Maikling Kwento
Maikling Kwento
Maikling Kwento
Tema- Ang tema ang pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may-akda sa isang
maikling kwento. At ang kaisipang ito ang binibigyan ng layang maikintal sa isipang ng
mga mambabasa. Maaaring maging tema ang mga sumusunod: palagay sa mga naganap
na pangyayari sa lipunan, obserbasyon ng may-akda tungkol sa pag-uugali ng tao,
paniniwala sa isang katotohanan o pilosopiyang tinatanggap ng tao sa buong daigdig sa
lahat ng panahon, o ang dahilan ng pagkakasulat ng may-akda.
2. TAGPUAN/PANAHON
Dinadala ng may-akda ang mambabasa sa iba't ibang lugar, sa iba't ibang panahon kung
saan at kailan nagaganap ang mga pangyayari.
3. SAGLIT NA KASIGLAHAN
Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok na
darating sa buhay ng mga tauhan
4. SULIRANIN O TUNGGALIAN
Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at sumasalungat sa kanya. Ang
tunggalian ay maaaring Tao laban sa kalikasan, Tao laban sa sarili, Tao laban sa
Tao/lipunan.
5.KASUKDULAN
Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng bumabasa ang
mangyayari sa pangunahing tauhan, kung siya'y mabibigo o magtatagumpay sa paglutas
ng suliranin.
6. KAKALASAN
Ito ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito agad sa kasukdulan.
7. WAKAS
Tinatawag na trahedya ang wakas kapag ang tunggalian ay humantong sa pagkabigo ng
layunin o pagkamatay ng pangunahing tauhan. Tinatawag na melodrama kapag may
malungkot na sangkap subalit nagtatapos naman nang kasiya-siya para sa mabubuting
tauhan.