Ano Ang Maikling Kwento
Ano Ang Maikling Kwento
Ano Ang Maikling Kwento
Ang maikling kwento ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman ng isang maiksing salaysay
tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. Nag-iiwan ito ng isang
kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
Ayon kay Edgar Allan Poe, “ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at
salagimsim na salig sa buhay na aktuwal na naganap o maaaring maganap.”
Noong panahon ng mga Amerikano, tinawag din na “dagli” ang maikling kwento at ginagawa itong
libangan ng mga sundalo.
1. TAUHAN Likha ng mga manunulat ang kanyang mga tauhan. May pangunahing tauhan
kung kanino nakasentro ang mga pangyayari at mga pantulong na tauhan.
2. TAGPUAN/PANAHON Dinadala ng may-akda ang mambabasa sa iba't ibang lugar, sa
iba't ibang panahon kung saan at kailan nagaganap ang mga pangyayari.
3. SAGLIT NA KASIGLAHAN Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa
pagkilala sa mga pagsubok na darating sa buhay ng mga tauhan
4. SULIRANIN O TUNGGALIAN Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at
sumasalungat sa kanya. Ang tunggalian ay maaaring Tao laban sa kalikasan, Tao laban
sa sarili, Tao laban sa Tao/lipunan.
5. .KASUKDULAN Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng
bumabasa ang mangyayari sa pangunahing tauhan, kung siya'y mabibigo o
magtatagumpay sa paglutas ng suliranin.
6. KAKALASAN Ito ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito agad sa kasukdulan.
7. WAKAS Tinatawag na trahedya ang wakas kapag ang tunggalian ay humantong sa
pagkabigo ng layunin o pagkamatay ng pangunahing tauhan. Tinatawag na melodrama
kapag may malungkot na sangkap subalit nagtatapos naman nang kasiya-siya para sa
mabubuting tauhan.
Salik ng Maikling Kwento
1. Kapaunahan – ang mga panagunahing tauhan ay ang siyang pinakaugat ng
maselang pangyayaring inilahad.
2. Kaganyakan- Tinatawag ding isang saglit na kasiglahan sapagkat ito ang nagpasidhi
sa damdamin at pagnanasa ng manbabasa upang ipagpatuloy ang pagtunghay.
3. Kabanghayan- Ang pagkakasunod-sunod ng mga naaayong pangyayari na mabilis
ang kaganapan at pagkaklahad ay ayon sa istilo ng manunulat.
4. Tunggalian- Ito ay tinatawag na gusot o buhol.
5. Kasukdulan- Isang bahagi ngunit salik ding matatawag. Ito ang pinakamasidhing
bahagi dahil dito nakasalaylay ang kaalaman ng mambabasa sa sasapitin ng mga
tauhan sa bandang huli.
1. Paksang Diwa Ito ang pinakadiwa ng katha. Ito ang pang- isipang iniikiran ng maliliit
na himaymay ng katha at nabubuo ng manunulat ang kasiyahang pandamdamin at
pangkaasalan sa mambabasa.
2. Himig Ito ang maglalantad sa kulay ng kalikasang pandamdamin ng kuwento. Maaring
masaya ang kuwento o kaya’y malungkot, mapanudyo, mapagpatawa at maromansa.
3. Paningin Ito ang pananaw na pinagdaraanan ng mga pangyayari. Matutukoy ng isang
mambabasa ang iba’t ibang sangkap ng akda sa pamamagitan ng paningin. Sa
pamamagitan ng paningin, makikilala ng mambabasa ang inilalahad na lugar, panahon
at ang relasyon ngn mga tauhan.