Banghay Aralin Sa Filipino

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Masusing Banghay Aralin sa Filipino VI

I. Mga Layunin:
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
A. Naipaliliwanag kung ano ang Pandiwa
B. Ano ang mga Aspekto ng Pandiwa
C. Nagagamit sa pagbuo ng makabuluhang mga pangungusap ang iba't-
ibang Aspekto ng Pandiwa

II. Paksang Aralin: Pandiwa at mga Aspekto


III. Kagamitang Pampagtuturo
A. Sanggunian: Batayang Aklat sa Filipino VI, Landas sa Wika at Pagbasa
B. Kagamitan: Aklat, Cartolina, Pentel pen at mga Larawan
IV. Pamamaraan

Paghahanda

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

Panalangin

Magsitayo ang lahat para sa ating Panginoon, hindi po magiging madali para
panalangin. Sino sa inyo ang gustong sa amin ang mga susunod na araw kung
mamuno sa dasal? Okay, Claire. Maari wala po kayo sa aming tabi. Gabayin ninyo
bang ikaw ang magdasal ngayon. kaming lahat upang malinang ang aming
kaisipan at lubusan kang pagkatiwalaan sa
anumang darating na pagsubok. Ikaw ang
aming lakas. Sa ngalan ng inyong anak na
si Hesus, Amen.
Pagbati

Magandang umaga pangkat VI! Magandang umaga din po Binibining


Cypress!

Kumusta naman kayo sa umagang ito? Mabuti naman po, Binibini!

Masaya akong marinig iyan, klas!

Pagtala ng lumiban sa klase

Mayroon bang lumiban sa klase ngayong Wala po, Binibini!


araw na ito?

Magaling! At dahil diyan bibigyan ko kayo


ng karagdagang puntos sa ating pagsusulit
na gagawin mamaya.

Ngayon handa na ba kayo sa bagong Opo, Binibini!


paksa na ating tatalakayin?

Kung ganon , ipakita niyo sa akin na kayo'y Masusunod po, Binibini!


handa na. Ayusin ninyo ang mga upuan at
pulutin ang mga kalat sa sahig.

Paglahad sa mga tuntunin

Bago ang lahat ay nais kong ipakilala ang


aking mga alintuntunin.
Una, makinig nang mabuti habang ako ay
nagsasalita sa harapan.

Pangalawa, iwasan ang makipaglaklakan


sa katabi.

Panghuli, marunong rumespeto sa kapwa.


Maliwanag ba mga bata? Opo, Binibini!

Pagbabalik-aral

Bago tayo dumako sa paksang ating


tatalakayin ngayong araw na ito dumako
muna tayo sa nakaraan nating talakayin.
Naalala niyo pa ba kung ano ang tinalakay
natin noong nakaraang araw? Yes, Ben? Ang nakaraang tinalakay natin ay patungkol
sa Pabula.
Tama!
Ano ba ang kahulugan ng Pabula? Yes, Ang Pabula ay isang uri ng panitikan na
Dianna? ang gumaganap ay mga hayop o mga
bagay na walang buhay.

Sino pa ang may kasagutan? Yes, Ana? Matatawag din po itong kuwentong
nagbibigay aral.

Mahusay! Lahat ng sagot niyo ay tama. Ibig


sabihin ay nakinig talaga kayo sa ating
klase. Sanay ipagpatuloy niyo yan.
Pagganyak

May ipapakita ako sa inyo ng iba't-ibang uri


ng larawan. Handa na ba kayo? Opo, Binibini!

Ano ang nasa unang larawan? Yes, Glenn?

Nagwawalis po.
Tama!

Ano naman ang nasa ikalawang larawan?


Yes, JR?

Tama! Naglalaba po.


Ano naman ang nasa ikatlong larawan?
Yes, Michael?

Naglalaro po!
Tama!

Mahusay! Lahat ng sagot niyo tama.

Paglalahad ng Paksa

Mayroon akong inihandang kahon ng


kaalaman na may mga salitang kilos .
Hahatiin ko kayo sa dalawang grupo. Bawat
miyembro ng isang grupo ay bubunot ng
tig iisang salita at itatanghal ito sa harapan.
Angunang grupong makatapos ay siyang
tatanghaling panalo. Maliwanag ba? Opo, Binibini!

( At nagsimula ng kumilos ang mga bata)


Bigyan natin ng tatlong palakpak ang unang
grupo dahil sila ay naunang natapos. Klap! Klap! Klap!

Ano ang napansin ninyo sa mga


sitwasyong ginawa ninyo kanina? Yes, Binibini, ang napansin ko sa mga
Farrah? sitwasyong ginawa namin kanina ay ang
mga salitang kilos.
Mahusay Farrah!

Lahat ng katangiang ginawa ninyo kanina


ay ang mga salitang kilos.

Ang paksang tatalakayin natin ngayong


araw na ito ay tungkol sa Pandiwa at Ang
mga aspeto nito.

Tandaan natin na ang Pandiwa ay


nagsasaad ng kilos o galaw. Ang
pagbabago ng anyo ng Pandiwa ay nasa
kanyang panahon kung kailan ito naganap,
nagaganap at magaganap. Naintindihan ba
mga Bata? Opo, Binibini!

Ngayon ating alamin ang Aspeto ng


Pandiwa. Ang unang aspeto at;

Naganap/Pangnagdaanan
- Natapos na o nagawa na ang kilos.
Nagaganap/Pangkasalukuyan
- Kasalukuyang pang ginagawa ang
kilos.

Magaganap/Panghinaharap
- Gagawin pa ang kilos.

Naintindihan ba ang mga Aspeto ng


Pandiwa mga bata? Opo, Binibini!

Sino sa inyo ang makakapagbigay ng


halimbawa ng salitang kilos sa bawat
Aspeto? Yes, Miles?
Nagsasampay.
Tumpak!

Sino pa? Yes, Laarni? Lumangoy.


Tumpak!

Sino pa? Yes, Clark? Sumulat.


Tumpak!

Mahusay mga Bata! Lahat ng sagot niyo ay


tama.

Dahil naintindihan ninyo ang ating talakayin


sa araw na ito, papangkatin ko kayo sa
dalawang pangkat.
Unang Pangkat
Sumulat ng sampung salitang kilos at
itatanghal ito sa pamamagitan ng KanTula
(Kanta at Tula).

Pangalawang Pangkat
Gumawa ng Tula na may napaloob na iba't-
ibang salitang kilos at itanghal ito sa
harapan ng sabay-sabay.

Pagpapahalaga

Bakit mahalaga ang pagkilos o paggalaw?


Yes, Mia? Mahalaga ang pagkilos o paggalaw lalo na
sa ating pang araw-araw na pamumuhay.
Sa pamamagitan ng Pandiwa nakilala natin
ang mga ginagawa. Dahil ang Pandiwa ay
nagsaad ng kilos o galaw ng isang
panyayari.
Pagsasanay

Panuto: Sagutin ang tamang aspeto ng


Pandiwa na nakasalungguhit kung ito ba
ay naganap,nagaganap o magaganap.

1. Mahusay na umawit si Kuya Ramil.


2. Tumatawa ng mag-isa si Erly sa
sulok.
3. Hindi ko alam kung bakit ako
malungkot.
4. Kumakain na pala kayo?
5. Tumakbo ng matulin si Rico.

V. Takdang Aralin

Magbigay ng tig-iisang halimbawa ng


pangungusap sa bawat aspeto ng Pandiwa.

Ipinasa ni: Tanggan, Cypress P.

Ipinasa kay: Bb. Blessa Guhiling

You might also like