Detalyadong Banghay Aralin Sa EPP IV

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Detalyadong Banghay Aralin sa EPP IV

Inihanda ni: Misael labesores Q.

I. LAYUNIN:

1. Nasasabi ang mga kagamitan at wastong paraan sa paglilinis at pag-aayos ng sarili.

2. Naipakikita ang wastong pamamaraan sa paglilinis at pag-aayos.

3. Nasusunod ang iskedyul ng paglilinis at pag-aayos ng sarili.

II. PAKSANG ARALIN:

Paksa :Mga Kagamitan sa Paglilinis at Pag-aayos ng Sarili

Sanggunian :C.G.EPP4HETextbook: Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4.

Kagamitan : Mga larawan

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

a.Panalangin.

b.Pagbati.

c.Pagbabalik- Aral

Gawain:

Magpapakita sa mga mag-aaral ng mga larawan na nagpapakita ng mga sitwasyon patungkol sa


tungkulin sa sarili. Itataas ang mga smiley face kung tama ang mga gawain at sad face naman kung ito ay
mali.

1. Paliligo araw- araw. 2. Pagkain ng junk food.

3.Pagsisipilyo ng ngipin pagkatapos kumain. 4.Hindi pagpapalit ng malinis na damit.

5. Pagkain ng balanced diet.

B. PANLINANG NA GAWAIN

A. Pagganyak

1.Magpakita ng iba’t ibang pansarili at pampamilyang kagamitan tulad ng suklay, nailcutter, sepilyo,
bimpo, tuwalya at iba pa.

2. Itanong sa mga mag-aaral kung alin sa mga ito ang kanilang ginagamit araw-araw. Itanong din kung
alin sa mga ito ang ginagamit nila ng isang beses sa isanglinggo.

B. Paglalahad
Ang kalinisan ay kagandahan. Kinalulugdan ng kanyang mga-anak, ng mga kaibigan at mga kakilala, ang
batang malinis at maayos sa katawan. Kaaya-ayang pagmasdan ang batang may malinis at malusog na
pangangatawaan.

Mahalagang panatilihin ang kalinisan ng katawan. Ang pansariling kalinisan ay dilamang nakadaragdag sa
pagiging kaakit-akit.akit.

Ito’y isang kagawiang makatutulong din upang maiwasan ang sakit. Dapat ugaliin ang maging malinis at
maayos sa sarili.

Ang mga kagamitang panglinis ay nahahati sa apat na pangkat :

Kagamitan Para saBuhok, Kagamitan Para sa Kuko , Kagamitan Para sa Bibig at Ngipin, at Kagamitan
Parasa Katawan.

C. Pangkatang Gawain

Hatiin sa apat na grupo ang mga mag-aaral. Ipadikit sa Manila Paper ang mgalarawang ginagamit sa
paglilinis at pag-aayos ng buhok, kuko, katawan, bibig at ngipin.Sa katapat ng bawat larawan idikit ang
strip na nakasaad kung saan ito ginagamit.

Unang Pangkat:

Kagamitan Para sa Buhok

kalawang Pangkat:

Kagamitan Para sa Kuko

Ikatlong Pangkat :

Kagamitan Para sa Bibig at Ngipin

Ika-apat na Pangkat:

Kagamitan Para sa Katawan.

D. Pagpapahalaga

Ang pagiging malinis ay nagpapalusog sa ating katawan. Sabi nga ng iba

“ Cleanliness is next to Godliness”

E. Paglalapat

Gawain 1:

May isang bagay na paiikutin sa loob ng klase habang inaawit ang awiting “(Sampong mga daliri). Ang
mag-aaral na huling may hawak ng salamin sapagtatapos ng awit ay kailangan isakilos sa klase ang
wastong paraan ng pagsasa-gawa ng isa sa mga sumusunod:

Paliligo, paglilinis ng ngipin,


Pag-aalaga ng buhok Pag-aalaga ng kama

Paghihilamos- Paglilinis at pag-aalaga ng mga binti at paa

Bubunot ng isa mula sa mystery box ang mag-aaral.

Gawain 2 :

Pagbibigay ng Task Card.

Isulat sa papel ang iyong mga sagot sa mga sumusunod

-Mga pansariling kagamitansa palilinis at pag-aayus ng katawan

-Mga pampamilyang kagamitan sa paglilinisng at pag-aayos ng katawan

F. Pagsasanib

1. Anu-anong magagandang kaugalian ang natutunan mo sa ating pinag-aralan?2. Paano mo ito


isasabuhay?

G. Paglalahat

1.Anu-ano ang mga kagamitan sa paglilinis at pag-aayos ng sarili?

2.Paano mo ito isasabuhay

IV. PAGTATAYA:

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang deskripsyon ng mga kagamitan sa Hanay A.

Hanay A Hanay B

1.shampoo - Inaalis ang gusot ng buhok Nagpapakintab

At nagpapadulas ng buhok

2.nailcutter -ina alis ang dumi at libag ng katawan pinapabango ang katawan

3. toothpaste -pinapatibay ang ngipin, iniiwasang mabulok ang ngipin,

Pinapabango ang bibig.

4.sabon -ginugupit ang mahaba at maruruming kuko

5.suklay –maalis ang mga nakakapit na dumi, alikabok.

Pinapabango,pinapalambot at pinapadulas ang buhok.


V.TAKDANG-ARALIN:

Gumupit ng larawan ng mga gamit sa panlinis ng katawan. Pumili ng isa lamang atsumulat ng isang
maikling komposisyon kung bakit ito ang gamit na iyong napili. Gawin ito sa isang short bond paper.

You might also like