Banghay Aralin Gervin Magpantay

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Holy Child Jesus College

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG


FILIPINO

DETALYADONG BANGHAY ARALIN

Inihanda ni:

GERVIN JEFF P. MAGPANTAY


BSEd-Filipino 1

Isinulit kay:

ALJON M. CASTRO
Gurong Tagapagturo(BSEd Filipino-1)
Detalyadong Banghay Aralin sa FILIPINO

I. Layunin:
Sa pagkatapos ng talakayan, ang mga mag aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy kung ano ang kahulugan ng pandiwa,
b. Nakikiisa sa mga pangkatang Gawain,
c. Nakabubuo ng pangungusap gamit ang salitang nagsasaad ng kilos o gawa.

II. Nilalaman:
A. Paksa: Pandiwa
B. Sanggunian: Alde, Amaflor, Lea Agustin, Aireen Ambat, Josenette Brana,
Florenda Cardinoza, Dolorosa Castro, Modesta Jaurigue, et al. 2014. Batang
Pinoy Ako - Ikatlong Baitang(Kagamitan ng mag aaral sa Filipino 3) 1st ed.
Tandang Sora Avenue, 22A-22B Ever Green Ve Capitol Village, Quezon City,
Philippines: Studio Graphics Corp
https://www.studocu.com/ph/document/divine-word-college-of-
san-jose/science/fil3-q3-mod5-paggamit-ng-salitang-kilos-2/24345870
C. Kagamitan: Visual, larawan
D. Pagpapahalaga: Kooperasyon

III. Pamamaraan:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Pagbati
Magandang araw mga bata! Magandang araw din po!

2. Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa Panginoon, maraming salamat po
Panalangin. sa araw na ito at nawa’y patnubayan
(Magtatawag ang guro ng isang mag- Mo po kami sa gagawin po naming
Aaral upang manguna sa panalangin) Pag aaral. Nawa’y makatulong sa
pagunlad ng aming isipan at karunu-
Ngan ang lahat ng kaalamang matu-
Tutunan sa araw na ito.
3. Pagsasaayos ng silid-aralan
Bago kayo umupo, pakipu-
Lot nga ang mga basura na inyong
nakikita at makikiayos na din ng hanay
Ng inyong mga upuan.
Pagkatapos ay maari na
kayong umupo.

4. Pagtukoy sa lumiban sa klase


Okay mga bata, pagtinawag ko
Ang inyong mga pangalan ay imbes na
“Present” ang inyong sasambitin, ay sa
halip magiisip kayo ng ngalan ng
tao,bagay, hayop o lugar at yun ang
inyong sasabihin. Halimbawa,
Monteverde, ang sasabihin ko’y puno!
Nauunawaan ba? Opo!
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

1. Pagbabalik Aral
Bago tayo lumipat sa sa ating Ang tinalakay po natin kahapon ay
Bagong aralin, tungkol saan nga ang Tungkol sa pangngalan.
tinalakay natin kahapon?

Ano nga muli ang pangngalan? Ang pangngalan ay salita o bahagi


Ng pangungusap na tumutukoy sa
Ngalan ng tao, bagay, pook, hayop
At pangyayari
Mahusay! Magbigay nga kayo ng mga Gumaca
Halimbawa ng pangngalan. aso
Bangko
Jose Rizal
Magaling mga bata. Ngayon naman
Ay dadako na tayo sa ating bagong
Aralin.

A. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Ngayon mga bata ay bago
tayo dumako sa ating aralin
ngayong araw ay tumayo
muna tayong muli at may
inihanda kaming kanta para
sa ating lahat na nais kong
awitin at gawin natin.

(iprepresent and video)

Mahusay mga bata! Bigyan ang


Inyong sarili ng limang palakpak at
Limang padyak! (papalakpak at papadyak)

2. Paglalahad
Sa inyong palagay, ang mga ginawa ba
natin ay nagsasaad
Ng kilos o galaw? Sige nga, magbigay opo
nga ng kilos na ginawa natin kanina.
tumawa
pumalakpak
pumadyak
Okay magaling mga bata. Ang mga
salitang kilos na inyong nabanggit ay
Tinatawag din nating pandiwa na kung
saan ito ang ating tatalakayin ngayong
umaga.

Magaling mga bata!


Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

3. Pagtatalakay
Bago tayo dumako sa ating
talakayan ngayong araw ay mayroon
akong Kuwento na nais kong basahin sa
Inyo. Pero bago ko basahin ito, ano
Nga ba ang mga dapat gawin kapag
May nagbabasa sa unahan? Maari niyo
bang basahin angGawain ng Guro natis Gawain ng Mag-aaral
mga panuntunan
sa pagbabasa.
Okay magaling! Handa na ba kayo? Opo Teacher

ANg pamagat ng ating kuwento ay

Ang Natatangi kong Mahika

Ako si Esang. Hinahangaan ako


ng aking mga kaibigan sa aming
barangay dahil sa aking pagiging
alisto at malinis. Inalam pa nga ng
aking mga kaibigan ang aking sikreto.
Tinanong nila ako sa mga ginagawa
Ko Upang maging malinis at alisto.
Sinabi Ko sa kanila na maaga akong
gumigising araw araw. Nagliligpit ako
kaagad at inaayos ang aking higaan.
Pagkatapos ay dumidiretsyo ako sa
banyo upang maligo. Naghuhugas ako
Ng kamay bago kumain ng almusal.
Pagkatapos ay nagsisipilyo, nagbibihis
ng malinis na damit at inaayos ko ang
aking buhok. Iyan ang natatangi kong
Mahika.

Naunawaan niyo ba ang kuwento? Opo Teacher


Ngayon mayroon akong katanungan
Para sa inyo.
Ano nga ang pamagat ng kuwentong Ang natatangi kong Mahika po.
Ating binasa?
Sino naman ang tauhan sa kuwento? Si Esang po Teacher.
Ano-ano naman ang mga ginawa ni Nagliligpit
Esang sa kuwento?Bilugan nga natin Naliligo
Isa isa ang mga salitang ito. Naghuhugas
Kumakain
Nagsisipilyo
nagbibihis

Mahusay mga bata. Ang mga ginawa


Ni Esang ay mga kilos o galaw na
tinatawag nating pandiwa.
Ano ng aba ang salitang kilos o pandiwa?

Ito ay bahagi ng pananalitang


nagsasaad ng kilos o galaw at
tinatawag din na pandiwa.

Ang pandiwa ay ginagamit din sa


pangungusap.
Halimbawa:

Si Ana ay naglalaba ng damit sa ilog.


Sa ating pangungusap, anong salita
Ang nagsasaad o tumutukoy sa isang
kilos o gawa?
Naglalaba po
Si Pedro ay naglilinis ng kanyang mga
laruan.
Sa pangalawang pangungusap, anong
pandiwa ang ating ginamit?
Naglilinis po
Kumakain ako ng gulay upang maging
malusog.
Sa huling pangungusap, anong salita ang
nagsasaad ng kilos o galaw?
Okay magaling mga bata! Bigyan ang
inyong sarili ng Very Good Clap. Kumakain po

3. Indibidwal na Gawain
Ngayon naman mga bata
Ay mayroon akong inihandang mga
larawan sa inyo. Nais kong basahin natin
at tukuyin ang mga ito at ating gamitin sa
pangungusap. Nauunawaan ba mga
Bata?
opo

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


4. Pangkatang Gawain
Ngayon ay hahatiin ko kayo sa
Tatlong grupo. Makinig Mabuti sa ibibigay
ko na panuto.

Ang bawat grupo ay magkakaron ng tig


iisang envelope na naglalaman ng
kanilang gagawin.

Para sa unang grupo, Kailangan lang


nilang salungguhitan ang ginamit na
pandiwa sa bawat pangungusap at isulat
ito sa patlang.

Ang pangalawang grupo naman ay


bibilugan ang wastong pandiwa na
pinapakita sa bawat larawan.

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Ang huling grupo naman ay bibilugan
ang mga salitang nagsasaad ng kilos at
box naman para sa mga salitang hindi
nagsasaad ng kilos.

5. Paglalahat
Ngayon naman mga bata, Ano Ang pandiwa po ay mga salitang
Nga ulit ang pandiwa? nagsasaad ng kilos o galaw po.

Magbigay nga kayo ng halimbawa ng Ang bata ay nakikinig ng Mabuti.


pandiwa at gamitin ito sa Si Nene ay naglalakad patungo sa
pangungusap. kanyang paaralan.
Okay mahusay mga bata! Ang Guro ay nagtuturo.

IV. Pagtataya
Ngayon naman ay kumuha
kayo ng papel at sagutan ito.

Panuto: Tukuyin ang salitang pandiwa


sa bawat pangungusap. Isulat ang
sagot sa patlang na nasa unahan.

______1. Dito tayo sasakay ng dyip. 1. Sasakay


______2. Si Andre ay naliligo araw- 2. Naliligo
araw. 3. Nagbabasa
______3. Sila ay nagbabasa ng 4. Naglalaro
kuwento tungkol kay Kuneho at 5. Nagtatawanan
Matsing. 6. Nagbabasa
______4. Masayang naglalaro ang 7. Pumunta
mga bata sa parke. 8. Inawit
______5. Nagtatawanan ng malakas 9. Naghugas
ang mga estudyante. 10. nakinig
______6. Nagbabasa ng dyaryo si lolo.
______7. Pumunta si Nanay sa
palengke.
______8. Inawit ng mga bata ang
Lupang Hinirang.
______9. Naghugas ng pinggan si ate
kanina.
______10. Nakinig ang mga bata sa
paliwanag ng guro.
V. Takdang Aralin
Gumawa ng pangungusap gamit ang mga kilos o galaw na ginagawa Ninyo sa
araw- araw. Isulat ito sa inyong notebook.

Inihanda ni:
GERVIN JEFF P. MAGPANTAY
BSEd-Filipino 1

Isinulit kay:
ALJON M. CASTRO
Gurong Tagapagturo(BSEd Filipino-1)

You might also like