Romeo at Juliet Filipino 10
Romeo at Juliet Filipino 10
Romeo at Juliet Filipino 10
Nasawi ang puso ni Romeo sa pagmamahal niya kay Rosaline dahil hindi nasuklian ang
kaniyang pagsinta na inalay sa dalaga. Saad ni Benvolio ay kalimutan na lamang siya at sabi ni
Romeo ay mamahalin niya ang pinakamagandang dilag sa buong mundo.
Romeo: Ano ba itong lungkot na aking nadarama? Bakit ganito? Sana dumating na yung araw
na makikita ko na ang aking minamahal at makakasama ko siya habang buhay.
Sa kabilang dako naman, si Juliet ay naguguluhan dahil siya ay ipapakasal kay Paris.
Juliet: Ano ba ito! ako’y ikakasal ngunit hindi ko ito pinapangarap. Sino si Paris? Maiibig ko
kaya ang Ginoo?
Sila ay maghihintay pa ng dalawang taon bago ang kanilang kasal dahil wala pa sa edad na
labing apat si Juliet. Inimbitahan niya rin sa isang ‘masquerade party’ ang lalaki.
PANGALAWANG TAGPO
Nagsimula na ang kasiyahan sa bulwagan at naroon si Juliet na nakikipagsayawan. Darating si
romeo at makikita niya si Juliet.
Romeo: Oh kay ganda ng binibini at ako'y nabighani. Ako ay may nararamdaman ngunit hindi
maipaliwanag. Puso ko na ba'y mayroon ng minamahal?
IKATLONG TAGPO
Juliet: Romeo, huwag mong isipin ang ating pangalan, sapagkat ikaw ang aking minamahal.
Romeo: Kung gayo'y simula ngayon hindi na ako ang Romeo ng mga montague, sapagkat ang
pangalan ko na ay santang mahal.
Juliet: Nga pala, paano ka naparito? At saan kaba dumaan sapagkat mahaba ang mga pader
dito?
Romeo: Nilundag ko ang mga pader sapagkat ako ay nagkaroon ng pakpak ng pagmamahal.
Juliet: Kapag nalaman nila na nandito ka ika'y papatayin nila!
Romeo: Tamisan mo lang ang titig, ay ligtas na ako sa galit
Juliet: Sino ang nagturo sa lugar na ito sa iyo?
Romeo: Ang pag-ibig natin ang nagturo sa akin papunta sa iyong puso.
Juliet: Nais kung ipaalam sa iyo na hindi ako madaling mahuli.
Romeo: Alam ko pero sinusumpa ko sa buong mundo na malimit lamang akong magmahal ng
totoo ngunit ito ay buo.
Juliet: Paalam na aking mahal!
Romeo: liwanan mo ba akong ‘di nasisiyahan?
Juliet: Anong kasiyahan ang nais mong makamtan?
Romeo: Tayo ay maghabilin ng tapat na sumpang pag-ibig.
Juliet: Tatlong salita ang tandaan mo "paalam ng tunay"
Romeo: (nagtatampo) Mabuhay nawa ang kaluluwa ko!
Juliet: (nagtatampo) Adios, matamis na lungkot ng paghihiwalay! Hindi ako titigil sa
pamamaalam hanggang sa kinabukasan.
Padre: Pagpalain ng langit itong banal na Gawain upang pagkatapos ang pagsisisi'y huwag
nating kamtin.
Romeo: Amen, ngunit padre ano mang lungkot ang darating hindi pa din ito madadaig sa
kagalakan na aking matatamo ng siya'y aking masilayan at balang araw na magiging akin.
Padre: Tandaan mo Romeo, may mga bagay na hindi ka dapat magpadalosdalos at mahirap
itong intindihin sapagkat hindi mo pa ito naranasan. Ang marahas na ligaya ay may marahas
din na hangganan.
Juliet: Ganon din ako sa kanya. Ang pasasalamat niya ay magiging kalabisan.
Padre: Tapusin na natin ito kaagad sapagkat di kayo nararapat pabayaang nagiisa.
IKALIMANG TAGPO
Pagkatapos no’ng araw ng kasalan, kasama ni Romeo si Mercutio at Benvolio. Dumaan si
Tybalt at nakita si Romeo kaya siya bumalik.
Tybalt: Ikaw na naman buhong Romeo ngayon na nagkita tayong muli ay papatayin na kita!!!
Romeo: Wala akong masamang intensiyon. Dapat tayo’y magkakaunawaan at ayaw ko ng
away.
Tybalt: Kahit kailan ay hindi tayo magkakaunawaan, lumaban ka.
Mercutio: Aba! Kung ayaw lumaban ni Romeo ako ang lalaban sa iyo.
Romeo: Oh aking Juliet, tayo ay hindi muna magkikita at ako’y aalis muna. Pero pangako ko
sayo ako’y babalik.
Juliet: Hanggang kailan ka magtatagal doon, hindi ako mabubuhay ng wala ka.
Romeo: Napakahirap pero dapat natin itong gawin, lagi mong tatandaan na ikaw lamang ang
aking minamahal.
Juliet: Oh Romeo!
(Nagyayakapan)
............
Lord Capulet: Anak, nararamdaman ko ang iyong labis na kalungkutan dahil sa pagkamatay
ng iyong pinsan. Upang ika'y aming mapaligaya at makakalimutan mo ang nakababagot na
mga pangyayari ay ika'y aming ipapakasal.
Lady Capulet: Pero matutunan mo naman siyang mahalin. Sana naman anak maiintindihan
mo.
IKA-PITONG TAGPO
Kinabukasan, pumunta si Juliet sa simbahan para maikumpisal niya ang mga pangyayari sa
Padre
Padre: Juliet, batid ko ang iyong paghihinagpis sapagkat kailan ko itong gawin na ipakasal ka
kay Paris sa darating na huwebes.
Juliet: Padre, gusto ko pong malaman kung dapat nyo po ba akong tulungan na itigil ang
kasalang ito.
Padre: Pumayag ka sa gusto nila, ngunit bukas ng gabi ay mahiga ka at inumin mo itong
garapang ito.
Tiningnan ni Juliet ang garapang pinakita ng Padre at nagtaka kung para saan ito.
Padre: Ikaw ay aantukin at makakatulog na walang tibok ng pulso. Mamalagi kang ganyan sa
loob ng apatnapu't dalawang oras.
IKAWALONG TAGPO
Nars: Binibining Juliet, ika'y nakabihis na ng magara ngunit bakit ka nakahiga pa rin?
(hinawakan) Binibini? Tulong! Tulong! Ang binibini'y wala ng buhay.
Mr. Capulet: Ano ang nangyari dito? Bakit ganyan ang sigaw mo?
Nars: Si Binibini Juliet po, wala na. hindi ko alam kung paano nangyari.
Mrs. Capulet: (Naiiyak) Hindi maaaring ganito ang katapusan ng aming anak. Ano'ng
nangyari?
Nars: Isang aksidente po. Hindi ko rin alam kung paano nangyari. Nang dumating ako, siya ay
natagpuang nakahiga na. Wala na siyang buhay.
Mr. Capulet: (Galit) Bakit hindi mo ito napigilan? Ano'ng klase kang nars?
Nars: (Naiiyak) Nagsusumamo ako sa inyo, hindi ko po ito ginusto. Wala akong magawa.
Mr. Capulet: (nakatitig kay Juliet) Juliet, anak, bakit ganyan? Ano ang nangyari sa'yo?
IKA-SIYAM NA TAGPO
Si Romeo ay nasa Mantua. Ibinalita ng kaniyang tagapaglingkod na si Baltazar ang isang
masamang balita.
Romeo: Sulat ito galing sa Verona? Wala ka bang dalang sulat buhat sa padre? Kamusta ang
aking ina't ama? At kamusta naman ang aking minamahal?
Baltazar: Mabuti naman ang iyong mga magulang ngunit patay na si Juliet nakita ko
siyang inilibing sa tumba ni Capel.
Romeo: ANO!! Teka, ako'y aalis ngayon din. Wala bang sulat na pinapadala ang padre?
Romeo: Ano ang dapat kong gawin? Teka, pupunta muna ako ng butikaryo.
Romeo: Bigyan mo ako ng lason na agad na nakamamatay, heto ang apatnapung dukado.
Butikaryo: Mayroon akong lason ngunit parusa ng batas sa mantua'y kamatayan sa magbili na
pangahas.
Romeo: Ang mundo't batas ay hindi mo kaibigan, tanggapin mo iyan at huwag mamalagi sa
hirap.
Butikaryo: Ito'y ilahok mo sa kahit anong tunaw at inumin. Pagkatapos ay bigla kang
mamamatay.
IKASAMPUNG TAGPO
Inutusan ni Padre Laurence si Juan upang ibigay ang liham kay Romeo na naglalaman ng
kanilang balak. Bumalik si Juan at kinausap ang padre sa loob ng simbahan. Nalaman ni Padre
Laurence ang sinapit ni Romeo.
Juan: Kapatid ko, hindi ko nadala ang sulat para kay Romeo sapagkat hindi kami pinalabas.
Kaya't ang bilis ng pagtungo ko sa mantua'y napigil agad.
IKALABING-ISA NA TAGPO
Romeo: Asawa ko! Bakit sa iyo mangyayari ang masamang kapalarang ito. Kung Gayon ako ay
pupunta sa iyong piling at tayo ay magsasama habang buhay.
Nagising si Juliet pagkatapos ng ilang oras, at nakita niya ang bangkay ni Romeo sa kanyang
harapan.
Juliet: Ano ito? Lason?! Ang mahal ko, ako ay iyong patawarin sapagkat hindi ako patay ngunit
hindi akong handang mamatay para sa iyo.
Sa pagbisita nila sa sa libingan ni Juliet, ay nakita nila na hindi na ito nag-iisa, magkayakap
silang dalawa kahit patay na.
Prinsipe: Ano naman ang mga pangyayaring ito? Alam mo ba ito padre?
Padre: Sa katunayan alam ko lahat, sila’y nag-iibigan at nagpakasal ng palihim sa akin. Ako
ang nagbigay ng lason na pampatulog kay Juliet, nang sa ganun ay makuha siya ni Romeo at
sila na ay magkakasama. Ngunit hindi ko inaasahan na hahantong sa ganito ang pangyayari.
Babae: ito ang naging epekto ng inyong pag-aaway! Pero kung iintindihin ninyo ang buong
pangyayari, ay kasing lalim pa ng karagatan ang kanilang pagmamahalan.
Mula noon, ang dalawang angkan ay nagkakamabutihan na, naging matiwasay ang kanilang
buhay. Naitayo na rin ang istatwa ni Romeo and Juliet, sa Verona kung saan ito nagsisimbolo
ng tunay nilang pagmamahalan