Niyebeng Itim

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

MASUSING BANGHAY-ARALIN

FILIPINO 9

I. KASANAYANG PAGKATUTO
Sa pagtatapos ng 60 minutong aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nauunawaan ang maikling kwento ng Tsina na pinamagatang “NIYEBENG ITIM”.
b. Nailalahad ang sariling opinyon at pagkaunawa ayon sa kwentong tinalakay.
c. Nakakalahok sa isang malaya at masiglang talakayan.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Niyebeng Itim
Maikling kwento – Tsina
ni Liu Heng

Sanggunian: Internet, Panitikang Asyano ; Modyul ng Mag-aaral sa Filipino


Pahina 133-141

Mga Kagamitan: pantulong na biswal, pisara, yeso, telebisyon, laptop

III. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG – AARAL
A. Panimulang Gawain
1. Pagdarasal
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng silid-aralan
4. Pagtatala ng liban

B. Pagganyak

Bago tayo tumungo sa paksang ating


pagtatalakayan, may inihanda akong
isang aktibidad na susukat sa inyong
mga kaalaman at kakayahan. Ang
gawaing ito ay pinamagatang
“ITUSOK MO SA AKIN, DALI!” Pipili
lamang ako ng limang (5)
representante na magsasagawa ng
gawaing ito. Bawat napili ay
kailangang hanapin at buuin ang
nawawalang parte ng aking kaibigan
kung saan nakapaloob ang paksang
ating pagtatalakayan ngayong araw.
Ang bawat parte ng kanyang katawan
ay nakasilid sa mga sakong kulay itim.

Nauunawaan niyo ba?


Opo. Nauunawaan po namin.
Kung gayon, maaari na nating
simulan. (Pagsasagawa ng gawain)

Mahusay! Palakpakan naman natin


ang mga nakilahok sa ating gawain.

Ngayon, nabuo niyo na ang aking


kaibigan, ano ang mapapansin ninyo
sa kanya?  Ang napansin ko po sa inyong
kaibigan ay maitim at mataba.
 Napansin ko po na ang inyong
kaibigan ay isang taong niyebe.

Mahusay!

Sa inyong palagay, saan kaya gawa


ang aking kaibigan?  Sa niyebe po.

Tama!

Anong uri kaya siya ng niyebe?  Siya po ay isang Niyebeng itim.


Mahusay! Sa inyong palagay, tungkol
saan ang ating pagtatalakayan
ngayong araw?  Ang pagtatalakayan po natin
ngayong araw ay tungkol sa
“Niyebeng itim”.

C. Paglalahad

Mahusay! Ang pagtatalakayan natin


ngayong araw ay tungkol sa maikling
kwento ng Tsina na pinamagatang
“NIYEBENG ITIM”. May inihanda
akong isang video presentation upang
mailahad sa inyo kung ano nga ba
ang nilalaman ng kwentong ito.

Ngunit bago ito, ano muna ang


kinakailangang gawin bago manood
ng isang video?  Tahimik na manood.
 Unawain ang kwentong
pinapanood.
Ngayon, batid kong handa na ang
lahat.
(Panonood ng mga mag-aaral)

Upang lubos ninyong maunawaan,


may ilan akong mga katanungan na
inihanda para sa inyo.

D. Pagtatalakay sa Aralin

1. Sino ang pangunahing tauhan sa


video na inyong napanood?  Si Li Huiquan po ang pangunahing
tauhan sa kwento.

Mahusay!

2. Paano ninyo ilalarawan ang


pangunahing tauhan sa video?  Si Li Huiquan ay dating bilanggo.
Base po sa aking napanood, ang
pangunahing tauhan na si Li
Huiquan ay isang masipag na tao
sapagkat nagtitinda siya ng damit
gamit ang sasakyang may tatlong
gulong.
 Mailalarawan ko ang pangunahing
tauhan bilang isang matatag na
tao.

(Pagkakaroon ng talakayan)

3. Ilarawan ang tagpuan sa kuwento?


Sa iyong palagay, anong panahon
naganap ito?
 Naganap po ito bago magpasko at
pagkatapos ng bagong taon.

(Iba’t-ibang kasagutan ng mag-aaral)

Mahusay!

(Pagkakaroon ng talakayan)

4. Ano ang tema ng kwentong inyong


napanood?  Ang tema po ng kwentong
ipinanood niyo sa amin ay ang
pagiging matatag sa lahat ng
problemang kinakaharap.
 Sa akin pong palagay, ang tema
po ng kwentong ito ay tungkol sa
pagbabagong buhay ng isang tao.

(Iba’t-ibang kasagutan ng mag-aaral)

Magaling! Ang kwentong ito nang


Tsina ang maaaring maging pundasyon,
na lahat ng tao ay maaaring magbago.
Kahit yung mga taong dating nakulong o
nalulong sa masamang bisyo ay
maaaring maging mabuti ulit. Tandaan
lamang natin na ang pagbabago ay nasa
ating mga kamay at nakadepende sa atin
kung paano gagamitin sa tama ang
buhay na ipinahiram sa atin ng
Panginoon.
 Opo. Nauunawaan po namin.
Nauunawaan ba?
5. Pansinin naman natin ang
pamagat ng kwento. Bakit kaya
siya pinamagatang “Niyebeng  Sa akin pong palagay, kaya po
itim”? siya “Niyebeng Itim” dahil ang
niyebeng kulay itim ay
sumisimbolo sa mga problema at
pagsubok na dumating sa buhay
ng pangunahing tauhan.

(Iba pang kasagutan ng mga mag-


aaral)

Mahusay! Marahil kaya kulay itim ang


mga taong niyebe dahil hinulma ng mga
problema at mga pagsubok si Li
Huiquan. Bagamat, kulay itim ang
nakikita natin, nagtatago naman sa loob
nito ang kulay puti na sumisimbolo sa
kalinisan at katatagan ng loob.

Nauunawaan ba?  Opo Ma’am.

Sino ang mga may katanungan?  Wala po.

Kung gayon,, batid kong naunawaan na


ninyo ang kwentong ating pinanood at
tinalakay. Upang masubok kung lubos
nga kayong natuto, magkakaroon ulit
tayo ng isang pangkatang gawain.

E. Paglalapat

Ang klase ay papangkatin ko sa limang


grupo. Ito ang magiging unang pangkat,
ikalawa, ikatlo, ika-apat at ikalimang
pangkat. May hinango akong kataga sa
kwento ng Niyebeng Itim.

Kailangang bigyan ng paliwanag o


palawakin ng bawat pangkat ang mga
katagang ito sa pamamagitan ng mga
nakaatang na gawain.

Handa na ba ang lahat?  Opo Ma’am.

“Tiyaga ang susi para sa isang buhay na


matatag. Kahit sa pinakamalalang
panahon, walang ibubunga ang mawalan
ng pag-asa. Mas mabuting maghintay
kaysa umayaw, dahil walang makaaalam
kung kailan kakatok ang oportunidad..
Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay
malas ka, hindi ba? “

Pangkat 1:
Gumawa ng maikling dula-dulaan.

Pangkat 2:
Lumikha ng awitin.

Pangkat 3:
Bumuo ng isang tula.

Pangkat 4 at 5:
Gumuhit at bigyang paliwanag ang
iginuhit.

Pamantayan sa Pangkatang-Gawain :

Pangkat 1 :
Mensahe ng dula-dulaan-----3
Kahusayan sa pagganap-----3
Kahandaan----------------------2
Kooperasyon--------------------2
------
10
Pangkat 2 :
Nilalaman ng awit-----------3
Kahusayan sa pag-awit-----3
Kahandaan--------------------2
Kooperasyon-----------------2
------
10
Pangkat 3 :
Masining na paglikha--------3
Kahusayan sa pagbigkas----3
Kahandaan--------------------2
Kooperasyon ---------------2
------
10
Pangkat 4 at 5:
Kaugnayan ng ginuhit------3
Nilalaman ng Slogan-------3
Kahandaan ------------------2
Kooperasyon-----------------2
------
10

Binibigyan ko lamang ng limang minuto


ang bawat pangkat upang makapagplano
ng kanilang gagawin. (Pagpaplano o brainstorming ng bawat
pangkat)

(Pagsasagawa ng presentasyon)
(Ang guro ay magbibigay ng puna at
puntos sa bawat pangkat)

Naunawaan ba ninyo nang lubos ang


kwentong ating tinalakay?  Opo.

Ngayon, may isa ulit akong katanungan


sa inyo?

F. Paglalahat

Paano nagbago ang katauhan ng


pangunahing tauhan sa kwento?  Para sa akin, nagbago ang
katauhan niya dahil tinulungan nya
ang kanyang sarili gumawa ng
mabuti.
 Hindi nya pinakinggan ang
sinasabi ng ibang tao tungkol sa
kanya.

(Iba’t-ibang kasagutan ng mga mga-


aaral)

Mahusay!

IV. EBALWASYON
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Tukuyin kung sino
ang inilalarawan ng bawat pahayag. Piliin ang sagot sa talaan sa ibaba.

Li Huiquan Liu Heng


Tiya Luo Tiyo Li Herman Li
*Luo Xiaofen

1. Siya ang may-akda ng “Niyebeng Itim”.


2. Isang matabang mama na tumulong kay Li Huiquan na makakuha ng lisensiya sa
pagtitinda.
3. Kababata ni Li Huiquan at pinag-aalalayan niya ng kanyang pagmamahal.
4. Isang dating bilanggo na nagbabagong buhay. Nakaranas siya ng mga pagsubok sa
buhay na buong tapang niyang hinarap.
5. Siya ay kapatid ng ina ni Li Huiquan. Tinulungan niya ang kanyang pamangkin na
makapagsimula ng negosyo.
Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kwentong tinalakay. Ilagay ang bilang
1-5 patlang.

_____ (6) Tinulungan ni Hepeng Li/Tiyo Li si Li Huiquan na makakuha ng permit dahil


winika niya kay Li Huiquan na ito’y kinakalinga ng pamahalaan.
_____ (7) Paparating na ang bisperas ng bagong taon nang nagpakuha ng litrato si Li
Huiquan sa Red Palace Photo Studio.
_____ (8) Si Li Huiquan ay dating bilanggo.
_____ (9) Naisipan ni Li Huiquan na magtinda na lamang ng mga damit gamit ang
kanyang sasakyang may tatlong gulong. Pagkalao’y pumunta sila sa Malacanang
upang kumuha ng permit para sa pagtitinda ngunit nakabunggo niya si Hepeng Li.
_____ (10) Nagtiyaga si Li Huiquan sa pagtitinda ng damit haggang sa naging maalwan
na ang kanyang buhay.

Susi sa Pagwawasto:
1. Liu Heng
2. Tiyo Li
3. Luo Xiafen
4. Li Hiuquan
5. Tiya Luo
6. 4
7. 1
8. 2
9. 3
10. 5

V. TAKDANG ARALIN

Gumawa ng isang sanaysay tungkol sa mga pagsubok sa inyong buhay at paano


niyo ito nalampasan. Isulat ito sa isang buong papel.
INIHANDA NINA:

MANDOCDOC, LOVELYN
Gurong Nagsasanay

AMPELOQUIO, SHANE
Miyembro

PAGSUGIRAN, JONATHAN T.
Miyembro

ROBLES, PRINCE DEX


Miyembro

VERGARA, CLESTER
Miyembro

IWINASTO NI:

MILDRED P. NUEZCA
Gurong Tagapayo

You might also like