Tayutay (Filipino)

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Paras, Angelo Masining na Pagpapahayag

BMMP-1 Bb. Josephine Manuel

FILIPINO 1 MASINING NG PAGPAPAHAYAG ( RETORIKA)

Ang TAYUTAY – isang salita o pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang
isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapahayag na gumagamit ng
talinghaga o di karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyan diin
ang kanyang saloobin. Anumang pahayag ay gumaganda kung katuwang nito’y
mga tayutay sa iba’t- ibang uri nito.

1. Pagtutulad - Ang paghahambing ng dalawang bagay sa tulong ng mga


salitang pahambing sa masining na pahayag.
Hal: Ang ugali niya ‘y katulad ng asong ulol.
Sagot. Ang kaniyang kalooban ay kasing puro at linaw ng tubig sa isang
napakalinis na sapa.

2. Pagwawangis - Ang paghahambing ng dalawang bagay o tao na di


ginagamitan ng anumang salitang pahambing, Tahasang di binabanggit ang
salitang katulad ng isang bagay o anumang inihahambing sa pinag
hahambingan.
Hal.: Tinik siya sa aking lalamunan.
Sagot. Ang kanyang presensiya ay isang y naghahatid ng paruparo sa aking
sikmura.

3. Personipikasyon - Ito ang uri ng tayutay na ang bagay na walang buhay ay


mistulang may buhay sa tulong ng pandiwa na kadalasan ay ginagamit sa tao
upang ilarawan na siya ay may anyong may buhay.
Hal: Lumalakad ang ulap sa kalawakan.
Sagot. Ang mga puno at napasayaw bigla nang marinig ang aking awit.
4. Paurintao - Uri ng tayutay na ang bagay na walang buhay ay mistulang may
buhay sa tulong ng pang- uri. Ang ginamit na pang uring pantao na ikakapit
sa bagay kaya ang bagay na nailarawan ay waring may buhay na at
gumagalaw.
Hal : Ang matalino kong bolpen ay hindi pa ako binibigo.
Sagot. Malakas ang nabili naming electric fan, kaya’t hindi na ako maiinitan.

5. Sinekdote – Uri ng tayutay na tumtukoy sa isang bahagi upang tukuyin ang


kabuuan . Maaaring bahagi ng katawan ng isang tao o bahagi ng isang bahay
na tumutukoy na ito sa kalahatan.
Hal: Sampung mga kamay ang nagtulong - tulong sa pagbuo ng proyekto.
Sagot. Dalawampung mga bibig ang sabay sabay na umaawit, at aking
ginagabayan.

6. Oksimoron - Sa uring ito ng tayutay palasak na gumagamit ng dalawang


salitang magkasalungat ang kahulugan upang ipahayag ang diwa ng
pangungusap.
Hal: Lakad- takbo siya sa paghahanap ng nawawalang anak.
Sagot. Ang aking nagawa ay isang perkpektong pagkakamali.

7. Metonomiya – Ang pagtukoy sa salita o pahayag upang katawanin ang isang


bagay o panggalan. Sa halip isang payak na salita ang tukuyin, pinapalitan ito
ng salitang matalinghaga.
Hal: Ilaw siya sa karimlan ng mga taong naguguluhan.
Sagot. Karamihan ng mga kabataan ngayon ay hindi papayag na muling
pasisiil sa kamay mga abusado sa kapangyarihan.
8. Pagtawag – Ang bagay na abstrak ,walang buhay at hindi nakikita ay
kianakusap o tinatawag na parang may buhay at nakikita. Ang pagtawag sa
salitang abstrak ay may himig na pagnanais na parang hinanakit.
Hal: Ulap iduyan mo ako.
Sagot. Libro, pakiusap tulungan mo akong tumalino.

9. Paradoks – Katumbas ito ng mga salawikain o sawikain , nagbibigay aral at


puno ng kagadnahang asal.Madalas ,nagsisilbing pampaalala sa nakakalimot
ng kagandahang asal.
Hal: Kung may isinuksok may madudukot.
Sagot. Mas matimbang pa rin ang dugo, kaysa sa tubig.

10. Pag – Uyam - Ito ay pagtukoy sa kabaligtaran ng katotohanan na may


pangungutya .Ginagawa ang pag- uyam upang di tahasang ipamukha ang
tunay na negatibong kahulugan ng pangyayari.
Hal: Ang ganda ng mga grades karamihan bagsak.

Sagot. ‘Yang batang iyan, marunong na bumiyahe magisa, kaya’t laging


naliligaw sa daan.

You might also like