pagkakitaan ito. Kabilang
sa maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang magpataw ng royalty bilang
kondisyon.
Ang iskrip ng aralin sa Filipino ay nilinang sa ilalim ng Kagawaran ng Edukasyon, para sa
implementasyon ng K to 12 Curriculum. Alinmang bahagi ng kagamitan na ito ay
pinahihintulutang kopyahin o paunlarin para sa layuning edukasyonal lamang bastat’ humingi ng
pahintulot at kilalanin ang may-ari nito. Hindi pinahihintulutan ang paghalaw ng anomang likha
mula rito kung ang layunin ay pangkomersyo o pagkakakitaan.
Ipinauunawa rin na ang kagamitang ito ay nabuo sa tulong ng mga impormasyon mula sa iba’t
ibang sanggunian na may karapatang sipi. Kung may pagkukulang sa pagsipi o iba pang
kamalian sa kagamitang ito ay hindi sinasadya at ang bumuo nito ay bukas sa anomang
pagwawasto.

MGA LUPON

TAGAPAGLINANG/ILUSTRADOR

CATHRINE B. TAPYOGON
Teacher III

TAGASURI TAGAPAGTIBAY

ESTHER MASIELLE FLORES, MAED MARILLIESE C. YANGKEN


Faculty, University of Baguio- Baguio City HTV

MGA KONSULTANT

CORAZON S. ALOS
Regional Education Program Supervisor ESP

JENNIFER P. ANDE, PhD


CES, Curriculum and Learning Management Division

RONALD B. CASTILLO, CESO V


Director III/assistant Regional Director

ESTELA P. LEON-CARIÑO, EdD., CESO III


Director IV/ Regional Director

2
Linggo 8 Araw 5

I. NILALAMAN, MGA PAMANTAYAN, AT MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO NG


KURIKULUM

A. Pamantayang
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa dignidad sa tao.
Pangnilalaman

Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita sa kapwang


B. Pamantayang
itinuturing na mababa ang sarili na siya ay bukod-tangi dahil sa
Pagganap
kanyang taglay na dignidad bilang tao.

C. Lilinanging
Paggalang sa tao na may dignidad at kawangis ng Diyos
Pagpapahalaga

D. Nilalaman Pag-unawa sa tao na may dignidad at kawangis ng Diyos

a. Napatutunayan na nakabatay ang dignidad ng tao sa kanyang


pagkabukod-tangi (hindi siya nauulit sa kasaysayan) at sa
pagkakawangis niya sa Diyos(may isip at kalooban).
E. Mga Kasanayang
Pampagkatuto
b. Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita sa
kapwang itinuturing na mababa ang sarili na siya ay bukod-tangi
dahil sa kanyang taglay na dignidad bilang tao.

a. Natutukoy ang pananagutan niya sa kapwa niya tao na may


dignidad at kawangis ng Diyos.

b. Nakatutukoy ng taong higit na nangangailangan ng tulong sa


F. Layunin paaralan o komunidad.

c. Nakagagawa ng plano sa pangangalap ng pundo para sa taong


natukoy na higit na nangangailangan ng tulong sa paaralan o
komunidad.
II. NILALAMAN

Paksa Pantay na pagtingin sa kapwa pananagutan mo, ko at nating lahat

Tuon ng Integrasyon Values Education

Tema Pananagutan (Accountability)

Pananagutan ng tao na tulungan ang ibang tao lalong lalo na ang


Pangunahing
mga higit na nangangailan ng tulong. Sa pamamagitan nito ay
Konsepto ng
naipaparamdam natin ang pagmamahal at kahalagahan nila bilang
Integrasyon
tao na may dignidad at kawangis ng Diyos.

III. MGA KAGAMITANG PANTURO AT PAMPAGKATUTO

A. Mga Sanggunian ✦ Rivera, Jamie. "Pananagutan." Ikaw Lamang ang Mamahalin. Star
Music, 2000. CD.
✦ Lopez, Jose. "Pananagutang May Dignidad." In Mga Tula ng Pag-asa,
edited by Maria Santos, 45-47. Manila: Pantas Publishing House,

1
ISKRIP NG ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

2019.

B. Iba pang Kagamitan


✦ Laptop at projector
✦ Manila paper o cartolina
✦ Mga marker o panulat
✦ PowerPoint presentation
✦ Kopya ng gawaing papel
✦ Kuwaderno

IV. MGA PAMARAANG PANTURO AT PAMPAGKATUTO

Bago Ituro ang Aralin

Guro: Magandang araw, mga mag-aaral! Noong mga nakaraang araw,


napatunayan na natin na nakabatay ang dignidad ng tao sa kanyang
pagkabukod-tangi (hindi siya nauulit sa kasaysayan) at sa pagkakawangis
niya sa Diyos(may isip at kalooban).
Panimulang
Gawain (5 minuto)
Ngayon, palalalimin pa natin ang ating pag-unawa sa mga ito sa
pamamagitan ng awit na ating aawitin at suriin. Bilang panimula ay
sasagutin muna ninyo ang limang aytem na tama o mali. Tumayo kung
tama ang isinasaad ng pangungusap at manatiling umupo kung mali.

1. Tanong: Ang bawat tao ay may natatanging dignidad dahil siya ay may
kakayahang mag-isip at magpasya.
Mag-aaral 1: Tama

2. Tanong: Ang dignidad ng tao ay hindi mahalaga dahil maaari naming


ulitin ang kanyang kontribusyon sa kasaysayan.
Mag-aaral 2:Mali

3. Tanong: Ang bawat tao ay may sariling natatanging pagkakakilanla na


hindi maaaring ulitin sa kasaysayan, kaya mahalaga ang kanyang
dignidad.
Mag-aaral 3:Tama

4. Tanong: Ang pagkakaroon ng isip at kalooban ay nakikita din sa ibang


nilalang kagaya ng mga hayop.
Mag-aaral 4:Mali

5. Tanong: Ang dignidad ng tao ay nakabatay sa kanyang pagkawangis


sa Maykapal at sa kanyang natatanging kakayahang mag-isip at

2
ISKRIP NG ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

magpasya.
Mag-aaral 5: Tama

Paalala sa guro: Iwasto ang sagot ng mga mag-aaral pagkatapos ay


tanungin ang bilang ng iskor nila. Hamunin ang mga mag-aaral na mas
lalo nilang maintindihan Kapag aktibo silang makilahok sa naihandang
gawain.

Guro: Sa araw na ito ay ating suriin ang tula para maintindihan ang mga
mensahe nito.

Inaasahan ko na sa pagtatapos ng aralin, matutukoy ninyo ang iyong


pananagutan sa iyong kapwa, makatukoy kayo ng taong higit na
Gawaing nangangailangan ng iyong tulong at makagawa kayo ng plano kung paano
Paglalahad ng kayo makatulong.
Layunin ng
Aralin (2 minuto)
Paalala sa guro: Ang mga layunin ng aralin ay mas magandang ipabasa
sa mga mag-aaral kung ito’y nakalagay sa PowerPoint na presentasyon at
bigyan ng kaunting pagpapaliwanag.

V. Habang Itinuturo ang Aralin

Gawaing Pag- Guro: Upang mas maunawaan natin ang aralin, mayroon tayong ilang
unawa sa mga mahahalagang salita na dapat nating tandaan. Hanapin sa kahon ang mga
Susing salita salitang kasingkahulugan ng mga salita sa bawat hanay at ilagay sa ibaba
ng mga ito.
/Parirala o
Mahahalagang
Konsepto Pambihira kapareho obligasyon

sa Aralin (3 Responsibilidad katulad pambihira


minuto)
Katumbas tungkulin kakaiba

Mga Mag-aaral:

Bukod-tangi kawangis Pananagutan

✦ Espesyal ✦ Katulad ✦ Responsibilidad


✦ Kakaiba ✦ Kapareho ✦ Tungkulin
✦ Pambihira ✦ Katumbas ✦ Obligasyon

3
ISKRIP NG ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

Paalala sa guro: Iguhit ang pormat sa pisara para doon isulat ng mga
mag-aaral ang kanilang mga sagot kagaya ng nasa taas.

Habang Itinuturo ang Aralin


Pagbasa sa
Mahahalagang Guro: Ngayon, ating babasahin ang isang tulang pinamagatang
“Pananagutang May Dignidad” ni Jose Lopez. Habang binabasa ay tukuyin
Pag-unawa/
kung ano ang pananagutan mo sa kapwa mo na nagpapatunay na
Susing Ideya (8
minuto) nakabatay ang dignidad niya sa pagkabukodtangi niya bilang tao at
pagkawangis niya sa Diyos.

Paalala sa guro: Ipabasa nang malakas at tamang baybay ang tula.


Pwedeng basahin ng mga lalakit ang unang talata, mga babae sa ikalawang
talata at ang ikatlong talata ay basahin ng lahat.

Panagutang May Dignidad


Ni Jose Lopez

Sa bawat tao’y may taglay na dangal,


Pagkakawangis sa Diyos, ang ating asal,
Kaya’t sa bawat kilos at bawat galaw,
Pananagutan sa kapuwa’y ating isaalang-alang

Sa pakikitungo, dapat may respeto,


Pag-ibig at malasakit, ating ilaan dito,
Sapagkat ang dignidad ng bawat isa,
Ay gabay sa ating gawin at pagpapasya.

Ang ating mga gawa’y may malaking halaga,


Sa bawat tao’y may hatid na pagbabago at saya,
Kaya’t sikapin nating maging tapat at mapagmalasakit,
Sa kapuwa’y magbigay, ng buong-pusong paglingap at aruga.

Guro: Bilang pangdalawahang gawain, sagutin ang mga sumusunod na


tanong sa iyong kuwaderno. Pagkatapos ay humanda sa pagbabahagi ng
sagot. Gawin ito ng tatlong minuto.

Paalala sa guro: Tatawag ka ng magbahagi ng sagot pagkatapos ng


tatlong minuto kahit hindi natapos sagutin ng lahat. Ang mahalaga ay
mapakinggan nila ang tamang sagot.

Guro: Ano ang taglay ng bawat tao na wala sa ibang nilalang?

Mag-aaral 1: Ang taglay ng bawat tao na wala sa ibang nilalang ay dangal

4
ISKRIP NG ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

o dignidad.

Guro: Bakit kawangis natin ang Diyos?


Mag-aaral 2: Kawangis natin ang Diyos dahil tayo ang biniyayaan ng
dignidad.

Guro: Bilang mapanagutang tao, paano dapat tayo makitungo sa ating


kapwa?

Mag-aaral 3: Sikapin nating maging tapat at mapagmalasakit at buong


pusong paglingap at aruga ay ibigay.
Pagpapaunlad ng Guro: Ngayon, awitin natin ang awit na pinamagatang “Pananagutan.”
Pagkatapos ay mayroon kayong sasagutin na mahahalagang tanong.
Kaalaman at
Kasanayan sa
Mahahalagang
Pagunawa/Susing Paalala sa guro: Kung may nakakaalam, awitin ang awit kasama sila para
Ideya (7 minuto) sundin ng mga iba. Kung walang nakakaalam ituro o ipatugtog muna ang
awit.

Pananagutan
Ni Jamie Rivera

Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang


Walang sinuman ang namamatay para sa sarili lamang

[Refrain]
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't-isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling nya

Sa ating pagmamahalan at panglilingkod sa kanino man Tayo'y


nagdadala ng balita na kaligtasan. [Refrain]

Sabay-sabay ngang mag-aawitan ang mga bansa


Tayo’y ‘tinuring ng Panginoon bilang mga anak. [Refrain]

Guro: Ngayon sagutin ang mga sumusunod na tanong: Sino ang may
pananagutan sa atin at sa kapwa natin?
Mag-aaral 1: Ang may pananagutan sa atin ay ang kapwa natin at ang
may pananagutan sa kapwa natin ay tayo.

5
ISKRIP NG ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

Guro: Ano ang pananagutan natin sa ating kapwa?


Mag-aaral 2: Ang pananagutan natin ay mahalin at paglingkuran ang
kapwa.

Guro: Bakit tayo ang may pananagutan sa isa’t isa?


Mag-aaral 3: Tayo ang may pananagutan sa isa’t isa dahil tayo ang may
dignidad na pinagkalooban ng Diyos ng isip at kalooban.

Paala sa guro: Hikayatin ang mga mag-aaral na magbahagi ng kanilang


mga sagot sa mga katanungan.

Pagpapalalim ng Guro: Ngayong natutunan natin at napaalalahanan tayo sa ating


pananagutan sa ating kapwa. Sino-sino sa palagay ninyo ang higit na
Kaalaman at
nangangailang ng ating tulong?
Kasanayan sa
Mahahalagang
Pag-unawa/ Mag-aaral 1: Ang mga taong higit na nangangailangan ng ating tulong ay
Susing Ideya (8 ang mga taong may kapansanan, malubhang sakit, matatandang walang
minuto) anak at mga kamag-aral nating nabubulas.

Guro: Sa bilang na 7-10 na grupo tumukoy ng isang tao na tutulungan


bilang pagsasabuhay sa ating aralin. Pag-usapan kung paano kayo
makatulong sa kanya. Magbigay din kayo ng pangalan ng grupo ninyo
kagaya ng grupong MATULUNGIN, MAPAGMALASAKIT, MAUNAWAIN at iba
pa. May ibibigay akong pormat kagaya nito.

Pangalan ng
grupo

Pangalan ng
mga miyembro

Pangalan ng tao
o mga taong
tutulungan

Dahilan kung
bakit siya/sila
nangangailang
ng tulong

Klase ng tulong
na ibibigay

Mga hakbang na
gagawin sa

6
ISKRIP NG ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

pagtulong

Kailan gagawin

Inaasahang
bunga ng gawain

Paalala sa guro: Ihanda bago ang klase ang gawaing papel para makatipid
ng oras.

VI. Pagkatapos Ituro ang Aralin

Paglalapat at Guro: Matapos nating pag-aralan ang awit na “Pananagutan” magbigay ng


Paglalahat (7 mga birtud na iyong ibibigay sa kapwa mo tao upang maiparamdam at
minuto) maipakita ang kanyang kahalagahan bilang nilalang na may dignidad at
kawangis ng Diyos. Gamitin ang salitang PANANAGUTAN bilang akronim sa
pagbibigay ng mga pagpapahalagang iyon.

Paalala sa guro: Magbigay ng halimbawa gamit ang ibang salita kasi


Kapag ang salitang pananagutan ang ibigay na halimbawa, baka basta na
nilang kokopyahin. Ang halimbawa na sagot na naibigay ay para sa iyong
gabay.

Halimbawa na Sagot

P Paggalang, pagmamalasakit at pagmamahal

A ay ibigay ko sa bawat

N nilalang na kagaya ko dahil tao lang

A ang nabigyan ng dignidad

N na kung saan dito nakabatay

A ang kanyang pagkabukod-tangi at pagkawangis sa


Diyos.

G Gagamitin ko ang aking pagkabukod-tangi at


pagkawangis sa Diyos

U upang makatulong at makapaglingkod sa kapwa ko

T Tao

A At sa pamamagitan nito ako ay magiging mapanagutang

N Nilalang.

Guro: Sa mga gawaing ating ginawa ay pinapaalala sa atin na sa lahat ng


nilalang tayo lang ang may dignidad at kawangis ng Diyos. Ito ay dahil sa
tao lang ang may abilidad na makapag-isip, umunawa at magmahal.

7
ISKRIP NG ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

Bilang pasasalamat sa katangiang ibinigay ng Diyos sa atin ay mahalagang


mamuhay tayo ng may dignidad sa pamamagitan ng pagiging magalang,
matulungin at mapagmahal na tao.

Pagtataya ng Guro: Upang mataya ang inyong pag-unawa sa ating aralin, magkakaroon
Natutuhan (5 kayo ng maikling pagsusulit. Basahin at unawaing mabuti ang bawat
minuto) tanong. Piliin ang LETRA ng pinaka-angkop na sagot at isulat sa inyong
sagutang papel.

Paalala sa guro: Gamit ang PowerPoint, ipakita ang mga katanungan isa-
isa para sagutin ng mga mag-aaral. Pagkatapos ay iwasto ang mga sagot
gamit ang naibigay na inaasahang sagot sa bawat aytem.

1. Si Carlo ay lagging nag-iisip ng Mabuti bago gumawa ng desisyon


dahil alam niyang ang bawat kilos ay may kaugnayan sa kanyang
dignidad bilang tao. Ano ang ipinapakita ni Carlo sa kanyang mga
desisyon?
A. Pagiging makasarili
B. Pagiging pabaya
C. Pagiging responsible
D. Pagiging matatakutin
Mag-aaral 1: C. pagiging responsible

2. Si Ana ay kilala sa kanilang komunidad bilang isang tao na lagging


handing tumulong at nagmamalasakit sa kapwa.

Naniniwala siya na ang kanyang kilos ay may epekto sa kanyang


dignidad at sa iba. Anong katangian ang ipinapakita ni Ana?
A. Pagsunod sa utos
B. Pagpapakita ng pananagutan
C. Paghahanap ng pansariling kapakinabangan
D. Pagiging takot sa parusa
Mag-aaral 2: B. Pagpapakita ng pananagutan

3. Laging iniisip ni Lito na ang kanyang mga gawa ay sumasalamin sa


kanyang pagkatao at dignidad. Kaya naman, sinusuri niyang Mabuti
ang kanyang mga desisyon upang makatiyak na ito ay makakabuti
hindi lamang sa kanya kundi pati na rin sa iba. Ano ang kanyang
pinapahalagahan?
A. Pansariling kapakanan
B. Pananagutan sa sarili at sa kapwa
C. Pagiging popular
D. Pag-iwas sa problema
Mag-aaral 3: B. Pananagutan sa sarili at sa kapwa

4. Sa bawat proyektong ginagawa ni Emily sa kanilang Paaralan,

8
ISKRIP NG ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

sinisiguro niyang lahat ay may bahagi at nakakapag-ambag.


Naniniwala siya na ang bawat tao ay may natatanging kakayahan at
dapat bigyang halaga. Anong prinsipyo ang isinasabuhay ni Emily?
A. Pagiging mapagbigay
B. Pagpapakita ng kasipagan
C. Pagpapahalaga sa dignidad ng bawat isa
D. Pagsunod sa patakaran
Mag-aaral 4: C. Pagpapahalaga sa dignidad ng bawat isa

5. Si Roberto ay lagging tapat sa kanyang mga Gawain at


responsibilidad. Alam niyang ang kanyang pagiging responsible ay
nagmumula sa pagkilala sa kanyang dignidad bilang tao na nilikha
ayon sa wangis ng Diyos. Anong aspeto ng kanyang pagkatao ang
ipinapakita niya?
A. Pagiging matalino
B. Pagiging Matapat
C. Pagiging magalang
D. Pagiging responsible at may pananagutan
Mag-aaral 5: D. Pagiging responsible at may pananagutan

Mga dagdag na
Gawain para sa
paglalapat o para
sa remediation
(kung nararapat).

Mga tala

Repleksiyon

You might also like