G9-Fil-Unang Markahang Pagsusulit (Repaired)

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

DIAGNOSTIC TEST SA FILIPINO 9

Pangalan: __________________________________ Marka: _____________

Baitang at Seksyon: __________________________ Petsa: ______________

Paaralan: ____________________________________________________________

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot

Para sa bilang 1-4

Panuto: Suriin kung alin sa mga pagpipilian ang may kaugnayan sa sinalungguhitang pangyayari mula sa kuwentong Ang Ama hinggil sa kasalukuyang pangyayari sa

lipunan.

1. Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang ama. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok na nagpapatulo

ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi. Ano ang ibig ipakahulugan ng sinalunnguhitang pahayag?

A. kakulangan magulang sa pag-aaruga sa mga anak

B. kasawian ng mga bata dahil iresponsable ang ama

C. pagkalulong ng ama sa masamang bisyo

D. pang-aabusong pisikal sa mga anak

2. Kundi sa pakikialam ng ina na mabigyan ng kaniya-kaniyang parte ang lahat - kahit ito'y sansubo lang ng masarap na pagkain, sa mga pinakamatanda at

malakas na bata lamang mapupunta ang lahat, at ni katiting ay walang maiiwan sa maliliit. Ano ang ibig ipakahulugan ng sinalunnguhitang pahayag

A. hindi matatawarang kakayahan at pagmamalasakit ng isang ina

B. kakayahan ng isang ina sa paghahati ng pagkain

C. pagmamahal ng ina sa mga anak

D. pakikialam ng ina sa hapag-kainan

3. Madalas na masapok ang mukha ng kanilang ina; madalas iyong marinig ng mga bata na humihikbi sa mga gabing tulad nito, at kinabukasan ang mga

pisngi at mata niyon ay mamamaga, kaya mahihiya itong lumabas upang maglaba sa malalaking bahay na katabi nila. Ano ang ibig ipakahulugan ng

sinalunnguhitang pahayag?

A. angan sa pagmamahal ng mag-asawa


B. pagkasira ng pamilya dahil sa pang-aabuso
C. pang-aabuso sa kahinaan ng kababaihan
D. sikolohikal na epekto ng pang-aabuso
4. Dala ng kagandahang-loob, ito ay nagbigay ng sariling pakikiramay, kalakip ang munting abuloy (na minabuti nitong iabot sa asawa ng lalaki imbes sa lalaki

mismo). Nang makita niya ang dati niyang amo at marinig ang magaganda nitong sinabi bilang pakikiramay sa pagkamatay ng kaniyang anak, ang lalaki ay

napaiyak at kinailangang muling libangin. Ano ang ibig ipakahulugan ng sinalunnguhitang pahayag?

A. dumalo sa lamay ng namatayang nagdadalamhati


B. makiramay sa paghihinagpis ng pamilyang nawalan
C. pakikiisa at pakikidalamhati sa pamilyang namatayan
D. pagpapaabot ng pinansyal na tulong sa namataya
Para sa bilang 5-8

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng malalim na salitang sinalungguhitan sa bawat bilang.

5. Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng kanilang ama ng kaluwagang- palad nito. Ano ang angkop na kahulugan sa
bahagi ng pahayag na nakasalungguhit?
A. galante ang ama
B. naging mapagbigay
C. may puso sa anak
D. panahon na nakatipid
6. Mula sa kaniyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay na bata. Ano ang angkop na kahulugan sa bahagi ng pahayag na

nakasalungguhit?

A. inilantad ang puso para sa iba


B. bumuhos ang pagmamahal
C. nagpakita ng pag-aaruga
D. umapaw ang pag-ibig
7. Kung umuwi itong pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na walang pagkain, at ang mga bata’y magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay

makainis sa ama at umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha. Ano ang angkop na kahulugan sa bahagi ng pahayag

na nakasalungguhit?

A. maengganyo ang sariling manakit


B. makuha ang atensyon ng ama
C. maging dahilan ng pagsuntok
D. mapuwersa ang kamay
8. Alam nila na ang halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito’y nakabubulahaw na sisigaw, at kung hindi pa iyon
huminto, ito’y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon nang buong lakas. Ano ang angkop na kahulugan sa bahagi ng pahayag na nakasalungguhit?
A. dahilan upang makuha ang atensyon
B. nagbibigay dahilan upang mainis
C. nagpapalubha ng takot o kaba
D. sumisira sa maayos na loob
Para sa bilang 9-12

Panuto: Suriin ang pangyayari sa bawat bilang na halaw mula sa kwentong Tahanan ng Isang Sugarol. Sagutin ang bawat tanong kaugnay sa pangyayari

9. Sa kuwentong Tahanan ng Isang Sugarol, makikitang sinisigawan, minumura, at binubugbog ni Li Hua ang asawang si Lian-chiao kapag hindi niya agad
nagagawa ang mga gawain. Anong katangian ni Li Hua ang ipinapakita rito?
A. malupit
B. maramot
C. mapagmalaki
D. matigas ang loob
10. Nang marinig na kailangan niya ng pera, biglang nagtaas ng kilay si Li Hua. Lalong pumula ang mga mata niyang dati nang namumula. Ibinuka niya ang
bibig, ipinakikita ang dalawang hanay ng bungi-bungi at maiitim na ngipin. “Hindi! Hindi! Sinong may sabi sa iyong bumili ka ng masarap na pagkain kung
wala kang pera? Kung kaya mong mag-order, bakit hindi mo kayang magbayad?” Anong uri ng pang-aabuso ang makikita mula sa sinalungguhitang linya
ng tauhan?
A. emosyonal
B. ekonomikal
C. sosyolohikal
D. pisikal
11. Lumabas si Li Hua. Kinagalitan ang dalawang bata gaya ng dati. Pagkatapos ay pumasok sa kotse, binuhay ang makina at pinatakbo. Patuloy ang mady-
ong sa Hsiang Chi. Batay sa pangyayaring nabanggit na bahagi ng wakas ng kuwento, paano binigyang-pansin ni Li Hua ang sitwasyon ng asawang nasa
hospital?
A. pag-aalala sa mga anak
B. pagbabalewala at patuloy sa pagsusugal
C. pagbibigay ng oras sa kaniyang asawa at anak
D. pagkagalit sa mga anak dahil sa katigasan ng ul
12. Bakit mahalaga ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa binabasang kwento?
A. dahil makakukuha ng mga mahahalagang detalye sa teksto
B. nang sa gayon ay malaman ang bawat episodo ng mga pangyayari

C. para maunawaan at masundan ang banghay at mensahe ng binabasang teksto

D. upang madagdagan ang pangkabatiran, pandamdamin, at pangkaasalang aspeto

Para sa bilang 13-16

Panuto: Piliin ang tamang pang-ugnay na bubuo sa pangungusap at ang angkop na kasunod na pangyayari

13. _________ minamasdan ang maliit na katawan niyon at ang alanganing paraan ng pagsasampay ng mga damit sa alambre, biglang nahabag si Lian-Chiao.
_______________________________________________________.
A. Dahil; Mahina niyang sinabi, “Ah Yue, mag-ingat ka. Baka ka mahulog!”
B. Datapwatl; Pasigaw niyang sinabihan, “Yu Wen, bumaba ka riyan at baka mahulog ka!”
C. Habang; Galit na sinigawan, “Shao Yue, umalis ka riyan at mahuhulog ka!”
D. Samakatuwid; “Mahinahong nagpaalala, “Liu Wan, mag-iingat ka hah!”
14. _________ umaga’y nanguha siya ng mga punla ng palay at itinanim sa bukid, at __________________________________________________, isang da -
mong panggamot nagagamitin niyang pampaligo pagkapanganak.
A. Kaninang; kasunod niyang tinipon ang mga ta-feng-ho

B. Noong; noong hapon ay nagsibak siya ng kahoy na panggatong at namitas ng ta-feng-ho

C. Sa; pagkatapos ay nanguha siya ng mga kahoy at mga ta-feng-ho

D. Sumunod na; nang matapos na siya ay agad nanguha ng ta-feng-ho

15. _______ dumilat si Lian-Chiao, nakatayo na si Ah Yue sa isang bangkito ________________________________________. Dahil mataas ang alambre,
kailangang tumingkayad siya at tumingala.
A. Kung; at kinuha ang mga damit upang isampay
B. Noong; upang isa-isang kunin ang mga sinampay
C. Nang; at isa-isang isinampay ang mga damit sa alambre
D. Nung; nang sa ganoon ay maabot ang mga isinampay
16. Pagod na si Lian-Chiao sa walang tigil na pagtatrabaho, ________ hindi siya puwedeng magbagal ng kilos. ______________________________, hiniwa
ang mga gulay, pinakulo ang tubig, nilinis ang mga kawali.
A. at; Dali-daling inihanda ang mga lulutuin
B. ngunit; Mabilis niyang sinindihan ang apoy sa pugon
C. datapwat; Agad niyang inihanda ang mga panggatong
D. lalo; Kinuha niya ang posporo at nagsind
Para sa bilang 17-18

Panuto: Piliin kung alin sa mga pangyayari sa bawat bilang ang nagpapakita ng katotohanan, kabutihan, at kagandahan batay sa nobelang Isang Libo’t Isang Gabi.

17. Alin sa mga sumusunod na mga pangyayari mula sa nobela ang mas posibleng mangyari sa tunay buhay?
A. Ang matagumpay na plano ng babae na ipasok sa loob ng mga compartment ng cabinet ang mga lalaki.

B. Naloko rin ng babae ang hari na may pinakamataas na kapangyarihan sa kanilang lipunan.

C. Tumagal ang mga lalaki sa cabinet sa loob ng tatlong araw na walang pagkain at tubig.

D. Umibig ang babaeng mangangalakal sa lalaking mas bata sa kaniya.

18. Kung sa larangan ng pag-ibig ang pag-uusapan, alin sa mga pangyayari ang sumasalamin sa kasabihang “lahat ay gagawin sa ngalan ng pag-ibig”?

A. Nagbihis ang babae ng magandang kasuotan at pumunta sa hepe.

B. Ginamit ang kaniyang kagandahan upang mapalaya ang minamahal.

C. Ipinasok sa kabinet ang mga lalaki upang sila’y lokohin at maisahan

D. Nagpagawa ng cabinet sa isang karpintero na may gusto sa kaniya.

Para sa bilang 19-20

Panuto: Tukuyin kung alin sa mga linya mula sa teleseryeng Guns and Roses ang nagpapakita ng tunggaliang tao laban sa sarili.

19. Alin sa mga sumusunod na linya ni Reign bilang pangunahing tauhan ang nagpapakita ng tunggaliang laban sa kaniyang sarili?

A. “Ang sakit n’yo namang magsalita Nay, kaya lang naman ako naglihim kasi alam kong hindi kayo papayag.”
B. “Kaya ko to! Problema lang to!”
C. “Naku! Maraming salamat po!”
D. “Buo na ang pasya ko ‘nay!”
20. Bakit masasabing ang linyang ito ni Reign ay tunggaliang tao laban sa sarili?
“Bakit ba ganito? Huhuhuhu…. Ang sakit! Ang sakit sakit sa puso!”
A. dahil gusto na niyang sumuko sa problema
B. dahil labis ang hinaharap niyang problema
C. dahil naguguluhan si Reign sa nangyayari
D. dahil nasasaktan si Reign nang lubos
Para sa bilang 21-24

Panuto: Tukuyin ang pahiwatig mula sa tulang Ang Pagbabalik batay sa kahulugan nito.

21. Babahagya ko nang sa noo ay nahagkan, sa mata ko'y luha ang nangag-unahan, isang siya'y iwan ko sa tabi ng hagdan!... Sa gayong kalungkot na paghi -

hiwalay, nalulumbay ako't siya'y nalulumbay!

Alin sa mga salita o pahayag mula sa bahaging ito ng tula ang nagpapakita na ang labis ang pagkalungkot ng lalaki nang siya’y namamaalam?

A. sa noo ay nahagkan

B. sa mata’y luha ang nangag-unahan

C. siya'y iwan ko sa tabi ng hagdan

D. sa gayong kalungkot

22. Makaurasyon na noong aking datnin ang pinagsadya kong malayong lupain; k'wagong nasa kubo't mga ibong itim ang nagsisalubong sa aking pagdating!
Ano ang nais iparating ng sinalungguhitang pahiwatig mula sa bahaging ito ng tula?
A. gabi na nga dahil nagsilabasan ang mga ibon
B. posibleng may mangyayaring masama sa ibon
C. maraming alagang hayop ang may-ari ng bahay
D. tahimik at payapa ang lugar dahil walang nakatira
23. At ako'y nagtulin, halos lakad-takbo! Sa may dakong ami'y may'ron pang musiko, ang aming tahana'y masayang totoo at ang panauhin ay nagkakagulo!
Alin sa mga salita o pahayag mula sa bahaging ito ng tula ang nagpapakita na nagmamadali ang lalaki sa pag-uwi?

A. halos lakad-takbo

B. panauhin ay nagkakagulo

C. tahana’y masayang totoo

D. dakong ami’y may musiko

24. Araw'y namintanang mata'y nagniningning, sinimulan ko na ang dapat kong gagawin: Ako'y nag-araro, naglinang, nagtanim, nang magdi-Disyembre, tanim
sa kaingin, ay ginapas ko na't sa irog dadalhin!
Ano ang nais iparating ng sinalungguhitang bahagi ng tula?
A. pagbabagong buhay
B. gising na ang lalaki
C. namimintana siya
D. umaga na
Para sa bilang 25-26

Panuto: Kilalanin kung anong pahayag sa pagbibigay ng opinyon ang ginamit at gagamitin sa bawat pangungusap.

25. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang gumagamit ng pahayag sa pagbibigay ng opinyon?

A. Gusto kong tumulong.

B. Hindi naman sa ganun nay!

C. Hindi iyan totoo! Ang sabihin mo gusto mo kaming takasan.

D. Sa tingin ko, hindi ito ang tamang panahon para mag-away.

26. _____________________________, tatakas ka! Hindi man natuloy noon, kaya ngayon tatakas ka ulit!

Anong pahayag sa pagbibigay ng opinyon ang angkop gamitin upang mabuo ang diwa ng pangungusap sa itaas?
A. Kung ako ang iyong tatanungin

B. Kung hindi ako nagkakamali

C. Lubos kong pinaniniwalaan

D. Sa totoo lang

Para sa bilang 27-30

Panuto: Tukuyin kung anong damdamin ang nangingibabaw sa bahagi ng tula sa bawat bilang.

27. Babahagya ko nang sa noo ay nahagkan, sa mata ko'y luha ang nangag-unahan, isang siya'y iwan ko sa tabi ng hagdan! Anong damdamin ang nangin-

gibabaw sa mga taludtod?

A. pagkaawa

B. paghihirap

C. lungkot

D. saya

28. At ako'y nagtulin, halos lakad-takbo! Sa may dakong ami'y may'ron pang musiko, ang aming tahana'y masayang totoo. Anong damdamin ang

nangingibabaw sa mga taludtod?

A. pagkalungkot

B. pananabik

C. kasiyahan

D. pagkabigla

29. Ngunit, O! tadhana! Pinto nang mabuksan, ako'y napapikit sa aking namasdan! apat na kandila ang nangagbabantay sa paligid-ligid ng irog kong bangkay.

Anong damdamin ang nangingibabaw sa mga taludtod?

A. pagkagalit

B. pagkabigla

C. pagkapoot

D. tampo

30. Kumain ng konti, natulog sa lungkot, na ang puso'y tila ayaw nang tumibok; ang kawikaan ko, pusong naglalagot, tumigil kung ako'y talaga nang tulog!

Anong damdamin ang nangingibabaw sa mga taludtod?

A. dismaya

B. pananabik

C. pangungulila

D. paninibugho

Para sa bilang 31-32

Panuto: Tukuyin kung anong damdamin ang nangingibabaw sa bahagi ng tula sa bawat bilang.

31. Araw'y namintanang mata'y nagniningning, sinimulan ko na ang dapat kong gagawin: Ako'y nag-araro, naglinang, nagtanim, nang magdi-Disyembre, tanim

sa kaingin, ay ginapas ko na't sa irog dadalhin! Sa iyong pananaw, paano ipinakita ng may-akda ang pagpapahalaga niya sa kulturang Pilipino batay sa

linyang ito ng tula?

A. pagsalubong sa pasko

B. pagsasaka bilang hanapbuhay

C. pagpapahalaga sa mahal sa buhay

D. pagbubukas ng bagong araw

32. Sa iyong palagay, anong pangyayari sa kasalukuyan ang may kahalintulad sa sitwasyon ng mag-asawa sa tula?

A. hiwalayang mag-asawa dahil sa third party

B. nabilanggo ang asawa dahil sa krimen

C. pagkakaroon ng asawang OFW

D. pagkawalay ng mag-asawa dahil sa sakuna

Para sa bilang 33-34

Panuto: Piliin ang tamang kahulugan ng salitang sinalungguhitan.

33. Sobrang buhay ang mga estudyante noong prinoklama ang mga nanalo sa paligsahan. Ano ang angkop na kahulugan ng may salungguhit?

A. buong pananabik

B. paghinga gamit ang ilong

C. masigla ang pakiramdam

D. punung-puno ng kasiglahan

34. Balang araw maaaring lumuwag ang tali at kami’y makalaya mula sa pagkakaalipin. Ano ang angkop na kahulugan ng may salungguhit?

A. hindi na kontrolado

B. makatakas sa makapangyarihan

C. makawala sa mahigpit na pagkakatali

D. umalis sa kagipitan ng nasa kapangyarihan

Para sa bilang 35-36


Panuto: Tukuyin ang paraan ng pagpapahayag ng mga ideya at opinyon sa mula sa Palahaw ng Sikmura: Ang Hubad na Katotohanan ni Richard Andrei R. Dejos.

35. Ayon sa estadistika, bagaman bumaba ng anim napu’t pito na bahagdan ang kaso ng kriminilidad sa bansa, naroroon pa rin ang pangamba at takot sa
mga mamamayan. Karamihan ng mga sangkot sa krimen ay ang mga taong nabibilang sa ibaba ng linya ng kahirapan o mga taong labis na naghihirap.
Anong paraan ng pagpapahayag ng opinyon ang inilahad?
A. Paglalahad
B. Pag-iisa-isa
C. Pagsusuri
D. Pagbibigay halimbawa
36. Bakit nga ba mahirap ang isang bansa? Ang bansang Singapore ang nagpapatunay na kung may kaayusan at kapayaan ay magiging maunlad ang isang
bansa. Maunlad ang isang bansa dahil marami ang mga namumuhunan mapa-lokal man o pandaigdigan. Anong paraan ng pagpapahayag ng opinyon ang
inilahad?
A. Paglalahad
B. Pagbibigay halimbawa
C. Pagsusuri
D. Paghahambing
Para sa bilang 37-40

Panuto: Tukuyin ang pangungusap na gumagamit ng pang-ugnay sa pagpapahayag ng opinyon.

37. Alin sa mga pangungusap na nagpapahayag ng opinyon ang gumagamit ng pang-ugnay?


A. Kung ako ang tatanungin, mas nanaisin kong mag-aral habang nagtatrabaho kaysa sa mamalimos sa daan.
B. Kumbinsido akong siya ang mananalo sa paligsahan.
C. Para sa akin, dapat taasan nila ang sweldo ng mga manggagawa.
D. Sa totoo lang, hindi ako naniniwala sa kaniyang testimonya
38. Batay sa mga pangungusap sa ibaba, alin dito ang kinapapalooban ng pang-ugnay?
A. Kung hindi ako nagkakamali, siya ang nawawalang anak ni Anton.
B. Naniniwala akong makakamit ko ang aking pangarap kung magsisikap lamang ako.
C. Palagay ko, nais niya lamang niyang makuha ang tiwala ng kaniyang amo.
D. Sa tingin ko, ikaw lamang ang makatutulong sa iyong sarili.
39. Alin sa mga pangungusap na nagpapahayag ng opinyon ang gumagamit ng pang-ugnay?
A. Kumbinsido akong mananalo tayo kahit kulang tayo sa kagamitan
B. Lubos kong pinaniniwalaan ang testimony ani Dennis.
C. Pakiramdam ko kulang ang pag-eensayong ginawa ko.
D. Sa totoo lang, napapagod na ako sa paghihintay sa’yo
40. Batay sa mga pangungusap sa ibaba, alin dito ang kinapapalooban ng pang-ugnay?
A. Kumbinsido akong maiuuwi niya ang inaasam niyang tropeyo.
B. Para sa akin, kausapin mo nalang siya para magkaayos na kayo.
C. Pakiramdam ko hindi ko kayang pamunuan ang ating pangkat.
D. Sa tingin ko, mas makabubuti sa inyong mag-usap nang masinsinan
Para sa bilang 41-42

Panuto: Tukuyin ang angkop na paghuhusga batay sa karakterisasyon ng tauhan sa dulang Tiyo Simon.

41. Ina: Ayaw mong magsimba! Hindi maa...Pagagalitin mo na naman ako, e! At ano'ng gagawin mo rito sa bahay ngayong umagang ito ng pangiling-araw?
Batay sa diyalogo, anong angkop na panghuhusga ang ipinapakita?
A. Ang nanay ay agad na nagagalit kapag ayaw sumunod ng anak

B. Mahilig magsimba ang nanay kaya nais din niyang mahilig ang anak.

C. Mapilit ang nanay sa kaniyang anak kahit ayaw nito.

D. Nais ng nanay na magsimba rin ang anak sa araw ng Linggo.

42. Tiyo Simon: Maaari bang pumasok? Naulinigan kong tila may itinututol si Boy…

Boy: (Lalapit) Ayaw kong magsimba, Tiyo Simon. Maiiwan ako sa iyo rito. Hindi ako sasama kay Mama.

Batay sa diyalogo, anong angkop na panghuhusga ang ipinapakita?

A. Malapit si Boy sa kaniyang Tiyo Simon.

B. Matigas ang ulo ni Boy.

C.

D. Nais niya lamang maglaro kasama ang kaniyang Tiyo.

E. Hindi magkasundo sina Boy at ang kaniyang nanay.

Para sa bilang 43-44

Panuto: Suriin kung ang pangyayari mula sa dulang Tiyo Simon ay makatotohanan.

43. “Nasagasaan siya, nadurog ang kaniyang isang binti, namatay ang bata... namatay...nakita ko, ng dalawang mata, ako nooy naglalakad sa malapit... At ak-
ing nilapitan, ako ang unang lumapit kaya nakuha ko ang manikang ito at noo’y tangang mahigpit ng namatay na bata.”
Sa tingin mo, makatotohanan ba ang sinalungguhitang pangyayari?
A. Oo, dahil hindi na magagamit ng bata ang kaniyang manika.

B. Hindi, dahil maaaring akalain na siya’y magnanakaw


C. Oo, dahil siya mismo ang nakakita sa aksidente.

D. Hindi, dahil bawal lumapit hangga’t wala pang pulis.

44. “At aking tinandaan sa isip: kailangan ng isang tao ang pananalig, kahit ano, pananalig, nang sa anong bagay, lalong mabuti kung pananalig kay Bathala,

kung may panimbulanan siya sa mga sandali ng kalungkutan, upang may makapitan siya kung siya’y iginugupo na ng mga hinanakit sa buhay.”

Sa iyong palagay, ang sinalungguhitang pahayag ba ni Tiyo Simon ay totoo sa buhay ng isang tao?

A. Hindi, dahil tanging sa pamilya lamang maaaring magtiwala nang lubos

B. Oo, dahil makakayanan natin ang anumang pagsubok kung may mahigpit tayong paniniwala sa Diyos.

C. Hindi, dahil sarili lamang ang pwedeng pagkatiwalaan at wala ng iba

D. Oo, dahil ang pagkakaroon ng pananalig sa mga tao sa paligid ay tanda ng pagiging tunay na nilalang.

Para sa bilang 45-48

Panuto: Tukuyin kung anong ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan ang angkop na gamitin sa pangungusap.

45. _______________ ng Department of Health (DOH), _________ mapipigilan ang pagkalat ng COVID-19 kung lahat ng tao ay susunod sa mga protocol na
isinasaad ng pamahalaan. Anong ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan ang angkop na gamitin?
A. ang mga patunay; lubhang

B. batay sa pag-aaral; totoong

C. saad ng; lalong

D. naiulat ng; sobrang

46. _______________ na aking nakalap, _________ dumadami ang mga Pilipino na naghihirap dahil sa kawalan ng trabaho bunsod ng pandemiya. Anong

ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan ang angkop na gamitin?

A. ang mga patunay; lubhang

B. hango sa mga nasabi; sobrang

C. mula sa mga datos; totoong

D. saad ng balita; lalong


47. ________________ mula sa internet at silid-aklatan ay _________ na makatutulong sa pananaliksik na aking sinimulan. Anong ekspresyong

nagpapahayag ng katotohanan ang angkop na gamitin?

A. ang mga patunay na aking nakalap; tunay

B. hango sa mga nasabi; sobra

C. batay sa mga sagot; lubha

D. saad ng balita; lalo

48. __________________ ang paggamit ng mga halamang gamot at __________ nahihilom nito ang isang sugat. Anong ekspresyong nagpapahayag ng

katotohanan ang angkop na gamitin?

A. isinasaad na mahusay; maaaring

B. lumalabas na magaling; lubhang

C. napatunayang mabisa; talagang

D. talagang pinag-aralan; lalong

You might also like