Filipino Sa Piling Larangan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

FILIPINO SA PILING LARANGAN

AKADEMIKONG PAGSULAT
Ang pagsulat ng akademiko ay maipapakita na minsan man na may solusyon na makikita sa paraan ng pakikipagtalastasan.
Maiaabot sa masa ang tinig na nais ipahiwatig.
 Ang akademikong pagsulat ay tumutukoy sa intelektuwal na pagsulat na nakaaangat sa antas ng kaalaman ng mga
mambabasa. Ang sulatin na ito ay isang pangangailangan para sa mga akademiko at propesyonal.

 Akademikong Pagsulat Ito ay nangangailangan ng mas mataas na antas ng kasanayan. Ito ay isang makabuluhang
pagsasalaysay na sumasailalaim sa kultura, reaksyon at opinyon base sa manunulat, gayundin ay tinatawag din na
intelektwal na pagsusulat.

Layunin nito ay ang mailahad ng maayos ang mga sulatin at ang tema upang maayos itong maipabataid o maiparating sa mga
makakakita o makababasa.

Kahulugan at Kalikasan
 Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o anumang kasangkapang magagamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita,
simbolo, at ilustrasyon ng tao, o mga tao sa layuning maipahayag ang isipan.
 Ito ay kapwa pisikal at mental na activity na ginagawa para sa isang layunin.
Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel ng anuman g kasangkapang maaaring magamit na mapagsas alinan ng mga nabuong salita,
simbolo at ilustras yon ng isang tao. ( Bernales, et al., 2001)

Ayon kina Xing at Jin (1989), ang pagsulat ay isang komprehensiv na kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan,
pagb ubuo ng kaisipan, retorika at iba pang elemento.
Ayon naman kay Keller (1985), ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.
 Ito ay isang proseso ng imbensyon.
 Isang Prosesong Panlipunan na maaaring bunga ng m ga sumusunod :
o Bilang reaksyon ng isang tao sa kanyang nabasa, nara nasan o namasdan upang maipaabot ang kanyang pa
nanaw at panuntunan sa buhay;
o b. Sa layuning makapagbigay lugod o kasiyahan lalo’t ito ay malikhaing sulatin na nagpapasigla ng imahina
syon at tumutugon sa damdamin.

 Isang pansariling pagtuklas.


 Isang proseso sa intelektwal “inquiry”.
 Isang paghuhunos ng damdaming bumubukal at nagp apahinog sa diwa’t kaisipan.
 Isang malikhaing gawaing binubuo sa papel.
 Pagbibigay ng sustansya sa mga bagay na para sa iba ay walang kahulugan.
 Isang pakikipag-usap sa kapwa
 Ayon kay White at Strunk ito ay matrabaho at mabagal na proseso dahil sa ugnayan at koneksyon ng pag-iisip.
 Pagbibigay ng sustansya sa mga bagay na para sa iba ay walang kahulugan.
 Isang pakikipag-usap sa kapwa
SOSYO- KOGNITIB NA PANANAW SA PAGSULAT
Isang paraan ng pagtingin sa proseso ng pagsulat. Sa pa-nanaw na i to, ang pagsulat ay kapwa isang mental at sos-yal
na aktibiti.

Mga Layunin sa Pagsulat


•Impormatib na pagsulat o expository writing- naghahangad na makapagbigay ng impormasyon •Mapanghiyakat na pagsulat-
naglalayon na makumbinsi ang mga mambabasa
•Malikhaing pagsulat- pagpapahayag ng mga kathang- isip, imahinasyon, ideya, damdamin o kombinasyon ng mga iyo
Elemento ng Pagsulat
1. Paksa 2. Layunin 3. Pgsasawika ng Ideya 4. Mambabasa

Proseso ng Pagsulat

(pre writing) (drafting)


bago sumulat pagsulat ng
burador

(final
documen (Revising)
t) pagrerebi
paglalath sa
ala
(editing)
pag-eedit

TEKSTONG EKSPOSITORI: Mga katangian at bahagi


Ang tekstong ito ay may layuning magpaliwanag at mglahad ng mga impormasyon at ideya.
Ayon kay Rubin (1995), sinasaklaw ng pagpapahayag na ito ang malawak na bahagi ng sinusulat at binabasa ng karaniwang tao.
Hal.Pagsulat ng liham, pagbabasa ng dyaryo
Katangian ng Tekstong Ekspositori
1. Obhetibo ang pagtalakay sa paksa
2. Sapat na mga kaalaman na ilalahad
3. Malinaw ang pagkakahanay ng mga ideya
4. Analitiko ang pagsusuri ng mga kaisipan at datos.

Uri at Katangian:
1. Pagbibigay katuturan
2. Pagiisa- isa
3. Pagsusunod- sunod
4. Paghahambing at pagkokontras
5. Sanhi at bunga

KATAWAN NG TEKSTO:
INTRODUKSYON
GITNA O NILALAMAN
WAKAS O KONGKLUSYON
LAGOM
Pinaka-mukha ng sulatin. Nagsisilbing pang- akit sa mambabasa INTRODUKSYON
Pinaka-katawan ng sulatin. Ni lalaman din nito ang pinaka-kalul uwa ng teksto. GITNA O NILALAMAN
Ito ang pang-huling bahagi ng teksto . Ito ang nagsisilbing huling impresyon na mananatili sa isipan ng mga mambabasa na
maaaring maka-impluwensya sa pagba bago ng kanyang pananaw ukol sa impormasyong natutunan. WAKAS O KONGKLUSYON

Ang Hulwaran at Organisasyon ng Tekstong Ekspositori


1. Depinisyon
2. Pagkakasuno-sunod o order
3. Paghahambing o pagkokontra
4. Problema at Solusyon
5. Sanhi at bunga
6. Pagiisa –isa o enumerasyon
 Sikwensyal
 kronolohikal - Pangyayari ayon sa tamang panahon at oras

Bionote – Maiksing tala ng personal na impormasyon ukol sa isang awtor na maaaring makita sa likuran ng pabalat ng libro, at
kadalasa’y may kasamang litrato ng awtor.

Kakayahang Diskorsal – Kakayahang pangkomunikasyon na naipapakita sa kasanayan at pagpapahayag ng idea sa loob ng isang
kontekstong pasulat, pasalita, biswal, at birtwal; hal., interbyu.

Kakayahang Istratedyik – Kakayahang pangkomunikasyon na naipapakita sa kaalaman sa angkop, wasto at mabisang istratehiya
upang magpatuloy ang komunikasyon sa kabila ng problema o aberya (hal., nalimutang salita, paksa, di-alam na impormasyon,
atbp.). Naisasagawa ito sa pammagitan ng mga cohesive device gaya ng ellipsis (…. sa pasulat na anyo), pag-uulit ng salita;
pagbibigay ng sinonim, mga salitang gaya ng kuwan, ano, ah, atbp.).

Kakayahang Linggwistik – Kakayahan at kaalamang pangkomunikasyon na naipapakita sa kasanayan sa gramatikal o istruktural


na paggamit ng wika; hal.,paggamit ng angkop at wastong pangungusap.

Kakayahang Sosyolinggwistik – Kakayahang pangkomunikasyon na naipapakita sa pamamagitan ng kaalaman sa angkop na


gamit ng wika nang naayon sa sino ang kausap, ano ang pinag- uusapan, paano, kailan, saan. Hal., ng paraan ng pakikipag-usap,
gayundin ang mga salita, pahayag, atbp. na ginagamit ng isang mag-aaral sa kanyang guro (pormal, magalang, atbp.) ay iba
kaysa sa ginagamit niya sa kabarkada (impormal, personal atbp.).

Sulating akademik – pormal na sulatin o akdang isinasagawa sa isang akademikong institusyon o unibersidad sa isang partikular
na larangang akademiko. Hal., pananaliksik sa Pisika; Report ng Pananalisik sa laboratory sa Sikolohiya, Komparatibong
Literatura, atbp.

You might also like