Mga Tayutay

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

MGA TAYUTAY 6.

Panghihimig o Onomatopeya
Ito ang paggamit ng mga salita kung saan ang tunog o
Ang tayutay o mas kilala bilang figure of himig ay nagagawang maihatid ang kahulugan nito.
speech sa wikang Ingles ay mga salita o isang pahayag • Ang tik-tak ng relo ay tila nagsasabing ikaw ay
na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o parating na.
damdamin.
7. Pag-uyam (irony)
Ito ay sinasadyang gamitan ng mga talinghaga Isang pagpapahayag na may layuning makasakit ng
o di-karaniwang salita upang gawing mabisa, makulay damdamin o mangutya ngunit ito’y itinatago sa
at kaakit-akit ang pagpapahayag. paraang waring nagbibigay-puri.
• Sa sobrang talino ni Sandra ay wala nang
1. Pagtutulad o Simili (Simile) nakakaintindi sa pinagsasasabi niya.
Ito ang di-tiyak na paghahambing ng dalawang
magkaibang tao, bagay, o pangyayari. 8. Pagpapalit-saklaw o Senekdoke
Maaari itong gamitan ng mga salitang tulad ng, paris Ito ay pagbabanggit sa bahagi ng isang bagay o ideya
ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, at bilang pagtukoy ng kabuuan. Tinatawag din itong
magkasim-. synecdoche sa wikang Ingles.
• Si Mang Mario ay kawangis ng aming ama ng • Maaari mo nang hingiin ang kamay ni Lita sa
tahanan. kanyang mga magulang.

2. Pagwawangis o Metapora 9. Pagpapalit-tawag (metonymy)


Ito naman ang tiyak o tuwirang paghahambing ngunit Ito ang pagpapalit ng katawagan o pangalan sa bagay
hindi na kailangang gamitan ng pangatnig sa na tinutukoy. Maaaring ito’y sa pamamagitan ng
pangungusap. Nagpapahayag ito ng paghahambing na paggamit ng sagisag para sa sinasagisag, paggamit sa
nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian lalagyan para sa bagay na inilalagay, o pagbanggit ng
ng bagay na inihahambing. simula para sa wakas o wakas para sa simula.
• Siya ang ahas sa kanilang magkakaibigan. • Mas makapangyarihan ang panulat kaysa baril
o espada.
3. Pagtatao, Pagbibigay Katauhan o Personipikasyon
Ito ay ginagamit upang pagtaglayin ng mga katangiang 10. Pagtanggi (Litotes)
pantao (talino, gawi, kilos) at bigyang buhay ang mga Ito ay gumagamit ng salitang ‘hindi’ na nagbabadya ng
bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pagsalungat o hindi pagsang-ayon. Ito’y pakunwari
pananalitang nagsasaad ng kilos. lamang kung saan ang nais ng nagpapahayag ay
• Niyakap ako ng malamig na hangin. kabaligtaran ng ibig sabihin.
• Hindi ka talaga masarap magluto, napadami
4. Pagtawag, Panawagan o Apostrope tuloy ako ng kain.
Ito ay isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na
tila ito ay isang tao. Kilala ito bilang apostrophe sa 11. Paglumanay o Eupemismo
wikang Ingles. Ito ang pagpapalit ng salitang mas magandang
• araw, sumikat ka at bigyang liwanag ang aking pakinggan kaysa sa salitang masyadong matalim,
daraanan. bulgar o bastos. Ginagamitan ito ng mga piling salita
upang pagandahin ang isang di-kagandahang pahayag.
5. Pagmamalabis o Hayperbol • Ako’y tinatawag ng kalikasan.
Masidhing kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay,
pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, 12. Pagtatambis (oxymoron)
kalagayan o katayuan ang ipinapakita dito. Maaaring Ito ay ang paglalahad ng mga bagay na magkasalungat
lagpas sa katotohanan o eksaherado ang mga pahayag upang higit na mapatingkad ang bisa ng
kung iyong susuriin. pagpapahayag.
• Handa kong kunin ang buwan at mga bituin • Ang buhay ng tao ay parang gulong; minsan
mapasagot lang kita. nasa ibabaw, minsan ay nasa ilalim.

You might also like