SA PUNTO de VISTA NG EKSTRUKTURA NG MGA TEKSTO • Ang Pagpapahayag o Diskurso- Diskurso ang tawag sa pagkakaroon ng makahulugang palitan ng mga pangungusap ang dalawa o higit pang tao.
PAGKAKAIBA NG PASULAT AT PASALITA NA
DISKURSO
(Punto de Vista/ Point of View)
PASULAT NA DISKURSO
• Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel ng anumang kasangkapang
maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao. ( Bernales, et al., 2001) • Ito ay kapwa fisikal at mental na aktiviti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin. (Bernales, et al., 2002) • Ayon kina Xing at Jin (1989), ang pagsulat ay isang komprehensiv na kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang elemento. • Ayon naman kay Keller (1985), ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito. 2 paraan ng pagpapahayag o diskurso:
•Pasalita (verbal) – oral
•Pasulat – gumagamit ng mga ortografikong simbulo gaya ng mga letra 2 uri ng pasalitang diskurso
• Privado– sa pagitan ng dalawa o ilang
tao (kumbersasyunal) • Publiko – sa harap ng maraming tao (publikong pagsasalita) PAGKAKAIBA NG PASALITA AT PASULAT NA DISKURSO
• PASALITA SIKOLOHIKAL - gawaing sosyal - dahil may awdyens at may interaksyong nagaganap; - gumagamit ng mga hudyat o paralinguistic LINGGWISTIKA
- maaring gumamit ng mga impormal at mga
pinaikling konstruksyon ng mga salita - maaring ulitin, baguhin at linawin ang nabitiwang salita ayon sa reaksyon ng tagapakinig - napagbibigyan ang mga pag-uulit ng mga pahayag -nauulit ang anumang sinabi KOGNITIBO
- ang pagsasalita ay madaling natatamo
- natutuhan sa isang prosesong natural na tila walang hirap (ego building) - ang pagsasalin ng “inner speech'(kaisipang binubuo bago ipahayag sa anyong pasalita) ay isang madaling proseso •PASULAT SIKOLOHIKAL - gawaing mag-isa - isang anyo ng pakikipagtalastasan na ginagawa nang nag- iisa; - maraming ginagawang pag-aakma ang manunulat upang maisaalang-alang ang di-nakikitang awdyens, o mambabasa; minsan siya mismo ang gumaganap na tagabasa ng sulat na ginagawa; at - walang kagyat na pidbak kaya’t hindi agad na mababago kung ano ang naisulat - kailangang panindigan kung ano ang naisulat LINGGWISTIKA
-kailangang mahusay ang paglalahad ng
kaisipan upang makatiyak na malinaw ang dating sa mambabasa.
-mas mahaba ang konstruksyon ng mga
pangungusap at may tiyak na estrukturang dapat na sundin. KOGNITIBO -natutuhan sa paaralan at kailangan ang pormal na pagtuturo at pagkatuto;
-mahirap ang pagbubuo ng isusulat na mga ideya kaysa
pagsasabi nito; at
-karamihan sa karanasan ng mga bata sa pagsulat ay hindi
maganda kaya ang gawaing ito’y ego-destructive lalo na kung ang sulatin ay sa W2 (pangalawang wika) Sosyo-Kognitibong Pananaw sa Pagsulat
• Sosyo- ito ay isang salitang tumutukoy sa lipunan ng mga
tao. Samantalang ang kognitib naman ay tumutukoy sa pag- iisip. • Ang sosyo-kognitibong pananaw sa pagsulat ay isang paraan ng pagtingin sa proseso ng pagsulat. • Ang pagsulat ay kapwa isang komunikasyong intrapersonnal at interpersonal. • Isa itong proseso ng pakikipag-usap sa sarili sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na tulad ng: 1. Ano ang aking isusulat? 2. Paano ko iyon isusulat? 3. Sino ang babasa ng aking isusulat? 4. Ano ang nais kong maging reaksyon ng babasa sa aking isusulat? • Ang pagsulat ay isang biswal na pakikipag-ugnayan.Ito ay isang gawaing personal at sosyal. • Anuman ang layunin sa pagsulat, mahalagang maunawaan na ang pagsulat ay isang multi-dimensyonal na proseso. • Dalawang dimensyon sa pagsulat: 1. Oral Dimensyon • Kapag ang isang indibidwal ay nagbabasa ng isang tekstong isinulat,masasabing nakikinig na rin siya sa iyo. • Ang pagsulat ay isang pakikipag-usap sa mga mambabasa. 2. Biswal na Dimensyon
• Angdimensyong ito ay mahigpit na nauugnay
sa mga salita o lenggwaheng ginamit ng isang awtor sa kanyang teksto na inilalahad ng mga nakalimbag na simbulo. • Sa dimensyong ito, kailangang maisaalang- alang ang mga kaugnay na tuntunin sa pagsulat upang ang mga simbulong nakalimbag na siyang pinakamidyum ng pagsulat ay maging epektib at makamit ang layunin ng manunulat. Maraming Salamat!!!!!!!
Mga Estratehiyang Pinakaginagamit Sa Pagsulat Sa Filipino NG Mga Mag-Aaral NG Batsilyer NG Sekundaryang Edukasyon Sa Pampamahalaang Pamantasan NG Kanlurang Mindanao